Tuesday, June 3, 2014

I Love You Babe =)

Since highschool, talagang may lihim ng pagnanasa si Fred sa dating kaklase at kabarkada. Pero habang tumatagal na ganun ang nararamdaman niya, napalitan yun ng kakaibang damdamin dahil sa mga bagay, pangyayari at sitwasyon na pinagdaanan ng bawat isa sa kanila habang magkasama at nananatiling magkaibigan.
Fred: Gagawin mo na naman akong chaperon!
Mark: Ililibre kita ng lunch pero dapat doon ka sa ibang table at panoorin mo lamang kami ng ka-datye ko =)
Hindi naman madaling hindi hindian ni Fred ang kaibigan dahil parang gusto rin naman niya na naroon siya sa mga lakad nito habang may iba itong kasama o dine-date. Nasasaktan siya sa anakikita at mas lalo siyang nasasaktan kapag nagkakataon na maririnig niya ang pag uusap ng mga ito, ang mas malala, ay ang makita niya na may hinahalikan ang kabarkada niya.
Mark: Salamat Fred ha! Isa kang tunay talagang kaibigan!
Fred: Ginagawa mo lang akong parang tagabantay mo eh!
Ganun pa man, ay pumapayag pa rin si Fred sa mga pabor sa kanya ng kaibigan. Naroon na siya pa mismo ang sumusundo sa mga dinedate ng kabarkada. Siya pa ang nagre-reply sa mga text ng mga ito kapag busy sa klase o naglalaro ng basketball ang kabarkada. Siya ang nagdadala ng mga regalo o pasalubong kapag nasa out of twon sila ng kabarkada, kahit na wala pa siyang pahinga, halimbawa, pagbyahe papuntang Batangas mula Manila.
Mark: May sakit ka? Gusto mo alagaan kita? Bayad ko sa mga utang na pabor ko sayo!
Fred: Huwag na! Hindi naman ako mamamatay sa simpleng ubo lang! Puntahan mo na yung ka-movie date mo, baka mainip pa yun kapag na-late ka!
Mark: Sure ka? Sige, text text nalang!
20 missesd calls, 25 text messages. Hindi nagawang sagutin iyun ni Fred. Idadahilan nalang niya na nakatulog siya ng mahabang oras at naka silent ang phone niya. Ayaw niyang mabasa ang mga ibabalita sa kanya ng kabarkada sa movie date nito. Baka hindi lang ubo ang maging sakit niya, kundi sakit sa puso na. Ilang minuto niyang pinagmamasdan lamang ang phone sa gilid ng mesita ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Naroon na ang kabarkada niya. Namumula ang mga mata nito na parang galing sa pag iyak.
Mark: Tumatawag ako sayo! At nagtetext ako, bakit hindi ka man lang nag-reply!
Fred: Tulog ako! Siguro dahil sa gamot na binigay mo! Effective siya, parang umokey nga ako eh!
Mark: Ganun ba!
Tumabi ito sa kanya ng umupo sa kama, at biglang humiga. Pero mulat ang mga mata at nakatingin sa kisame.
Mark: Kailangan kita kanina alam mo ba yun?
Fred: May sakit ako!
Mark: I mean, kailangan ko ng kaibigan kanina!
Biglang nakaramdam ng pag aalala si Fred sa garlagal na boses ng kabarkada. Tumabi siya dito pero pinabasa sa kanya ang mga text messages nito sa kanya.
Fred: May nangyari bang hindi maganda?
Mark: Nakita ko ang girlfriend ko na may kayakap at ka-holding hands na ibang lalake!
Fred: Girlfriend?
Mark: Hindi ko na agad nakuwento sayo kasi gusto ko after namin manood sana ng movie dadalawin ka namin dito at doon ko sasabihin sayo na mahigit one week na kami! Mahal ko ang babaeng yun pero niloko niya ako sa maikling panahon na nagtiwala ako sa kanya!
Gustong matuwa ni Fred dahil kahit papaano ay naalala pala siya ng kaibigan na ipakilala sa babaeng pinagtuunan nito ng oras at panahon, pero nakaramdam siya ng sakit doon kasi nalaman niya na may babae na palang nagmamay-ari dito.
Fred: Atleast, maaga palang, nalaman mo ng hindi siya worth it para sayo!
Mark: Uminom akong mag isa kanina, hindi mo lang maamoy ang alak sa bunganga ko dahil nagmumog ako ng isang boteng mouthwash!
Fred: Gusto mo akong umnom kasama ka sana?
Mark: Pero naalala ko, may sakit pala ang kaibigan ko! Ipapabanat ko sana sayo yung lalakeng yun eh!
Fred: Bakit hindi nalang yung girl ang iapabanat mo sa akin? ;P
Natawa doon ang kabarkada niya. Hinila siya nito at niyakap na may kasamang tanday.
Mark: Kung naging babae ka lang, ikaw na ang syinota ko!
Fred: Hindi ba pwede?
Mark: Hindi nqaman tayo bakla eh!
Fred: Pwede naman yun! Uso kaya ang ganun!
Tumawa ng ilang sandali ang kabarkada niya at sinabi sa kanya ang...
Mark: O sige na! I love you babe!
Alam ni Fred na biro yun ng kabarkada, laging ganun. Sweet naman talaga ito, kaya madalas nagkakamali siya ng pagpapakahulugan sa mga sinasabi nito sa kanya. Pero biro man o hindi, yung nararamdaman niya para dito ay totoo.

No comments:

Post a Comment