Saturday, April 6, 2013

short pinoy bromance story: Like a Brother

"Like a brother", iyan ang titulo bilang magkaibigan nina Patrick at Alfred. Magkababata at magkabarkada simula ng magkakilala sila. walang pwedeng magpahiwalay sa kanilang dalawa. Pero hindi iyun ang tadhanang susubok sa samahan nila.




College days.Nararamdaman ni Alfred ang pagbabago. Ang dating araw-araw na pagkikita nila ng kaibigan ay naging madalang.

Every weekends lang ang free days ni Patrick. Nag enrol siya sa army school. Nagkaroon ng girlfriend. At sa tuwing lalabas siya ng training camp, sa kasintahan siya unang nakikipagkita bago sa pamilya at mga kaibigan.

Isang araw, nagkaroon ng chance na magkasama ng matagal ang matalik na magkaibigan. Birthday ni Alfred. Nagkaroon ng inuman at bumaha ang alak sa magdamag na yun. Nakatulog sa kalasingan si Patrick.

Iyun ang hininhintay na pagkakataon ni Alfred. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kaibigan na nahihimbing sa pagtulog. Nagdadalawang-isip man ay hinaplos niya ang pisnge ng kaibigan.

Afred : Matagal ko na itong gustong gawin sayo! Ang malapitan ka para titigan ng mas matagal! Ang mahaplos ang maamo mong mukha habang kinakausap ka...kasi...kasi mahal kita...mahal kita Patrick...naririnig mo ba...

Pinipigilan ng binata na mapaluha sa mga oras na yun, pero parang may isip ang luha niya na dumaloy sa magkabilang pisnge niya.

Alfred :  Pero binabalewala mo na ako eh...nagbago ka na bestfriend...ang dami dami ko ng kaagaw sa atensyon mo...

Tanging ungol ng kaibigan ang naging tugon na natanggap ni Alfred sa lihim niyang minamahal na kaibigan.

Ilang araw nalang, babalik na nang training camp si Patrick. Nagpasalamat ito sa birthday treat ng kaibigan. Yumakap pa ito dito. Mahigpit na yakap din ang tugon dito ni Alfred. Parang iyun na ba ang huling pagkakataon na mayayakap niya ang matalik na kaibigan.

Patrick : Mamimiss kita Parekoy! Kapag nakalabas ako ulit, magkikita tayo ulit! Pangako ko sayo yan! Sagot ko naman ang inuman natin!

Alfred : Ikaw pa! Ubod ka ng kuripot! Pero aasahan ko yan! Hihintayin kita!

Parang nakaramdam ng lungkot si Alfred sa pagtalikod at paglakad palayo sa kanya ng kaibigan. Lumingon pa ito at sumaludo sa kanya.

Halos kalahating taon na ang nagdaan. No texts. No Fb updates. tuluyan na ngang inisip ni Alfred na kinalimutan na siya ng kaibigan. Sa tagal nilang naging magkaibigan, dalawang dekada na, parang ganun kasimpleng balewalain siya ng kaibigan. Gusto na niya talagang sumama ang loob dito.

Pero binalewala niya ang sariling iniisip sa bagay sa kaibigan, kasama ang lungkot at sama ng loob niya dito. May pangako ito sa kanya at alam niya tutupad ito sa bagay na yun.

Nagbukas na lamang siya ng fb account niya para mag-iwan ng mensahe sa Fb wall ng kaibigan. Pero ganun na lamang ang pagkagulat at panghihina niya ni Alfred sa mga nakasulat sa Fb wall ng kaibigan.

" condolence "
" r.i.p. "

Napasama sa isang ambush si Patrick. Dead on arrival ng dinala sa malapit na ospital. Umingay ang balita sa buong bansa dahil mahigit isang dosenang mga bagong sundalo ang kasama sa naganap na ambush.

Sarado ang kabaong. Kahilingan na rin ng mga mahal sa buhay ng namayapa. Naroon ang mga kasamahang sundalo. May bandila sa ibabaw ng kabaong tila kumot na nakapatong. Naroon ang mga maliliwanag na ilaw. Mga ibat-ibang kulay ng bulaklak.

Alfred : Putcha ka! Ang laki pa ng utang mo sa akin! Tinakasan mo lang ako! May pa-pramis-pramis ka pa diyan! Hintayin mo ako diyan, pag nagkita tayo, bubugbugin kita!

Ano mang pigil ang gawin ni Alfred na huwag humagulhol, kitang kita sa mga balikat niya ang pagtaas-pagbaba nito kasabay ng impit na boses kasabay ng mga luhang hindi mapigilan sa pagdaloy.

-end-

alfred
patrick

No comments:

Post a Comment