Saturday, September 6, 2014

One Night Stand; a Chance or False Alarm?

a Chance or False Alarm

Naghiwalay kami year ago. Naging kumplikado ang sitwasyon at marami na rin ang mga rason para mag usap kami na tapusin nalang ang aming ugnayan para wala ng masaktan pa ng sobra. Walang 3rd party at ang dahilan lang ay hindi namin kayang ihandle ang relasyon na akala namin sa una ay magiging pangmatagalan na posibleng humantong sa habang buhay.

Nagawa ko ang gusto pagkatapos ng pakikipaghiwalay. Nakipag date ako sa mga nakikilala ko sa social media at pakikipag textmate. Pero parang one night stand lang ending ng pagkikita.

Handa akong baguhin ang lifestyle ko. Kaya ko naman gawing normal ang buhay ko ng walang lalake o nakaka sex o nakakalandian.

Pero isang taon man ang lumipas na hindi nagku krus ang landas namin, parang pinaglaruan kami ng tadhana.

Nagkasalubong kami sa isang fast foodchain. Nagdesisyon na kumain ng sabay. Nagkamustahan hanggang sa mauwi sa isang pribadong silid at bumalik ang tamis ng damdamin ko sa taong yun. Sa bawat halik sa labi at ungol ay nararamdaman ko na nasabik din siyang makapiling akong muli.

Dumaan ang mga araw. Kahit na nagkuhaan kami ng phone numbers, wala ni isa man sa amin ang unang nagparamdam. Nandoon ang pride. Pero ang pinakadahilan ko, natatakot akong magtanong at umasa ng positibong sagot mula sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ayaw kong paasahin ang sarili ko na posibleng may pagkakataon sa natigil naming relasyon, pero naroon ang pagdadalawang isip na baka naman, wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin ng gabing yun.


Thursday, June 26, 2014

Ako'y Kinikilig!

Ilang beses ko na siyang nami-meet sa mga lakad ng grupong aksidente ko lang naman na kinabilangan dahil sa aking kaibigan. Doon ko unang nakita at nakilala ang isang gwapong lalake na simula palang noong una ay nagbibigay na ng kilig sa damdamin ko sa bawat pagkakataon na magkakaroon kami ng usapan ( palitan ng text messages at viber messages ) at magkikita sa mga lakaran ng grupong yun kapag sumasama ako.
Ilan sa mga tagpong yun nang magkayayaan sa isang disco bar sa Malate, ay dahil nga sa gusto kong mapalapit sa kanya at dala ng kabataan at kapusukan ay nagagawa kong humalik sa mga pisnge niya at nayayakap ko siya habang nasa gitna kami ng maraming tao at mga kaibigan habang sumasayaw sa saliw ng maliksi at maharot na musika.
Naroon na magpakuha ako ng larawan na kasama siya at wala siyang tanggi at siya pa ang kusang tumabi sa akin para lang magpakuha nga ng larawan na kaming dalawa lamang.
May mga panahon na malambing siya mag send ng sms messages, na nagseselos siya kapag may iba nang kumukuha ng atensyon ko pero alam ko naman na mga biro niya lang yun dahil nga siya ay may kasintahan na, pero ganun pa man, kinikilig pa rin ako sa mga birong yun.
Pero habang tumagal ang aming pagkakaibigan, hindi lang pala sa pagpapakilig ang aming magiging ugnayan, dahil isa siya sa mga taong tumulong para ako ay magkaroon ng lakas ng loob na harapin yung bigat ng hamon ng buhay na dumaan sa aming pamilya. Isa siya sa mga nandyan at talagang naramadamn ko ang simpatya niya hanggang sa huli.
Gwapo, matalino at mabait, mga katangian na bihira sa kagaya niya. Busy siyang tao, lalo na sa kanyang negosyo, pero may panahon siya na imbitahin ako sa mga lugar kung saan siya naroon para makakita ng mga kasiyahan na kasama siya at para may chance na magkita rin kami ulit dahil hindi naman kami talaga nagkikita palagi kundi nagkakataon lang.
Minsan na akong nakasakay sa kanyang magarang sasakyan at masasabi kong maswerte talaga ang taong nagpapatibok rin ng kanyang puso at nagbibigay kilig sa buhay niya pag ibig niya.
Sa araw ng despedida niya, kasama ang isa pa naming kabigan, nagkaroon ng pagkakataon na kami ay magkausap at magkakuwentuhan, ng walang umaabala at walang taong nakabuntot sa kanya at humihila. Hahaha!
Sa ngayon, naroon siya sa South Korea, hinahanap ang buhay na mas lalong magbibuigay kaginhawaan sa kanya kasama ang mga kaibigan niya na naroon at ang kanyang kasintahan.
Hindi ko man masabing nagkaroon kami ng mas malalim na ugnayan sa isat-isa, sapat na yung mga sandaling binigyan niya ako ng rason para kiligin. Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ko hinangad na mapansin niya ang gaya ko, pero mas masaya na rin ang maging magkaibigan dahil alam mong hindi kayo magkakailangan.

Thursday, June 19, 2014

Hindi lahat ng lalakeng POGI/ GWAPO ay:

10. Malakas ang sex appeal:

Maraming pogi o gwapo ang hindi naman nakaka-elya sa paningin ng iba, pero depende naman sa iniisip ng mga nakakakita.
9. May sense of humor:
Yung ibang pogi o gwapo, masarap lang silang tingnan at kapag nakausap mo na, mabo-bored ka dahil masyadong ingat sila magbitaw ng mga biro dahil baka pumangit sila kapag natawa sila.
8. Masarap kausapin/ matalino kausap:
Totoo na karamihan sa kanila, wala talagang sense kausap at hindi mo maintindihan ang mga sinasabi nila.
7. Mabango ang hininga/ kumpleto ang ngipin:
Sabi nga nila, hanggat hindi ngumingiti at nakakausap ng malapitan, huwag masyadong humanga sa naamoy sa pabango nila.
6. Nasa Manila:
Mas marami ang mga nasa probinsya (promdi/ probinsyano/ bisaya).

5. Nasa opisina at gym:
Yung iba kargador at tindero sa palengke.
4. Malibog:
Hindi sila masipag sa kama o tamad mag romansa.
3. Sexy at fit:
Yung iba chubby at skinny.
2. Artistahin:
Yung iba hipon. Katawan ang masarap at malakas ang charming.
1. Ay babaero:
Yung iba, lalakero na. ( alam na )

( https://twitter.com/akosichardee )
( https://www.facebook.com/akosichardee?ref=tn_tnmn )

Sunday, June 15, 2014

Masayang Kasama Siya

Nakikita ko na talagang nag enjoy siya sa pakikipagsayaw sa grupo ng dati niyang nililigawan at sa mga kasama nito ng mga oras na yun. Hindi namin inaasahan na makikita namin ang taong yun sa lugar na pinuntahan namin after namin manood ng movie.
Nang kami nalang dalawa sa loob ng sasakyan habang papauwi na, may mga bagay kaming pinag usapan na dinadaan namin sa biruan, habang nagkukuwento ako, patuloy siya sa pagmamaneho habang nakikipag chat sagrinder, isang gay social app.
: Masaya ka ba na makita siya ulit? May bumalik bang kilig o spark sa pantog mo?
: Ano ba naman klaseng tanong yan!
Tahimik kami ng ilang sandali dahil na rin sa antok ko, pero nung araw na yun lang kami muli nagkita [agkatapos ng ilang linggong dumaan. Ayaw ko ng masayang ang pagkakataon na hindi siya makasama sa mga oras na yun. Humilig ako sa balikat niya at yumakap sa isang bisig niya habang hawak niya ang kanyang phone at nagmamaneho.
: Sobrang namiss kita!
: Alam ko naman yun!
Marami kaming pinag usapan, mula sa kanyang dating nililigawan, sa bago niyang nakilala sa party hanggang sa kanyang pananamit. Akala mo ay expert ako para bigyan siya ng ideya sa mga dapat suotin niya.
: Kamusta naman yung nakilala mo?
: He asked my age! Parang dumistansya nga eh nang sabihin ko na more than 30 na ang edad ko!
: Ganun talaga ang mga bata! Hindi pa kasi sila matured mag isip! Puro landi lang ang alam! Oara sa akin, kalabaw lang ang tumatanda!
Ganun palagai, lagi kong pinapalakas ang loob niya kapag may mga nararamdaman siyang rejection mula sa mga tao na binabase sa edad at itsura para magustuhan siya.
: Hindi na nga nag reply yung ka chat ko after ko mag send ng pic! Hindi niya siguro nagustuhan!
: Hindi ka pa kasi niya nami-meet inperson kung gaano ka kagwapo at kalakas ang sex appeal!
: Salamat sa pambobola ha!
Natawa lang siya pero sa loob ko, totoo naman yun. Habang papalapit na akong bumaba sa sasakyan niya, lalo ko pang niyakap ang braso niya.
: Miss na miss mo siguro ako, halos gusto mo ng iuwi ang braso ko eh!
: Oo naman! Kaya nga nilulubos ko na kahit amoy usok ka ng sigarilyo!
: Kaya nga eh, panay singhot mo pa!
: Mabango naman ako eh, atleast kontra sa amoy mo!
At ilang sandali pa, huminto na ang sasakyan, hudyat na kailangan ko ng bumaba.
: Pwede ba kitang yakapin?
: Palagi naman tayong nagyayakap kapag maghihiwalay ah?
: Iba ito! Kasi miss na miss nga kita di ba!
Pumayag naman siya, kaya naman ilang beses ko siyang niyakap na kunwari ay palabas na ako pero bigla akong bumabalik para yakapin siya.

Saturday, June 7, 2014

ang Pag-Ibig ng Tambay

Mahirap para sa isang tambay ang sitwasyon niya kapag tinamaan na siya ng pana ni kupido. Nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay dahil sa mga materyal na bagay halos nakatuon ang sinuman para lamang magustuhan nito ang isang taong nagpapakita ng interes sa kanila.
Eric: Gusto kitang itext, pero wala akong load! Nakakahiya naman magpapasa-load!
Pero minsan, hindi naman kailangan na isang taong may magandang trabaho ang basehan para lamang magkagusto ka sa mga gaya nila, minsan binabase rin sa ugali.
Eric: Nagpakita ka na nga ng kabutihan, hindi pa rin sapat para mapansin man lang!
Kaya naman, hindi nalang umaasa si Eric na magkagusto sa kanya ang mga nakilala niya sa mga napupuntahang parties, events o anumang lugar kung saan naroon ang mga kagaya niya o kauri ng kanyang pagkato na naghahanap rin ng totoong pag ibig sa panahon ngayon na mas matimbang angh estado ng buhay ang pinagbabasehan.
Gary: Nauunawaan naman kita! Kulang lang siguro yung effort mo o hindi pa talaga time para matanggap ka sa mga inaaplayan mong trabaho!
Eric: Ilang taon na akong tambay eh =( Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo kung laging ganun ang tanong nila, kung ano ang pinagkakaabalahan ko, may trabaho ba ako o ano ang trabaho ko =(
Pero mapalad si Eric dahil nakatagpo siya ng isang taong umunawa sa sitwasyon niya at hindi tumingin sa estado ng kanyang buhay bilang tambay.
Gary: Kung magkakatrabaho ka na, baka mawalan ka na ng time sa akin din =)
Eric: Hindi ko alam kung matutuwa ako o kikiligin ako o kung lalo akong maaawa sa sarili ko sa sinabi mong yan!
Pero ramdam ni Eric na unconditional ang pagmamahal sa kanya ng nobyo, dahil kahit na halos ito ang gumagastos sa pag-aapply niya kapag naso-short siya sa budget, full support talaga ito at laging nakaalalay kapag hindi siya pinapalad na matanggap sa mga inaplayan.
Eric: Sa busy mong yan, mapapansin mo pa ba ako? Sa dami ng mga nasa paligid mo na mga bigtime, imposibleng hindi mo ako nakumpara sa kanila! Na sana, mga gaya nila ang naging nobyo mo =(
Gary: Hindi yan sumagi sa isip ko! Alam mo, ang totoo niyan, masaya ako na tambay ka sa ngayon, kasi ikaw yung may time na unawain yung pagiging busy ko sa trabaho!
Eric: Wala naman kasi akong ginagawa kundi ang maging K.S.P. sayo nu! Inaaway na nga kita para mabuwiset ka, pero hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa akin ;P
Ganun ang kulitan ng dalawa at nararamdaman ni Eric na talagang totoong minahal siya ni Gary sa loob ng 5 taon. Hindi naman siya talaga tambay, minsan may mga raket din siya at kapag kumita siya, siya ang nagso-sopresa sa nobyo. Sa dami ng utang niya dito kasama ang utang na loob, hindi ito humingi ng bayad o anumang kapalit kundi oras lamang niya sa tuwing uuwi ito at makikipag kuwentuhan sa kanya.

Tuesday, June 3, 2014

I Love You Babe =)

Since highschool, talagang may lihim ng pagnanasa si Fred sa dating kaklase at kabarkada. Pero habang tumatagal na ganun ang nararamdaman niya, napalitan yun ng kakaibang damdamin dahil sa mga bagay, pangyayari at sitwasyon na pinagdaanan ng bawat isa sa kanila habang magkasama at nananatiling magkaibigan.
Fred: Gagawin mo na naman akong chaperon!
Mark: Ililibre kita ng lunch pero dapat doon ka sa ibang table at panoorin mo lamang kami ng ka-datye ko =)
Hindi naman madaling hindi hindian ni Fred ang kaibigan dahil parang gusto rin naman niya na naroon siya sa mga lakad nito habang may iba itong kasama o dine-date. Nasasaktan siya sa anakikita at mas lalo siyang nasasaktan kapag nagkakataon na maririnig niya ang pag uusap ng mga ito, ang mas malala, ay ang makita niya na may hinahalikan ang kabarkada niya.
Mark: Salamat Fred ha! Isa kang tunay talagang kaibigan!
Fred: Ginagawa mo lang akong parang tagabantay mo eh!
Ganun pa man, ay pumapayag pa rin si Fred sa mga pabor sa kanya ng kaibigan. Naroon na siya pa mismo ang sumusundo sa mga dinedate ng kabarkada. Siya pa ang nagre-reply sa mga text ng mga ito kapag busy sa klase o naglalaro ng basketball ang kabarkada. Siya ang nagdadala ng mga regalo o pasalubong kapag nasa out of twon sila ng kabarkada, kahit na wala pa siyang pahinga, halimbawa, pagbyahe papuntang Batangas mula Manila.
Mark: May sakit ka? Gusto mo alagaan kita? Bayad ko sa mga utang na pabor ko sayo!
Fred: Huwag na! Hindi naman ako mamamatay sa simpleng ubo lang! Puntahan mo na yung ka-movie date mo, baka mainip pa yun kapag na-late ka!
Mark: Sure ka? Sige, text text nalang!
20 missesd calls, 25 text messages. Hindi nagawang sagutin iyun ni Fred. Idadahilan nalang niya na nakatulog siya ng mahabang oras at naka silent ang phone niya. Ayaw niyang mabasa ang mga ibabalita sa kanya ng kabarkada sa movie date nito. Baka hindi lang ubo ang maging sakit niya, kundi sakit sa puso na. Ilang minuto niyang pinagmamasdan lamang ang phone sa gilid ng mesita ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Naroon na ang kabarkada niya. Namumula ang mga mata nito na parang galing sa pag iyak.
Mark: Tumatawag ako sayo! At nagtetext ako, bakit hindi ka man lang nag-reply!
Fred: Tulog ako! Siguro dahil sa gamot na binigay mo! Effective siya, parang umokey nga ako eh!
Mark: Ganun ba!
Tumabi ito sa kanya ng umupo sa kama, at biglang humiga. Pero mulat ang mga mata at nakatingin sa kisame.
Mark: Kailangan kita kanina alam mo ba yun?
Fred: May sakit ako!
Mark: I mean, kailangan ko ng kaibigan kanina!
Biglang nakaramdam ng pag aalala si Fred sa garlagal na boses ng kabarkada. Tumabi siya dito pero pinabasa sa kanya ang mga text messages nito sa kanya.
Fred: May nangyari bang hindi maganda?
Mark: Nakita ko ang girlfriend ko na may kayakap at ka-holding hands na ibang lalake!
Fred: Girlfriend?
Mark: Hindi ko na agad nakuwento sayo kasi gusto ko after namin manood sana ng movie dadalawin ka namin dito at doon ko sasabihin sayo na mahigit one week na kami! Mahal ko ang babaeng yun pero niloko niya ako sa maikling panahon na nagtiwala ako sa kanya!
Gustong matuwa ni Fred dahil kahit papaano ay naalala pala siya ng kaibigan na ipakilala sa babaeng pinagtuunan nito ng oras at panahon, pero nakaramdam siya ng sakit doon kasi nalaman niya na may babae na palang nagmamay-ari dito.
Fred: Atleast, maaga palang, nalaman mo ng hindi siya worth it para sayo!
Mark: Uminom akong mag isa kanina, hindi mo lang maamoy ang alak sa bunganga ko dahil nagmumog ako ng isang boteng mouthwash!
Fred: Gusto mo akong umnom kasama ka sana?
Mark: Pero naalala ko, may sakit pala ang kaibigan ko! Ipapabanat ko sana sayo yung lalakeng yun eh!
Fred: Bakit hindi nalang yung girl ang iapabanat mo sa akin? ;P
Natawa doon ang kabarkada niya. Hinila siya nito at niyakap na may kasamang tanday.
Mark: Kung naging babae ka lang, ikaw na ang syinota ko!
Fred: Hindi ba pwede?
Mark: Hindi nqaman tayo bakla eh!
Fred: Pwede naman yun! Uso kaya ang ganun!
Tumawa ng ilang sandali ang kabarkada niya at sinabi sa kanya ang...
Mark: O sige na! I love you babe!
Alam ni Fred na biro yun ng kabarkada, laging ganun. Sweet naman talaga ito, kaya madalas nagkakamali siya ng pagpapakahulugan sa mga sinasabi nito sa kanya. Pero biro man o hindi, yung nararamdaman niya para dito ay totoo.

Wednesday, May 28, 2014

Inlababu kay Facebook Friend

Nakilala ko siya sa ginawa kong facebook group, 4 years ago.
Then nag meet kami sa isang group support.
Doon nagsimula yung mga invitation niya sa akin na pumunta sa mga bathhouse, spa, gaybars then mga house parties at mga imiks dito gimiks doon.
Hanggang one day, lagi ko na siyang gustong kasama. I had crush on him. At marami din ang humahanga sa kanya.
Nagseselos ako sa mga group of friends namin na malapit sa kanya.
Nandyan yung i saw him na may ka-holding hands sa loob ng car niya.
Naroon yung maririnig ko from him na may dine-date nga siya.
Kahit ang close friend ko ay pinagseselosan ko dahil i felt na type niya yung taong nakilala ko sa isang social network lamang.
Sa pagtagal ng panahon, naramdaman ko na tunay siyang kaibigan.
He always there for me when i feel down sa mga drama ng buhay ko about sa pamilya.
Hindi na rin kami nagkakailangan sa mga bagay-bagay like makita siyang nakahubad habang nagsa-shower nung nasa bathhouse kami.
Nandyan yung ginamit niya yung kutsara ko, na kinagulat ko, in public place, oh, in starbucks pala yun.
Nagkatabi na rin kami matulog, nang umattend kami sa isang summer outing na overnight lang naman, pwede ko sanang samantalahin ang pagkakataon pero mas nanaig yung pagiging antukin ko. Marami naman siyang pwedeng tabihan yun nga lang, siguro na-feel na niya mas safe akong katabi. Hehehe.
Pero ang hindi ko makakalimutan, nung akala ko ay hahalikan niya ako, kasi umiinom sila ng mga group of friends namin at natulog lang ako sa magdamag.
Ok lang sa akin kahit nakainim siya, tanggap ko ang excuses kung nangyari man yun.
Sumagi sa isip ko na kahit noong una palang kaya na nagkikita kami, dine-date na niya ako dahil laging ako ang kasama at iniimbitahan niya?
Hindi naman masama ang mangarap, pero dahil friendly at mas lumalaki na ang group of friends niya, nararamdaman ko na hindi na ako yung gusto niyang kasama sa mga gimiks niya.
Pero madalas pa rin kaming mag-text, ako lang yung sweet at siya lang yung nagiging sweet at makulit kapag nilalambing ko ng pabiro.

Monday, May 19, 2014

Ang Tindero sa Palengke II

Sa Capas, Tarlac kung saan nanirahan ang aking tita, kasama ng kanyang asawang sundalo at hilaw na hipag ako pansamantalang tumuloy mula sa Manila.

Boring talaga ang lugar dahil magkakalayo ang mga bahay at bakuran ng karamihan ng mga nakatira doon, pero dahil gusto ko makaranas ng kakaibang karanasan sa lugar na yun, gumawa ako ng mga bagay para hindi ako mamatay sa kabagutan habang naroon ako.

Naroon na may katetmate ako at sa madaling araw habang tulog ang mga tao, ay nagawa ko siyang mayaya na mag quickie kami sa likod ng bahay, kaya naman yun ang unang karanasan ko na may probinsyano akong naka-anuhan. Nakakatakot na posibleng mahuli kami, pero yung sarap ng pakiramdam atlibog ang naging dahilan para balewalain ko yung takot.

Ang ikalawa naman, ay katextmate ko rin. Nakuha ko ang number sa isang shop na nag aayos ng mga appliances. Tapos na meet ko nga ang may ari ng numero at nakatext ko rin ang kaibigan nito na tindero sa isang pwesto ng mga gulay at ibat-ibang klase ng gaya sa palengke na katabi lang ng shop ang pinagtatrabahuan nito.

Mabilis lang ang aming usapan, dahil hindi nga matao sa lugar na yun at mukhang sabik din sa karanasan ang probinsyano, dalawang beses kong natikman ang alaga niya at isang beses ko lang siyang naromansa sa magkakaibang araw.

Kaya naman, hindi naging boring ang paninirahan ko ng ilang araw sa lugar kung saan a akala ko ay boring yun pala ay exciting.

Un Expected Break Up

  • Conversation started today
  • Chardee Alojado
    Chardee Alojado


    " Un Expected Break Up"
    Masayang sinalubong ni Patrick ang nobyo. Parang miss na miss niya ito kahit na ilang oras palang silang nagkakahiwalay dahil sa mga trabaho nila.
    Patrick: Tsaran! Binilhan kita ng paborito mong siopao na asado! At may kasamang malamig na malamig na rootbeer!
    Alfred: Can we talk?!
    Parang nakaramdam doon ng kaba si Patrick, pero binalewala niya. Nilagyan niya ng sauce ang siopao ng nobyo at inihain dito.
    Patrick: Seryoso ba yan? Problema? Mag meryenda ka muna para ma relax ka! Medyo pagod din kasi ako sa byahe kanina, sobrang trapik!
    Alfred: Im sorry Pat!
    Doon parang nabuhusan ng malamig na tubig si Patrick. Matagal bago siya nakabawi.
    Patrick: Sorry saan? May nangyari ba?
    Alfred: Hindi ko na kaya ang sitwasyon natin!
    Napangiti doon si Patrick. Pero sa loob niya, naroon ang pagkagulat.
    Patrick: Anong dahilan? Gaya pa rin ba ng dati?
    Alfred: Gusto ko ng normal na buhay! I mean, mabuhay tayo ng normal!
    Patrick: Yung sinasabi pa rin ng iba ang pinagbabasehan mo ng normal na buhay?
    Pigil ang mga luha ni Alfred na pinagmasdan ang mukha ng nobyo.
    Alfred: Mahal kita pero hindi ko kaya ang sitwasyon na ganito!
    Patrick: Sana noon mo pa sinabi yan, para hindi naman ako umasa ng pang habang buhay na magkakasama tayo sa iisang bubong balang araw!
    Parang mauubusan ng hangin sa paghinga niya si Patrick. Sa sama ng loob niya, gusto niyang sapakin ang nobyo.
    Alfred: Ang daming factors kasi na gumugulo sa isipan ko!
    Patrick: Pamilya? Kaibigan? Trabaho? Kahit saan ka naman pumunta, naroon yan mga problema mo eh!
    Nilapitan ni Alfred ang nobyo at akmang yayakapin ito, pero umiwas ito sa gagawin niya.
    Patrick: Sige na! Umuwi ka na! Ayaw kong umasa na magbabago pa ang isip mo sa pagyakap na gagawin mo!
    Mabigat man sa kalooban, tumalikod si Alfred sa nobyo na pigil ang pagtulo ng mga luha ng kanyang mga mata.
    Napahawak sa kanyang dibdib si Patrick, gusto niya mawalan ng ulirat, pero yun ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin.

3rd Wheel

Since elementary, highschool, college hanggang sa magkatrabaho ay magkaibigan na sina Jun at Eric.
Hanggang sa pareho silang may niligawan at nagka girlfriends, ay nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila.
Pero one day, ang pagkakaibigan pa nila ang magiging dahilan para sila ay magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan.
Eric: Sandali pare! Pakinggan mo naman ako!
Jun: Huwag mo ng ipilit na pare ang itawag sa akin...mare!
Nainsulto doon si Eric, pero tinanggap niya. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan, dahil nagsinungaling siya dito. Nagtago siya ng totoong nararamdaman niya para dito.
Jun: Kailan pa?
Eric: Hindi ko alam! Pero nagseselos ako kapag nakikita kang masaya sa mga babaeng nagugustuhan mo!
Pigil ni Jun ang sarili pero nagawa niyang hawakan ng mahigpit ang kwelyo ng suot ng kaibigan. Gusto niya itong sapakin, saktan at murahin. Takot na takot naman si Eric na nakapikit lamang.
Jun: Bakit? Akala ko ba tropa tayo?
Eric: Hindi ko din alam! Masisisi mo ba ako kung sa bawat kasama mo ako bilang 3rd wheel sa mga ka-date mo o mga lakad nyo ng mga nagiging girlfriend mo, ginusto kong makaramdam ng ganito?
Binitawan ni Jun ang kwelyo ng kaibigan. Inayos niya ito at umatras palayo dito.
Jun: Bakla ka?
Napatango doon si Eric. Doon tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
Eric: Im sorry! Na na-inlove sayo ang 3rd wheel mong kaibigan!
Ang lalim ng pag buntong hininga ni Jun habang pinagmamasdan ang nakayukong kaibigan.
Jun: Mabuti pa siguro, huwag nalang muna tayo magkita...huwag nalang tayo mag usap at kung pwede lang...kalimutan muna natin na magkakilala tayo!
Doon napaangat ng tingin si Eric sa kaibigan. Naramdaman niya na parang nandiri sa kanya ang kaibigan.
Jun: Hindi mo naman ako masisisi di ba? Ayaw kitang husgahan, pero mas masasaktan ka kung sasabibin ko ng literal!
Eric: Hindi naman ako kalat na bakla Jun! Bakit kailangan maapektuhan yung pagkakakilala mo sa akin dahil lamang sa ganito ako?
Jun: Dahil hindi ko tanggap! Ayaw kong tanggapin dahil nasaktan din ako sa nalaman ko!
Mabilis na tumalikod si Jun sa kaibigan at lumakad palayo dito. Doon tuluyang napahagulgol si Eric. Yun na nga ba ang huling pagkakataon na makikita at makakausap niya ang kabigan? Ayaw niyang isipin na yun na nga ang katapusan.

One Night Stand

Bumangon mula sa pagkakahiga si Alen. Naroon ang pakiramdam na bigla siyang nalungkot. Gising na rin pala ang katabi niya ng maramdaman ang pag galaw niya.
Alen: Nagising ba kita?
Lance: Not really! Hindi rin ako makatulog ng maayos!
Tumayo na si Alen para magbihis ng mga nagkalat niyang kasuotan. Pinapanood lamang siya ng lalakeng nakilala niya sa isang party at nakasama niya sa magdamag na ulayaw.
Lance: Magkikita pa ba tayo?
Alen: Hindi ko alam! Hindi na siguro!
Biglang niyakap ni Lance ang lalakeng nakilala lamang din sa isang party. Dinama nito ang katawan sa pagkakayakap dito.
Lance: Masaya ako sa nangyari sa atin!
Alen: Ako din!
Pero biglang napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ni Lance ng alisin ng lalakeng yun ang mga braso niyang nakayakap sa katawan nito.
Alen: Hindi ako pwedeng umuwi ng may araw na! Nasabi ko na sayo, pamilyado akong tao!
Lance: Huwag kang mag alala, hindi naman ako naghahangad ng sobra pa nang dahil sa nangyari!
Alen: Mabuti na yung klaro!
Bihis na ito ng mapansin ni Lance. May iniabot ito sa kanya, parang nainsulto doon si Lance.
Lance: Hindi ako nagpapabayad! Gusto ko yung nangyari sa atin dahil gusto kita!
Alen: Ayaw kong makunsensya! Huwag mong isiping bayad ko ito sa nangyari sa atin, share ko nalang dito sa motel!
Tinanggap na lamang ito ni Lance. Pero mabilis niyang kinabig ang kamay nito at niyakap.
Lance: Pwede mo ba ako bigyan ng isang halik nalang?!
Alen: Pero...
Lance: Pakiusap!
Buntong hininga ang isinagot dito ni Alen, bago muling hinalikan ang labi ng lalakeng yun. Matagal bago muling naghiwalay ang mga labi nila.
Lance: Ang sarap mo talagang humalik!
Alen: Kailangan ko na talagang umalis!
Tumango si Lance at hinayaan ng lumayo sa kanya lalakeng yun. Bago tuluyang lumabas ng silid si Alen, nilingon niya ang lalakeng yun.
Alen: Salamat sa masayang one night stand!
Hindi alam ni Lance kung matatawa sa sinabi ng lalakeng yun. Pero umaasa siya, na hindi sana iyun ang huli nilang pagkikita.

Thursday, May 15, 2014

First Date ni Beki

Halos tumalon sa tuwa si Apol dahil nakatanggap siya ng isang invitation, isang dinner invitation at matatawag na ring isang date. At hindi yun isang ordinaryong date dahil ang makakasama niya dito ay ang kanyang ultimate crush na katrabaho. Na-promote kasi ito, kaya naman isa siya sa mga pinasasalamatan nito.

Pero mabilis naman siyang kinontra ng kaibigan sa pag-iilusyon niya ng sabihing group date ang mangyayari at hindi isang romantic date sa pagitan lang nilang dalawa ng katrabaho. Biglang nalungkot doon si Apol at parang natulala na lamang sa isang tabi. Pero kumambyo ang kaibigan, na bakit hindi tanungin ang katrabaho nito kung ano ba ang set up ng pag iimbita nito sa kanya.

Hindi na nagbigay ng panahon si Apol na sundin ang suggestion ng kaibigan, mukhang tama naman ito na isang group date ang mangyayari base na rin sa mga group messages na natatanggap niya sa iba pang katrabaho na nakatanggap rin ang mga ito ng imbitasyon mula sa na promote na katrabaho nila.

Pero pinaghandaan pa rin ito ni Apol, lalo at na-inspire siya sa muling pagtawag ng katrabaho na sana ay makapunta siya. Mula sa isusuot hanggang sa pabangong gamit ay talagang nag-effort si Apol, kasama ang kaibigan niya habang nasa mall sila naglilibot.

Hindi naman lingid sa kaibigan ni Apol na talagang pantasya nito ang katrabaho, bukod kasi sa mabait ay talaga namang very friendly ito sa mga gaya nila na may pusong babae pero lalake ang itsura. Kahit naman laging kontra ang kaibigan niya sa mga kuwento niya tungkol sa mga nakakakilig na eksena sa pagitan nila ng katrabaho ay naka suporta pa rin ito sa pananaginip niya ng gising.

Dumating ang araw kung saan ay dadalo sa isang imbitasyon si Apol. Hindi nito kinalimutan ang magdala ng mouithwqash kung sakaling magkaroon ng chance na ma-beso-beso siya ng katrabaho kapag niyakap at nagpasalamat ito sa kanya, wala namang masama mag isip ng advance.

Naroon nga ang iba niyang katrabaho, at masaya ang mga ito na nagkukuwentuhan habang nakapalibot sa na-promote na katrabaho. Hindi naman siya agad napansin ng katrabaho kaya naman doon na lamang nanatili sa isang tabi si Apol at kumain na lamang at kinuha ang pagkakataon na matikman ang mga inuming alak na naroon.

Ilang oras pa ang nagdaan, napansin din siya ng katrabaho. Kunwari ay nagtampo siya, at sinuyo naman siya nito sa paghingi ng sorry. Yumakap ito sa kanya at isinigaw ng isip ni Apol ang " JACKPOT".

Ilang sandali ring nasa tabi niya ang katrabaho kahit na may mga sumisingit na iba nila pang katrabaho. Saglit na umalis sa tabi niya ang katrabaho dahil nagpapa-alam na ang iba at unti-unti nang nagsi-uwian ang iba pang naroon. Tumulong na lamang si Apol sa paglilinis ng ibang kalat pero hinila si ng katrabaho sa garden at hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matawa sa nakita.

Pero maya-maya lang ay parang nakaramdam siya ng kilig, dahil kahit mukhang pang horror ang set up ng lamesang may puting tela at mga kandila, sapat na yun para maunawaan niya na nag effort ang katrabaho na gawin yun.

Dinala siya nito sa lamesang naroon at pinaupo. May mga pagkain itong nilagay sa lamesa, at doon siya natawa ng makita na mga naka-balot o pang take out na ang mga naroon sa lamesa.

Ang sabi ng katrabaho niya, iuwi nalang daw niya ang mga binalot nitong pagkain para sa mga kasambahay o kasama niya sa bahay. "Ang sweet naman talaga!", ang sabi na lamang ni Apol sa kanyang isip dito.

Sumeryoso ang muha ng katrabaho niya, nag thank you ito ng sobra dahil sa isa daw siya sa mga tumulong para maabot niya yung pangarap nito at ang posisyon na nabigay dito. Napangiti naman dito si Apol.

Iyun ang maituturing ni Apol na unang date sa buong buhay niya. Hindi man romantic date na matatawag, kinilig naman siya ng sobra.


Wednesday, May 14, 2014

Ang Tindero sa Palengke

Hindi ko talaga ugali ang bumili ng ulam o mamalengke. Pero mula ng matuto akong magtipid, dahil ugali ko na magbigay ng budget sa aking ina minsan kapag may gusto akong ulam base sa aking panlasa; masasabi kong malaking bagay din pala kung personal kang makikisiksikan sa mga tao at makikitawaran sa mga tindero at tindera na naroon sa palengke.

Ang isang beses ay nasundan ng maraming ulit. At iisang puwesto lamang ng mga karne ng manok, baka at baboy ang aking pinupuntahan. Dahil na rin sa tinderong naroon.

Magiliw naman ang tindero, siguro yun ang gawain talaga nila para mapabili sa kanila ang mga mamimili. Kaya naman na imbes na sakto lamang ang aking nalalagay sa tambangan, sumusobra at napapayag na rin akong bilhin na. Pero iba itong tindero, bukod sa gwapo, tamang taas lang at sa cute niyang nunal sa kaliwang pisnge, ay bonus na nakikita ko siyang naka boxer shorts lang. Libreng sulyap na sa kanyang maumbok na harapan.

Minsan, naka-topless lang siya at talaga namang hinahabol ng mga mata ko ang ilalim ng pusod niya hanggang sa mabukol niyang harapan.

Laging ganun, nagkakataon na siya ang tindero, at nahahawakan ko ang kanyang palad kapag inaabot niya sa akin ang sukli o nabili kong tinda meron sila.

Madalas, laman siya ng aking panstasya, lalo pa at talaga namang nakaka-L ang kanyang ayos sa pagtitinda.

Monday, May 12, 2014

M.U. : Mukhang Uto-uto

Sabi ng iba, may kasabihan na love is sweeter in the 2nd time around. Yung nagpatawad ka sa umpisa dahil nagkamali yung partner mo at gusto mo siya bigyan ng pagkakataon na itama at baguhin ang naging mali sa relasyon ninyo dahil sa mga kasalanan na paulit-ulit nalang.

Troy: Sandali lang naman Ron! Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na maagpaliwanag!

Ron: Ilang beses ko ng narinig ang mga paliwanag mo eh! May bago ba sa mga kasinungalingan na sasabihin mo para mauto mo na naman ako?

Ilang beses ng nahuhuli ni Ron na may ibang dine-date ang nobyo, kahit na naririnig din niya sa mga kaibigan na nagkakataon na nakikita nga ito sa mga lugar kung saan may kasama na sobrang PDA ang pagka sweet ng mga ito. Ayaw niyang maniwala sa mga naririnig dahil nga hindi naman niya nakita at hindi rin ito inaamin ng nobyo.

Uno: Kung ako sayo, pakawalan mo na yang si Troy! Hindi na yan magbabago dahil parang master na niya ang gawin kang tanga! Sa totoo lang!

Ron: Mahal ko si Troy! Hindi rin naman biro yung mga pinagdaanan namin kung bakit kami nagtagal!

Uno: Hello! Kaya lang naman kayo nagatagal, dahil sa pagiging tanga mo! Oh! Wag ka sanang magalit sa sinabi ko! Dahil yun ang pakiramdam ko!

Aminado naman si Ron na parang nagiging tanga na siya dahil sa pagmamahal niya ng sobra sa nobyo. Pag humihingi naman kasi ito ng sorry, napapatawad niya agad. Hindi niya magawang magalit ng sobra dito.

Troy: Alam mo, talagang pinag isipan ko ng mabuti itong sopresa kong date para sa ating anibersaryo!

Ron: Tigil na natin ito!

Natigilan doon si Troy. Pero binalewala niya ang sinabi ng nobyo. Nagpatuloy ito sa pag aasikaso sa nobyo.

Ron: Ang sabi ko, tigilan na natin ito!

Troy: Ang alin? Itong date natin? Maaga pa naman! Nagmamadali ka ba? I-cancel mo muna yung mga lakad mo tonight! Ayaw mo bang makasama ako?

Mabilis na kumilos si Ron. Tumayo siya at lumakad palayo sa lugar na yun. Hinabol siya ng nobyo.

Troy: Huwag mo naman akong ipahiya! Maraming nakatingin sa atin oh!

Ron: Ganyan din ang gusto kong sabihin sayo Troy! Huwag mo naman akong ipahiya sa mga taong nakakakita sayo na kung sinu-sino ang kaharutan mo!

Troy: Hey! Babalik na naman ba tayo sa isyu na yan?

Hinarap ni Ron ang nobyo. Gusto niya itong saktan gamit ang kamao niya, pero pinigilan niya ang sarili.

Ron: Hindi natin anibersaryo ngayon!

Doon parang natigilan si Troy at napahawak sa batok nito. Akma nitong lalapitan ang nobyo pero umtras palayo sa kanya ito.

Troy: I-Im so-sorry! Actually, hindi naman mahalaga kung eksakto yung araw ng celebration natin ng anniversary natin di ba?

Ron: No! Mahalaga sa akin yun! Sayo na nanggaling, hindi mahalaga, so bakit ka pa nag abala! Maling tao yata ang kinumbida mo sa oras na ito!

Tumalikod na si Ron sa nobyo pero humabol sa kanya ito at niyakap siya.

Troy: Please! Pag usapan natin ito!

Inilayo ni Ron ang sarili dito at pinigilan niya ang sarili na makita nito na nanghihina siya sa sama ng loob dito.

Ron: Huwag na natin itong ituloy pa! Tama na yung isa...dalawa o tatlong beses na nagmukha akong tanga..uto-uto at naga-gago mo ng sobra! hindi na ako magbibigay ng 2nd chance dahil hindi naman ito unli para lagi mong gawing excuses para ipakita mo na magbabago at nagbago ka na!

Masakit sa kalooban ni Ron na matapos ang relasyon nila, pero ayaw na rin niyang humaba pa yung listahan ng maraming beses na siyang nasasaktan sa ganung pagtrato sa damdamin niya ng dating nobyo.

Friday, May 9, 2014

ang CupCake for Chef

Pumasok sa isang culinary short course si Andrei para naman may magawa siya habang summer. Saka, hindi rin naman siya tinitigilan sermunan ng kanyang mga magulang kaya para makatakas sa mga ito, nag desisyon nga siyang kumuha ng summer course.

Andrei: Ang major goal ko dito ay ang matutong mag bake ng cakes at cup cakes!

Larry: Pwede mo naman yan matutunan sa panonood lang sa youtube, gumastos ka pa!

Andrei: Iba pa rin ang may certificate friend nu!

Marami-rami din ang mga magiging kaklase ni andrei sa short course na yun, at syempre, gumagana ang mga gaydar niya sa mga pamintang gaya niya. Pero hindi iyun ang nakatawag pansin sa kanya, kundi ang gwapong chef na magiging shourt course teacher nila sa loob ng isang buwan.

Chef: Any questions Andrei Reyes? Kanina ka pa tulala! May problema ba sa mga instructions ko?

Andrei: Wala chef! Dinadama ko lang yung pakiramadam na sa wakas! Estudyante na ako ng short course na ito! Hehe!

Naikukuwento ni andrei ang bawat lessons sa kaibigan, pati na rin ang tungkol sa gwapong chef na nagtuturo sa kanila. Kinikilig pas siya habang kinukuwento ito.

Larry: Kaya ka ba inspirado na pumasok at magbyahe mula north to south ng dahil gwapong chef na yan?
Mag selfie kaya kayo nu! Ila-like ko agad!

Andrei: Puro ka naman biro! Ofcourse, mas gusto kong matuto kesa ang magkaroon kami ng koneksyon ng mas malalim pa ng chef nu!

Larry: Sa bibig mo na talaga nanggaling na may pagnanasa ka doon sa chef nyo! anong sabi ng gaydar mo?

Andrei: Hindi masyadong masagap ng antena ko!

At sa bawat araw na dumadaan, ay parang lalong lumalalim yung paghanggang nararamdaman ni Andrei sa chef nila. Naroon yung natataranta siya sa tuwing sasagot sa mga tanong nito, naroon yung nagkakamali siya sa mga ingredients kapag nasa tabi niya ito.

Chef: Relax Andrei! Hindi ko naman titikman ang mga samples mo dahil nag eexpect na ako na mahusay ka na! Lahat kayo dito, na mga kumuha ng short course ay gusto lamang matuto at hindi agad-agad magiging pinakamagaling!

Minsan, nakakaramdam din ng lakas ng loob si Andrei na sundan ng tingin ang bawat galaw ng kanilang chef kapag ito ay busy sa mga pagbibigay ng instructions.

Larry: Malapit ng matapos yung summer course mo bakla! Anong plano mo diyan sa feelings mo kay chef na yan?

Andrei: Syempre, pagkatapos ng summer course, malabo pang magkaroon ng dahilan para magkaroon pa kami ng ugnayan!

Larry: Ay! Suko na agad ang drama mo niyan pala!

Binigyan sila ng one week para gumawa ng isang sample na ibe-bake nila at dun ibabase ng kanilang chef ang pagbibigay ng grades sa kanila. Pero laging palpak ang mga bakes ni Andrei. Kung hindi sunog ay sobra namang tamis. Pero hindi pa rin siya sumusuko na pasarapin ang ibe bake lalo at gagawin niya yung espesyal sa pagkakataong yun.

Larry: 72 hours na nating sinusubukan na mapasarap ang bake at presentation ng cup cake na ipapasa mo, baka naman pwedeng humingi ng 1 day na pahinga teh!

Andrei: Sige na! Ako na ang bahala dito!

Larry: Hindi kita pwedeng iwan! Baka magkasunog!

Pero pursigido talaga si andrei na gawing perfect ang ibe bake niyang cupcakes, kahit isa lang, ay talagang naka pokus na siya sa bawat oras habang nasa pugon ito.

Dumating ang araw at oras para ipasa ng mga nag short course sa baking na estudyante ang kanilang mga sample bakes. At lahat naman yun ay natikman ng chef. At napansin niya na wala roon ang isang estudyante. Dumating ang tanghali, isa-isa ng umalis ang mga naroong estudyante na nagpakita ng mga sample nilang na bake. Doon dumating si Andrei, may dalang isang kahon.

Chef: Reyes! Mabuti at naabutan mo pa ako dito! Iyan na ba ang sample bake na ipapasa mo?

Andrei: Oo sir! Kaya lang...hindi ko pa alam ang lasa!

Chef: Bakit naman?

Inabot ni Andrei ang kahon sa chef. Binuksan ito at napangiti doon ang chef sa nakita. Pumikit lamang si Andrei ng kunin at tikman ito ng chef.

Andrei: Babalik at kukuha nalang ako ulit ng short course chef!

Chef: At bakit naman?

Andrei: Para makita ko kayo ulit?!?

Chef: Ang funny mo talaga Reyes! Masarap naman ang cupcake na ginawa mo!

Andrei: Talaga ho? Eh parang tutong ng kanin nga yung nasa top niyan eh!

Chef: Alam mo Reyes, minsan, yung sarap ng isang pagkain, wala sa itsura! Nasa laman nito!

Lihim na napakagat labi doon si Andrei. Mukhang nakakuha siya dun ng ganda points.

Chef: So, see you sa graduation?!?

Andrie: Oho chef! Salamat ho ah!

Nadapa-dapa pa si Andrei ng lumabas ng silid aralan. Mabilis naman siyang inalalayan ng kaibigang naghihintay sa kanya.

Andrei: Pinuri niya ang ginawa ko!

Larry: Sa pangit ng itsura nun? Napabilib mo pa ah! Iba na yan!

Andrei: Ito na ang simula!

Larry: Ay, simula palang pala itong istorya ng buhay pag ibig mo friend! Kaloka! Tara! Pumunta nalang tayo sa cupcake house! Doon, makakatikim na ako ng totoong masarap na cupcake!

Sa araw na yun ay walang patid yung kaligayahang nararamdaman ni Andrei sa mga oras na yun.

Kahit Na, Pangit Ka

Sabi nila, love is blind. Mukhang totoo yata ang kasabihan, dahil nainlove ang mestisong tsinitong si Ric sa isang hindi naman kagwapuhan at ni charm yata, ay walang taglay talaga. Pero ewan ko ba, kilig na kilig naman ako sa aking nobyo.
Ric: Oh di ba? Ang cute ng aming bagong selfie?
Arc: At umaasa ka pa na may magla like ni isa sa selfie ninyo kapag na post mo yan sa fb o twitter o instagram?
Ric: Eh di ako tapos siya! Dalawang like na yun!
Sa totoo lang, wala namang pakealam si Ric sa sasabihin ng iba, manhid na yata ako. Dahil kahit nakikita kaming magkasama ng ibang tao na sobrang PDA, hindi ko na pinapansin pa.
Ric: Basa na naman ang likod mo! Halika nga dito at pupunasan ko!
Gin: Huwag na! Nakakahiya naman! Maraming taong nakatingin sa atin!
Ric: Ay! Kinakahiya mo ba ako? Baligtad yata ah!
Gin: Ha?
Ric: Ang sabi ko, mukhang baligtad yata ang pagkakalagay ko ng bimpo sa likod mo! Huwag kang sumimangot! Wala ka ng ipapangit pa!
Kahit naman binibiro ni Ric ng ganun ang nobyo, mahal naman niya ito.
Arc: Friend! Uso yata talaga ang kantang gayuma! Nabiktima ka eh!
Ric: Tse! Basta ako, mahal ko ang taong yun! Kahit siya pa ang pinakapangit sa buong universe!
Arc: Tingnan mo, sayo na nanggaling! Pangit talaga ang boyfriend mo!
Ric: Suportahan mo naman ako, akala ko ba kaibigan kita?
Arc: Suportado kita sa relasyon ninyo friend, saka naniniwala naman ako na mahal mo ang pangit na yun!
Kung positibo ang nararamdaman ni Ric sa nobyo, kabaligtaran naman ito kay Gin. Naroon ang pagdududa lalo na kung sa itsura ang basehan. Gwapo ang nobyo, at maraming nakapaligid dito. Ano ba naman ang laban niya sa mga good looking na mga naging ex nito at mga pasimple pang pumoporma sa kanyang nobyo.
Gin: Sa palagay mo, tama ba na pagdudahan ko yung feeling sa akin ni Ric?
Yen: Ay naku bakla! Masama ang magduda! Pero yang pagka insekyura mo, yan ang sisira sa relasyon ninyo kapag na open mo yang doubts mo kay Ric!
Gin: Masisisi ba niya ako na pagdudahan yung nararamdaman niya sa akin?
Yen: Huwag kang magdrama bakla! Hindi ka naman pinagpala masyado sa mukha, saka huwag ka ng choosy! Kung baga sa lotto, naka jackpot ka na kay Ric!
Iyun ang alalahanin ni Gin. Alam naman niya na kahit paano, may ilang pa rin si Ric na kasama siya sa harap ng maraming tao.
Ric: Oh bakit nakasimangot yang mukha mo? Papangit ka pa niyan! Payakap nga!
Gin: Pangit na nga, may ipapangit pa ba!
Ric: Pero para sa akin, ang gwapo gwapo...
Gin: Huwag mo na akong bolahin Ric! Pinapalubag mo lang ang loob ko!
Ric: Ok po! Pangit ka man sa aking paningin, sa puso ko, ikaw ang pinaka gwapong lalake na mahal na mahal ko! Huwag ka ng mag self pitty dyan!
Minsan, aminado naman si Ric na naiilang siya kasama ang nobyo lalo pa at naroon yung mga biruan na hindi maganda tungkol dito ng mga kaibigan niya.
Arc: Nagpapaapekto ka ba sa mga sinasabi nila? Akala ko ba, manhid ka na sa mga sasabihin ng mga tao?
Ric: Hindi naman ako nagagalit! Naaawa lang ako kay Gin! Kasi kahit anong assurance na sabihin kong seryoso ako na mahal konsiya, andun yung pagdududa pa rin niya eh!
Arc: Dedma lang girl! Hindi naman alam ng mga taong yun kung ano yung saya na nararamdaman nyo! Kayong dalawa lang ni Gin ang nakakaunawa nun, syempre, dahil kaibigan kita, nauunawaan ko na may ganyang pagmamahal talaga!
Kaya naman para mawala yung pagdududa ng nobyo, pinilit na isama ito ni Ric kung saan naroon ang maraming tao. Magkahawak sila ng kamay. Minsan, hinahalikan pa sa pisnge ni Ric ang nobyo.
Gin: Maraming taong nakatingin!
Ric: Eh ano naman! Sila nga, hindi naman natin sila pinapansin sa ginagawa nila di ba?
Gin: Kahit na! Public place ito!
Ric: Ah, gusto mo sa private place kita tuka tukain?
Gin: Seryoso ako Ric! Nahihiya ako!
Ric: Nag eeffort lang naman ako na ipakita sayo at sa iba na hindi naman itsura ang basehan para magustuhan kita!
Gin: Hindi mo naman kailangan gawin yun para lamang...
Ric: Umuwi nalang tayo!
Gin: Hey! Galit ka na agad?
Ric: Hindi ako galit! Ayaw mo kamo na may nakakakita sa atin na magkasama, eh di sa bahay nalang tayo!
Pero hindi gumagalaw si Gin at hawak pa rin nito ang kamay ng nobyo.
Gin: Im sorry!
Ric: Sorry saan?
Gin: Dahil nagduda ako sa feelings mo para sa akin!
Ric: Sorry din! Kasi nararamdaman mo yung pagdududa! Alam mo Gin, kahit uso ang camera 360 at magpaayos ng mukha kay vicky belo, para sa akin, sobrang gwapo mo na!
Gin: Bola na naman!
Ric: Totoo! Siguro yung true meaning ng love, totoong nararamdaman ko na!
Gin: Kumpara sa mga ex mo at mga nakapaligid sayo?
Ric: Kumpara talaga sa kanila, artistahin sila talaga, pero ganun yata talaga, sa kakapili ko ng gwapo, sa pangit ako napunta...joke!
Biglang niyakap ni Ric ang nobyo. At bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisnge nito.
Ric: Gwapo ka naman eh! Konting pisa lang ng mga tagyawat mo, pa brace natin yang mga ngipin mo at pa enhance natin yang ilong mo! Tapos mag gym ka, ay naku, next level ka na, hindi ka na chaka, magiging hipon ka na! Hehe!
Sa mga birong yun ni Ric, napapanatag ang loob ni Gin. Totoo sa kanya ang nobyo, at ayaw na niyang pagdududahan pa ito.