Sunday, October 27, 2013

si Daddy at si Twink

Mali nga ba ang magkagusto at maramdaman mo ang pagmamahal sa isang tao na doble ang agwat ng edad sayo.

Arturo: Hindi ka ba mahihiya na ang isang ubanin at halos maubos na ang buhok sa ulo, ang kayakap at sinasabihan mo ng " i love you " ngayon?!

Jason: Bakit mo naman naitanong yan? Hindi naman ako tumingin sa edad at itsura mo ng magkakilala tayo!

Magawa mo nga kayang balewalain ang mga balita na posibleng makaapekto sa relasyon ninyong dalawa.

Jason: Alam mo, nasasaktan din naman ako sa tuwing iisipin ng ibang tao at ng mga kaibigan mo o kahit ng mga kaibigan ko na pera lang ang habol ko sayo! Sabagay, magkaiba ang estado ng buhay natin, gaya ng pagkakalayo ng mga edad natin =(

Arturo: Hindi naman natin sila pwedeng sisihin at pigilan sa mga gusto nilang isipin at sabihin sa atin! Syempre, masasaktan tayo! Alam mo, kahit sa ating dalawa, hindi mawawala yung pagdududa eh! Sana, habang tumatagal tayo, magawa natin yun lagpasan at tuluyan ng hindi maging isyu pa!

Jason: Malayo pa yatang mangyari yun, ang maunawaan nila tayo!

Arturo: Kaya nga, walang dapat bumigay dahil lakas natin ay ang isat-isa!

Sa relasyon ng bata at matanda na mahal ang isat-isa bilang magkasintahan, halos lahat ng insekyuridad ay pumapasok sa kanilang relasyon.

Arturo: Hey! Kausapin mo ako! Kailangan ko ng paliwanag! Bakit kailangan kong hindi magselos?! Bakit hindi ko kailangan maramdaman ang ganito sa tuwing nakikita kitang pinapaligiran ng iba! Na mas bata, kaedad mo at mas nakaka vibes mo!

Jason: Alam mo, hindi ko kailangan magpaliwanag ng paulit-ulit sayo para maintindihan mo at pumanatag yang kalooban mo! Alam mong mahal kita! Pinili kita!

Arturo: Pero bakit nararamdaman ko ito?!

Jason: Hindi natin pwedeng pigilan yung mararamdaman ng mga taong nasa paligid natin! Pero may magagawa tayo, ang umiwas at iwasan sila kung gugustuhin natin! Hindi pa ba sapat na ikaw ang dahilan kung bakit ko nasasabi sa kanila, na masaya ako sa kung anong meron ako ngayon at sino ang taong pinili kong makasama sa buhay ko?! Kailangan bang marinig mo pa iyun?! Huwag mo sana akong pagdudahan! Kasi, nasasaktan din ako =(

Hanggang saan nga ba ang kayang itagal ng relasyon na ang malayong agwat ng mga edad ang pinagmumulan ng mga maling pagtingin sa pagkatao sa kanila ng nasa kapaligiran nila.

Jason: Sa ating dalawa, napansin ko na ako ang matured mag isip!

Arturo: Hindi naman porket may edad ako sayo, kailangan ako na ang matured! Namimiss ko rin naman ang bine-beybi ako!

Jason: Ginawa mo pa akong care giver o yaya!

Arturo: Nagsisisi ka ba?

Jason: Akala ko lang kasi, ikaw itong matured! Ang akala ko, mas malawak yang pag iisip mo kumpara sa akin kung ibabase sa karanasan mo kesa sa anong karanasan na meron ako!

Arturo: Salamat sa adjustment!

Jason: Salamat sa pagtatanggol!

Arturo: Salamat sa pagmamahal =)

Hindi isyu ang edad sa dalawang taong nagmamahalan, nagiging kumplikado lang ito mula sa mga ibang tao na may mga sariling opinyon na posibleng makasira talaga ng relasyon  at binabase lamang nila sa kanilang nakikita at naririnig.


-------

No comments:

Post a Comment