Ever since, alam naman ni Bon na hindi talaga siya sanay na magpatali sa isang relasyon. Kaya nga every time na nasa mga parties siya, kung sinu-sino nalang ang nakikita niyang kasama, kasayaw o kahalikan, in public o in private place man. Parang sanay na rin ang mga tao na nakikita siya na kung sinu-sino ang pinapakilala niya na "friends with benefits".
Pero minsan, kapag napag iisa si Bon, naiisip niya kung bakit nga ba hindi siya nagkakaroon ng seryosong relasyon. Sino nga ba ang may problema, yung mga nakikilala niya o siya mismo?
Minsan, sa pag iinarte niya, akala niya ay OK iyun sa mga taong nasa paligid niya. May naiinis kasi iba ang sinasabi niya sa kinikilos niya. Lagi niyang sinasabi na hindi naman siya "choosy" pero may "standard" lang. Ano ang pinagkaiba nun?
Hindi naman daw siya tumitingin sa panlabas na anyo, ang parang sinasabi niya na ang mga naikakama niya na may mga dating at itsura, hindi niya talaga balak na seryosohin pagkatapos nilang pagsaluhan ang panandaliang saya at ligaya? O baka naman sinubukan niya, pero dahil nga sa nasanay siya na kapag attracted siya sa iba, yun ang target niya na bibigyan ng motibo para magkainteres sa kanya at pagkatapos ng mangyayari sa kanila ng kasiping niya, tapos na. Wala ng dapat pang pag usapan.
Normal na kay Bon ang ganung sitwasyon base sa mga nakakasalamuha at mga karanasan ng mga kaibigan j na nakilala niya sa mga mutual friends, parties, text clan at ibat-iba pang grupo.
Parang halos lahat na yata ng kapilyuhan ay nagawa na ni Bon, ang makipag relasyon sa may karelasyon, ang makipag sex sa may karelasyon, ang landiin ang may karelasyon at iba pa. At ang masama pa nito, karelasyon ng kaibigan niya ang tinatalo pa niya.
Maraming dinedenay si Bon, na kapag tinatanong sa kanya ang isang tao na minsang nakitang kalampungan niya, sasabihin niya na regular pa rin silang magkatext at gusto siya nito, pero iba naman ang kasama o nilalandi niya sa mga oras na yun. Kaya hindi kapani-paniwala ang pag depensa niya sa sarili sa iba na isa siyang seryosong tao sa pakikipag relasyon.
Nandoon ang insecurities ni Bon, sa ugali, sa itsura at sa estado ng buhay ng ibang tao, kaya naman hindi rin maganda ang mga nasasabi nito kapag hindi niya gusto ang ibang tao. Maingay, pabida at gusto lagi siya ang pinapakinggan at sikat na akala niya ay palaging dahilan para mas mapansin siya ng lahat ng nasa paligid niya. Sabi nga, hindi lahat ng tao, kaya mong magustuhan ka. May ayaw talaga sayo.
Kaya may ilang mga kaibigan o tao na iniiwasan siya, hindi dahil sa ayaw sa kanya, kundi dahil na rin para malaman niya ang halaga ng pakikipag kaibigan ng totoo, hindi lang dahil sa nakakasama sa kasiyahan lamang, sa inuman, sa kantahan, sa tawanan, kundi sa buhay na kung saan ikaw ay dumadaan sa totoong kahulugan ng buhay sa kalungkutan at kaligayahan.
May itsura si Bon, pero naroon ang mga pagkakataon na hindi siya ang laging bida sa bawat eksena, may mas lalamang talaga sa kanya, hindi dahil sa itsura, kundi sa kung paano makipag kapwa tao. hindi dahil sa maingay ka, kundi sa kung paano mo pinag iisipan ang sasabihin mo. At hindi dahil sa may alam ka, kundi kung paano ka makinig sa mga opinyon din ng iba. Huwag ipilit ang sariling opinyon na tama, dahil nagiging tama lang naman iyan kung marami kayong nagkakasundo sa pinag dedebatehan.
Matututo lang si Bon sa bawat karanasan niya, at hindi rin natin siya mahuhusguhan kung bakit may mga bagay na siya lamang ang nakakaunawa.
No comments:
Post a Comment