Wednesday, May 28, 2014

Inlababu kay Facebook Friend

Nakilala ko siya sa ginawa kong facebook group, 4 years ago.
Then nag meet kami sa isang group support.
Doon nagsimula yung mga invitation niya sa akin na pumunta sa mga bathhouse, spa, gaybars then mga house parties at mga imiks dito gimiks doon.
Hanggang one day, lagi ko na siyang gustong kasama. I had crush on him. At marami din ang humahanga sa kanya.
Nagseselos ako sa mga group of friends namin na malapit sa kanya.
Nandyan yung i saw him na may ka-holding hands sa loob ng car niya.
Naroon yung maririnig ko from him na may dine-date nga siya.
Kahit ang close friend ko ay pinagseselosan ko dahil i felt na type niya yung taong nakilala ko sa isang social network lamang.
Sa pagtagal ng panahon, naramdaman ko na tunay siyang kaibigan.
He always there for me when i feel down sa mga drama ng buhay ko about sa pamilya.
Hindi na rin kami nagkakailangan sa mga bagay-bagay like makita siyang nakahubad habang nagsa-shower nung nasa bathhouse kami.
Nandyan yung ginamit niya yung kutsara ko, na kinagulat ko, in public place, oh, in starbucks pala yun.
Nagkatabi na rin kami matulog, nang umattend kami sa isang summer outing na overnight lang naman, pwede ko sanang samantalahin ang pagkakataon pero mas nanaig yung pagiging antukin ko. Marami naman siyang pwedeng tabihan yun nga lang, siguro na-feel na niya mas safe akong katabi. Hehehe.
Pero ang hindi ko makakalimutan, nung akala ko ay hahalikan niya ako, kasi umiinom sila ng mga group of friends namin at natulog lang ako sa magdamag.
Ok lang sa akin kahit nakainim siya, tanggap ko ang excuses kung nangyari man yun.
Sumagi sa isip ko na kahit noong una palang kaya na nagkikita kami, dine-date na niya ako dahil laging ako ang kasama at iniimbitahan niya?
Hindi naman masama ang mangarap, pero dahil friendly at mas lumalaki na ang group of friends niya, nararamdaman ko na hindi na ako yung gusto niyang kasama sa mga gimiks niya.
Pero madalas pa rin kaming mag-text, ako lang yung sweet at siya lang yung nagiging sweet at makulit kapag nilalambing ko ng pabiro.

Monday, May 19, 2014

Ang Tindero sa Palengke II

Sa Capas, Tarlac kung saan nanirahan ang aking tita, kasama ng kanyang asawang sundalo at hilaw na hipag ako pansamantalang tumuloy mula sa Manila.

Boring talaga ang lugar dahil magkakalayo ang mga bahay at bakuran ng karamihan ng mga nakatira doon, pero dahil gusto ko makaranas ng kakaibang karanasan sa lugar na yun, gumawa ako ng mga bagay para hindi ako mamatay sa kabagutan habang naroon ako.

Naroon na may katetmate ako at sa madaling araw habang tulog ang mga tao, ay nagawa ko siyang mayaya na mag quickie kami sa likod ng bahay, kaya naman yun ang unang karanasan ko na may probinsyano akong naka-anuhan. Nakakatakot na posibleng mahuli kami, pero yung sarap ng pakiramdam atlibog ang naging dahilan para balewalain ko yung takot.

Ang ikalawa naman, ay katextmate ko rin. Nakuha ko ang number sa isang shop na nag aayos ng mga appliances. Tapos na meet ko nga ang may ari ng numero at nakatext ko rin ang kaibigan nito na tindero sa isang pwesto ng mga gulay at ibat-ibang klase ng gaya sa palengke na katabi lang ng shop ang pinagtatrabahuan nito.

Mabilis lang ang aming usapan, dahil hindi nga matao sa lugar na yun at mukhang sabik din sa karanasan ang probinsyano, dalawang beses kong natikman ang alaga niya at isang beses ko lang siyang naromansa sa magkakaibang araw.

Kaya naman, hindi naging boring ang paninirahan ko ng ilang araw sa lugar kung saan a akala ko ay boring yun pala ay exciting.

Un Expected Break Up

  • Conversation started today
  • Chardee Alojado
    Chardee Alojado


    " Un Expected Break Up"
    Masayang sinalubong ni Patrick ang nobyo. Parang miss na miss niya ito kahit na ilang oras palang silang nagkakahiwalay dahil sa mga trabaho nila.
    Patrick: Tsaran! Binilhan kita ng paborito mong siopao na asado! At may kasamang malamig na malamig na rootbeer!
    Alfred: Can we talk?!
    Parang nakaramdam doon ng kaba si Patrick, pero binalewala niya. Nilagyan niya ng sauce ang siopao ng nobyo at inihain dito.
    Patrick: Seryoso ba yan? Problema? Mag meryenda ka muna para ma relax ka! Medyo pagod din kasi ako sa byahe kanina, sobrang trapik!
    Alfred: Im sorry Pat!
    Doon parang nabuhusan ng malamig na tubig si Patrick. Matagal bago siya nakabawi.
    Patrick: Sorry saan? May nangyari ba?
    Alfred: Hindi ko na kaya ang sitwasyon natin!
    Napangiti doon si Patrick. Pero sa loob niya, naroon ang pagkagulat.
    Patrick: Anong dahilan? Gaya pa rin ba ng dati?
    Alfred: Gusto ko ng normal na buhay! I mean, mabuhay tayo ng normal!
    Patrick: Yung sinasabi pa rin ng iba ang pinagbabasehan mo ng normal na buhay?
    Pigil ang mga luha ni Alfred na pinagmasdan ang mukha ng nobyo.
    Alfred: Mahal kita pero hindi ko kaya ang sitwasyon na ganito!
    Patrick: Sana noon mo pa sinabi yan, para hindi naman ako umasa ng pang habang buhay na magkakasama tayo sa iisang bubong balang araw!
    Parang mauubusan ng hangin sa paghinga niya si Patrick. Sa sama ng loob niya, gusto niyang sapakin ang nobyo.
    Alfred: Ang daming factors kasi na gumugulo sa isipan ko!
    Patrick: Pamilya? Kaibigan? Trabaho? Kahit saan ka naman pumunta, naroon yan mga problema mo eh!
    Nilapitan ni Alfred ang nobyo at akmang yayakapin ito, pero umiwas ito sa gagawin niya.
    Patrick: Sige na! Umuwi ka na! Ayaw kong umasa na magbabago pa ang isip mo sa pagyakap na gagawin mo!
    Mabigat man sa kalooban, tumalikod si Alfred sa nobyo na pigil ang pagtulo ng mga luha ng kanyang mga mata.
    Napahawak sa kanyang dibdib si Patrick, gusto niya mawalan ng ulirat, pero yun ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin.

3rd Wheel

Since elementary, highschool, college hanggang sa magkatrabaho ay magkaibigan na sina Jun at Eric.
Hanggang sa pareho silang may niligawan at nagka girlfriends, ay nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila.
Pero one day, ang pagkakaibigan pa nila ang magiging dahilan para sila ay magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan.
Eric: Sandali pare! Pakinggan mo naman ako!
Jun: Huwag mo ng ipilit na pare ang itawag sa akin...mare!
Nainsulto doon si Eric, pero tinanggap niya. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan, dahil nagsinungaling siya dito. Nagtago siya ng totoong nararamdaman niya para dito.
Jun: Kailan pa?
Eric: Hindi ko alam! Pero nagseselos ako kapag nakikita kang masaya sa mga babaeng nagugustuhan mo!
Pigil ni Jun ang sarili pero nagawa niyang hawakan ng mahigpit ang kwelyo ng suot ng kaibigan. Gusto niya itong sapakin, saktan at murahin. Takot na takot naman si Eric na nakapikit lamang.
Jun: Bakit? Akala ko ba tropa tayo?
Eric: Hindi ko din alam! Masisisi mo ba ako kung sa bawat kasama mo ako bilang 3rd wheel sa mga ka-date mo o mga lakad nyo ng mga nagiging girlfriend mo, ginusto kong makaramdam ng ganito?
Binitawan ni Jun ang kwelyo ng kaibigan. Inayos niya ito at umatras palayo dito.
Jun: Bakla ka?
Napatango doon si Eric. Doon tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
Eric: Im sorry! Na na-inlove sayo ang 3rd wheel mong kaibigan!
Ang lalim ng pag buntong hininga ni Jun habang pinagmamasdan ang nakayukong kaibigan.
Jun: Mabuti pa siguro, huwag nalang muna tayo magkita...huwag nalang tayo mag usap at kung pwede lang...kalimutan muna natin na magkakilala tayo!
Doon napaangat ng tingin si Eric sa kaibigan. Naramdaman niya na parang nandiri sa kanya ang kaibigan.
Jun: Hindi mo naman ako masisisi di ba? Ayaw kitang husgahan, pero mas masasaktan ka kung sasabibin ko ng literal!
Eric: Hindi naman ako kalat na bakla Jun! Bakit kailangan maapektuhan yung pagkakakilala mo sa akin dahil lamang sa ganito ako?
Jun: Dahil hindi ko tanggap! Ayaw kong tanggapin dahil nasaktan din ako sa nalaman ko!
Mabilis na tumalikod si Jun sa kaibigan at lumakad palayo dito. Doon tuluyang napahagulgol si Eric. Yun na nga ba ang huling pagkakataon na makikita at makakausap niya ang kabigan? Ayaw niyang isipin na yun na nga ang katapusan.

One Night Stand

Bumangon mula sa pagkakahiga si Alen. Naroon ang pakiramdam na bigla siyang nalungkot. Gising na rin pala ang katabi niya ng maramdaman ang pag galaw niya.
Alen: Nagising ba kita?
Lance: Not really! Hindi rin ako makatulog ng maayos!
Tumayo na si Alen para magbihis ng mga nagkalat niyang kasuotan. Pinapanood lamang siya ng lalakeng nakilala niya sa isang party at nakasama niya sa magdamag na ulayaw.
Lance: Magkikita pa ba tayo?
Alen: Hindi ko alam! Hindi na siguro!
Biglang niyakap ni Lance ang lalakeng nakilala lamang din sa isang party. Dinama nito ang katawan sa pagkakayakap dito.
Lance: Masaya ako sa nangyari sa atin!
Alen: Ako din!
Pero biglang napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ni Lance ng alisin ng lalakeng yun ang mga braso niyang nakayakap sa katawan nito.
Alen: Hindi ako pwedeng umuwi ng may araw na! Nasabi ko na sayo, pamilyado akong tao!
Lance: Huwag kang mag alala, hindi naman ako naghahangad ng sobra pa nang dahil sa nangyari!
Alen: Mabuti na yung klaro!
Bihis na ito ng mapansin ni Lance. May iniabot ito sa kanya, parang nainsulto doon si Lance.
Lance: Hindi ako nagpapabayad! Gusto ko yung nangyari sa atin dahil gusto kita!
Alen: Ayaw kong makunsensya! Huwag mong isiping bayad ko ito sa nangyari sa atin, share ko nalang dito sa motel!
Tinanggap na lamang ito ni Lance. Pero mabilis niyang kinabig ang kamay nito at niyakap.
Lance: Pwede mo ba ako bigyan ng isang halik nalang?!
Alen: Pero...
Lance: Pakiusap!
Buntong hininga ang isinagot dito ni Alen, bago muling hinalikan ang labi ng lalakeng yun. Matagal bago muling naghiwalay ang mga labi nila.
Lance: Ang sarap mo talagang humalik!
Alen: Kailangan ko na talagang umalis!
Tumango si Lance at hinayaan ng lumayo sa kanya lalakeng yun. Bago tuluyang lumabas ng silid si Alen, nilingon niya ang lalakeng yun.
Alen: Salamat sa masayang one night stand!
Hindi alam ni Lance kung matatawa sa sinabi ng lalakeng yun. Pero umaasa siya, na hindi sana iyun ang huli nilang pagkikita.

Thursday, May 15, 2014

First Date ni Beki

Halos tumalon sa tuwa si Apol dahil nakatanggap siya ng isang invitation, isang dinner invitation at matatawag na ring isang date. At hindi yun isang ordinaryong date dahil ang makakasama niya dito ay ang kanyang ultimate crush na katrabaho. Na-promote kasi ito, kaya naman isa siya sa mga pinasasalamatan nito.

Pero mabilis naman siyang kinontra ng kaibigan sa pag-iilusyon niya ng sabihing group date ang mangyayari at hindi isang romantic date sa pagitan lang nilang dalawa ng katrabaho. Biglang nalungkot doon si Apol at parang natulala na lamang sa isang tabi. Pero kumambyo ang kaibigan, na bakit hindi tanungin ang katrabaho nito kung ano ba ang set up ng pag iimbita nito sa kanya.

Hindi na nagbigay ng panahon si Apol na sundin ang suggestion ng kaibigan, mukhang tama naman ito na isang group date ang mangyayari base na rin sa mga group messages na natatanggap niya sa iba pang katrabaho na nakatanggap rin ang mga ito ng imbitasyon mula sa na promote na katrabaho nila.

Pero pinaghandaan pa rin ito ni Apol, lalo at na-inspire siya sa muling pagtawag ng katrabaho na sana ay makapunta siya. Mula sa isusuot hanggang sa pabangong gamit ay talagang nag-effort si Apol, kasama ang kaibigan niya habang nasa mall sila naglilibot.

Hindi naman lingid sa kaibigan ni Apol na talagang pantasya nito ang katrabaho, bukod kasi sa mabait ay talaga namang very friendly ito sa mga gaya nila na may pusong babae pero lalake ang itsura. Kahit naman laging kontra ang kaibigan niya sa mga kuwento niya tungkol sa mga nakakakilig na eksena sa pagitan nila ng katrabaho ay naka suporta pa rin ito sa pananaginip niya ng gising.

Dumating ang araw kung saan ay dadalo sa isang imbitasyon si Apol. Hindi nito kinalimutan ang magdala ng mouithwqash kung sakaling magkaroon ng chance na ma-beso-beso siya ng katrabaho kapag niyakap at nagpasalamat ito sa kanya, wala namang masama mag isip ng advance.

Naroon nga ang iba niyang katrabaho, at masaya ang mga ito na nagkukuwentuhan habang nakapalibot sa na-promote na katrabaho. Hindi naman siya agad napansin ng katrabaho kaya naman doon na lamang nanatili sa isang tabi si Apol at kumain na lamang at kinuha ang pagkakataon na matikman ang mga inuming alak na naroon.

Ilang oras pa ang nagdaan, napansin din siya ng katrabaho. Kunwari ay nagtampo siya, at sinuyo naman siya nito sa paghingi ng sorry. Yumakap ito sa kanya at isinigaw ng isip ni Apol ang " JACKPOT".

Ilang sandali ring nasa tabi niya ang katrabaho kahit na may mga sumisingit na iba nila pang katrabaho. Saglit na umalis sa tabi niya ang katrabaho dahil nagpapa-alam na ang iba at unti-unti nang nagsi-uwian ang iba pang naroon. Tumulong na lamang si Apol sa paglilinis ng ibang kalat pero hinila si ng katrabaho sa garden at hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matawa sa nakita.

Pero maya-maya lang ay parang nakaramdam siya ng kilig, dahil kahit mukhang pang horror ang set up ng lamesang may puting tela at mga kandila, sapat na yun para maunawaan niya na nag effort ang katrabaho na gawin yun.

Dinala siya nito sa lamesang naroon at pinaupo. May mga pagkain itong nilagay sa lamesa, at doon siya natawa ng makita na mga naka-balot o pang take out na ang mga naroon sa lamesa.

Ang sabi ng katrabaho niya, iuwi nalang daw niya ang mga binalot nitong pagkain para sa mga kasambahay o kasama niya sa bahay. "Ang sweet naman talaga!", ang sabi na lamang ni Apol sa kanyang isip dito.

Sumeryoso ang muha ng katrabaho niya, nag thank you ito ng sobra dahil sa isa daw siya sa mga tumulong para maabot niya yung pangarap nito at ang posisyon na nabigay dito. Napangiti naman dito si Apol.

Iyun ang maituturing ni Apol na unang date sa buong buhay niya. Hindi man romantic date na matatawag, kinilig naman siya ng sobra.


Wednesday, May 14, 2014

Ang Tindero sa Palengke

Hindi ko talaga ugali ang bumili ng ulam o mamalengke. Pero mula ng matuto akong magtipid, dahil ugali ko na magbigay ng budget sa aking ina minsan kapag may gusto akong ulam base sa aking panlasa; masasabi kong malaking bagay din pala kung personal kang makikisiksikan sa mga tao at makikitawaran sa mga tindero at tindera na naroon sa palengke.

Ang isang beses ay nasundan ng maraming ulit. At iisang puwesto lamang ng mga karne ng manok, baka at baboy ang aking pinupuntahan. Dahil na rin sa tinderong naroon.

Magiliw naman ang tindero, siguro yun ang gawain talaga nila para mapabili sa kanila ang mga mamimili. Kaya naman na imbes na sakto lamang ang aking nalalagay sa tambangan, sumusobra at napapayag na rin akong bilhin na. Pero iba itong tindero, bukod sa gwapo, tamang taas lang at sa cute niyang nunal sa kaliwang pisnge, ay bonus na nakikita ko siyang naka boxer shorts lang. Libreng sulyap na sa kanyang maumbok na harapan.

Minsan, naka-topless lang siya at talaga namang hinahabol ng mga mata ko ang ilalim ng pusod niya hanggang sa mabukol niyang harapan.

Laging ganun, nagkakataon na siya ang tindero, at nahahawakan ko ang kanyang palad kapag inaabot niya sa akin ang sukli o nabili kong tinda meron sila.

Madalas, laman siya ng aking panstasya, lalo pa at talaga namang nakaka-L ang kanyang ayos sa pagtitinda.

Monday, May 12, 2014

M.U. : Mukhang Uto-uto

Sabi ng iba, may kasabihan na love is sweeter in the 2nd time around. Yung nagpatawad ka sa umpisa dahil nagkamali yung partner mo at gusto mo siya bigyan ng pagkakataon na itama at baguhin ang naging mali sa relasyon ninyo dahil sa mga kasalanan na paulit-ulit nalang.

Troy: Sandali lang naman Ron! Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na maagpaliwanag!

Ron: Ilang beses ko ng narinig ang mga paliwanag mo eh! May bago ba sa mga kasinungalingan na sasabihin mo para mauto mo na naman ako?

Ilang beses ng nahuhuli ni Ron na may ibang dine-date ang nobyo, kahit na naririnig din niya sa mga kaibigan na nagkakataon na nakikita nga ito sa mga lugar kung saan may kasama na sobrang PDA ang pagka sweet ng mga ito. Ayaw niyang maniwala sa mga naririnig dahil nga hindi naman niya nakita at hindi rin ito inaamin ng nobyo.

Uno: Kung ako sayo, pakawalan mo na yang si Troy! Hindi na yan magbabago dahil parang master na niya ang gawin kang tanga! Sa totoo lang!

Ron: Mahal ko si Troy! Hindi rin naman biro yung mga pinagdaanan namin kung bakit kami nagtagal!

Uno: Hello! Kaya lang naman kayo nagatagal, dahil sa pagiging tanga mo! Oh! Wag ka sanang magalit sa sinabi ko! Dahil yun ang pakiramdam ko!

Aminado naman si Ron na parang nagiging tanga na siya dahil sa pagmamahal niya ng sobra sa nobyo. Pag humihingi naman kasi ito ng sorry, napapatawad niya agad. Hindi niya magawang magalit ng sobra dito.

Troy: Alam mo, talagang pinag isipan ko ng mabuti itong sopresa kong date para sa ating anibersaryo!

Ron: Tigil na natin ito!

Natigilan doon si Troy. Pero binalewala niya ang sinabi ng nobyo. Nagpatuloy ito sa pag aasikaso sa nobyo.

Ron: Ang sabi ko, tigilan na natin ito!

Troy: Ang alin? Itong date natin? Maaga pa naman! Nagmamadali ka ba? I-cancel mo muna yung mga lakad mo tonight! Ayaw mo bang makasama ako?

Mabilis na kumilos si Ron. Tumayo siya at lumakad palayo sa lugar na yun. Hinabol siya ng nobyo.

Troy: Huwag mo naman akong ipahiya! Maraming nakatingin sa atin oh!

Ron: Ganyan din ang gusto kong sabihin sayo Troy! Huwag mo naman akong ipahiya sa mga taong nakakakita sayo na kung sinu-sino ang kaharutan mo!

Troy: Hey! Babalik na naman ba tayo sa isyu na yan?

Hinarap ni Ron ang nobyo. Gusto niya itong saktan gamit ang kamao niya, pero pinigilan niya ang sarili.

Ron: Hindi natin anibersaryo ngayon!

Doon parang natigilan si Troy at napahawak sa batok nito. Akma nitong lalapitan ang nobyo pero umtras palayo sa kanya ito.

Troy: I-Im so-sorry! Actually, hindi naman mahalaga kung eksakto yung araw ng celebration natin ng anniversary natin di ba?

Ron: No! Mahalaga sa akin yun! Sayo na nanggaling, hindi mahalaga, so bakit ka pa nag abala! Maling tao yata ang kinumbida mo sa oras na ito!

Tumalikod na si Ron sa nobyo pero humabol sa kanya ito at niyakap siya.

Troy: Please! Pag usapan natin ito!

Inilayo ni Ron ang sarili dito at pinigilan niya ang sarili na makita nito na nanghihina siya sa sama ng loob dito.

Ron: Huwag na natin itong ituloy pa! Tama na yung isa...dalawa o tatlong beses na nagmukha akong tanga..uto-uto at naga-gago mo ng sobra! hindi na ako magbibigay ng 2nd chance dahil hindi naman ito unli para lagi mong gawing excuses para ipakita mo na magbabago at nagbago ka na!

Masakit sa kalooban ni Ron na matapos ang relasyon nila, pero ayaw na rin niyang humaba pa yung listahan ng maraming beses na siyang nasasaktan sa ganung pagtrato sa damdamin niya ng dating nobyo.

Friday, May 9, 2014

ang CupCake for Chef

Pumasok sa isang culinary short course si Andrei para naman may magawa siya habang summer. Saka, hindi rin naman siya tinitigilan sermunan ng kanyang mga magulang kaya para makatakas sa mga ito, nag desisyon nga siyang kumuha ng summer course.

Andrei: Ang major goal ko dito ay ang matutong mag bake ng cakes at cup cakes!

Larry: Pwede mo naman yan matutunan sa panonood lang sa youtube, gumastos ka pa!

Andrei: Iba pa rin ang may certificate friend nu!

Marami-rami din ang mga magiging kaklase ni andrei sa short course na yun, at syempre, gumagana ang mga gaydar niya sa mga pamintang gaya niya. Pero hindi iyun ang nakatawag pansin sa kanya, kundi ang gwapong chef na magiging shourt course teacher nila sa loob ng isang buwan.

Chef: Any questions Andrei Reyes? Kanina ka pa tulala! May problema ba sa mga instructions ko?

Andrei: Wala chef! Dinadama ko lang yung pakiramadam na sa wakas! Estudyante na ako ng short course na ito! Hehe!

Naikukuwento ni andrei ang bawat lessons sa kaibigan, pati na rin ang tungkol sa gwapong chef na nagtuturo sa kanila. Kinikilig pas siya habang kinukuwento ito.

Larry: Kaya ka ba inspirado na pumasok at magbyahe mula north to south ng dahil gwapong chef na yan?
Mag selfie kaya kayo nu! Ila-like ko agad!

Andrei: Puro ka naman biro! Ofcourse, mas gusto kong matuto kesa ang magkaroon kami ng koneksyon ng mas malalim pa ng chef nu!

Larry: Sa bibig mo na talaga nanggaling na may pagnanasa ka doon sa chef nyo! anong sabi ng gaydar mo?

Andrei: Hindi masyadong masagap ng antena ko!

At sa bawat araw na dumadaan, ay parang lalong lumalalim yung paghanggang nararamdaman ni Andrei sa chef nila. Naroon yung natataranta siya sa tuwing sasagot sa mga tanong nito, naroon yung nagkakamali siya sa mga ingredients kapag nasa tabi niya ito.

Chef: Relax Andrei! Hindi ko naman titikman ang mga samples mo dahil nag eexpect na ako na mahusay ka na! Lahat kayo dito, na mga kumuha ng short course ay gusto lamang matuto at hindi agad-agad magiging pinakamagaling!

Minsan, nakakaramdam din ng lakas ng loob si Andrei na sundan ng tingin ang bawat galaw ng kanilang chef kapag ito ay busy sa mga pagbibigay ng instructions.

Larry: Malapit ng matapos yung summer course mo bakla! Anong plano mo diyan sa feelings mo kay chef na yan?

Andrei: Syempre, pagkatapos ng summer course, malabo pang magkaroon ng dahilan para magkaroon pa kami ng ugnayan!

Larry: Ay! Suko na agad ang drama mo niyan pala!

Binigyan sila ng one week para gumawa ng isang sample na ibe-bake nila at dun ibabase ng kanilang chef ang pagbibigay ng grades sa kanila. Pero laging palpak ang mga bakes ni Andrei. Kung hindi sunog ay sobra namang tamis. Pero hindi pa rin siya sumusuko na pasarapin ang ibe bake lalo at gagawin niya yung espesyal sa pagkakataong yun.

Larry: 72 hours na nating sinusubukan na mapasarap ang bake at presentation ng cup cake na ipapasa mo, baka naman pwedeng humingi ng 1 day na pahinga teh!

Andrei: Sige na! Ako na ang bahala dito!

Larry: Hindi kita pwedeng iwan! Baka magkasunog!

Pero pursigido talaga si andrei na gawing perfect ang ibe bake niyang cupcakes, kahit isa lang, ay talagang naka pokus na siya sa bawat oras habang nasa pugon ito.

Dumating ang araw at oras para ipasa ng mga nag short course sa baking na estudyante ang kanilang mga sample bakes. At lahat naman yun ay natikman ng chef. At napansin niya na wala roon ang isang estudyante. Dumating ang tanghali, isa-isa ng umalis ang mga naroong estudyante na nagpakita ng mga sample nilang na bake. Doon dumating si Andrei, may dalang isang kahon.

Chef: Reyes! Mabuti at naabutan mo pa ako dito! Iyan na ba ang sample bake na ipapasa mo?

Andrei: Oo sir! Kaya lang...hindi ko pa alam ang lasa!

Chef: Bakit naman?

Inabot ni Andrei ang kahon sa chef. Binuksan ito at napangiti doon ang chef sa nakita. Pumikit lamang si Andrei ng kunin at tikman ito ng chef.

Andrei: Babalik at kukuha nalang ako ulit ng short course chef!

Chef: At bakit naman?

Andrei: Para makita ko kayo ulit?!?

Chef: Ang funny mo talaga Reyes! Masarap naman ang cupcake na ginawa mo!

Andrei: Talaga ho? Eh parang tutong ng kanin nga yung nasa top niyan eh!

Chef: Alam mo Reyes, minsan, yung sarap ng isang pagkain, wala sa itsura! Nasa laman nito!

Lihim na napakagat labi doon si Andrei. Mukhang nakakuha siya dun ng ganda points.

Chef: So, see you sa graduation?!?

Andrie: Oho chef! Salamat ho ah!

Nadapa-dapa pa si Andrei ng lumabas ng silid aralan. Mabilis naman siyang inalalayan ng kaibigang naghihintay sa kanya.

Andrei: Pinuri niya ang ginawa ko!

Larry: Sa pangit ng itsura nun? Napabilib mo pa ah! Iba na yan!

Andrei: Ito na ang simula!

Larry: Ay, simula palang pala itong istorya ng buhay pag ibig mo friend! Kaloka! Tara! Pumunta nalang tayo sa cupcake house! Doon, makakatikim na ako ng totoong masarap na cupcake!

Sa araw na yun ay walang patid yung kaligayahang nararamdaman ni Andrei sa mga oras na yun.

Kahit Na, Pangit Ka

Sabi nila, love is blind. Mukhang totoo yata ang kasabihan, dahil nainlove ang mestisong tsinitong si Ric sa isang hindi naman kagwapuhan at ni charm yata, ay walang taglay talaga. Pero ewan ko ba, kilig na kilig naman ako sa aking nobyo.
Ric: Oh di ba? Ang cute ng aming bagong selfie?
Arc: At umaasa ka pa na may magla like ni isa sa selfie ninyo kapag na post mo yan sa fb o twitter o instagram?
Ric: Eh di ako tapos siya! Dalawang like na yun!
Sa totoo lang, wala namang pakealam si Ric sa sasabihin ng iba, manhid na yata ako. Dahil kahit nakikita kaming magkasama ng ibang tao na sobrang PDA, hindi ko na pinapansin pa.
Ric: Basa na naman ang likod mo! Halika nga dito at pupunasan ko!
Gin: Huwag na! Nakakahiya naman! Maraming taong nakatingin sa atin!
Ric: Ay! Kinakahiya mo ba ako? Baligtad yata ah!
Gin: Ha?
Ric: Ang sabi ko, mukhang baligtad yata ang pagkakalagay ko ng bimpo sa likod mo! Huwag kang sumimangot! Wala ka ng ipapangit pa!
Kahit naman binibiro ni Ric ng ganun ang nobyo, mahal naman niya ito.
Arc: Friend! Uso yata talaga ang kantang gayuma! Nabiktima ka eh!
Ric: Tse! Basta ako, mahal ko ang taong yun! Kahit siya pa ang pinakapangit sa buong universe!
Arc: Tingnan mo, sayo na nanggaling! Pangit talaga ang boyfriend mo!
Ric: Suportahan mo naman ako, akala ko ba kaibigan kita?
Arc: Suportado kita sa relasyon ninyo friend, saka naniniwala naman ako na mahal mo ang pangit na yun!
Kung positibo ang nararamdaman ni Ric sa nobyo, kabaligtaran naman ito kay Gin. Naroon ang pagdududa lalo na kung sa itsura ang basehan. Gwapo ang nobyo, at maraming nakapaligid dito. Ano ba naman ang laban niya sa mga good looking na mga naging ex nito at mga pasimple pang pumoporma sa kanyang nobyo.
Gin: Sa palagay mo, tama ba na pagdudahan ko yung feeling sa akin ni Ric?
Yen: Ay naku bakla! Masama ang magduda! Pero yang pagka insekyura mo, yan ang sisira sa relasyon ninyo kapag na open mo yang doubts mo kay Ric!
Gin: Masisisi ba niya ako na pagdudahan yung nararamdaman niya sa akin?
Yen: Huwag kang magdrama bakla! Hindi ka naman pinagpala masyado sa mukha, saka huwag ka ng choosy! Kung baga sa lotto, naka jackpot ka na kay Ric!
Iyun ang alalahanin ni Gin. Alam naman niya na kahit paano, may ilang pa rin si Ric na kasama siya sa harap ng maraming tao.
Ric: Oh bakit nakasimangot yang mukha mo? Papangit ka pa niyan! Payakap nga!
Gin: Pangit na nga, may ipapangit pa ba!
Ric: Pero para sa akin, ang gwapo gwapo...
Gin: Huwag mo na akong bolahin Ric! Pinapalubag mo lang ang loob ko!
Ric: Ok po! Pangit ka man sa aking paningin, sa puso ko, ikaw ang pinaka gwapong lalake na mahal na mahal ko! Huwag ka ng mag self pitty dyan!
Minsan, aminado naman si Ric na naiilang siya kasama ang nobyo lalo pa at naroon yung mga biruan na hindi maganda tungkol dito ng mga kaibigan niya.
Arc: Nagpapaapekto ka ba sa mga sinasabi nila? Akala ko ba, manhid ka na sa mga sasabihin ng mga tao?
Ric: Hindi naman ako nagagalit! Naaawa lang ako kay Gin! Kasi kahit anong assurance na sabihin kong seryoso ako na mahal konsiya, andun yung pagdududa pa rin niya eh!
Arc: Dedma lang girl! Hindi naman alam ng mga taong yun kung ano yung saya na nararamdaman nyo! Kayong dalawa lang ni Gin ang nakakaunawa nun, syempre, dahil kaibigan kita, nauunawaan ko na may ganyang pagmamahal talaga!
Kaya naman para mawala yung pagdududa ng nobyo, pinilit na isama ito ni Ric kung saan naroon ang maraming tao. Magkahawak sila ng kamay. Minsan, hinahalikan pa sa pisnge ni Ric ang nobyo.
Gin: Maraming taong nakatingin!
Ric: Eh ano naman! Sila nga, hindi naman natin sila pinapansin sa ginagawa nila di ba?
Gin: Kahit na! Public place ito!
Ric: Ah, gusto mo sa private place kita tuka tukain?
Gin: Seryoso ako Ric! Nahihiya ako!
Ric: Nag eeffort lang naman ako na ipakita sayo at sa iba na hindi naman itsura ang basehan para magustuhan kita!
Gin: Hindi mo naman kailangan gawin yun para lamang...
Ric: Umuwi nalang tayo!
Gin: Hey! Galit ka na agad?
Ric: Hindi ako galit! Ayaw mo kamo na may nakakakita sa atin na magkasama, eh di sa bahay nalang tayo!
Pero hindi gumagalaw si Gin at hawak pa rin nito ang kamay ng nobyo.
Gin: Im sorry!
Ric: Sorry saan?
Gin: Dahil nagduda ako sa feelings mo para sa akin!
Ric: Sorry din! Kasi nararamdaman mo yung pagdududa! Alam mo Gin, kahit uso ang camera 360 at magpaayos ng mukha kay vicky belo, para sa akin, sobrang gwapo mo na!
Gin: Bola na naman!
Ric: Totoo! Siguro yung true meaning ng love, totoong nararamdaman ko na!
Gin: Kumpara sa mga ex mo at mga nakapaligid sayo?
Ric: Kumpara talaga sa kanila, artistahin sila talaga, pero ganun yata talaga, sa kakapili ko ng gwapo, sa pangit ako napunta...joke!
Biglang niyakap ni Ric ang nobyo. At bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisnge nito.
Ric: Gwapo ka naman eh! Konting pisa lang ng mga tagyawat mo, pa brace natin yang mga ngipin mo at pa enhance natin yang ilong mo! Tapos mag gym ka, ay naku, next level ka na, hindi ka na chaka, magiging hipon ka na! Hehe!
Sa mga birong yun ni Ric, napapanatag ang loob ni Gin. Totoo sa kanya ang nobyo, at ayaw na niyang pagdududahan pa ito.

Monday, May 5, 2014

"Coffee Date w/a Boss"

Gabi ng mga gabi. Yun ang tawag ni Ali sa espesyal na gabing yun. Dahil naimbitahan siyang magkape ng lihim niyang gusto na boss. Actually, business matter ang agenda, pero para kay Ali, maituturing na rin yun na isang date. Napapakagat labi pa siya sa tuwing iisipin ang mga mangyayari sa kanila mamaya ng kanyang boss.
Naalala niya, noong unang araw palang niya bilang staff sa kumpanyang yun, pinansin na siya agad ng isang gwapo at mestisong naka amerikanang lalake. Nasa early 30 na ang edad. Matipuno, matangkad at mukhang napakatalinong tao sa paningin ni Ali.
Dumaan ang bawat pahina ng araw at gabi, lalong tumitindi yung paghanga at pagkagusto niya dito. Hindi naman niya magawang sabihin sa boss ang nararamdaman niya para dito dahil mukhang walang panahon sa bromansahan ang boss niya. Lalakeng lalake ika nga.
Mas lalo lang tumindi yung feelings ni Ali sa boss niya tuwing makakasabay niya ito sa elevator, makabungguan sa tuwing nagmamadali dahil late siya at minsang isabay siya nito sa dala nitong sasakyan.
Alam ni Ali na mabait lang talaga ang boss niya sa lahat. Aminado siya na may kilig sa kanya ang mga pagkakataon na masosolo o mapapansin niyang nakatingin sa kanya ito.
Pero walang malisya sa boss niya ang mga ginagawa nito. Walang espesyal ika nga. Si Ali lang naman ang nagbibigay kahulugan sa lahat ng mga nangyayari sa kanila.
Sa gabing yun, gustong ituring ni Ali na isa yung date. Hindi man romantically, atleast nagka chance siya na masolo sa ganung pagkakataon ang kanyang boss. Parang nakakakilig lang talaga.
Dumating si Ali sa oras. Pero naroon na pala ang kanyang boss. Humingi siya ng pasensya pero hindi naman siya nasermunan.
Dumaan na ang ilang minuto, nasa monitor pa rin ng laptop nakatuon ang pansin ng kanyang boss. Nagkaroon tuloy ng chance si Ali na makita ng malapitan ang gwapong mukha ng nasa harapan niya.
Hindi namalayan ni Ali na sobrang init pala ng kapeng nilagay kaya inubo siya dahilan para mapansin siya ng kanyang boss.
Napangiti lamang si Ali sa pagkapahiya. "Kape tayo sir?", ngitian lamang siya nito.
Sa mga oras na yun, habang pinapakinggan ni Ali ang pagsasalita ng kanyang boss, pakiramdam niya ay musika iyun sa pandinig niya.
Sa tuwing matititigan niya ang mga reaksyon ng mukha nito habang nagsasalita, para siyang nalutang sa sobrang saya.
Dalangin na lamang ni Ali, na sana masundan pa ang mga ganung tagpo sa pagitan nila ng kanyang boss. Hindi siya umaasa na may mga posibleng mangyari, sapat na para kay Ali na makasama niya sa mga ganung pagkakataon ang kanyang boss

Na-LOVE @ 1st sight knb sa MRT?

Sabi nila, mabilis daw ma-fall ang mga male bisexuals sa kapwa nila. Yung mabilis kang magka-crush o ma-inlove daw.  Kaya naman kahit anong iwas mo daw humanga sa mga taong nasa paligid mo, hindi mo pwedeng diktahan ang puso mo kung kanino ito biglang titibok. Baduy di ba?!

Pero napatunayan ni Alfred sa sarili niya na totoo pala na kapag na-inlove ka sa hindi mo inaasahang pagkakataon, hindi na madaling kalimutan, lalo na kung ito ang naging dahilan para maging masaya siya.

Sa mrt niya unang nakita ang taong yun, gwapo, matipuno at mukhang galing gym. Hindi naman niya tipo ang mga ganung itsura, dahil alam niya na wala rin naman siyang mapapala kung bibigyan pa niya ng panahon na mag isip sa taong yun.

Pero sa araw-araw na pagsakay niya sa mrt, mukhang sinasadya ng pagkakataon na makita at lagi niyang makasabay sa byahe ang lalakeng yun. Hindi naman flirt si Alfred, kaya wala siyang balak magpapansin sa taong yun, pero sa loob niya, mukhang pamilyar na rin siya dahil nga hindi naman laging 1st time na sila ay nagkikita at nagkakasabay sa byahe.

Dumaan pa ang mga araw, ay parang hindi na makukumpleto ang araw ni Alfred na hindi man lang makita ang taong yun kung saan madalas ito nakapila at nakapuwesto sa loob ng mrt. Aminado na siya na may paghanga siya sa taong yun, hindi man siya magkaroon ng pagkakataon na malaman man lang ang pangalan nito, ay napapangiti na siya sa tuwing iisipin na magkakasalubong na naman ang mga paningin nila.

Dumaan pa ang ang ilang araw hanggang sa naging linggo, hindi na niya nakikita pa roon ang lalakeng yun. Nalungkot si Alfred kahit papaano, dahil nga nagkapuwang na sa puso at isipan niya ang estranghero. Hindi naman siya makikipagsiksikan sa loob ng mrt at amuyin ng libre ang sari-saring amoy ng mga kili-kiling naroon ng walang dahilan. Sakripisyo ang tawag niya doon para lamang makita at masilayan ang gwapong mukha ng taong yun.

Lumipas pa ang mga araw, nagdesisyon na si Alfred na itigil ang umasa na makikita pa ang taong yun. Kailangan niya sanayin ang sarili na hindi sa mga pagkakataon na gaya dati ay ganun na lamang ang mangyayari.

Sa sobrang siksikan sa pila sa mrt para makasakay, nakaramdam ng inis si Alfred sa taong nasa likuran niya sa pila. Dahil natulak siya nito at naipit siya sa mga pasaherong naroon sa loob ng mrt. Agad niyang nilingon ang nasa likod at bigla na lamang siyang na tameme.

Ang taong matagal niyang gustong makita, nasa likod niya lang pala. Halos magkadikit ang mga mukha nila. Dikit ang mga dibdib at tyan nilang dalawa. Parang panaginip. Naaamoy niya ang mabangong hininga nito, dahil sa mentol candy na nasa bibig nito.

Sa mga oras na yun, dinama na lamang ni Alfred ang pagkakataon. Ang posisyon at sitwasyon nila ng taong yun. Masaya na siya dahil kahit hindi man niya magawang itanong ang pangalan ng taong yun, binigyan siya ng pagkakataon na ito ay makadikitan at muling makita sa mga oras na muntikan na niya itong alisin sana sa kanyang isipan.

Sunday, May 4, 2014

Kulang Ako Kung Wala Ka

Mahirap mag move on. Yan ang nararamdaman ng mga taong nagmahal ng sobra at umasa ng isang pang habang buhay na pagmamahalan. Pero natapos lamang sa isang iglap dahil sa mga dahilan na hindi inaasahan.

Ginugol lamang ni Terrence ang mga oras niya sa pagpunta sa mga parties, events at kung anu-ano pang okasyon para lamang makalimot kahit papaano sa nararamdaman niyang sakit mula sa paghihiwalay nila ng kanyang long time boyfriend. Pero ang panandaliang manhid na binibigay sa kanya ng pag inom ng alak at pakikipag usap sa mga bagong nakikilala ay hindi sapat para makalimot siya ng tuluyan.

Ayaw niyang balikan ang mga ala-ala kung paano natapos ang lahat sa kanila ng dating kasintahan, pero sadyang bumabalik sa isip niya ang lahat ng mga pangyayari.

" Ano bang dapat kong gawin? ", ang tanong na hindi nagawang sagutin sa kanya ng kasintahan. bigla na lamang kasi itong kumalas ng yakap sa kanya at tumalikod. Naririnig niya ang mga hikbi nito pero hindi niya makita ang mukha nito na gustong gusto niyang hawakan at paamuhin. Nalilito si Terrence, marami siyang tanong at gustong sagot na marinig pero nakuntento siya na nakatingin sa nakatalikod na kasintahan.

Natapos ang lahat sa kanila ng hindi niya alam ang dahilan, pero ayaw na niyang alamin pa dahil baka mahirapan din siyang tanggapin kung ang isasagot nito ay " nakaramdam na ng sawa o hindi na masaya " sa kanilang relasyon. Mas masakit na dahilan yun kesa ang malaman o mahuli ang nobyo na may kasamang iba.

Pero alam ni Terrence, na makaka-move on din siya. hindi nga lang niya alam kung kailan at paano. Kailangan niya lang sigurong makaharap at makausap ang dating kasintahan para sa " closure ", baka iyun ang maging dahilan para magkaroon ng kapayapaan ng isip at puso niya.

Pero hindi pa siya handang makita ang dating kasintahan, naroon pa yung alinlangan at banyagang damdamin niya para dito matapos ang isang bagay na walang kasiguraduhan.

Ang lifestyle ni Terrence ay nagbago, nagkaroon siya ng night life na hindi naman niya dating nabibigyan ng oras. Nagkaroon siya ng bisyo gaya ng pag inom ng alak hanggat kaya niya para makalimot. At nagagawa niyang makipag- one nightstand  sa mga natitipuhan niya sa mga pinupuntahan.

Pero sa dami ng mga ginagawa niya para maka-move on, laging kulang. Laging walang nangyayari. |hindi nakakatulong ang mga yun para tuluyan siyang magkaroon ng bagong simula.