Saturday, April 6, 2013

pinoy short bromance story: the HEART

isa ito sa mga paborito kong awitin mula sa namayapang si "michael jackson", na aking sinaliwan ng isang maikling kuwento...




sabi nila, mahirap tanggapin ang mabigo, lalo pa at may mga bagay na nagpapa-aalala nito sayo...

jenmark : i love you...
vanessa : i love you too...


isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng dalawang magkasintahan sa isat-isa bago nagpasayang maghiwalay.
lumakad palayo na ang binata sa kasintahan na patungo naman sa loob ng isang pampasaherong sasakyan ng biglang nagkagulo ang mga tao.

biglang binalikan ng tingin ni jenmark ang kinaroroonan ng kasintahan. halos madurog ang puso niya ng makita itong nakaluhod sa kalsada. nagmamakaawa sa isang lalakeng may hawak ng baril na nakatutok sa kasintahan niya. isang nag aamok na lalake na biglang nalang sumulpot kung saan.

jenmark : huwag. van. huwag. huwaggg....

magkakasunod na putok ng baril ang umingay sa kapaligiran.

sa ikalawang buhay na binigay sayo, babalikan mo ba ang mga alaalang nagpapalungkot sayo...



masayang niyakap ng mga magulang niya ang bagong opera sa puso na si ramon. parang walang pagbabago. ganoon pa rin ang nakikita ng binata sa mga magulang. kahit na sabihing nakangiti ang mga ito ay naroon pa rin ang pag-aalala.

ramon : gusto ko ng tubig...

kung papipiliin ka, ano ang gusto mong balikan na ayaw mong mangyari na...

jenmark : i love you...pero hindi ko na maririnig ang sagot mo...

humahagulhol na sabi ng binata sa harap ng kabaon ng kasintahan.
parang nanonood ng isang pelikula si ramon sa tagpong yun.
napunta siya sa lugar na yun para makilala sana ang nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya.
pero ang nakakalungkot na tagpo ang naabutan niya.
at nang magtama ang paningin nila ng kasintahan ng babaeng nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya,
mabilis na pagkahabag ang naramdaman niya dito.
matatalim na tingin lamang ang ibinigay ni jemark sa taong yun.

ramon : ako nga pala yung...
jenmark : umalis ka na!
ramon : pare, baka nagkakamali ka ng iniisip!
jenmark : huwag mo ng ipaalala sa akin na ikaw ang nakatanggap ng puso ng
               nakaburol ngayon!

napabuntong hininga na lamang si ramon sa sinabi ng taong yun.

kapag binabalikan mo ang makaraan, lalo pa at puro masasayang mga pangyayari sa nakalipas, hindi maiiwasan na ang kasunod ay kalungkutan.

huling araw ng burol. naroon si ramon bilang pagbibigay galang  sa taong tumulong na mabuhay siya muli.
at biglang nagulo ang tahimik na burol ng dumating na lasing ang taong yun.

jenmark : bitawan nyo ako! gusto ko makausap si van. bitawan yo ako!

parang batang nag-aamok ito. pero naroon ang pighati at paghihirap ng kalooban nito.
lumapit dito si ramon para tumulong umawat, pero tinabig siya ng binata.

jenmark : bakit ikaw binigyan ng pagkakataon mabuhay? bakit si van hindi...
ramon : hindi ko alam ang sagot...pero hindi ba mas pinapatay mo ang nananahimik mo ng nobya dahil
            sinisisi mo siya sa maaga niyang pagkawala ng hindi naman niya ginusto...

parang batang nagmamakaawa na lumuhod si jenmark sa tabi ng kabaon ng nobya.

jenmark : van...

nailibing na ng matiwasay ang nobya niya. pero parang hindi pa rin tanggap ni jenmark ang mga nangyari.
masamang-masama pa rin ang loob niya.

isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni ramon bago lumapit sa taong yun na nakahiga sa tabi ng puntod ng nobya nitong lumisan na.

ramon : sana, matanggap mo na hindi ka naman iniwan ng nobya mo ng mag isa...nasa
            akin ang puso niya...pwede mo ako maging kaibigan...

ang imahe ng ni vanessa ang huling nasilayan ni jenmark sa taong yun bago siya pumikit at tuluyang niyakap ang sarili katabi ang puntod ng nobya.

may mga alaala talagang mahirap kalimutan, pero kailangan ng iwan para sa bagong kabanata ng pakikisalamuha sa bagong mga alaala...

No comments:

Post a Comment