Pumasok sa isang culinary short course si Andrei para naman may magawa siya habang summer. Saka, hindi rin naman siya tinitigilan sermunan ng kanyang mga magulang kaya para makatakas sa mga ito, nag desisyon nga siyang kumuha ng summer course.
Andrei: Ang major goal ko dito ay ang matutong mag bake ng cakes at cup cakes!
Larry: Pwede mo naman yan matutunan sa panonood lang sa youtube, gumastos ka pa!
Andrei: Iba pa rin ang may certificate friend nu!
Marami-rami din ang mga magiging kaklase ni andrei sa short course na yun, at syempre, gumagana ang mga gaydar niya sa mga pamintang gaya niya. Pero hindi iyun ang nakatawag pansin sa kanya, kundi ang gwapong chef na magiging shourt course teacher nila sa loob ng isang buwan.
Chef: Any questions Andrei Reyes? Kanina ka pa tulala! May problema ba sa mga instructions ko?
Andrei: Wala chef! Dinadama ko lang yung pakiramadam na sa wakas! Estudyante na ako ng short course na ito! Hehe!
Naikukuwento ni andrei ang bawat lessons sa kaibigan, pati na rin ang tungkol sa gwapong chef na nagtuturo sa kanila. Kinikilig pas siya habang kinukuwento ito.
Larry: Kaya ka ba inspirado na pumasok at magbyahe mula north to south ng dahil gwapong chef na yan?
Mag selfie kaya kayo nu! Ila-like ko agad!
Andrei: Puro ka naman biro! Ofcourse, mas gusto kong matuto kesa ang magkaroon kami ng koneksyon ng mas malalim pa ng chef nu!
Larry: Sa bibig mo na talaga nanggaling na may pagnanasa ka doon sa chef nyo! anong sabi ng gaydar mo?
Andrei: Hindi masyadong masagap ng antena ko!
At sa bawat araw na dumadaan, ay parang lalong lumalalim yung paghanggang nararamdaman ni Andrei sa chef nila. Naroon yung natataranta siya sa tuwing sasagot sa mga tanong nito, naroon yung nagkakamali siya sa mga ingredients kapag nasa tabi niya ito.
Chef: Relax Andrei! Hindi ko naman titikman ang mga samples mo dahil nag eexpect na ako na mahusay ka na! Lahat kayo dito, na mga kumuha ng short course ay gusto lamang matuto at hindi agad-agad magiging pinakamagaling!
Minsan, nakakaramdam din ng lakas ng loob si Andrei na sundan ng tingin ang bawat galaw ng kanilang chef kapag ito ay busy sa mga pagbibigay ng instructions.
Larry: Malapit ng matapos yung summer course mo bakla! Anong plano mo diyan sa feelings mo kay chef na yan?
Andrei: Syempre, pagkatapos ng summer course, malabo pang magkaroon ng dahilan para magkaroon pa kami ng ugnayan!
Larry: Ay! Suko na agad ang drama mo niyan pala!
Binigyan sila ng one week para gumawa ng isang sample na ibe-bake nila at dun ibabase ng kanilang chef ang pagbibigay ng grades sa kanila. Pero laging palpak ang mga bakes ni Andrei. Kung hindi sunog ay sobra namang tamis. Pero hindi pa rin siya sumusuko na pasarapin ang ibe bake lalo at gagawin niya yung espesyal sa pagkakataong yun.
Larry: 72 hours na nating sinusubukan na mapasarap ang bake at presentation ng cup cake na ipapasa mo, baka naman pwedeng humingi ng 1 day na pahinga teh!
Andrei: Sige na! Ako na ang bahala dito!
Larry: Hindi kita pwedeng iwan! Baka magkasunog!
Pero pursigido talaga si andrei na gawing perfect ang ibe bake niyang cupcakes, kahit isa lang, ay talagang naka pokus na siya sa bawat oras habang nasa pugon ito.
Dumating ang araw at oras para ipasa ng mga nag short course sa baking na estudyante ang kanilang mga sample bakes. At lahat naman yun ay natikman ng chef. At napansin niya na wala roon ang isang estudyante. Dumating ang tanghali, isa-isa ng umalis ang mga naroong estudyante na nagpakita ng mga sample nilang na bake. Doon dumating si Andrei, may dalang isang kahon.
Chef: Reyes! Mabuti at naabutan mo pa ako dito! Iyan na ba ang sample bake na ipapasa mo?
Andrei: Oo sir! Kaya lang...hindi ko pa alam ang lasa!
Chef: Bakit naman?
Inabot ni Andrei ang kahon sa chef. Binuksan ito at napangiti doon ang chef sa nakita. Pumikit lamang si Andrei ng kunin at tikman ito ng chef.
Andrei: Babalik at kukuha nalang ako ulit ng short course chef!
Chef: At bakit naman?
Andrei: Para makita ko kayo ulit?!?
Chef: Ang funny mo talaga Reyes! Masarap naman ang cupcake na ginawa mo!
Andrei: Talaga ho? Eh parang tutong ng kanin nga yung nasa top niyan eh!
Chef: Alam mo Reyes, minsan, yung sarap ng isang pagkain, wala sa itsura! Nasa laman nito!
Lihim na napakagat labi doon si Andrei. Mukhang nakakuha siya dun ng ganda points.
Chef: So, see you sa graduation?!?
Andrie: Oho chef! Salamat ho ah!
Nadapa-dapa pa si Andrei ng lumabas ng silid aralan. Mabilis naman siyang inalalayan ng kaibigang naghihintay sa kanya.
Andrei: Pinuri niya ang ginawa ko!
Larry: Sa pangit ng itsura nun? Napabilib mo pa ah! Iba na yan!
Andrei: Ito na ang simula!
Larry: Ay, simula palang pala itong istorya ng buhay pag ibig mo friend! Kaloka! Tara! Pumunta nalang tayo sa cupcake house! Doon, makakatikim na ako ng totoong masarap na cupcake!
Sa araw na yun ay walang patid yung kaligayahang nararamdaman ni Andrei sa mga oras na yun.
No comments:
Post a Comment