Pangarap ko ang magtrabaho sa isang food restaurant. Hindi dahil sa
hilig ko ang kumain, kundi dahil sa gusto ko matuto kung paano magluto
ng masasarap na pagkain ang mga cook at chef.
Pinalad ako na matanggap bilang waiter sa isang sikat na kainan sa Libis. Nakaramdam ako ng pressure dahil mukhang mga hindi ordinaryong tao ang mga kumakain sa nasabing restaurant.
Unang araw ko, nakilala ko ang restaurant manager. Mukha siyang artista. Sa pananamit, sa pagkilos at sa pagsasalita. Gwapo ang Boss namin, nakakadagdag inspirasyon kung hahanga ka sa kanyang kakisigan at kagwapuhan.
Pero unang araw ko palang, lagi na akong palpak. Mula sa pagkuha ng mga orders, pagdadala ng mga orders at pagse served nito.
Gusto ko ng umatras, pero naroon yung kagustuhan ng isip ko na umpisa palang naman iyun ng lahat.
"Hey! Mag relax ka lang! Huwag mong ipressure ang sarili mo! Ienjoy mo lang ang trabaho!", ang pagpapalakas loob sa akin ni Boss.
Mabait naman pala si Boss. Mukha lang masungit dahil siguro iniisip ng gaya ko na nakakaangat ito ng posisyon sa amin.
"Sa mga pangit na nagawa ko sa buong araw, ang pagpasok ko dito sa restaurant at makilala ka ang pinakamagandang nangyari!", ang sabi ng isipan ko habang nakatanaw kay Boss.
Maalaga, maalalahanin at approachable si Boss sa lahat, kaya naman nagkaka crush sa kanya ang mga babaeng trabahante.
At umaamin din ako na crush ko si Boss. Wala naman masama na hangaan ang kabaitan niya.
Natapos ang buong araw, pagod ang katawan ko. Closing kasi ang shift ko kaya mas matrabaho. At nang nakalabas na ako ng restaurant, kumaway ako sa security guard na magbabantay magdamag.

Nilalakad ko na ang maliwanag na
kalye. Kabilaan kasi ang mga kainan at ibat ibang commercial buildings
na naroon. Parang hindi nga natutulog ang mga tao sa lugar na yun.
Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad, may biglang bumusina sa likuran ko. Napalingon ako at hindi ko nakilala agad ang driver ng sasakyan. Kaya naman bumukas ang pinto nito at lumabas ang pamilyar na anyo-si Boss.
"Sa highway ka ba sasakay? Tara! Isasabay na kita!", ang ppag aalok nito sa akin. Tatanggi sana ako pero baka marami pang maabalang sasakyan sa likuran nito kung makikipagpalitan pa ako dito ng pagtanggi.
Binuksan ko ang pintuan at naupo sa tabi niya. Nakangiti siya at akmang yayakapin ako, yun pala ay yung seatbelt ng sasakyan lang pala ang inayos niya.
"Hindi nyo na dapat ako inalala Boss! Konti nalang naman ang lalakarin ko para makasakay ng jeep!", ang nauna ko ng sabi sa kanya.
"Ok lang sa akin! Parang iba ka naman!", ang maikling sabi nito.
Habang abala si Boss sa pagmamaneho, pasimple ko siyang sinulyapan. Bukod sa naaamoy ko ang kanyang pabango na kumalat sa buong sasakyan niya, gusto ko himatayin sa mga oras na yun.
"Sobrang gwapo pala nito sa malapitan!", ang hindi ko napigilan na bigkasin. Napatingin siya sa akin.
"May sinasabi ka?", ang tanong nito sa akin.
"Ah, wala Boss! Ang sabi ko, pwede na ho ako diyan sa tabi!", ang nauutal kong sagot.
Maya-maya pa ay ibinaba na niya ako sa kanto. Sumaludo ako sa kanya. Bilang pasasalamat.
"Mag iingat ka! See you tomorrow!", ang sabi nito sa akin.
Hinatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Boss hanggang sa matabunan ng iba pang sasakyan.
"Sayang, sana sinamantala ko na ang agkakataon na makasama at makatabi pa siya ng matagal kung alam ko lang na on the way din pala ang daan niya!", ang nakangiti at panghihinayang kong kausap sa aking sarili.

No comments:
Post a Comment