Tuesday, October 15, 2013

Hatid Tanaw

Isa na yata sa pinakamalungkot na sitwasyon sa dalawang taong nag iibigan ay ang magkalayo. Depende sa hinihingi ng pagkakataon kung bakit kailangan na magkalayo ang landas ng dalawang tao.

Josh: Everything is ready!

Ang nakangiting sabi ng Josh sa abala pang katipan sa pag eempake ng mga bagahe nito. Sandali itong natigilan pero nagpatuloy pa rin sa ginagawang pag aayos ng mga gamit nito.

France: Why are you happy pa yata?

Josh: Nalulungkot kaya ako! Hindi lang halata kasi magaling akong magdala =))

Napapailing na nilingon muli ni France ang nakatingin ding nobyo. Ngumiti siya at nagbigay ng mahing " i love you " dito.

Josh: Asus! Aagawan mo pa yata ng titulo si Judy Ann Santos sa pagiging drama queen =))

France: Hindi mo naman ako mapipigilan na hindi malungkot nu! Ako ang aalis pero ikaw pa itong hindi masyadong apektado na iiwan kita dito sa Pinas!

Bumuntong hininga na lamang si Josh at naupo sa gilid ng kama. Tumabi siya sa nobyo at katahimikan ang namagitan sa kanila.

Josh: Matagal ko ng pinaghandaan yung ganitong bagay! Yung tutulungan ka mag ayos ng gamiit at mag empake! Yung mga maririnig kong pagpapalakas mo ng loob sa akin!

France: Bakit mo pinipigilan?!

Josh: Ang maging malungkot? Baka pag nag emote ako dito, baka tuluyan ka ng hindi makaalis =))

France: Hihintayin mo ba ako?

Josh: Kung gusto mong hintayin kita!

France: Babalikan naman kita!

Josh: May babalikan ka naman eh =))

Dumaan pa ang ilang oras, tapos na ang pag aayos at pag eempake. Nakahanda na rin patungong airport ang dalawa. Habang nasa sasakyan ay panay buntong hininga lamang ng dalawa.

France: Skype?

Josh: Alam mo naman na bihira ako mag online!

France: Magastos ang tumawag mula abroad!

Josh: Konting sakripisyo lang yun, ipagdadamot mo pa!

France: Adjustment?

Josh: Ako ang mag aadjust!

France: Salamat ha!

Josh: Saan? Sa pagtulong ko sayo sa pag eempake!?

France: Sa malawak mong pang unawa!

Josh: Natututunan naman yun! Lalo na kung talagang mahal mo yung tao! Nang minahal kita, marami akong natutunan, gaya ng ... ganito! Ang umasa! Umasa na sana walang magbabago!

At dumating na nga sa huling mga oras na magkakasama ang dalawa.

Josh: So paano? Hanggang dito nalang ako talaga!

France: Ngayon palang, namimiss na kita!

Josh: Ako din naman eh!

At sa huling pagkakataon ay nagyakap ang dalawa. Hudyat ang katahimikan at mga hikbi bilang pagpapaalam sa isat-isa.

At habang papalayo ang isa, hatid tanaw lamang ang tanging nagawa ng naiwan.




---

No comments:

Post a Comment