Sunday, April 14, 2013

To Change 4u!

Sa totoo lang, ibang mundo ang aming ginagalawan. Isang ulap siya at isang putik ako kung ikukumpara kami sa estado ng buhay.

Sa tuwing magkasama kami sa mga okasyon, nararamdaman ko ang pagkakaiba ko sa mga kaibigan at kakilala niya sa tuwing ipapakilala niya ako sa mga ito.

Lumalayo ako at nagtatago sa isang tabi, pinagmamasdan na lamang siya habang nakikipagkuwentuhan sa mga kagaya niya, nakakaangat sa buhay. Matalino. Edukado. At kinagigiliwan ng lahat. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili, dahil umayag pa ako na sumama sa mga okasyon na pinupuntahan nito.

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!", ang pagsulpot niya sa likuran ko.

"Ok naman ako dito! Huwag mo akong alalahanin! Bumalik ka na doon at baka hinahanap ka na nila!", ang simple kong pagtaboy sa kanya. Baka kasi magsilapitan ang ibang bisita na kakilala niya at mapansin ako, mahirap na tanungin lalo na sa estado ng buhay meron ako.

"Gusto ko nga dito sa tabi mo! Saka, ayaw ko na malayo ka sa akin! Kargo kita!", ang nakangiti nitong sabi.

"Ayos lang talaga ako dito!", ang sabi ko sa kanya na may kasama pang tapik sa balikat niya.

"Its ok! Dito muna ako sa tabi mo!", ang pagpilit nito sa sarili. Ilang minuto ang lumipas na tahimik lamang ako. Napansin niya ito.

"Why? May problema ka ba?", ang tanong niya sa akin.

"Alam mo, minsan naisip ko na magbago, yung kahit sa kalahati ng meron ka, susubukan kong maging kagaya mo, para naman hindi ako nakakahiya na kasama mo!", ang mahaba kong pagtatapat sa kanya. Napakunot noo siya sa narinig.

"You dont have to! Mas gusto kita na ppalengkera! Yung maingay at maalalahanin! Huwag mong baguhin ang ugali mo nang dahil lamang sa gusto mo na maging ok ka sa iba! Para sa akin, ok ka!", ang paliwanag nito. Napangiti ako sa narinig ko.

"Salamat ha! Mahal mo talaga ako!", ang biro ko sa kanya.

No comments:

Post a Comment