Lance: Excited na ako sa aming unang taon bilang magka-relasyon =)
Fer: Huwag ka nga masyadong masaya, baka mamaya, umiyak ka sa huli niyan!
Lance: Umiyak sa kaligayahan?
Madalas, sa sobrang saya, dahil sa relasyon na walang problema, nababalewala na natin ang mga taong nakakapansin sa pagbabago ng pananaw at mga ugali natin.
Lance: O ayan! Pinagluto kita ng paborito mo! Happy anniversary =))
Jon: Sorry babe ha! Nawala sa isip ko ang araw na ito! Sobrang busy lang sa work! Wala pa akong naibigay man lang sayo na kahit ano!
Lance: Wala naman yun! Naiintindihan ko naman =))
Pero yung pakiramdam na parang bigla kang nalungkot lang dahil nga umasa ka rin na may espesyal na mga bagay ang paghahanda niya sa unang taon ng pagdiriwang ninyo bilang magkarelasyon. Pero wala pala.
Lance: Lahat ng bagay, kaya ko naman unawain! Saka, hindi big deal sa akin yun pagkalimot niya!
Fer: Kung talagang mahalaga siya sayo, pahahalagahan niya ang mga bagay at araw na mahalaga sayo, gaya ng pagpapahalaga mo sa mga mahahalaga sa kanya!
Magigising nalang tayo isang araw, na parang hindi na saya ang hatid ng isang relasyon kung isa lang naman ang nagpapaalala na may mga bagay palang dapat bigyan pansin at pansinin.
Jon: Nagagalit ka dahil nakalimutan ko ang birthday mo? Simpleng bagay lang naman yan babe! Babawi ako next time!
Lance: Hindi mo naiintindihan! Kahit lukot ng kwelyo ng suot mong polo, pinapansin ko para lang maisip mo na ganun kita gustong pahalagahan! Pero siguro kahit galos sa kamay ko, hindi mo oobligahin pang alamin dahil parang wala din naman sayo =(
May mga relasyon talaga na parang sa umpisa lang nagiging maayos, hindi man lahatin, pero sa mga karanasan, masasabi mong may mga maliliit na detalye na nasaktan ka sa pambabalewala ng taong mahalaga sayo, sinadya man o hindi.
No comments:
Post a Comment