Mahirap mag move on. Yan ang nararamdaman ng mga taong nagmahal ng sobra at umasa ng isang pang habang buhay na pagmamahalan. Pero natapos lamang sa isang iglap dahil sa mga dahilan na hindi inaasahan.
Ginugol lamang ni Terrence ang mga oras niya sa pagpunta sa mga parties, events at kung anu-ano pang okasyon para lamang makalimot kahit papaano sa nararamdaman niyang sakit mula sa paghihiwalay nila ng kanyang long time boyfriend. Pero ang panandaliang manhid na binibigay sa kanya ng pag inom ng alak at pakikipag usap sa mga bagong nakikilala ay hindi sapat para makalimot siya ng tuluyan.
Ayaw niyang balikan ang mga ala-ala kung paano natapos ang lahat sa kanila ng dating kasintahan, pero sadyang bumabalik sa isip niya ang lahat ng mga pangyayari.
" Ano bang dapat kong gawin? ", ang tanong na hindi nagawang sagutin sa kanya ng kasintahan. bigla na lamang kasi itong kumalas ng yakap sa kanya at tumalikod. Naririnig niya ang mga hikbi nito pero hindi niya makita ang mukha nito na gustong gusto niyang hawakan at paamuhin. Nalilito si Terrence, marami siyang tanong at gustong sagot na marinig pero nakuntento siya na nakatingin sa nakatalikod na kasintahan.
Natapos ang lahat sa kanila ng hindi niya alam ang dahilan, pero ayaw na niyang alamin pa dahil baka mahirapan din siyang tanggapin kung ang isasagot nito ay " nakaramdam na ng sawa o hindi na masaya " sa kanilang relasyon. Mas masakit na dahilan yun kesa ang malaman o mahuli ang nobyo na may kasamang iba.
Pero alam ni Terrence, na makaka-move on din siya. hindi nga lang niya alam kung kailan at paano. Kailangan niya lang sigurong makaharap at makausap ang dating kasintahan para sa " closure ", baka iyun ang maging dahilan para magkaroon ng kapayapaan ng isip at puso niya.
Pero hindi pa siya handang makita ang dating kasintahan, naroon pa yung alinlangan at banyagang damdamin niya para dito matapos ang isang bagay na walang kasiguraduhan.
Ang lifestyle ni Terrence ay nagbago, nagkaroon siya ng night life na hindi naman niya dating nabibigyan ng oras. Nagkaroon siya ng bisyo gaya ng pag inom ng alak hanggat kaya niya para makalimot. At nagagawa niyang makipag- one nightstand sa mga natitipuhan niya sa mga pinupuntahan.
Pero sa dami ng mga ginagawa niya para maka-move on, laging kulang. Laging walang nangyayari. |hindi nakakatulong ang mga yun para tuluyan siyang magkaroon ng bagong simula.
No comments:
Post a Comment