Sunday, April 27, 2014

Perfect Match?

Kung baga sa pagkain, sila ay puto at dinuguan. Talagang match ika nga, mula na rin sa mga kaibigan at kakilala nila. Na sila ang iniidolo at gustong maging katulad ng kanilang relasyon, masaya lamang at walang mabigat na mga problemang maging dahilan para sila ay magkahiwalay.

Ang saya ni Ron habang kapiling ang nobyo, dahil minsan nga lang sila magkaroon ng panahon sa isat isa na magkasama dahil sa trabaho ni alex na kung saan saan nadedestino, hindi naman iyun ikigagalit ni Ron dahil bago niya nakilala ang nobyo ay ganung uri na talaga ang trabaho nito.

Kung may mga dahilan para sila ay magtampuhan, iyun ay minsang pangungulila ni Ron sa nobyo at ilang beses na pagpapaliwanag ni alex na ganun talaga, hindi sa lahat ng oras, laging langit ang relasyon nila.

Marami ang nagsasabing mahirap ihandle ang long distance relationship pero nagawa naman iyung itawid ng magnobyo, minsan pinaghihinalaan nila ang isat-isa pero natatapos ang usapan sa paghingi ng "sorry" at pagsagot ng "nauunawaan ko".

Wala naman talagang perfect match sa relasyon ng dalawa, magkasalungat sila sa marabing bagay, pero isa sa kanila ang nakikinig nalang kapag hindi na talaga mapigilan ang palitan nila ng mga kuro-kuro.

Ang tukso sa kanila ay nasa paligid lang, sinasabi nila sa bawat isa ang mga paghanga nila sa ibang tao o may ibang nagpapakita sa kanila ng interes, sa huli, nagbibiruan na lamang sila at sinasabing "gwapo kasi itong boyfriend mo eh!" o "bakit kasi namili ka ng malakas ang charm!".

Hindi masasabi ni Ron na hindi siya nasasaktan sa mga taong malalapit sa nobyo, pero mas pinaniniwalaan niya ang nobyo na kaya nitong umiwas basta naroon yung pagtitiwala niya.

Hindi rin naman masasabi ni Alex na masayang masaya siya sa relasyon nila ni Ron pero alam niya sa sarili niya na swerte siya dahil ang gaya nito ang nandyan para sa kanya sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya.

Kapag nakakakita sila ng mga couples na gaya nila, lagi nilang sinasabi na sana ay ganun sila, kahit sa paningin lang ay masasabing maligaya sila, dahil hindi naman alam ng ibang tao ang totoong nangyayari sa relasyon ng dalawang tao.

No comments:

Post a Comment