Saturday, November 23, 2013

kasiping ang estrangherong lalake

Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan o dahil na rin sa tawag ng damdamin kung bakit naganap ang isang oangyayari na hindi inaasahan na mangyari. Nagising na lamang ako na nasa isang malamig at magandang silid. Sa pagmulat pa ng aking mga mata upang pagmasdan pa ang nasa aking paligid, isang mukha ang sumalubong sa akong paglilibot. Nakangiti ito na tila masaya at inaasahan na ang aking pagkagulat.

Siya: Hi! Good morning!

Ako: Hi! Good morning din!

Napansin ko nga na sumisilip sa kurtina ang sinag ng araw sa labas ng bintanang yun. gusto ko sanang magtanong pero naunahan na ako ng pagkapahiya sa kanya at sa aking sarili. alam kong may naganap sa pagitan naming dalawa. Iyun ang sinasabi ng isipan ko, gusto kong kiligin at pinipigilan ang mga labi na ngumiti pero mas nanaig sa akin ang magkaroon ng pagkapahiya talaga sa nangyari.

Siya: About last night...

Bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari bago ko natagpuan ang sarili ko katabi ang lalakeng yun. Kasama ko ang aking mga kaibigan na pumunta sa isang disco bar, napasobra yata ako ng nainom at nahilo sa bawat liwanag na nagmumula sa mga light balls, naroon na muntik-muntikan akong magsuka, nakabunggo ng mga tao sa paligid ko at naupo sa isang tabi ng lumabas ako para ipahinga ang sarili. Masaya ako sa mga oras na yun, at doon ko naalala na dumaan sa harap ko ang lalakeng yun. Ngumiti at tumabi sa kinauupuan ko. Inalok ako ng dala nitong inumin pero tumanggi ako. Hindi ko na maalala ang mga pinag-usapan namin, kahit nga pangalan niya ay hindi ko maalala kung tinanong ko ba sa kanya.

Siya: Nahihiya ako sa nangyari!

Ako: Ha?

Siya: Sinamantala ko ang pagkakataon na pareho tayong nakainom kaya may nangyari sa ating dalawa! Pero, humihingi lang ako ng pasensya sa pananamantala ko ng pagkakataon, pero hindi ako nagsisisi at humihingi ng sorry sa nangyari sa ating dalawa!

Ako: Ah! Ok!

Wala na akong gustong sabihin o itanong pa. Sa totoo lang, may mga naalala ako kaya ako pigil sa sariling ipakita sa kanya na kinikilig ako habang kasama siya sa mga oras na yun. Madalas ko na siyang nakikita pala sa disco bar na yun, sa tuwing naroon ako kasama ang aking mga kaibigan para maglibang at magsaya, nagkakataon na naroon siya. Kaya naman naging pamilyar na siya sa akin, at nagkapuwang sa ouso ko kahit imposible na magkaroon ng pagkakataon na magkakilala kami. O baka madalas na naroon siya, o baka nga madalas ay may kasiping siya na iba na doon sa lugar na yun nanggaling.

Siya: Alam mo, ikaw palang ang dinala ko dito sa pad ko! Iyan ang totoo!

Gusto ko siyang paniwalaan sa sinabi niya, tanging yun nalang ang panghahawakan ko mula sa kanya, pero hindi ko rin masasabi sa sarili ko kung nagsasabi siya ng totoo. Baka iyun din ang mga linya niya sa mga dinadala niya roon.

Nang ako ay makapag ayos na sa aking sarili, nilingon ko siya bago ako lumabas. Ngumiti lamang siya sa akin. Sa isip ko, maulit man o hindi, ang mahalaga, nagkaroon ng katuparan ang kahilingan ko na magkaroon ng kaugnayan sa kanya, sa kahit sandali lang.

No comments:

Post a Comment