Saturday, April 6, 2013

short pinoy bromance story: a caring buddy

this was my first short drama story title in my college days...about love of two young freshmen...at sa muling pagbabalik nito..iniba ko ang timpla ng kuwento...but still...the two lead characters are the same...may nadagdag lang na isa para sa twist ng kuwento...



hanggang saan ka magiging kaibigan?

"sige pare. ingat"
ang huling salita na namutawi sa pandinig ni dan mula sa matalik na kaibigan bago niya ito nasalo sa sariling mga bisig ng hindi niya alam ang dahilan ng pagkawala ng malay tao nito.

nagkagulo ang mga nars na naroon. at nagtataka man ay napasugod na rin sa emergency room ang dumadalaw lamang na si ivy sa inang may sakit. hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sundan ang mga kumpulan ng mga nars na naroon.

isang lalake. parang natutulog lamang sa higaan nito ang nakita ng dalaga. at isang lalake na umiiyak habang hawak nito ang isang kamay ng lalakeng natutulog lamang.

"mga bakla ata ang mga yan. ang sweet nu?"
ang narinig na pag uusap ni ivy sa tatlong nars na naroon din sa isang tabi. napapailing na lamang siya. pero napapangiti sa kabilang banda.

hanggang saan mo sasamahan ang iyong kaibigan...

parang normal lamang na inimulat ni mark ang kanyang mga mata. at hindi na siya nagulat sa imahe ng kapaligiran niya.
"bakit mo pa ako dinala dito..."
ang bungad na tanong niya sa kakapasok lamang na kaibigan sa silid na yun.
pagod man ay nakangiting nilapitan ni dan ang kaibigan na nakahiga.
"baka namimiss mo na kasi dito..ang tagal na rin ng huling punta mo sa ganitong lugar..."

tinabig ni mark ang mga kamay ng kaibigan. galit ang mga mata nito.
"ayaw ko dito. pero bakit mo ako dito dinala?"

halos maluhang napaupo sa isang upuan si dan.
"nag-panic ako. natakot ako."

hanggang saan mo kayang kilalanin ang bagong kaibigan...

"miss. pwede mo ba akong tulungan. gusto ko na sanang lumabas dito"
himig paglalambing na pakiusap ni mark sa dumaan na babae sa silid niya. sakto kasing bukas ang pintuan.

"sorry. dumadalaw lang ako sa nanay ko dito. ayaw ko naman na dalawin niya ako sa kulungan dahil sa pakiusap mo"
nakangiting tugon ni ivy sa pakiusap ng lalakeng yun.

nagulat na lamang ang dalaga ng padabog siyang sinaraduhan ng pinto ng taong yun.

hanggang saan ka magtitiis para sa kaibigan...

"binili ko lahat ng kailangan mo. pati ang paborito mong siopao!"
ang sopresa ni dan sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha.

"mamamatay din ako dan. bakit ko pa kailangan magpalakas?"
ang mahinang sabi ni mark dito.

tanging buntong hininga na lamang ang narinig ni mark sa natigilan na kaibigan sa sinabi niya.

hanggang saan mo kaya makipag-kaibigan...

"bakit ba ang sungit mo? kung gusto mo mamamatay, mamatay ka na ngayon palang. para wala ka ng pinapahirapan pang tao."
galit na sabi dito ni ivy ng hindi niya matiis ang pagdadabog nito sa tuwing dadaan siya sa harapan ng silid nito.

"sorry. hindi ko alam na..."
parang biglang nakaramdam ng awa si ivy dito ng makitang napayuko ito.

kailan mo gusto makilala ang isang kaibigan...

"magkaibigan kaming matalik. kapag nawala ang kaibigan ko...parang nawalan na din ako ng isang malapit na kapatid..."
napaluha si ivy sa narinig mula sa dasal ng isang taong hindi naman niya kaanu-ano.
hindi nagtagal, madalas ng makausap ni ivy ang lalakeng yun. at sa hindi maintindihang damdamin, awa man o paghanga, ay gusto niya itong damayan.

dinadalaw na lamang ni dan ang kaibigan sa tuwing ito ay tulog o nagpapahinga. tipong kalmado at hindi nagsusungit. pero mas gusto niya ito pagmasdan na lamang sa malayo at lihim na umiiyak sa isang tabi. nang hindi nito siya nakikita.

hanggang kailan mo gusto makasama ang isang kaibigan...

dinala sa park ng hospital ni ivy ang bagong kaibigan upang makalanghap ito ng sariwang hangin at makita ang kagandahan ng kapaligiran. biglang nakaramdam ng kalungkutan si mark. hinahanap na niya ang matalik na kaibigan. hindi lingid sa kanya na dumadalaw ang kaibigan pero hindi na nagagawang makipagkita sa kanya gawa ng lagi nilang pagtatalo dahil sa kalagayan niya.

nanghihina man ay pinilit na umupo ni mark sa nag iisang bench na naroon na nakaharap sa papalubog na araw.

"ikukuha kita ng kumot para hindi ka mahamugan. sandali lang ha"
ang malumanay at nakangiting sabi dito ni ivy. tumango na lamang dito si mark.

isang kamay ang gumising ng diwa ni mark habang nakatanaw siya sa papalubog na araw.
"kamusta! namimis na kita kaya ako nandito"
ang pagbibiro ni dan sa kaibigan.
"ikaw din. namimiss ko na ang kaibigan ko na mas gwapo sa akin"
sa mahinang boses narinig ni dan ang birong yun.
tinabihan niya ito.

"may ipapakilala ako sayo. chicks. pero kaibigan ko yun. kaya dapat, ituring mo siyang ako, yung pahahalagahan mo..."
ang mensaheng nagpakilabot kay dan.

"masamang damo ka uy. saka ang kontrata mo, sabay tayo..."
natawa sa birong yun si mark.

humilig si mark sa balikat ng kaibigan. papalubog na ang araw. at nakakaramdam na siya ng antok.

nakita ni ivy ang eksenang yun. at habang dahan-dahan siyang lumalapit sa dalawa...ang lakas ng pintig ng puso niya. at kahit hindi pa siya nakakalapit ng husto sa kinaroroonan ng dalawa para iabot ang kumot sa bagong kaibigan na nakilala niya sa ospital na yun, mga hikbi ang naririnig niya...at mga salitang...

"ang daya mo pare. ang daya-daya mo talaga"
humahagulgol na panunumbat ni dan sa natutulog ng kaibigan.

No comments:

Post a Comment