Since elementary, highschool, college hanggang sa magkatrabaho ay magkaibigan na sina Jun at Eric.
Hanggang sa pareho silang may niligawan at nagka girlfriends, ay nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila.
Pero one day, ang pagkakaibigan pa nila ang magiging dahilan para sila ay magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan.
Eric: Sandali pare! Pakinggan mo naman ako!
Jun: Huwag mo ng ipilit na pare ang itawag sa akin...mare!
Nainsulto doon si Eric, pero tinanggap niya. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan, dahil nagsinungaling siya dito. Nagtago siya ng totoong nararamdaman niya para dito.
Jun: Kailan pa?
Eric: Hindi ko alam! Pero nagseselos ako kapag nakikita kang masaya sa mga babaeng nagugustuhan mo!
Pigil ni Jun ang sarili pero nagawa niyang hawakan ng mahigpit ang kwelyo ng suot ng kaibigan. Gusto niya itong sapakin, saktan at murahin. Takot na takot naman si Eric na nakapikit lamang.
Jun: Bakit? Akala ko ba tropa tayo?
Eric: Hindi ko din alam! Masisisi mo ba ako kung sa bawat kasama mo ako bilang 3rd wheel sa mga ka-date mo o mga lakad nyo ng mga nagiging girlfriend mo, ginusto kong makaramdam ng ganito?
Binitawan ni Jun ang kwelyo ng kaibigan. Inayos niya ito at umatras palayo dito.
Jun: Bakla ka?
Napatango doon si Eric. Doon tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
Eric: Im sorry! Na na-inlove sayo ang 3rd wheel mong kaibigan!
Ang lalim ng pag buntong hininga ni Jun habang pinagmamasdan ang nakayukong kaibigan.
Jun: Mabuti pa siguro, huwag nalang muna tayo magkita...huwag nalang tayo mag usap at kung pwede lang...kalimutan muna natin na magkakilala tayo!
Doon napaangat ng tingin si Eric sa kaibigan. Naramdaman niya na parang nandiri sa kanya ang kaibigan.
Jun: Hindi mo naman ako masisisi di ba? Ayaw kitang husgahan, pero mas masasaktan ka kung sasabibin ko ng literal!
Eric: Hindi naman ako kalat na bakla Jun! Bakit kailangan maapektuhan yung pagkakakilala mo sa akin dahil lamang sa ganito ako?
Jun: Dahil hindi ko tanggap! Ayaw kong tanggapin dahil nasaktan din ako sa nalaman ko!
Mabilis na tumalikod si Jun sa kaibigan at lumakad palayo dito. Doon tuluyang napahagulgol si Eric. Yun na nga ba ang huling pagkakataon na makikita at makakausap niya ang kabigan? Ayaw niyang isipin na yun na nga ang katapusan.
No comments:
Post a Comment