Halos tumalon sa tuwa si Apol dahil nakatanggap siya ng isang invitation, isang dinner invitation at matatawag na ring isang date. At hindi yun isang ordinaryong date dahil ang makakasama niya dito ay ang kanyang ultimate crush na katrabaho. Na-promote kasi ito, kaya naman isa siya sa mga pinasasalamatan nito.
Pero mabilis naman siyang kinontra ng kaibigan sa pag-iilusyon niya ng sabihing group date ang mangyayari at hindi isang romantic date sa pagitan lang nilang dalawa ng katrabaho. Biglang nalungkot doon si Apol at parang natulala na lamang sa isang tabi. Pero kumambyo ang kaibigan, na bakit hindi tanungin ang katrabaho nito kung ano ba ang set up ng pag iimbita nito sa kanya.
Hindi na nagbigay ng panahon si Apol na sundin ang suggestion ng kaibigan, mukhang tama naman ito na isang group date ang mangyayari base na rin sa mga group messages na natatanggap niya sa iba pang katrabaho na nakatanggap rin ang mga ito ng imbitasyon mula sa na promote na katrabaho nila.
Pero pinaghandaan pa rin ito ni Apol, lalo at na-inspire siya sa muling pagtawag ng katrabaho na sana ay makapunta siya. Mula sa isusuot hanggang sa pabangong gamit ay talagang nag-effort si Apol, kasama ang kaibigan niya habang nasa mall sila naglilibot.
Hindi naman lingid sa kaibigan ni Apol na talagang pantasya nito ang katrabaho, bukod kasi sa mabait ay talaga namang very friendly ito sa mga gaya nila na may pusong babae pero lalake ang itsura. Kahit naman laging kontra ang kaibigan niya sa mga kuwento niya tungkol sa mga nakakakilig na eksena sa pagitan nila ng katrabaho ay naka suporta pa rin ito sa pananaginip niya ng gising.
Dumating ang araw kung saan ay dadalo sa isang imbitasyon si Apol. Hindi nito kinalimutan ang magdala ng mouithwqash kung sakaling magkaroon ng chance na ma-beso-beso siya ng katrabaho kapag niyakap at nagpasalamat ito sa kanya, wala namang masama mag isip ng advance.
Naroon nga ang iba niyang katrabaho, at masaya ang mga ito na nagkukuwentuhan habang nakapalibot sa na-promote na katrabaho. Hindi naman siya agad napansin ng katrabaho kaya naman doon na lamang nanatili sa isang tabi si Apol at kumain na lamang at kinuha ang pagkakataon na matikman ang mga inuming alak na naroon.
Ilang oras pa ang nagdaan, napansin din siya ng katrabaho. Kunwari ay nagtampo siya, at sinuyo naman siya nito sa paghingi ng sorry. Yumakap ito sa kanya at isinigaw ng isip ni Apol ang " JACKPOT".
Ilang sandali ring nasa tabi niya ang katrabaho kahit na may mga sumisingit na iba nila pang katrabaho. Saglit na umalis sa tabi niya ang katrabaho dahil nagpapa-alam na ang iba at unti-unti nang nagsi-uwian ang iba pang naroon. Tumulong na lamang si Apol sa paglilinis ng ibang kalat pero hinila si ng katrabaho sa garden at hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matawa sa nakita.
Pero maya-maya lang ay parang nakaramdam siya ng kilig, dahil kahit mukhang pang horror ang set up ng lamesang may puting tela at mga kandila, sapat na yun para maunawaan niya na nag effort ang katrabaho na gawin yun.
Dinala siya nito sa lamesang naroon at pinaupo. May mga pagkain itong nilagay sa lamesa, at doon siya natawa ng makita na mga naka-balot o pang take out na ang mga naroon sa lamesa.
Ang sabi ng katrabaho niya, iuwi nalang daw niya ang mga binalot nitong pagkain para sa mga kasambahay o kasama niya sa bahay. "Ang sweet naman talaga!", ang sabi na lamang ni Apol sa kanyang isip dito.
Sumeryoso ang muha ng katrabaho niya, nag thank you ito ng sobra dahil sa isa daw siya sa mga tumulong para maabot niya yung pangarap nito at ang posisyon na nabigay dito. Napangiti naman dito si Apol.
Iyun ang maituturing ni Apol na unang date sa buong buhay niya. Hindi man romantic date na matatawag, kinilig naman siya ng sobra.
No comments:
Post a Comment