Saturday, September 6, 2014

One Night Stand; a Chance or False Alarm?

a Chance or False Alarm

Naghiwalay kami year ago. Naging kumplikado ang sitwasyon at marami na rin ang mga rason para mag usap kami na tapusin nalang ang aming ugnayan para wala ng masaktan pa ng sobra. Walang 3rd party at ang dahilan lang ay hindi namin kayang ihandle ang relasyon na akala namin sa una ay magiging pangmatagalan na posibleng humantong sa habang buhay.

Nagawa ko ang gusto pagkatapos ng pakikipaghiwalay. Nakipag date ako sa mga nakikilala ko sa social media at pakikipag textmate. Pero parang one night stand lang ending ng pagkikita.

Handa akong baguhin ang lifestyle ko. Kaya ko naman gawing normal ang buhay ko ng walang lalake o nakaka sex o nakakalandian.

Pero isang taon man ang lumipas na hindi nagku krus ang landas namin, parang pinaglaruan kami ng tadhana.

Nagkasalubong kami sa isang fast foodchain. Nagdesisyon na kumain ng sabay. Nagkamustahan hanggang sa mauwi sa isang pribadong silid at bumalik ang tamis ng damdamin ko sa taong yun. Sa bawat halik sa labi at ungol ay nararamdaman ko na nasabik din siyang makapiling akong muli.

Dumaan ang mga araw. Kahit na nagkuhaan kami ng phone numbers, wala ni isa man sa amin ang unang nagparamdam. Nandoon ang pride. Pero ang pinakadahilan ko, natatakot akong magtanong at umasa ng positibong sagot mula sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ayaw kong paasahin ang sarili ko na posibleng may pagkakataon sa natigil naming relasyon, pero naroon ang pagdadalawang isip na baka naman, wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin ng gabing yun.


No comments:

Post a Comment