Monday, May 19, 2014

One Night Stand

Bumangon mula sa pagkakahiga si Alen. Naroon ang pakiramdam na bigla siyang nalungkot. Gising na rin pala ang katabi niya ng maramdaman ang pag galaw niya.
Alen: Nagising ba kita?
Lance: Not really! Hindi rin ako makatulog ng maayos!
Tumayo na si Alen para magbihis ng mga nagkalat niyang kasuotan. Pinapanood lamang siya ng lalakeng nakilala niya sa isang party at nakasama niya sa magdamag na ulayaw.
Lance: Magkikita pa ba tayo?
Alen: Hindi ko alam! Hindi na siguro!
Biglang niyakap ni Lance ang lalakeng nakilala lamang din sa isang party. Dinama nito ang katawan sa pagkakayakap dito.
Lance: Masaya ako sa nangyari sa atin!
Alen: Ako din!
Pero biglang napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ni Lance ng alisin ng lalakeng yun ang mga braso niyang nakayakap sa katawan nito.
Alen: Hindi ako pwedeng umuwi ng may araw na! Nasabi ko na sayo, pamilyado akong tao!
Lance: Huwag kang mag alala, hindi naman ako naghahangad ng sobra pa nang dahil sa nangyari!
Alen: Mabuti na yung klaro!
Bihis na ito ng mapansin ni Lance. May iniabot ito sa kanya, parang nainsulto doon si Lance.
Lance: Hindi ako nagpapabayad! Gusto ko yung nangyari sa atin dahil gusto kita!
Alen: Ayaw kong makunsensya! Huwag mong isiping bayad ko ito sa nangyari sa atin, share ko nalang dito sa motel!
Tinanggap na lamang ito ni Lance. Pero mabilis niyang kinabig ang kamay nito at niyakap.
Lance: Pwede mo ba ako bigyan ng isang halik nalang?!
Alen: Pero...
Lance: Pakiusap!
Buntong hininga ang isinagot dito ni Alen, bago muling hinalikan ang labi ng lalakeng yun. Matagal bago muling naghiwalay ang mga labi nila.
Lance: Ang sarap mo talagang humalik!
Alen: Kailangan ko na talagang umalis!
Tumango si Lance at hinayaan ng lumayo sa kanya lalakeng yun. Bago tuluyang lumabas ng silid si Alen, nilingon niya ang lalakeng yun.
Alen: Salamat sa masayang one night stand!
Hindi alam ni Lance kung matatawa sa sinabi ng lalakeng yun. Pero umaasa siya, na hindi sana iyun ang huli nilang pagkikita.

No comments:

Post a Comment