Saturday, June 7, 2014

ang Pag-Ibig ng Tambay

Mahirap para sa isang tambay ang sitwasyon niya kapag tinamaan na siya ng pana ni kupido. Nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay dahil sa mga materyal na bagay halos nakatuon ang sinuman para lamang magustuhan nito ang isang taong nagpapakita ng interes sa kanila.
Eric: Gusto kitang itext, pero wala akong load! Nakakahiya naman magpapasa-load!
Pero minsan, hindi naman kailangan na isang taong may magandang trabaho ang basehan para lamang magkagusto ka sa mga gaya nila, minsan binabase rin sa ugali.
Eric: Nagpakita ka na nga ng kabutihan, hindi pa rin sapat para mapansin man lang!
Kaya naman, hindi nalang umaasa si Eric na magkagusto sa kanya ang mga nakilala niya sa mga napupuntahang parties, events o anumang lugar kung saan naroon ang mga kagaya niya o kauri ng kanyang pagkato na naghahanap rin ng totoong pag ibig sa panahon ngayon na mas matimbang angh estado ng buhay ang pinagbabasehan.
Gary: Nauunawaan naman kita! Kulang lang siguro yung effort mo o hindi pa talaga time para matanggap ka sa mga inaaplayan mong trabaho!
Eric: Ilang taon na akong tambay eh =( Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo kung laging ganun ang tanong nila, kung ano ang pinagkakaabalahan ko, may trabaho ba ako o ano ang trabaho ko =(
Pero mapalad si Eric dahil nakatagpo siya ng isang taong umunawa sa sitwasyon niya at hindi tumingin sa estado ng kanyang buhay bilang tambay.
Gary: Kung magkakatrabaho ka na, baka mawalan ka na ng time sa akin din =)
Eric: Hindi ko alam kung matutuwa ako o kikiligin ako o kung lalo akong maaawa sa sarili ko sa sinabi mong yan!
Pero ramdam ni Eric na unconditional ang pagmamahal sa kanya ng nobyo, dahil kahit na halos ito ang gumagastos sa pag-aapply niya kapag naso-short siya sa budget, full support talaga ito at laging nakaalalay kapag hindi siya pinapalad na matanggap sa mga inaplayan.
Eric: Sa busy mong yan, mapapansin mo pa ba ako? Sa dami ng mga nasa paligid mo na mga bigtime, imposibleng hindi mo ako nakumpara sa kanila! Na sana, mga gaya nila ang naging nobyo mo =(
Gary: Hindi yan sumagi sa isip ko! Alam mo, ang totoo niyan, masaya ako na tambay ka sa ngayon, kasi ikaw yung may time na unawain yung pagiging busy ko sa trabaho!
Eric: Wala naman kasi akong ginagawa kundi ang maging K.S.P. sayo nu! Inaaway na nga kita para mabuwiset ka, pero hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa akin ;P
Ganun ang kulitan ng dalawa at nararamdaman ni Eric na talagang totoong minahal siya ni Gary sa loob ng 5 taon. Hindi naman siya talaga tambay, minsan may mga raket din siya at kapag kumita siya, siya ang nagso-sopresa sa nobyo. Sa dami ng utang niya dito kasama ang utang na loob, hindi ito humingi ng bayad o anumang kapalit kundi oras lamang niya sa tuwing uuwi ito at makikipag kuwentuhan sa kanya.

No comments:

Post a Comment