Sunday, December 15, 2013

sa kabilang VIP room ng starlites

Guy1: Hope to see you soon =)

Guy2: Oo naman! Text-text lang tayo! Puwede ko bang makuha ang phone number mo?

Guy1: Baka umasa ako sa text messages mo niyan sa pag uwi ko =P

Nagkakilala ang dalawa sa hindi inaasahang pangyayari sa isang bar sa cubao, o mas kilala bilang videoke bar at the same time ay nagiging disco bar ng bandang alas dos ng madaling araw.

Madalas doon ang kaganapan ng mga events gaya ng birthday celebration o anumang okasyon ng mga malalaki o maliliit na grupo ng mga kalalakihan.

Doon rin nagkikita ang gusto mag chill o uminom ng alak o nagiging tambayan na rin, at lugar na kung saan ay nakakaramdam ng kapayapaan at saya ang mga taong malulungkot.

Sinasabi ng ilan iyun ang isa sa mga bar na napuntahan nila na hindi na nila gusto pang balikan pa dahil siguro sa mga naging hindi magandang karanasan nila.

At base naman sa aking karanasan, naging maganda ang huling pagpunta ko doon. Umattend ako sa isang christmas party, masaya at puno ng buhay ang VIP room kung saan naroon ang mga kapwa ko imbitado.

Kantahan, kuwentuhan, tawanan at asaran ng ibat-ibang klaseng tao na doon lamang una nagkita-kita ang ilan at naging reunion ng ilan na rin na naroon na matagal na ring magkakakilala.

At sa paglipas ng mga oras, may mga nagkakakilala, actually madalas ay hindi magkakakilala  sa pangalan.

Nahuhuli ko lang siya na nakatingin sa akin, parang nakaw na sulyap, gawa na rin na may kasama siya at mukhang bet na bet siya at sila na talaga ang magkasama sa mga oras na dumaan kaya dumidistansya ako sa mga tingin niya, syempre napapatingin na rin ako dahil nakuha niya ang atensyon ko.

At ilang sandali pa, nagkaroon ng pagkakataon na nagkatabi kami, at hindi na napigilan na magdikit ang mga mukha namin. Para kaming mga magnanakaw. Ha ha ha. Tinatayming namin na wala ang kanyang bantay para muling magdikit ang mga labi namin.

Pero sa huli, ako na ang pumigil sa aking sarili at sinabi kong mali iyun.

Hindi naman siya tumanggi, pero nararamdaman ko na gusto niya ako, base na rin sa mga text messages niya ilang oras bago kami nagkahiwalay.

Sa kabilang VIP room na yun, hindi namin inaasahan ang mga mangyayari at mga nangyayari sa aming paligid. Sa huli, ako ay nanood na lamang sa dilim at nakiramdam ng mga nangyayari sa kabilang VIP room na yun. Pero sa pinakahuli, tinanggal ko ang suot kong salamin sa mata upang maging malabo ang tingin ko sa kapaligiran. Naroon ang excitement na makakita ng mga kakaibang nangyayari, pero naroon ang takot at pag iwas kung hindi ko pipigilan ang nais din ng aking sarili sa mga oras na yun.

Epekto siguro ng alkohol sa aming katawan kaya nakadagdag ng tapang para gumawa ng mga bagay na nagbigay kasiyahan sa aming mga katawan, isipan at sarili sa mga sandaling yun.

Gusto kong makunsensya at humingi ng tawad sa taong nasaling ko ang ere dahil sa kapanabikan ko at pangangailangan ng aking katawan sa mga oras na yun, hindi ko alam ang estado nila ng taong aking naging kasalo ng panakaw sa sandaling yun, pero sana, malawak ang kanyang pang unawa na katawan din ng tao ang meron ako, may pangangailangan pero hindi ko gustong abusuhin ang kanyang pagiging mabuti sa gaya ko.

At sa pinakahuli, alam ko na hindi ako umabuso ng pagkakataon dahil tanging labi lang naman ang nakaulayaw ng labi ko ;P ;D

Monday, December 9, 2013

Pulang Parol

Dahan-dahan siyang lumapit, sa gitna ng ingay ng mga tao sa paligid at sinabayan ng ingay ng kumakanta sa videokehan, parang wala iyun epekto sa nararamdaman niya. Banaag sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan, parang pagod na pagod at gusto ng sumuko sa pinagdadaanan nito.

" Gusto ko ng magpahinga!"

Ang mahina niyang boses na yun ay umabot pa sa pandinig ng kaharap nito. Tumango naman ang kausap nito na tila naunawaan ang nararamdaman nitong pagod sa sarili.

"Pero sayang, nagsisimula palang ang cristmas party! Gusto mo bang sumali sa mga palaro?"

Ang pag-anyaya ng isang kaibigan na nag-aalala pero binabalewala at iniba ang namamagitan na lungkot sa kanilang dalawa. Umiling ang taong yun, humawak sa magkabilang balikat ng kaharap at muling nakiusap.

"Sige na! Gusto ko ng magpahinga!"

Inaya niya ito sa isang upuang naroon. Nanood ng mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.

"Sa akin ba galing yung pulang parol na yun?"

Ang turo ng taong yun sa isang parol na naroon sa mga katabi nitong parol.

"Oo, namumukod tangi nga eh! Matingkad ang kulay! Parang ikaw noong una tayong magkakilala, buhay na buhay! Puno ng sigla at saya!"

Isang buntong hininga ang sumagot sa mga pangungusap na yun.

"Gusto ko ng umidlip, maari ba akong humilig sayo?"

Ang pakiusap nito muli.

"Oo naman! Gigisingin nalang kita kapag kailangan =) Basta wag kang matutulog ha! Umidlip kalang!"

Isang ngiti ang sinagot ng taong yun. Humilig na ito sa balikat ng kaibigan, at maya-maya ay naramdaman ng kanyang kaibigan ang pananahimik na nito, indikasyon na nakatulog na nga ito. Mabilis na nag unahan ang mga luha sa mga mata hiniligan. Sa pagkakataong yun, alam niyang iyun na ang huling pagkakataon na makakatabi niya ang taong yun.

"Madaya ka talaga!"

At paulit-ulit niya yung sinambit sa katabi na nakahilig sa kanya habang pinagmamasdan ang pulang parol nito na pinalilibutan ng ibat-ibang kulay pa ng ibang parol na naroon.

(Nagkakilala ng dalawa sa isang party, at hindi naglaon ay naging matalik na magkaibigan. Hindi sila nagsisikreto sa isat-isa kaya alam ng bawat isa ang mga bagay na nangyayari sa mga buhay nila. Hanggang ang isa nga sa kanila ay dinapuan ng isang malubhang karamdaman na hindi pa alam ang lunas. Noong una ay hindi ito matanggap ng isa, tipong umiiwas sa may sakit na kaibigan, pero hindi naglaon ay mas nanaig ang kanilang tunay na pagkakaibigan. Inalagaan ang may sakit, inunawa ang depresyon nito at nararamdaman sa mga posibleng sabihin ng iba kapag nalaman ang tunay na kalagayan ng isa sa kanila. Hanggang sa huling sandali, ay magkasama ang dalawa, hindi iniwan ang isat-isa at umaasang magkikita muli sa ibang pagkakataon ng buhay.)






----------------

Saturday, November 23, 2013

kasiping ang estrangherong lalake

Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan o dahil na rin sa tawag ng damdamin kung bakit naganap ang isang oangyayari na hindi inaasahan na mangyari. Nagising na lamang ako na nasa isang malamig at magandang silid. Sa pagmulat pa ng aking mga mata upang pagmasdan pa ang nasa aking paligid, isang mukha ang sumalubong sa akong paglilibot. Nakangiti ito na tila masaya at inaasahan na ang aking pagkagulat.

Siya: Hi! Good morning!

Ako: Hi! Good morning din!

Napansin ko nga na sumisilip sa kurtina ang sinag ng araw sa labas ng bintanang yun. gusto ko sanang magtanong pero naunahan na ako ng pagkapahiya sa kanya at sa aking sarili. alam kong may naganap sa pagitan naming dalawa. Iyun ang sinasabi ng isipan ko, gusto kong kiligin at pinipigilan ang mga labi na ngumiti pero mas nanaig sa akin ang magkaroon ng pagkapahiya talaga sa nangyari.

Siya: About last night...

Bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari bago ko natagpuan ang sarili ko katabi ang lalakeng yun. Kasama ko ang aking mga kaibigan na pumunta sa isang disco bar, napasobra yata ako ng nainom at nahilo sa bawat liwanag na nagmumula sa mga light balls, naroon na muntik-muntikan akong magsuka, nakabunggo ng mga tao sa paligid ko at naupo sa isang tabi ng lumabas ako para ipahinga ang sarili. Masaya ako sa mga oras na yun, at doon ko naalala na dumaan sa harap ko ang lalakeng yun. Ngumiti at tumabi sa kinauupuan ko. Inalok ako ng dala nitong inumin pero tumanggi ako. Hindi ko na maalala ang mga pinag-usapan namin, kahit nga pangalan niya ay hindi ko maalala kung tinanong ko ba sa kanya.

Siya: Nahihiya ako sa nangyari!

Ako: Ha?

Siya: Sinamantala ko ang pagkakataon na pareho tayong nakainom kaya may nangyari sa ating dalawa! Pero, humihingi lang ako ng pasensya sa pananamantala ko ng pagkakataon, pero hindi ako nagsisisi at humihingi ng sorry sa nangyari sa ating dalawa!

Ako: Ah! Ok!

Wala na akong gustong sabihin o itanong pa. Sa totoo lang, may mga naalala ako kaya ako pigil sa sariling ipakita sa kanya na kinikilig ako habang kasama siya sa mga oras na yun. Madalas ko na siyang nakikita pala sa disco bar na yun, sa tuwing naroon ako kasama ang aking mga kaibigan para maglibang at magsaya, nagkakataon na naroon siya. Kaya naman naging pamilyar na siya sa akin, at nagkapuwang sa ouso ko kahit imposible na magkaroon ng pagkakataon na magkakilala kami. O baka madalas na naroon siya, o baka nga madalas ay may kasiping siya na iba na doon sa lugar na yun nanggaling.

Siya: Alam mo, ikaw palang ang dinala ko dito sa pad ko! Iyan ang totoo!

Gusto ko siyang paniwalaan sa sinabi niya, tanging yun nalang ang panghahawakan ko mula sa kanya, pero hindi ko rin masasabi sa sarili ko kung nagsasabi siya ng totoo. Baka iyun din ang mga linya niya sa mga dinadala niya roon.

Nang ako ay makapag ayos na sa aking sarili, nilingon ko siya bago ako lumabas. Ngumiti lamang siya sa akin. Sa isip ko, maulit man o hindi, ang mahalaga, nagkaroon ng katuparan ang kahilingan ko na magkaroon ng kaugnayan sa kanya, sa kahit sandali lang.

Saturday, November 16, 2013

usapang Cool Off at need space

Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko man lang namalayan na nagtatalo na pala kami habang nagsasagutan sa mga bagay-bagay.

Ako: Ang hirap sayo, masyado mo agad hinuhusgahan yung tao! Malay mo naman, friendly lang at natural na sweet siya sa lahat! Saka baka isipin niya, out of place siya sa grupo! Konting matured naman sa pag iisip!

Siya: Ako pa ang immature mag isip? May tiwala ako sayo, pero sa kanya, wala! Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun!

Ako: Kailangan ba alamin mo ang background bago mo man lang ituring na mabuting tao? Sana sinabi mo na sa akin n maaga palang, para pinadala ko yung resume at nbi niya!

Siya: Wala ako sa mood makipag pilosopohan sayo ha!

Ako; Hindi ako namimilosopo!

Siya: I think, i need space! We need space dahil pareho tayo na hindi ok!

Ako: Im ok! Ikaw, baka nga nagiging alien ka na kaya pati pag iisip mo, alien na!

Siya: Huwag mo nga akong simulan na mainis ulit!

Ako: Naiinis ka na sa akin?

Siya: Wala akong sinabing naiinis ako sayo! Ano ka ba!

Ako: Mag cool off nalang kaya tayo!

Siya: Hey! Ang sabi ko, we need space sa isyu, hindi sa relationship natin!

Ako: Parang yun na rin yun eh! Maglolokohan pa ba tayo!

Siya: So, nagsasawa ka na pala sa ganito?

Ako: Wala akong sinabing nagsasawa ako sa relasyon natin! Sabi ko, sa mga ganitong sitwasyon!

Siya: Hay!

Maya-maya lang ay sabay kaming napabuntong hininga. Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang magkabila kong balikat.

Siya: Tingnan mo nga ako!

Ako: Huwag na! Magpapa-cute ka na naman eh!

Siya: Lets move on!

Ako: So, break na tayo?

Siya: Anong break na tayo? Hindi iyun ang sinabi ko!

Ako: Saan tayo magmo-move on?

Siya: Tumahimik ka na nga!

Ako: Nakita mo na, ayaw mo talaga na daldalan kita!

Siya: Hey, wala akong sinabing ganun! Alam ko naman na nagger ka!

Ako: Iniinsulto mo pa ako!

Siya: Hindi kita iniinsulto!

Bigla akong napayakap sa kanya. Inamoy ko ang pabangong nanuot sa suot niya. At napabungisngis.

Siya: Nababauhan ka sa akin?

Ako: Oy ha! Wala akong sinabing ganun!

Siya: Eh bakit ka tumatawa dyan?

Ako: Wala lang!

Siya: Tell me?!

Yumakap nalang ako ng mahigpit sa kanya at naramdaman koa rin ang pagtugon niya sa "wholesome" na yakap ko sa kanya.

----------

Tuesday, November 5, 2013

ang bestman

Sabi nga nila, iba pa rin talaga ang kasal probinsya. Kaya naman gusto itong maranasan ni Bill sa araw ng kasal ng kanyang kapatid na babae. Ang makasaksi ng mga tradisyunal na kasal-probinsya. Pero  hindi niya alam kung mag eenjoy ba siya sa pananatili ng ilang araw sa kanilang probinsya sa paghahanda ng kasal ng kanyang kapatid, dahil na rin sa sitwasyon niya sa pagitan ng kanyang pamilya at sa kanya.

Bill: Hello hometown! Sana maging mabuti ka sa akin habang nandito ako sayo!

May lumapit sa bagong dating na binata. Ang may edad na babae. Nagmano siya dito at ngumiti.

Bill: Napansin ko sa paglapag palang ng eroplano, mukhang hindi na ako welcome agad =)

Nanay: Ikaw naman! Busy lang ang mga kapatid mo at ang tatay mo sa paghahanda para sa kasal ng bunso natin!

Bill: Naku, pinagtakpan nyo pa! Sa tamad ng mga yun, imposible na kumilos sila! Tutol nga sila sa pagpapakasal ng kapatid ko ng maaga!

At hindi nga nagkamali ng hinala si Bill, pagdating palang nila sa bakuran ng kanilang bahay sa probinsya na yun, nakita na niya ang tila nga senyorito niyang mga kapatid na lalake na nakaupo lamang sa balkonahe, kasama ang tatay niyang lasenggo.

Bill: Wow! Ang agang almusal! Kinakape nyo na ho ba yun alak ngayon?!

Tatay: Mabuiti naman at buhay ka pa! Sino naman ang nagpapunta sayo dito?

Bill: Imbitado ho ako sa kasal ng anak nyo na kapatid ko!

Nanay: Pagod ang anak mo! Ano ba naman na pagsalubong yan?!

Tatay: Kaya lumaking malambot yan, dahil sa ginagawa mo!

Napakagat-labi na lamang si Bill. Ang tatlo niyang kapatid na lalake, nakatanaw lamang. Tila mga takot na makisali sa usapan. Nginitan lamang ni Bill ang mga ito.

Pagpasok ni Bill sa kanyang kwarto, doon niya hindi napigilan ang sarili na hindi mapaluha dahil sa trato ng kanyang tatay. May kumatok sa pintuan at ang kanyang kuya na magpapari ang napagbuksan niya.

Bill: Manenermon ka ba na kasalanan ang maging ako? Ang maging ganito ako?

Kuya: Lumabas ako ng kumbento para dumalo sa kasal ng kapatid natin!

Katahimikan ang namagitan sa kanilang magkapatid. Nabasag lamang ito ng may marinig silang sasakyan, sabay silang napalingon sa bintanang tanaw ang labas ng bakuran nila.

Kuya: Nandyan na sila!

Bill: Sila? May kasama siya? Hindi ba sa susunod na linggo pa ang dating ng mapapangasawa niya?

Hindi na siya nagawang sagutin ng nakakatandang kapatid. Saglit niyang inayos ang sarili at sumunod na rin dito para salubungin ang kapatid na ikakasal na.

Bunso: Hello Santos family!

Ang masiglang pagsalubong ng bunso sa pamilya sa mga naroong kapamilya niya. nakita ni Bill ang masayang mukha ng mga kapatid niya at ng kanyang mga magulang sa pagsalubong sa kanilang bunso. Nakaramdam siya ng selos sa kapatid, paano, ang nanay lamang nila ang nagpakita sa kanya ng ganung emosyon ng makita siya.

Bunso: Hello my brother! Nauna ka sa akin ha! Aminin! Mas excited ka sa akin nu?!

Bill: Oo naman! Nakakahiya naman kung ako pa ang huling dumating!

Patama yun ni bill sa mga taong naroon, lalo na sa kanyang tatay. Pero balewala lamang ito sa kanyang tatay dahil niyaya na nito ang kanyang kapatid na pumasok sa loob ng bahay para mananghalian, samantalang siya, hindi man lang inalukan ng maiinom pagdating niya.

Lumipas ang tanghalian, na parang hangin lamang si Bill sa paningin ng kanyang tatay at mga kapatid. Kahit na binibida siya ng kanyang nanay, parang wala namang interesado na pag usapan pa ito. Doon niya lang napansin ang kasama ng kanyang kapatid. Parang bida sa mga koreanovela ang itsura. Pinakilala ito ng kanyang kapatid sa gitna ng kanilang pananghalian pero hindi niya ito agad napansin dahil nga parang bingi at bulag siya sa mga nangyayari sa kapaligiran.

At mas lalo pa niya itong makikilala at makakasama ng matagal dahil isang kwarto lamang ang gagamitin nila.

Bunso: Ok lang ba kuya? Huwag kang mag-alala, nawarningan ko na si Lee about sa alam mo na =)

Bill: Wow ha! Parang sinabi mong mag ingat siya sa may sakit!

Napatigil ang lahat doon sa kanyang binitawang salita. Gusto niya sanang bawiin, pero nasabi na niya.

Bill: Nagbibiro lang ako!

Tatay: Bakit hindi mo nalang ilipat si Lee doon sa kwarto ng isa mong kuya!  Mas panatag tayo na magiging kumportable siya sa pananatili dito!

Tumayo na lamang si Bill at nagpasintabi sa mga naroon sa hapag-kainan. Bumalik siya ng kwarto at doon ay tuluyan na siyang napaluha. Masakit ang mga pahiwatig na salita ng kanyang ama, pero wala siyang magawa kundi ang sumama na lamang ang loob dito.

Nagising sa mahinang pagtapik sa kanyang pisnge si Bill. At nakita niyang halos magkadikit ang mga mukha nila ng bisita ng kanyang kapatid.

Lee: Hindi ka na daw kumain ng panghimagas sabi ni tita!

Bill: Wala akong gana!

Lee: Wala kang gana o umiiwas ka sa tatay mo?

Mukhang alam na ng bisita ang sitwasyon. Kaya naman naging palagay dito si Bill na magkuwento dito ng mga nangyari mula sa pagdating niya sa bahay na yun.

Lee: Hanggat kaya mong umiwas, umiwas ka!

Pero mula sa araw na yun ay parang sa bisita naman ang hindi kayang iwasan ni Bill. Aminado siyang may crush siya dito, pero pinipigilan niya dahil ayaw niya na magkaroon na naman ng isyu na posibleng pagsimulan ng mga usapan loob ng pamilya niya.

Bunso: You like my bestman?

Bill: Ano ba namang tanong yan?

Bunso: Answer me kuya! Wala naman masama na magkagusto ka sa kapwa mo! Saka, tayo lang ang magkakampi dito! Ikaw lang naman ang ayaw ako maging kakampi kaya pakiramdam mo lagi kitang pinapatamaan sa mga sinasabi ko!

Bill: Hindi ako tanggap ng pamilya natin! Na ganito ako!

Bunso: Kuya, tanggap ka ni nanay! Ako, tanggap din kita!

Bill: Sila? Kailan nila ako matatanggap?

Doon na nagawang lumuha muli ni Bill. Napansin iyun ng kanilang ama na nakamasid lang sa kanila.

Tatay: Nakakahiya ka! Kalalake mong tao, umiiyak ka sa harap ng kapayid mo! Daig mo pa ang ikakasal sa kadramahan mo!

Bill: Hindi naman ho ako nagdadrama!

Bunso: Tay, pabayaan nalang natin si kuya!

Tatay: Pabayaan? Na ganyan? Kaya tayo pinagtatawanan ng mga tao sa buong baryo!

Huminga ng malalm si Bill. Takot siya masaktan ng pisikal ng kanyang tatay, naroon pa rin ang respeto at takot niya talaga dito na magalit sa kanya ng husto.

Bill: Mabuti pa yung sasabihin ng ibang tao, inaalala nyo!

Mabilis siyang umalis sa kinaroroonan ng kanyang ama at kapatid.

Bunso: Tay, bakit ba kayo ganyan? Wala namang ginawang masama si kuya para itrato nyo ng ganyan!

Tatay: Bakla siya!

At narinig pa yun ni Bill. Niyakap na lamang niya ang kanyang sarili. Naghahanap siya ng konting awa sa mga sasabihin ng kanyang ama, pero talagang matigas ito.

Lee: Ignore him! Alam mo, ganyan naman talaga ang mga magulang, lalo na ang tatay! Mahirap talaga sa parte nila na tanggapin agad yung sitwasyon ng pagkato ng kanilang anak na lalake o babaeng nalihis ng gusto maging lalake o babae, kabaligtaran sa ano sila!

Bill: Nakakahiya anaman sayo! Ganito pa ang mga nasasaksihan mo!

Lee: Alam mo, kung nagagawa ka nilang balewalain, bakit hindi mo subukan na ganun din ang gawin mo sa kanila! Give them time and space!

Bill: Matanggap kaya nila ako?!

Lee: Oo naman! Panahon lang ang makapagsasabi kung kailan =)

Doon talaga ako napahanga sa bestman ng kapatid ko sa kasal niya. Gwapo na matalino pa. Doon ako lalong nakaramdam ng paghanga dito. Hindi  alam ni Bill pero habang tumatagal ay masniya itong nagugustuhan sa pagdaan pa ng mga araw.

Nanay: Umiiwas ka ba sa tatay mo?

Bill: Para wala nalang gulo Nay!

Nanay: Hanggang kailan?

Bill: Hanggang malaman niya na may anak siyang bakla! Hindi naman ako nawala, binabalewala lang!

Alam ni Bill na hindi niya hawak ang desisyon ng kanyang tatay at mga kapatid na tanggapin siya, pero ganun pa man, masaya naman siya dahil may Nanay siya at isang kapatid na talagang handa siyang ipaglaban ng sagutan sa kanyang tatay. Siguro nga, tama na manatili na lamang siyang tikom ang bibig sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na magkikita ang landas nila ng kanyang tatay. Mahal naman niya ito, yun nga lang, may pader na humaharang para maiparamdam niya ito.

Sa ngayon, ang nagpapasaya sa kanya ay ang bestman ng kanyang kapatid sa nalalapit nitong kasal. Kahit papaano, nagagawa nitong bawasan ang poot at sama ng loob niya sa mga taong pumupuna ng kanyang pagkatao.

----------------

Monday, October 28, 2013

sa Halloween party

Nagkakataon  ba na may nakikilala ka sa mga lugar na hindi mo inaasahan?

Alex: Nice costume! Bagay sayo ang maging bampira =)

Fred: Salamat! Bagay din naman sayo ang suot mo! Paborito ko siyang anime character!

Ang minsang pagkakabangga ng mga siko ay maaari pang masundan ng pagkakasalubong ng mga paningin sa isat-isa.

Alex: Are you alone? May mga kasama ka ba? Nasaan sila?

Fred: Nasa tabi-tabi lang! Nag eenjoy! Ikaw? Nasaan ang mga kasama mo?

Alex: Kanina may hinihintay ako! Pero sa ngayon, mukhang malabo na yatang makarating pa!

Fred: Malungkot ang mag isa! Eh di mag isa ka niyan ngayon!

Alex: Nope! May kasama na ako ngayon!

Fred: Ha? Nasaan?

Alex: Ikaw!

May mga bagay at pangyayari talaga tayong hindi inaasahan, gaya ng may nakikilala ka sa mga simpleng bagay, nakakakuwentuhan dahil may pinagkatuwaan at may nakakausap ng hindi mo alam ang dahilan kung bakit nga ba kayo nagkalapit at nagkatabi na lamang.

Fred: Hulaan ko, malungkot ka talaga dahil nga hindi na nakarating yung inaasahan mo na makakasama mo dito sana!

Alex: Siguro malulungkot ako kung dumating siya!

Fred: Ha? Bakit naman? Parang baligtad naman!

Alex: Kasi kung nandito siya, hindi siguro kita makikilala!

Madalas tayong napapangiti ng lihim kapag may mga taong nagsasabi ng kanilang mga simpleng papuri sa atin. Pero madalas, umaasa tayo na higit pa roon ang maririnig natin mula sa kanila sa bawat pag galaw ng mga oras.

Alex: Sana, maging magkaibigan tayo!

Fred: Bakit naman hindi? Mukha ka namang mabait!

Alex: Ikaw din! Parang ang bait mo din!

Minsan, may mga kahilingan tayo sa ating isip lamang na sana ay hindi na matapos ang bawat sandali na kasama natin ang mga bagong nakilala, dahil nga tayo ay parang nahuhulog ang kalooban sa kanila.

Alex: Sana hindi lang tayo dito magkita at magkakuwentuhan! I mean, kumain sa labas! Manood ng movies?

Fred: Oo naman! Basta huwag lang horror! Matatakutin kasi ako!

May mga bagay tayo na nasasabi na hindi naman natin talaga intensyon. Lumalabas na biro ito sa iba, pero kapag nagawa mo nga silang mapatawa o mapasaya, kahit hindi mo naman talaga gusto ang nasabi mo, tatahimik ka na lang.

Alex: Salamat ha! Alam mo, sa dami ng mga narito, ikaw lang yung bukod tanging pumansin sa akin dito!

Fred: Bakit mo naman nasabi yan?

Alex: Pangit siguro ako sa paningin nila dahil sa suot ko!

Fred: Hindi naman kita nakitang pangit sa suot mo, siguro dahil mas nauna kitang nakilala kesa pinagmamasdan!

Masaya sa pakiramdam ang may bagong kaibigan. Lalo pa at uukit siya ng bagong alaala sa iyong isipan kahit matapos ang mga sandalinng una kayong nagkausap at nagkakilala.

Fred: Sandali nga pala, kukuha muna ako ng maiinom natin!

Alex: Ha? Aalis ka?

Fred: Saglit lang naman ako!

Alex: Hindi na ba kita mapipigilan?

Fred: Hihintayin mo naman ako di ba?

Alex: Kung mawala ba ako dito, hahanapin mo ba ako?

Fred: Oo naman!

Alex: Maghihintay ako!

Pero wala pa yata ilang minuto ang nagdaan, gusto mo ng balikan at lingunin ang bagong kakilala.

Alex: Fred!

At sa ating paglingon sa isang nakaraan, magigising tayo sa isang katotohanan. Isang magandang panaginip na lumipas na pero bumabalik pa sa ating mga alaala.

Ang mga lumisan na, madalas nagpapakita sa ating mga panaginip upang ipaalala na isa tayo sa mga taong nagbigay sigla sa kanila noong nabubuhay pa sila.

------------------------

Sunday, October 27, 2013

si Daddy at si Twink

Mali nga ba ang magkagusto at maramdaman mo ang pagmamahal sa isang tao na doble ang agwat ng edad sayo.

Arturo: Hindi ka ba mahihiya na ang isang ubanin at halos maubos na ang buhok sa ulo, ang kayakap at sinasabihan mo ng " i love you " ngayon?!

Jason: Bakit mo naman naitanong yan? Hindi naman ako tumingin sa edad at itsura mo ng magkakilala tayo!

Magawa mo nga kayang balewalain ang mga balita na posibleng makaapekto sa relasyon ninyong dalawa.

Jason: Alam mo, nasasaktan din naman ako sa tuwing iisipin ng ibang tao at ng mga kaibigan mo o kahit ng mga kaibigan ko na pera lang ang habol ko sayo! Sabagay, magkaiba ang estado ng buhay natin, gaya ng pagkakalayo ng mga edad natin =(

Arturo: Hindi naman natin sila pwedeng sisihin at pigilan sa mga gusto nilang isipin at sabihin sa atin! Syempre, masasaktan tayo! Alam mo, kahit sa ating dalawa, hindi mawawala yung pagdududa eh! Sana, habang tumatagal tayo, magawa natin yun lagpasan at tuluyan ng hindi maging isyu pa!

Jason: Malayo pa yatang mangyari yun, ang maunawaan nila tayo!

Arturo: Kaya nga, walang dapat bumigay dahil lakas natin ay ang isat-isa!

Sa relasyon ng bata at matanda na mahal ang isat-isa bilang magkasintahan, halos lahat ng insekyuridad ay pumapasok sa kanilang relasyon.

Arturo: Hey! Kausapin mo ako! Kailangan ko ng paliwanag! Bakit kailangan kong hindi magselos?! Bakit hindi ko kailangan maramdaman ang ganito sa tuwing nakikita kitang pinapaligiran ng iba! Na mas bata, kaedad mo at mas nakaka vibes mo!

Jason: Alam mo, hindi ko kailangan magpaliwanag ng paulit-ulit sayo para maintindihan mo at pumanatag yang kalooban mo! Alam mong mahal kita! Pinili kita!

Arturo: Pero bakit nararamdaman ko ito?!

Jason: Hindi natin pwedeng pigilan yung mararamdaman ng mga taong nasa paligid natin! Pero may magagawa tayo, ang umiwas at iwasan sila kung gugustuhin natin! Hindi pa ba sapat na ikaw ang dahilan kung bakit ko nasasabi sa kanila, na masaya ako sa kung anong meron ako ngayon at sino ang taong pinili kong makasama sa buhay ko?! Kailangan bang marinig mo pa iyun?! Huwag mo sana akong pagdudahan! Kasi, nasasaktan din ako =(

Hanggang saan nga ba ang kayang itagal ng relasyon na ang malayong agwat ng mga edad ang pinagmumulan ng mga maling pagtingin sa pagkatao sa kanila ng nasa kapaligiran nila.

Jason: Sa ating dalawa, napansin ko na ako ang matured mag isip!

Arturo: Hindi naman porket may edad ako sayo, kailangan ako na ang matured! Namimiss ko rin naman ang bine-beybi ako!

Jason: Ginawa mo pa akong care giver o yaya!

Arturo: Nagsisisi ka ba?

Jason: Akala ko lang kasi, ikaw itong matured! Ang akala ko, mas malawak yang pag iisip mo kumpara sa akin kung ibabase sa karanasan mo kesa sa anong karanasan na meron ako!

Arturo: Salamat sa adjustment!

Jason: Salamat sa pagtatanggol!

Arturo: Salamat sa pagmamahal =)

Hindi isyu ang edad sa dalawang taong nagmamahalan, nagiging kumplikado lang ito mula sa mga ibang tao na may mga sariling opinyon na posibleng makasira talaga ng relasyon  at binabase lamang nila sa kanilang nakikita at naririnig.


-------

Tuesday, October 15, 2013

Hatid Tanaw

Isa na yata sa pinakamalungkot na sitwasyon sa dalawang taong nag iibigan ay ang magkalayo. Depende sa hinihingi ng pagkakataon kung bakit kailangan na magkalayo ang landas ng dalawang tao.

Josh: Everything is ready!

Ang nakangiting sabi ng Josh sa abala pang katipan sa pag eempake ng mga bagahe nito. Sandali itong natigilan pero nagpatuloy pa rin sa ginagawang pag aayos ng mga gamit nito.

France: Why are you happy pa yata?

Josh: Nalulungkot kaya ako! Hindi lang halata kasi magaling akong magdala =))

Napapailing na nilingon muli ni France ang nakatingin ding nobyo. Ngumiti siya at nagbigay ng mahing " i love you " dito.

Josh: Asus! Aagawan mo pa yata ng titulo si Judy Ann Santos sa pagiging drama queen =))

France: Hindi mo naman ako mapipigilan na hindi malungkot nu! Ako ang aalis pero ikaw pa itong hindi masyadong apektado na iiwan kita dito sa Pinas!

Bumuntong hininga na lamang si Josh at naupo sa gilid ng kama. Tumabi siya sa nobyo at katahimikan ang namagitan sa kanila.

Josh: Matagal ko ng pinaghandaan yung ganitong bagay! Yung tutulungan ka mag ayos ng gamiit at mag empake! Yung mga maririnig kong pagpapalakas mo ng loob sa akin!

France: Bakit mo pinipigilan?!

Josh: Ang maging malungkot? Baka pag nag emote ako dito, baka tuluyan ka ng hindi makaalis =))

France: Hihintayin mo ba ako?

Josh: Kung gusto mong hintayin kita!

France: Babalikan naman kita!

Josh: May babalikan ka naman eh =))

Dumaan pa ang ilang oras, tapos na ang pag aayos at pag eempake. Nakahanda na rin patungong airport ang dalawa. Habang nasa sasakyan ay panay buntong hininga lamang ng dalawa.

France: Skype?

Josh: Alam mo naman na bihira ako mag online!

France: Magastos ang tumawag mula abroad!

Josh: Konting sakripisyo lang yun, ipagdadamot mo pa!

France: Adjustment?

Josh: Ako ang mag aadjust!

France: Salamat ha!

Josh: Saan? Sa pagtulong ko sayo sa pag eempake!?

France: Sa malawak mong pang unawa!

Josh: Natututunan naman yun! Lalo na kung talagang mahal mo yung tao! Nang minahal kita, marami akong natutunan, gaya ng ... ganito! Ang umasa! Umasa na sana walang magbabago!

At dumating na nga sa huling mga oras na magkakasama ang dalawa.

Josh: So paano? Hanggang dito nalang ako talaga!

France: Ngayon palang, namimiss na kita!

Josh: Ako din naman eh!

At sa huling pagkakataon ay nagyakap ang dalawa. Hudyat ang katahimikan at mga hikbi bilang pagpapaalam sa isat-isa.

At habang papalayo ang isa, hatid tanaw lamang ang tanging nagawa ng naiwan.




---

Sunday, October 13, 2013

HOPIA na naman ako!

Ang dami-dami kong pinaluto na pang lunch sa aking mudra, hindi para ibenta kundi para ihatid sa aking one and only ultimate love love love ;D

At sa kalagitnaan ng traffic, parang gusto ko ng lakarin ang kahabaan ng edsa, dahil nag aalala akong lumagpas sa tamang oras ng pananghalian at masayang ang pinagpagurang lutuin ng aking mudra.

Ako: Manong konduktor, ano ba naman yang driver nyo, kahit wala naman na sasakay na pasahero, hindi pa rin umaandar! Kawawa naman kaming mga pasahero na nagmamadali!

Konduktor: Eh kuya, wala ho tayong magagawa eh!

Ako: Manong naman! Baka mapanis na yung mga dala kong ulam para sa taong pagdadalhan ko nito!

At sa loob ng isat kalahating oras, nakarating din ako sa harap ng building kung saan nagtatrabaho ang aking love love love ;D

Ako: Nakakapagod naman na sakripisyo ito para magpapansin lang! Hinga ng malalim, inhale, buga ng malala! Huh!

Sa elevator palang, panay na ang pagsipat ko sa aking sarili kung nasa ayos ba, yung hindi naman ako mukhang haggard sa byahe.

Siya: Oh? You are here na? Teka, hindi naman kita pinapunta?

Ako: Surprise nga di ba? Gutom kalang siguro kaya hindi mo na maalala na nasabi kong bibisita ako!

Siya: Hey! Saan ka pupunta? ano yang mga dala mo?

Ako: Ito, ihahain ko na yung pananghalian mo! Umupo ka nalang dyan!

Siya: Nakakahiya!

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Pero binalewala ko naman agad.

Ako: Naku, wag ka nang mahiya sa akin! Mag thank you ka nalang sa effort ng Nanay ko kasi siya nagluto ng lahat ng ito!

Siya: Inabala mo pa si Tita? I mean, nakakahiya sa mga kasamahan ko! I mean, may lunch meeting na kasi akong natanguan!

Doon ako parang natigilan na talaga. Halos nailabas ko na sa lalagyan ang mga laman  nito. Pero hindi ako nagpahalata na napahiya ako doon. Nakatingin nga naman ang mga ka officemate ng mokong.

Ako: Ah ganun ba, sige! Baunin mo nalang for dinner! Makakatipid ka para sa dinner di ba? Saka ang dami nito, marami kang options, pwede rin na ito nalang yung kainin mo sa lunch meeting nyo, i-share mo sa mga ka-meeting mo! Atleast, maibibida mo na masarap magluto si Nanay di ba?

Lumapit siya sa akin. Umiwas ako sa gagawin niyang paghawak sa balikat ko.

Siya: May overtime ako mamaya! Baka mapanis lang kasi!

Ako: Oh?!? Okay! Sige, siguro dadalhin ko nalang! Ang dami ko kasing nakitang mga batang lansangan, sa kanila ko nalang ibibigay! Para hindi masayang!

Nagsimula na akong iligpit ang mga dala ko. Tahimik lamang siyang nakamasid.

Siya: Tatawagan kita mamaya!

Ako: Huwag na! Busy ka di ba? Sobrang busy! Walang time para mag appreciate ng effort ng Nanay ko! Kahit tikman man lang! Naamoy mo ba kung gaano kasarap? Wala man lang kahit kaplastikan! Kahit pambobola, wala!

Siya: Eto na naman tayo!

Ako: Lagi naman tayong ganito! Oh, baka isipin mo umiiwas ako sa paghawak mo, amoy usok kasi ako! Amoy pawis na natuyo sa init ng araw habang papunta dito! Ayaw kong maamoy yun ng mga ka-meeting mo!

Binitbit ko na ang mga dala ko. Tapos lumapit ako sa mokong na yun.

Ako: Ingat nalang sa pag uwi =))

Mabilis akong umalis sa lugar na yun. Ang ending, nakipag-meet ako sa aking matalik na kaibigan.

Friend: Akala ko ba ipapamahagi mo na yan sa mga batang lansangan? Eh ano pang ginagawa ng mga yan dito?

Ako: Tanga ba ako para gawin yun! Syempre, hindi ko gagawin yun nu! As if naman may nakita akong batang lansangan sa paligid ng building nila!

Friend: Bitter ka niyan?

Ako: Hindi ako bitter! Nasaktan ako!

Friend: Eh ganun talaga, masyado ka kasing ksp doon sa tao! Hindi naman kayo! Pero sabi nga niya, like ka niya, baka naman OA lang yung dating sayo! Sana pinaklaro mo!

Ako: Kaibigan ba talaga kita?

Friend: Oo naman! Kaya nga kita binibigyan ng advise!

Ako: OA ba talaga ako?

Friend: Ewan ko sayo! OA lang ang sinabi ko, pero hindi ko sinabing aminin mo na OA ka!

Ako: Mahal ko ang mokong eh!

Friend: Mahal mo siya! Gusto ka lang niya! Ang layo sa spelling! I-google natin yung meaning!

Biglang nag ring ang phone ko, pangalan ng mokong ang naka-register na tumatawag

Friend: Matitiis mo?

Ako: Wait lang ha!

Sinagot ko ang tawag.

Siya: Galit ka pa ba sa akin?

Ako: May meeting kayo di ba? Nakakaistorbo yung pagtawag mo sa akin!

Siya: Galit ka pa nga!

Ako: Hindi ako galit! Nagtatampo lang!

Siya: Babawi nalang ako! Nasaan na yung mga pagkain? Nabigay mo na sa mga batang kalye? Nag-thank you ba sila?

Ako: Mas worried ka pa sa sasabihin nila kung sakaling nabigay ko nga yung pagkain na sana ay para sayo!

Siya: Im sorry!

Ang tagal kong nakatulala, parang wala na akong masabi sa kanya sa mga oras na yun. Hopia na naman ako.





----------------------

Wednesday, September 18, 2013

si SuperMan at si SpiderMan sa G.E.B.



SpiderMan: Lumalakas ako sa tuwing nakikita ko ang pangalan mo sa inbox ko!

SuperMan: Sinaputan mo na talaga ang puso ko ng sobrang kilig sa bawat pambobola mo!


Nagkakilala sina spiderman at superman sa isang fb page group. Nakuha ng isat-isa ang atensyon dahil sa mga mga pagkakapareho nila at mga komento nila sa mga posts na nababasa nila sa group na yun.

Hindi nagtagal ay sumali sila sa text clan ng grupo na yun at mas lalong nagkaroon sila ng pagkakataon na mapalapit ang isat-isa sa mga pasaring na group messages at mga personal messages nila sa isat isa.

Binabase lang nila ang kanilang mga paghanga sa mga pictures ng bawat isa sa mga fb account kung saan sila ay fb friends na.

At hindi nga naglaon, may magaganap na grand eyeball sa grupong kinabibilangan nila, pagkakataon na sila ay magkita na ng personal at magkausap nang malapitan kung sakali.

Dahil hindi sila nakaka-aattend ng mini eyeball, ang pagdalo nila sa grand eyeball ay sadyang magiging mahalaga sa kanila dahil una nga silang magkikita ng personal at bahala na kung ano ang mangyayari sa kanilang pagkakaibigan pagkataon ng araw na yun.

Dumating ang araw ng grand eyeball. Na-late dumating si superman pero hindi naman nainip si spiderman na nauna ng dumating sa lugar kung saan gaganapin ang geb dahil naroon din naman ang ilang members na abala sa mga bagong kakilala at pagkanta sa videokehan.

Noong una ay walang pagkakataon na sila ay magkatabi o magkausap man lang gawa ng marami sa mga naroong memebers ang sila ay kinakausap, at bilang member dapat silang maging friendly sa lahat.

At bago matapos ang oras ng grand eyeball, sila ay nagkaroon ng pagkakataon na magkamay at magpakilala sa isat-isa. Nagkausap at nagkakuwentuhan.

Sabi nga ng mga nauna, hindi natin malalaman ang kasunod na mangyayari, at sa pagitan nina spiderman at superman, sila lamang ang makapagsasabi kung hanggang saan tutungo ang pagkakaibigan nila at paghanga sa isat-isa gayung nagkita na sila ng malapitan at personal.

Thursday, April 18, 2013

Alipin Ako!

What if, mahuli mo ang partner mo sa akto, na may ka-something something na iba? Sa place nya. Sa place mo. O sa place nyo as live in partner.

Mabilis siyang humabol sa akin palabas ng pinto. Hindi niya alintana ang hubad niyang katawan.

"Please! Mag usap tayo!", ang pakiusap niya sa akin. Pero hindi ko siya magawang tingnan. Sa galit. Sa inis. Sa pang iinsulto niya sa akin. Sa nakita ko. Sa nangyari. Sa lahat-lahat.

"Huwag kang umalis! Mag usap tayo!", ang muli niyang pakiusap.

Naupo ako sa isang silya. Parang namanhid yung buo kong katawan. Para akong nabingi. Napipi. Para akong lantang gulay sa mga sandaling iyun.

"Pagmeryendahin mo muna ang bisita mo! Baka nagutom sa ginawa nyo!", hindi ko na alam ang nasabi ko sa ilang minutong pananahimik.

"Nakaalis na siya!", ang sagot niya sa akin. Lumapit siya. Tumabi sa akin. May dalang basong tubig at gamot.
"Inumin mo ito! Para kumalma ka!", ang pag alok niya sa akin sa mga hawak niya. Gusto ko sanang tabigin, pero baka mabasag ang baso. Posible pang mabubog at may masugatan sa aming dalawa.

"Ano bang mali! May nagawa ba ako! Nagkulang ba ako!", doon ko na hindi naigilan hindi mapaluha. Yung emosyon ko, hindi ko alam kung galit, awa sa sarili o nanunumbat sa kanya.

"Ako ang may kasalanan!", ang pag ako nito sa isang bagay na ginawa nito.

"Bakit?", ang sunod kong tanong sa kanya. Blanko na ang paningin ko ng tingnan ko ang mukha niya. Nahaharangan ng mga luha sa patuloy na paglabas sa aking mga mata.

"I dont know why! Siguro dahil makati ako! Malandi! Naghahanap! Pero, hindi ibig sabihin nun na hindi ako kuntento sayo! Sa relasyon natin! Masaya ako sa ating dalawa!", ang pauna nitong paliwanag.

Natawa ako doon. Ang sarap niyang banatan, nasa akin ang pagkakataon. Pero, ayaw ko na magkasakitan kami. Sayang naman yung gwapo niyang mukha. Isa yun sa mga katangian meron siya kaya ko siya nagustuhan.

"Alam mo, hindi ko magawang magalit sayo ng pisikalan! Gusto kong paduguin yang mukha mo, pero baka masakit!", ang nasabi ko na lamang.

 Yung reaksyon ng mukha niya, hindi ko alam kung matatawa o mag aalala. Hindi dahil sa posibleng masira yung gwapo niyang mukha, kundi sa nararamdaman ko sa sandaling yun. Na nag aalangan na ipagpatuloy pa ba kung anong meron kami sa ngayon. Yung wala ng kasiguraduhan ang patutunguhan.

"Wag mo naman sana sabihin ang bagay na yun! Give me a 2nd chance!", ang pakiusap muli nito.

"Mahal na mahal kitang Mokong ka! Kahit na ginagago mo ako!", ang pasimple kong sumbat sa kanya. Napangiti siya doon.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend na ubod ng gwapo, mayaman, matalino, de kotse at gusto ng lahat agawin ka sa akin, wala nga akong laban sa iba! Sino ba naman ako para panghinayangan mo!", ang naluluha ko na namang sumbat sa kanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Hinaplos ang basa kong pisnge sa luha. Huminga siya ng malalim.

"Handa ako sa anumang galit mo, pero hindi ako kailanman naging handa kung makikipaghiwalay ka sa akin!", ang naluluha na rin nitong kumpisal sa akin.

"Sino naman nagsabi sayo na hihiwalayan kita?", ang mabilis kong tugon sa sinabi niya.

"Mahal kitang Mokong ka! Kahinaan ko ang mawala ka sa akin! Minsan mo ng ginawa, sana wag nang paulit ulit! Kasi, hindi biro yung sakit eh!", ang pag amin ko sa kanya sa nararamdaman ko.

"Alam kong galit ka! Pwede mo ako sabihan na bigyan ka ng panahon na mag isip!", ang sabi niya, pero alam ko na tutol siya doon. Sinabi niya lang yun para maniguro sa desisyon ko na huwag siyang hiwalayan.
Niyakap ko ang sarili ko.

Tama siya. Gusto ko ng panahon. Gusto ko mapag isa. Sadya nga kayang alipin ako ng sobra kong pagmamahal sa kanya?

What if, Gwapo si Dyowa?

"Naku friend! Ang daming ahas na nagkalat sa lansangan! Hindi ka ba afraid na magpatuklaw si Dyowa mo?", ang diretsang tukso sa akin ng matalik kong kaibigan.

"Gaya nga ng sabi nila, tiwala lang ang magiging sandata, pamatay ng mga ahas na yan!", ang nakangiti kong sagot.

"Naku ha! Ang daming umaaligid sa Dyowa mo! Kulang nalang, lumingkis sila sila sa Dyowa mo ng harapan sayo!", ang hirit ang panunukso nito.

"Alam ko naman yun! Pero, kasalanan ko ba na magka dyowa ng gwapo, friend?", ang nag aalala ko ng sagot dito.

"Hindi mo naman kasalanan maging maganda, friend! At magkagusto at dyowain ka ng isang gwapo! Yun nga lang, darating yung point na may mga insecurities na susulpot sayo sa pagdaan ng mga araw habang mag dyowa kayo!", ang pambawi nito sa panunukso.

"Thropy na nga lang ang magkaroon ng dyowa na gwapo, tapos may maghahabol pa sa pagkapanalo ko!", ang biro ko na lamang sa aking sarili.

"Wag ka na mag worry, friend! Ilang beses mo na bang winarla si dyowa, pero look, kayo pa rin! Meaning, mahal ka niya talaga!", ang pagpapalakas loob nito sa akin.

"Hindi ko alam! Basta, hindi ko gustong maramdaman na may pagkukulang ako sa kanya!", ang seryoso kong sabi, sa sarili ko.

"Saludo ako sayo, friend! Kasi, kahit na binubungangaan mo ang kawawa at gwapo mong dyowa dahil lamang sa sobrang busy siya sa trabaho niya, siya pa yung nanunuyo sayo! Ang ganda mo talaga! Sarap mong paslangin! Hahaha!", ang makahulugan nitong biro.

"Isasama kita sa kabilang buhay friend, maganda ka rin eh!", ang pagtatapos ko sa aming usapan.

Sunday, April 14, 2013

To Change 4u!

Sa totoo lang, ibang mundo ang aming ginagalawan. Isang ulap siya at isang putik ako kung ikukumpara kami sa estado ng buhay.

Sa tuwing magkasama kami sa mga okasyon, nararamdaman ko ang pagkakaiba ko sa mga kaibigan at kakilala niya sa tuwing ipapakilala niya ako sa mga ito.

Lumalayo ako at nagtatago sa isang tabi, pinagmamasdan na lamang siya habang nakikipagkuwentuhan sa mga kagaya niya, nakakaangat sa buhay. Matalino. Edukado. At kinagigiliwan ng lahat. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili, dahil umayag pa ako na sumama sa mga okasyon na pinupuntahan nito.

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!", ang pagsulpot niya sa likuran ko.

"Ok naman ako dito! Huwag mo akong alalahanin! Bumalik ka na doon at baka hinahanap ka na nila!", ang simple kong pagtaboy sa kanya. Baka kasi magsilapitan ang ibang bisita na kakilala niya at mapansin ako, mahirap na tanungin lalo na sa estado ng buhay meron ako.

"Gusto ko nga dito sa tabi mo! Saka, ayaw ko na malayo ka sa akin! Kargo kita!", ang nakangiti nitong sabi.

"Ayos lang talaga ako dito!", ang sabi ko sa kanya na may kasama pang tapik sa balikat niya.

"Its ok! Dito muna ako sa tabi mo!", ang pagpilit nito sa sarili. Ilang minuto ang lumipas na tahimik lamang ako. Napansin niya ito.

"Why? May problema ka ba?", ang tanong niya sa akin.

"Alam mo, minsan naisip ko na magbago, yung kahit sa kalahati ng meron ka, susubukan kong maging kagaya mo, para naman hindi ako nakakahiya na kasama mo!", ang mahaba kong pagtatapat sa kanya. Napakunot noo siya sa narinig.

"You dont have to! Mas gusto kita na ppalengkera! Yung maingay at maalalahanin! Huwag mong baguhin ang ugali mo nang dahil lamang sa gusto mo na maging ok ka sa iba! Para sa akin, ok ka!", ang paliwanag nito. Napangiti ako sa narinig ko.

"Salamat ha! Mahal mo talaga ako!", ang biro ko sa kanya.

Si Boss at Ako

Pangarap ko ang magtrabaho sa isang food restaurant. Hindi dahil sa hilig ko ang kumain, kundi dahil sa gusto ko matuto kung paano magluto ng masasarap na pagkain ang mga cook at chef.

Pinalad ako na matanggap bilang waiter sa isang sikat na kainan sa Libis. Nakaramdam ako ng pressure dahil mukhang mga hindi ordinaryong tao ang mga kumakain sa nasabing restaurant.

Unang araw ko, nakilala ko ang restaurant manager. Mukha siyang artista. Sa pananamit, sa pagkilos at sa pagsasalita. Gwapo ang Boss namin, nakakadagdag inspirasyon kung hahanga ka sa kanyang kakisigan at kagwapuhan.

Pero unang araw ko palang, lagi na akong palpak. Mula sa pagkuha ng mga orders, pagdadala ng mga orders at pagse served nito.

Gusto ko ng umatras, pero naroon yung kagustuhan ng isip ko na umpisa palang naman iyun ng lahat.

"Hey! Mag relax ka lang! Huwag mong ipressure ang sarili mo! Ienjoy mo lang ang trabaho!", ang pagpapalakas loob sa akin ni Boss.

Mabait naman pala si Boss. Mukha lang masungit dahil siguro iniisip ng gaya ko na nakakaangat ito ng posisyon sa amin.

"Sa mga pangit na nagawa ko sa buong araw, ang pagpasok ko dito sa restaurant at makilala ka ang pinakamagandang nangyari!", ang sabi ng isipan ko habang nakatanaw kay Boss.

Maalaga, maalalahanin at approachable si Boss sa lahat, kaya naman nagkaka crush sa kanya ang mga babaeng trabahante.

At umaamin din ako na crush ko si Boss. Wala naman masama na hangaan ang kabaitan niya.

Natapos ang buong araw, pagod ang katawan ko. Closing kasi ang shift ko kaya mas matrabaho. At nang nakalabas na ako ng restaurant, kumaway ako sa security guard na magbabantay magdamag.

Nilalakad ko na ang maliwanag na kalye. Kabilaan kasi ang mga kainan at ibat ibang commercial buildings na naroon. Parang hindi nga natutulog ang mga tao sa lugar na yun.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad, may biglang bumusina sa likuran ko. Napalingon ako at hindi ko nakilala agad ang driver ng sasakyan. Kaya naman bumukas ang pinto nito at lumabas ang pamilyar na anyo-si Boss.

"Sa highway ka ba sasakay? Tara! Isasabay na kita!", ang ppag aalok nito sa akin. Tatanggi sana ako pero baka marami pang maabalang sasakyan sa likuran nito kung makikipagpalitan pa ako dito ng pagtanggi.
Binuksan ko ang pintuan at naupo sa tabi niya. Nakangiti siya at akmang yayakapin ako, yun pala ay yung seatbelt ng sasakyan lang pala ang inayos niya.

"Hindi nyo na dapat ako inalala Boss! Konti nalang naman ang lalakarin ko para makasakay ng jeep!", ang nauna ko ng sabi sa kanya.

"Ok lang sa akin! Parang iba ka naman!", ang maikling sabi nito.

Habang abala si Boss sa pagmamaneho, pasimple ko siyang sinulyapan. Bukod sa naaamoy ko ang kanyang pabango na kumalat sa buong sasakyan niya, gusto ko himatayin sa mga oras na yun.

"Sobrang gwapo pala nito sa malapitan!", ang hindi ko napigilan na bigkasin. Napatingin siya sa akin.
"May sinasabi ka?", ang tanong nito sa akin.

"Ah, wala Boss! Ang sabi ko, pwede na ho ako diyan sa tabi!", ang nauutal kong sagot.

Maya-maya pa ay ibinaba na niya ako sa kanto. Sumaludo ako sa kanya. Bilang pasasalamat.

"Mag iingat ka! See you tomorrow!", ang sabi nito sa akin.

Hinatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Boss hanggang sa matabunan ng iba pang sasakyan.

"Sayang, sana sinamantala ko na ang agkakataon na makasama at makatabi pa siya ng matagal kung alam ko lang na on the way din pala ang daan niya!", ang nakangiti at panghihinayang kong kausap sa aking sarili.

Wednesday, April 10, 2013

Awra sa UP Campus

Minsan, kapag nasa mood ako maglakad ng mahaba, tumutungo ako sa campus ng UP Diliman.

Nakakapag isip ako at narerelax din ang isipan ko sa aking ginagawang paglalakad.

Hindi ko alintana ang pagod, oras na nasayang at haba ng nilakad ko sa mga ganung pagkakataon.
Naranasan ko ang mag walking exercise sa umaga, kung saan ay marami akong nakakasalubong na celebrity, lalo na sa araw ng sabado.

Pero mas pabor sa akin ang maglakad sa hapon, dahil hindi na mainit, may ilang celebrity din at mas maraming tao akong nakakasabay.

Ang mga eksena sa bawat paglalakad ko ay hindi basta mawaglit sa aking alaala.

Naroon na madalas kong makasalubong ang ibang attractive na lalake, gwapo, tisoy, maganda ang pangangatawan at sadya talagang may nakakaakit na karisma.

Naroon na may makakatitigan ka, may makakasabay ka at may hindi makakatiis na hindi ka kausapin na kunwari ay magtatanong ng oras at hindi kabisado ang lugar.

Naroon ang mga nagja jogging na lalake na naka topless na, pawisan at kay sarap sulyapan.

Maraming kuwento ang nababalot sa bawat parte ng campus, sa tabi at likod ng puno, sa mga benches, sa madilim na parte at sa ibat ibang bahagi nito.

Hindi ko hangad na maranasan ang magkaroon ng isang pilyong alaala sa lugar na yun, sapat na sa akin na sa mga ganung pagkakataon, marami akong nalalaman na mga bagong kuwento at nalalaman na ako mismo ang nakatuklas.

Sunday, April 7, 2013

Si Taxi Driver!

Medyo nakakaramdam ako ng hilo pero nagdesidido na ako na pumara ng taxi para makauwi na. Habang nasa byahe ako at hinihilot ang sariling sentido, nagsalita ang Taxi Driver.

"Saan ho ba tayo sir? Mukhang may hang over pa kayo ah?!"

Napalingon ako sa katabi kong taxi driver. Bata pa pala ito. O sadyang nahihilo ang paningin ko kaya ang akala ko ay si Zanjoe Marudo ang nakikita ko na bombayin na itsura ni taxi driver.

"Sa langit tayo kuya!", ang pilyo kong sabi at sabay pisil ko ng isang hita ni kuya.

Hindi man lang pumalag si kuya. Napangiti pa ito. Para akong napahiya sa ginawa ko. Humingi ako ng dispensa dito.

"Sorry kuya! Sa fairview ho tayo!", ang seryoso ko ng sabi.

"Ok lang ho yun! Sanay ako sa mga pasaherong ganyan! Na lasing o sinasadyang lasing para makahipo! Hahaha!", ang sabi ni taxi driver.

Bigla akong nagkaroon ng pagkakataon na tanungin si kuya dahil sa sinabi nito.

"Bumibigay ka rin ba o nagpapabayad ka?", ang tanong ko, pero sa daan nakatingin ang paningin ko.

"Mabait ho ako sir! Mapagbigay kung gusto rin ng katawan ko!", sabay ngisi nito.

Napabuntong hininga ako at napatitig sa taxi driver habang nagmamaneho ito.

"Kung yayayain kita, papayag ka ba?", ang matapang ko ng tanong sa taxi driver.

Bigla siyang napa preno dahilan para umuga ako sa kinauupuan ko.
 
"Sorry sir! Nabigla lang ako sa tanong nyo!", ang sagot nito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Parang naalog din ang utak ko kaya pparang napahiya na naman ako sa tanong ko kay taxi driver.

"Sorry ulit! Wala lang ako sa katinuan! Nakainom eh!", ang sabi ko na lamang.

Nang ihinto na niya ang minamanehong taxi sa bababaan ko, bago niya inabot ang bayad ko, hinabol niyang sabihin na,

"Iligo nyo lang yan sir! Para mawala yung init ng katawan na nararamdaman nyo at presko ang tulog nyo! Salamat ho!", nakangiti pa ito.

Ngumiti nalang din ako sa taxi driver na sa isip ko, bago ako matulog, ang gwapo niyang mukha ang gagamitin kong pagpaparausan.

Hahaha.

Ikaw at Ako: Selos na Naman

Napasimangot ako ng malaman ko na magkasama na naman sila ng designer na yun.

Hindi niya talaga maiwasan ang hindi makaramdam ng pagseselos.

"Oh bakit nakanguso ka na naman diyan? Parang gusto mo akong halikan!", ang pagbibiro ng mokong.

"Naiinis kasi ako sayo! Sobrang close naman kayo ng designer na yun! Halos araw-araw yata, magkasama kayo! Kung hindi pa kita tatanungin, hindi ko pa malalaman!", ang mahaba kong lintanya agad.

"Kung makapag react ka naman, parang may relasyon tayo! Hahaha!", ang biro na lamang nito.

"Basta! Naiinis ako!", ang nakasimangot kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin. Pero hindi pa rin ako umiimik.

"Mas maganda ka dun!", ang pagbibiro na naman nito.

"I know! Mas fresh at batang-bata!", ang balik biro ko sa mokong na yun.

"Huwag ka ngang ganyan! Kaibigan natin yung tao eh!", ang pagpapaliwanag nito.

"Oo naman! Hindi ako naiinis sa kanya dahil sa kung sino siya! Naiinis ako sa kanya kasi, kasi parang lagi kayong magkasama! Magkausap! Hindi yata ikaw nauumay na pati sa kuwentuhan gaya ngayon, siya ang topic!", ang sabi ko pa. Napahalakhak na lamang siya sa narinig.

"Nakakatakot ka pala maging partner, talagang lulutuin mo sa sumbat ang partner mo kaag ganyan ang mga dahilan para mag away kayo!", ang pagbibiro pa nito sabay sundot sa tagiliran ko.

"Nakikiliti ako ha!", ang nakangiti ko ng sabi dito.

Saturday, April 6, 2013

short pinoy bromance story: a caring buddy

this was my first short drama story title in my college days...about love of two young freshmen...at sa muling pagbabalik nito..iniba ko ang timpla ng kuwento...but still...the two lead characters are the same...may nadagdag lang na isa para sa twist ng kuwento...



hanggang saan ka magiging kaibigan?

"sige pare. ingat"
ang huling salita na namutawi sa pandinig ni dan mula sa matalik na kaibigan bago niya ito nasalo sa sariling mga bisig ng hindi niya alam ang dahilan ng pagkawala ng malay tao nito.

nagkagulo ang mga nars na naroon. at nagtataka man ay napasugod na rin sa emergency room ang dumadalaw lamang na si ivy sa inang may sakit. hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sundan ang mga kumpulan ng mga nars na naroon.

isang lalake. parang natutulog lamang sa higaan nito ang nakita ng dalaga. at isang lalake na umiiyak habang hawak nito ang isang kamay ng lalakeng natutulog lamang.

"mga bakla ata ang mga yan. ang sweet nu?"
ang narinig na pag uusap ni ivy sa tatlong nars na naroon din sa isang tabi. napapailing na lamang siya. pero napapangiti sa kabilang banda.

hanggang saan mo sasamahan ang iyong kaibigan...

parang normal lamang na inimulat ni mark ang kanyang mga mata. at hindi na siya nagulat sa imahe ng kapaligiran niya.
"bakit mo pa ako dinala dito..."
ang bungad na tanong niya sa kakapasok lamang na kaibigan sa silid na yun.
pagod man ay nakangiting nilapitan ni dan ang kaibigan na nakahiga.
"baka namimiss mo na kasi dito..ang tagal na rin ng huling punta mo sa ganitong lugar..."

tinabig ni mark ang mga kamay ng kaibigan. galit ang mga mata nito.
"ayaw ko dito. pero bakit mo ako dito dinala?"

halos maluhang napaupo sa isang upuan si dan.
"nag-panic ako. natakot ako."

hanggang saan mo kayang kilalanin ang bagong kaibigan...

"miss. pwede mo ba akong tulungan. gusto ko na sanang lumabas dito"
himig paglalambing na pakiusap ni mark sa dumaan na babae sa silid niya. sakto kasing bukas ang pintuan.

"sorry. dumadalaw lang ako sa nanay ko dito. ayaw ko naman na dalawin niya ako sa kulungan dahil sa pakiusap mo"
nakangiting tugon ni ivy sa pakiusap ng lalakeng yun.

nagulat na lamang ang dalaga ng padabog siyang sinaraduhan ng pinto ng taong yun.

hanggang saan ka magtitiis para sa kaibigan...

"binili ko lahat ng kailangan mo. pati ang paborito mong siopao!"
ang sopresa ni dan sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha.

"mamamatay din ako dan. bakit ko pa kailangan magpalakas?"
ang mahinang sabi ni mark dito.

tanging buntong hininga na lamang ang narinig ni mark sa natigilan na kaibigan sa sinabi niya.

hanggang saan mo kaya makipag-kaibigan...

"bakit ba ang sungit mo? kung gusto mo mamamatay, mamatay ka na ngayon palang. para wala ka ng pinapahirapan pang tao."
galit na sabi dito ni ivy ng hindi niya matiis ang pagdadabog nito sa tuwing dadaan siya sa harapan ng silid nito.

"sorry. hindi ko alam na..."
parang biglang nakaramdam ng awa si ivy dito ng makitang napayuko ito.

kailan mo gusto makilala ang isang kaibigan...

"magkaibigan kaming matalik. kapag nawala ang kaibigan ko...parang nawalan na din ako ng isang malapit na kapatid..."
napaluha si ivy sa narinig mula sa dasal ng isang taong hindi naman niya kaanu-ano.
hindi nagtagal, madalas ng makausap ni ivy ang lalakeng yun. at sa hindi maintindihang damdamin, awa man o paghanga, ay gusto niya itong damayan.

dinadalaw na lamang ni dan ang kaibigan sa tuwing ito ay tulog o nagpapahinga. tipong kalmado at hindi nagsusungit. pero mas gusto niya ito pagmasdan na lamang sa malayo at lihim na umiiyak sa isang tabi. nang hindi nito siya nakikita.

hanggang kailan mo gusto makasama ang isang kaibigan...

dinala sa park ng hospital ni ivy ang bagong kaibigan upang makalanghap ito ng sariwang hangin at makita ang kagandahan ng kapaligiran. biglang nakaramdam ng kalungkutan si mark. hinahanap na niya ang matalik na kaibigan. hindi lingid sa kanya na dumadalaw ang kaibigan pero hindi na nagagawang makipagkita sa kanya gawa ng lagi nilang pagtatalo dahil sa kalagayan niya.

nanghihina man ay pinilit na umupo ni mark sa nag iisang bench na naroon na nakaharap sa papalubog na araw.

"ikukuha kita ng kumot para hindi ka mahamugan. sandali lang ha"
ang malumanay at nakangiting sabi dito ni ivy. tumango na lamang dito si mark.

isang kamay ang gumising ng diwa ni mark habang nakatanaw siya sa papalubog na araw.
"kamusta! namimis na kita kaya ako nandito"
ang pagbibiro ni dan sa kaibigan.
"ikaw din. namimiss ko na ang kaibigan ko na mas gwapo sa akin"
sa mahinang boses narinig ni dan ang birong yun.
tinabihan niya ito.

"may ipapakilala ako sayo. chicks. pero kaibigan ko yun. kaya dapat, ituring mo siyang ako, yung pahahalagahan mo..."
ang mensaheng nagpakilabot kay dan.

"masamang damo ka uy. saka ang kontrata mo, sabay tayo..."
natawa sa birong yun si mark.

humilig si mark sa balikat ng kaibigan. papalubog na ang araw. at nakakaramdam na siya ng antok.

nakita ni ivy ang eksenang yun. at habang dahan-dahan siyang lumalapit sa dalawa...ang lakas ng pintig ng puso niya. at kahit hindi pa siya nakakalapit ng husto sa kinaroroonan ng dalawa para iabot ang kumot sa bagong kaibigan na nakilala niya sa ospital na yun, mga hikbi ang naririnig niya...at mga salitang...

"ang daya mo pare. ang daya-daya mo talaga"
humahagulgol na panunumbat ni dan sa natutulog ng kaibigan.

pinoy short bromance story: the HEART

isa ito sa mga paborito kong awitin mula sa namayapang si "michael jackson", na aking sinaliwan ng isang maikling kuwento...




sabi nila, mahirap tanggapin ang mabigo, lalo pa at may mga bagay na nagpapa-aalala nito sayo...

jenmark : i love you...
vanessa : i love you too...


isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng dalawang magkasintahan sa isat-isa bago nagpasayang maghiwalay.
lumakad palayo na ang binata sa kasintahan na patungo naman sa loob ng isang pampasaherong sasakyan ng biglang nagkagulo ang mga tao.

biglang binalikan ng tingin ni jenmark ang kinaroroonan ng kasintahan. halos madurog ang puso niya ng makita itong nakaluhod sa kalsada. nagmamakaawa sa isang lalakeng may hawak ng baril na nakatutok sa kasintahan niya. isang nag aamok na lalake na biglang nalang sumulpot kung saan.

jenmark : huwag. van. huwag. huwaggg....

magkakasunod na putok ng baril ang umingay sa kapaligiran.

sa ikalawang buhay na binigay sayo, babalikan mo ba ang mga alaalang nagpapalungkot sayo...



masayang niyakap ng mga magulang niya ang bagong opera sa puso na si ramon. parang walang pagbabago. ganoon pa rin ang nakikita ng binata sa mga magulang. kahit na sabihing nakangiti ang mga ito ay naroon pa rin ang pag-aalala.

ramon : gusto ko ng tubig...

kung papipiliin ka, ano ang gusto mong balikan na ayaw mong mangyari na...

jenmark : i love you...pero hindi ko na maririnig ang sagot mo...

humahagulhol na sabi ng binata sa harap ng kabaon ng kasintahan.
parang nanonood ng isang pelikula si ramon sa tagpong yun.
napunta siya sa lugar na yun para makilala sana ang nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya.
pero ang nakakalungkot na tagpo ang naabutan niya.
at nang magtama ang paningin nila ng kasintahan ng babaeng nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya,
mabilis na pagkahabag ang naramdaman niya dito.
matatalim na tingin lamang ang ibinigay ni jemark sa taong yun.

ramon : ako nga pala yung...
jenmark : umalis ka na!
ramon : pare, baka nagkakamali ka ng iniisip!
jenmark : huwag mo ng ipaalala sa akin na ikaw ang nakatanggap ng puso ng
               nakaburol ngayon!

napabuntong hininga na lamang si ramon sa sinabi ng taong yun.

kapag binabalikan mo ang makaraan, lalo pa at puro masasayang mga pangyayari sa nakalipas, hindi maiiwasan na ang kasunod ay kalungkutan.

huling araw ng burol. naroon si ramon bilang pagbibigay galang  sa taong tumulong na mabuhay siya muli.
at biglang nagulo ang tahimik na burol ng dumating na lasing ang taong yun.

jenmark : bitawan nyo ako! gusto ko makausap si van. bitawan yo ako!

parang batang nag-aamok ito. pero naroon ang pighati at paghihirap ng kalooban nito.
lumapit dito si ramon para tumulong umawat, pero tinabig siya ng binata.

jenmark : bakit ikaw binigyan ng pagkakataon mabuhay? bakit si van hindi...
ramon : hindi ko alam ang sagot...pero hindi ba mas pinapatay mo ang nananahimik mo ng nobya dahil
            sinisisi mo siya sa maaga niyang pagkawala ng hindi naman niya ginusto...

parang batang nagmamakaawa na lumuhod si jenmark sa tabi ng kabaon ng nobya.

jenmark : van...

nailibing na ng matiwasay ang nobya niya. pero parang hindi pa rin tanggap ni jenmark ang mga nangyari.
masamang-masama pa rin ang loob niya.

isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni ramon bago lumapit sa taong yun na nakahiga sa tabi ng puntod ng nobya nitong lumisan na.

ramon : sana, matanggap mo na hindi ka naman iniwan ng nobya mo ng mag isa...nasa
            akin ang puso niya...pwede mo ako maging kaibigan...

ang imahe ng ni vanessa ang huling nasilayan ni jenmark sa taong yun bago siya pumikit at tuluyang niyakap ang sarili katabi ang puntod ng nobya.

may mga alaala talagang mahirap kalimutan, pero kailangan ng iwan para sa bagong kabanata ng pakikisalamuha sa bagong mga alaala...

short pinoy bromance story: Like a Brother

"Like a brother", iyan ang titulo bilang magkaibigan nina Patrick at Alfred. Magkababata at magkabarkada simula ng magkakilala sila. walang pwedeng magpahiwalay sa kanilang dalawa. Pero hindi iyun ang tadhanang susubok sa samahan nila.




College days.Nararamdaman ni Alfred ang pagbabago. Ang dating araw-araw na pagkikita nila ng kaibigan ay naging madalang.

Every weekends lang ang free days ni Patrick. Nag enrol siya sa army school. Nagkaroon ng girlfriend. At sa tuwing lalabas siya ng training camp, sa kasintahan siya unang nakikipagkita bago sa pamilya at mga kaibigan.

Isang araw, nagkaroon ng chance na magkasama ng matagal ang matalik na magkaibigan. Birthday ni Alfred. Nagkaroon ng inuman at bumaha ang alak sa magdamag na yun. Nakatulog sa kalasingan si Patrick.

Iyun ang hininhintay na pagkakataon ni Alfred. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kaibigan na nahihimbing sa pagtulog. Nagdadalawang-isip man ay hinaplos niya ang pisnge ng kaibigan.

Afred : Matagal ko na itong gustong gawin sayo! Ang malapitan ka para titigan ng mas matagal! Ang mahaplos ang maamo mong mukha habang kinakausap ka...kasi...kasi mahal kita...mahal kita Patrick...naririnig mo ba...

Pinipigilan ng binata na mapaluha sa mga oras na yun, pero parang may isip ang luha niya na dumaloy sa magkabilang pisnge niya.

Alfred :  Pero binabalewala mo na ako eh...nagbago ka na bestfriend...ang dami dami ko ng kaagaw sa atensyon mo...

Tanging ungol ng kaibigan ang naging tugon na natanggap ni Alfred sa lihim niyang minamahal na kaibigan.

Ilang araw nalang, babalik na nang training camp si Patrick. Nagpasalamat ito sa birthday treat ng kaibigan. Yumakap pa ito dito. Mahigpit na yakap din ang tugon dito ni Alfred. Parang iyun na ba ang huling pagkakataon na mayayakap niya ang matalik na kaibigan.

Patrick : Mamimiss kita Parekoy! Kapag nakalabas ako ulit, magkikita tayo ulit! Pangako ko sayo yan! Sagot ko naman ang inuman natin!

Alfred : Ikaw pa! Ubod ka ng kuripot! Pero aasahan ko yan! Hihintayin kita!

Parang nakaramdam ng lungkot si Alfred sa pagtalikod at paglakad palayo sa kanya ng kaibigan. Lumingon pa ito at sumaludo sa kanya.

Halos kalahating taon na ang nagdaan. No texts. No Fb updates. tuluyan na ngang inisip ni Alfred na kinalimutan na siya ng kaibigan. Sa tagal nilang naging magkaibigan, dalawang dekada na, parang ganun kasimpleng balewalain siya ng kaibigan. Gusto na niya talagang sumama ang loob dito.

Pero binalewala niya ang sariling iniisip sa bagay sa kaibigan, kasama ang lungkot at sama ng loob niya dito. May pangako ito sa kanya at alam niya tutupad ito sa bagay na yun.

Nagbukas na lamang siya ng fb account niya para mag-iwan ng mensahe sa Fb wall ng kaibigan. Pero ganun na lamang ang pagkagulat at panghihina niya ni Alfred sa mga nakasulat sa Fb wall ng kaibigan.

" condolence "
" r.i.p. "

Napasama sa isang ambush si Patrick. Dead on arrival ng dinala sa malapit na ospital. Umingay ang balita sa buong bansa dahil mahigit isang dosenang mga bagong sundalo ang kasama sa naganap na ambush.

Sarado ang kabaong. Kahilingan na rin ng mga mahal sa buhay ng namayapa. Naroon ang mga kasamahang sundalo. May bandila sa ibabaw ng kabaong tila kumot na nakapatong. Naroon ang mga maliliwanag na ilaw. Mga ibat-ibang kulay ng bulaklak.

Alfred : Putcha ka! Ang laki pa ng utang mo sa akin! Tinakasan mo lang ako! May pa-pramis-pramis ka pa diyan! Hintayin mo ako diyan, pag nagkita tayo, bubugbugin kita!

Ano mang pigil ang gawin ni Alfred na huwag humagulhol, kitang kita sa mga balikat niya ang pagtaas-pagbaba nito kasabay ng impit na boses kasabay ng mga luhang hindi mapigilan sa pagdaloy.

-end-

alfred
patrick

Si Nurse at Ako

Pinilit akong dinala ng aking nag aalalang Nanay sa pinakamalapit na ospital. Gawa ng baka raw may dengue ako dahil sa pagkakaroon ko ng mataas na lagnat at pagsusuka.

Pero ang sabi ng doktor na tumingin sa akin, high fever lang daw talaga. Kailangan daw ako paliguan ng tubig na may ice cubes para bumaba ang aking lagnat.

May inutusan na nurse ang doktor para gumawa nun sa akin. Bigla ako nakaramdam ng pagkaahiya dahil hindi ako agad makatanggi na paliguan ng ibang tao dahil na rin sa panghihina na nararamdaman ko.

"Pwede ho kayo mag shorts o naka underwear sir, ako na ho ang bahala sa lahat!"

Nakaramdam ako ng kakaibang init bukod sa normal na init ng balat ko na may mataas na lagnat sa mga oras na yun.
 
"Hindi ba pwede na ang Nanay ko nalang ang gumawa nun sa akin?"

Ang pakiusap ko sa nurse na habang tumatagal ay nagiging kahawig ni Alden Richard. May dimples din ang taong yun.

"Ako po ang sanay sa ganito sir! Saka, kailangan natin sundin yung utos ng Doktor nyo, baka mlalo pa kayo mapahamak kappag hindi alam ng Nanay nyo ang tamang gagawin!"

Ang lintanya ni gwapong nurse. Wala na akong nagawa ng paliguan niya ako. Naroon na hagurin niya ng punas ang likod, dibdib, tyan, kili kili, hita at mga braso ko. Maingan naman siya gumalaw, hindi talaga umaabot sa ibaba pa ng tyan ko o tumataas pa sa singit ng mga hita ko.

Mga isang oras din bago natapos ang pagligo ko at ag aayos niya sa akin. Nang matapos ay nagpasalamat ako. Sumulyap siya sa akin bago siya lumabas ng silid ko.

Si Sir Instructor at Ako!

Nagmamadali akong nagpalit ng PE shirt at tumakbo ppatungo sa field kung saan naroon na ang mga kaklase ko at ang gwapong PE instructor namin. Sa isip ko, siya na yata ang pinaka hot at gwapong PE instructor na nakilala ko sa buong buhay ko.

"Oh! Wag masyado titigan, baka matunaw! Pawisan na nga ang yummy mong sir!"

Ang pabulong na biro sa akin ng katabi ko. Hindi lingid sa kanya ang paghanga na nararamdaman ko sa instructor namin.

"Hayaan mo siyang matunaw sa mga titig ko palang! Kesa lawayan ko habang natutunaw di ba?"

Ang balik na biro ko din dito. Napahagikgik ang mokong kaya naman nasita kami ng crush kong instructor. Pero sinitsitan lang kami.

Kahit nasa gitna kami ng araw, nagtiis ako na maglaro ng basketball kahit na hindi ko naman alam ang paglalaro nito. Masarap kasi sa pakiramdam ang nasasagi ng likod ko ang matikas na dibdib ni sir, sabayan pa ng tila yayakapin ako nito sa pag agaw ng bola sa akin. Minsan ay nasasagi ko din ang malaman nitong "bola" ng di sinasadya.

"Nice move!"

Ang sabi ni sir bago na dismiss ang klase. Napangiti ako sa sinabi nito na "nice move", parang double meaning sa isip ko. Hahaha.

Pero syempre, walang malisya yun kay sir, at hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na malaman na may malisya para sa akin ang bawat tingin niya sa akin, bawat yakap at pagsagi sa akin habang nakikipag agawan ng bola sa larong basketball at pagtawag niya sa pangalan ko sa tuwing ako ang lagi niya gustong utusan.

Hindi naman ako tumututol doon.

Friday, February 15, 2013

Awra sa GYM.

Marami na akong kuwentong naririnig at nababasa tungkol sa mga kakatuwang kuwento tungkol sa mga nangyayari sa loob ng anumang klaseng GYM na nagsulputan saan mang lugar. Para itong kabote na nagsilabasan sa panahon ngayon.
Magkakaiba ang bawat karanasan at istorya, at ilan lamang sa mga maibabahagi ko ay ang mga sumusunod:
Sa isang programa sa telebisyon, isang rebelasyon ang pinagtapat ng isang lalake na sa loob ng GYM na kanyang pagmamay-ari, ay inaalok niya ang mga naroon ( kapwa lalake ) na makipag sapin-sapin sa kanya na may kapalit na halaga.

Nabasa ko naman sa isang online social network na may mga misteryong nagaganap naman sa loob ng sauna at bathroom after mag GYM ng mga nagpapaganda ng katawan.

Pero hindi lahat ay puro kapilyuhan ang kuwento tungkol sa loob ng GYM.

Naroon din ang mga namumuong pagkakaibigan, naroon din ang pagkakataon na makilala ang magiging espesyal na tao sa buhay.

Isang araw, ako ay napagawi sa GYM, hindi para magpaganda ng katawan. Gusto ko lang makita ang mga eksena sa loob ng lugar na yun.

Habang nakamasid ako sa isang lalake, na masasabi kong may kakaibang dating sa paningin ko, biglang nakuha ng nasa likod ko ang atensyon ng pandinig ko.

Isang lalake. Umiiyak habang kausap ang nasa kabilang linya ng hawak nitong cellphone. Parang nagmamakaawa. Parang nakikiusap. Ang bawat hikbi niya ay patunay na pinipigilan nito ang umiyak upang hindi siya mapansin ng mga naroon.

Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa lalakeng kumuha naman ng atensyon ng aking paningin.

Napaka gwapo. Maganda ang katawan. Moreno. Tsinito. Matangkad. Para akong nananaginip habang nakatanaw sa kanya. Nakangiti siya ng mapansin ko. Pero madali naman lokohin ang paningin, kunwari ay sa malayo ako nakatanaw, at panakaw na sulyap lamang ang binibigay ko sa kanya.

Nakita ko ang mga pumapasok sa GYM na yun. Mga magkaka akbay. Tunay na magkakatropa.
May mga nagtitinginan ng pagkalagkit lagkit, hindi ko alam kung saan ang patutunguan.

Hindi ko namalayan, nasa tabi ko na pala nakaupo ang lalakeng yun.

"Bago ka ba dito?", ang boses niya ay nakakalaglag salawal sa pandinig ko. Lalakeng lalake. Masarap pakinggan.

"Hindi! May kakilala lang ako na dinaanan dito!", ang matipid kong sagot.

"Mapapaganda pa yang katawan mo! Kasi, ganyan din ang katawan ko noong nagsisimula palang ako!", ang pagpapatuloy niya. Tumango ako.

"Hindi ka na siguro bago dito sa GYM? Naiilang ka ba?", ang muli niyang tanong. Nilingon ko siya at nginitian.

"Sanay ako makakita ng mga magagandang katawan! Sa loob man ng GYM o sa labas!", ang sagot ko.

Gusto ko nang tumayo at iwan siya, pero may kung anong bagay sa kalooban ko ang pumipigil.

"Kung gusto mo, ako ang aalalay sayo!", ang alok nito. Bigla akong napailing. Mukhang doon ang bagsak nito.

"Mas marami naman dyan, bakit hindi sila ang alukin mo!", ang nasabi ko na lamang. Napahalakhak siya. Ang sarap pakinggan.

"Ikaw ang bahala!", ang tanging sabi na lamang niya.

Tumayo na ito at lumapit sa mga kasamahan nito. At ako naman ay desidido na rin umalis sa lugar na yun. Pero bago ako lumabas ng pintuan, tinanaw ko muli ang lalakeng yun. Nakatingindin siya sa kinaroroonan ko. At sumaludo na may kasamang kindat.

Kagat labi akong napatalikod. Ganun pala ang maging karanasan. Syempre, magkakaiba ng karanasan ang bawat tao sa loob ng GYM. Nagkataon lang na wholesome at pa tweetums ang naranasan ko.
Hindi naman pala literal na may nangyayari agad sa loob ng GYM.

Pero, masasabi ko na isa ako sa mga nakaranas na maawrahan sa loob ng GYM.

Monday, February 11, 2013

sa FUN RUN

Malapit na mag 6AM. Hindi pa rin siya dumarating. Pero umaasa pa rin ako. Kahit na yung isip at puso, nagsisimula ng magtalo.

Pinapanood ko ang mga magkakapareha na nagsisimula ng mag warm up at mag stretching. Muli ko na namang tiningnan ang orasan sa hawak kong cellphone.

"Nasaan ka na ba! Bakit hindi ka man lang nagtetext!"

Ang matamlay kong tanong sa taong yun pero hangin at ako lamang ang nakakarinig.

Bigla akong napangiti ng makita ang pamilyar na anyo, na kahit sa malayo pa ay tanaw ko na at alam ko na yun ang taong inaasahan at hinihintay ko ng mahigit 2 oras na.

"Sorry ha! Traffic kasi! Gawa siguro na gagamitin yung isang highway lane nang mga nasa fun run! Natin na magpa fun run!"

Ang hingi niya ng dispensa. Iniabot ko sa kanya ang isang energy bottled drink. Kinuha naman niya ito.

"Kumain ka na ba? Hindi pa naman yata magsisimula ang fun run!"

Ang sabi niya. Umiling ako at inayos ang laman ng bagpack.

"Nabusog na ako ng dumating ka! Akala ko nga, iindyanin mo ako!"

Ang pagbibiro ko sa kanya. Napakunot noo siya ng mapansin na may hinahanap ako sa loob ng bagpack.

"May nawawala?"

Ang pag aalala niya. Inalalayan niya ako sa paghawak ng bagpack.

 "Hindi! May kukunin lang ako!"

Pati yung kamay niya, ipinasok na niya sa loob ng bagpack.

"Ano ba yun?"

Ang pag aalala pa rin niyang tanong kahit hindi alam ang hinahanap ko, gumagalaw ang mga kamay nito. Nagkakahawakan tuloy kami ng mga kamay.

"Nakapa ko na!"

Ang sabay na labas ko ng bagay na yun. Napangiti siya ng makita ang hawak ko.

"Mag shave ka muna! Ang gwapo mo kasi sa balbas mo! Baka dumami ang magka crush sayo! Alisin lang natin yan!"

Ang pagbibiro ko sa kanya. Kinuha naman niya ulit ang shaver at sinimulan na ahitin ang balbas nito.

"Ready ka ah!"

Ang sabi niya. Napakibit balikat lang ako.

Pinagmamasdan ko ang pag-aahit niya ng balbas, at nakatingin lamang siya sa akin habang ginagawa niya yun.

Saturday, February 9, 2013

Ako&siCrush: Kung Hei Fat Choi


Buong araw yata akong nagtext ng mga pasimpleng pagpapa-cute sa kanya, pero dedma talaga.
Matatapos nalang yung bisperas ng chinesse new year, wala pa rin siyang reply.

"Bakit ba kasi ako umaasa! Sino ba naman ako para bigyan niya ng panahon!"

Ang sermon ko sa aking sarili.

"Isa pa! May karelasyon na yung tao! Syempre, mas pag eeffortan niya yun kamustahin kesa sa akin!"

Ang dugtong ko pang sermon sa aking sarili. Pero yung mga mata ko, nakatutok sa lcd ng hawak kong cp.

Umaasa nga talaga ako na iilaw yun at magre register yung pangalan niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Matatapos na ang magdamag. Ilang oras nalang, chinesse new year na. Nakakatanggap naman ako ng mga text mula sa ibang kaibigan. Pero hindi yun ang hinihintay ko.

Gusto kong mainis sa sarili ko. Pinapaasa ko na naman ang sarili ko sa wala.

Nakaidlip na ako hanggang sa magising ako ng bandang 12:09AM. Bagong taon na nang mga intsik.

Kinuha ko ang cp ko sa aking tabi at ganun na lamang ang ngiti ko ng makita ang nag iisang text. Ang pangalan niya ang naroon.

Binasa ko ang text, ang haba. Nagpapaliwanag siya kung bakit siya hindi nakakapagtext.

Ano pa nga ba ang dahilan, busy sa kanyang negosyo na lumalawak na. Naisip ko, na 1 day, paano kung lalong lumaki ang espasyo ng negosyo nito at makasalamuha ng maraming tao, baka makalimutan na niya ako ng tuluyan.

Pero ano ba ang karapatan ko para mag demand sa kanya.

Binasa ko muli ang text message niya.
Talagang nagpapaliwanag ang bawat pangungusap na naroon. Yun nalang ang panghahawakan ko. Ang konting oras mula sa kanya.

Ako&Ikaw: He Denied!

Habang nakikinig ako ng kantang "Bakit Labis Kitang Mahal", biglang tumawag ang mokong. Sun to smart.

Nagtaka ako. Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago sinagot ang kabilang linya.

"Aba! Na wrong dial ka yata? Magkaibang network tayo, baka maubos ang load mo ;p"

Narinig ko ang paghalakhak niya sa sinabi ko.

"Ayaw mo bang tinatawagan ka? Umeeffort na nga ako!"

Ang himig pagbibiro niya. Hindi ako nagpaapekto sa pambobola ng mokong.

"Oh bakit napatawag ka? Huwag mong sabihin na wala lang?"

Ang tanong ko na lamang para lamang may topic na mapag usapan.

"Wala naman! Naisip lang kita tawagan! May lakad kasi ako today!"

Ang sagot ng mokong. Napangiti ako doon.

"Ikaw naman! Hindi mo pa sabihin na namimiss mo ako!"

Sabay tawa ko. Napatawa rin siya doon.

"May lakad ako with you know! Friends din natin!"

Isang tao lang rumehistro sa isipan ko sa mga oras na yun. Nagdadalawang isip akong magtanong sa kanya tungkol sa estado ng ugnayan nila sa taong yun, pero isang biro ang binitawan ko.

"Date nyo ba?!"

Bigla siyang sumagot ng,

"Hindi no!"

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nun. Sa totoo lang, pinagseselosan ko talaga ang taong yun sa kanya.

"May iba akong nirereto sa kanya! Ewan ko lang kung they interested sa bawat isa!"

Ang paliwanag niya, hindi ko naman sinabing mag explain ang mokong.
Napangiti ako ng pagkatamis-tamis nun.

"Akala ko kasi, like nyo ang isat-isa! Hehehe!"

Ang nasabi ko nalang.

"Sus! Malabo!"

Ang sabi pa niya.

"O sige na! Masyado ng mahaba ang usapan na ito! Umaabuso ka na sa oras ko!
Pinapatagal mo pa lang talaga eh dahil sarap na sarap ka sa boses ko na pakinggan! Hahaha!"

Ang biro ko pa. Pero may halong kilig yun.

"Sige! See you soon!"

Ang tanging sagot niya sa biro ko.

"Ingat!"

Friday, February 8, 2013

Ako&Ikaw: Souveigner

Iniabot ko sa kanya ang isang souveigner mula sa pinuntahan kong lugar. Matagal niya iyung pinagmasdan.

"Sorry ha! Hindi yan mamahalin! Alam mo naman, budgeted lang ang dala ko ng pumunta ako ng Bagiuo kasama ang mga kaibigan ko!"

Ang pangunguna ko ng sabi sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya.

"Hindi naman ako tumitingin sa presyo! Na-appreciate ko yung effort! Salamat!"

Napaka-casual talaga ng mokong. Wala man lang kalambing-lambing.

"O sige na! Mauna na ako sayo! Hindi ako sasama sa gimik tonight! Gusto ko lang magpahinga! Nakipag meet lang ako para iabot yan...at para makita ka "

Ang pagbibiro ko sa huling sinabi ko. Napangiti ang mokong.

"Pumunta ka lang dito para iabot itong maliit na bagay at para lang makita ako?"

Ang pagtatanong niya. Parang gusto kong batukan ang mokong.

"Gusto mo pang inuulit? Kilig na kilig ka naman!"

Ang sinabi ko nalang. Napahalakhak siya.

"Salamat ha!"

Ang habol niya ng sumaludo na ako ng pamamaalam sa kanya.