Thursday, April 18, 2013

Alipin Ako!

What if, mahuli mo ang partner mo sa akto, na may ka-something something na iba? Sa place nya. Sa place mo. O sa place nyo as live in partner.

Mabilis siyang humabol sa akin palabas ng pinto. Hindi niya alintana ang hubad niyang katawan.

"Please! Mag usap tayo!", ang pakiusap niya sa akin. Pero hindi ko siya magawang tingnan. Sa galit. Sa inis. Sa pang iinsulto niya sa akin. Sa nakita ko. Sa nangyari. Sa lahat-lahat.

"Huwag kang umalis! Mag usap tayo!", ang muli niyang pakiusap.

Naupo ako sa isang silya. Parang namanhid yung buo kong katawan. Para akong nabingi. Napipi. Para akong lantang gulay sa mga sandaling iyun.

"Pagmeryendahin mo muna ang bisita mo! Baka nagutom sa ginawa nyo!", hindi ko na alam ang nasabi ko sa ilang minutong pananahimik.

"Nakaalis na siya!", ang sagot niya sa akin. Lumapit siya. Tumabi sa akin. May dalang basong tubig at gamot.
"Inumin mo ito! Para kumalma ka!", ang pag alok niya sa akin sa mga hawak niya. Gusto ko sanang tabigin, pero baka mabasag ang baso. Posible pang mabubog at may masugatan sa aming dalawa.

"Ano bang mali! May nagawa ba ako! Nagkulang ba ako!", doon ko na hindi naigilan hindi mapaluha. Yung emosyon ko, hindi ko alam kung galit, awa sa sarili o nanunumbat sa kanya.

"Ako ang may kasalanan!", ang pag ako nito sa isang bagay na ginawa nito.

"Bakit?", ang sunod kong tanong sa kanya. Blanko na ang paningin ko ng tingnan ko ang mukha niya. Nahaharangan ng mga luha sa patuloy na paglabas sa aking mga mata.

"I dont know why! Siguro dahil makati ako! Malandi! Naghahanap! Pero, hindi ibig sabihin nun na hindi ako kuntento sayo! Sa relasyon natin! Masaya ako sa ating dalawa!", ang pauna nitong paliwanag.

Natawa ako doon. Ang sarap niyang banatan, nasa akin ang pagkakataon. Pero, ayaw ko na magkasakitan kami. Sayang naman yung gwapo niyang mukha. Isa yun sa mga katangian meron siya kaya ko siya nagustuhan.

"Alam mo, hindi ko magawang magalit sayo ng pisikalan! Gusto kong paduguin yang mukha mo, pero baka masakit!", ang nasabi ko na lamang.

 Yung reaksyon ng mukha niya, hindi ko alam kung matatawa o mag aalala. Hindi dahil sa posibleng masira yung gwapo niyang mukha, kundi sa nararamdaman ko sa sandaling yun. Na nag aalangan na ipagpatuloy pa ba kung anong meron kami sa ngayon. Yung wala ng kasiguraduhan ang patutunguhan.

"Wag mo naman sana sabihin ang bagay na yun! Give me a 2nd chance!", ang pakiusap muli nito.

"Mahal na mahal kitang Mokong ka! Kahit na ginagago mo ako!", ang pasimple kong sumbat sa kanya. Napangiti siya doon.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend na ubod ng gwapo, mayaman, matalino, de kotse at gusto ng lahat agawin ka sa akin, wala nga akong laban sa iba! Sino ba naman ako para panghinayangan mo!", ang naluluha ko na namang sumbat sa kanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Hinaplos ang basa kong pisnge sa luha. Huminga siya ng malalim.

"Handa ako sa anumang galit mo, pero hindi ako kailanman naging handa kung makikipaghiwalay ka sa akin!", ang naluluha na rin nitong kumpisal sa akin.

"Sino naman nagsabi sayo na hihiwalayan kita?", ang mabilis kong tugon sa sinabi niya.

"Mahal kitang Mokong ka! Kahinaan ko ang mawala ka sa akin! Minsan mo ng ginawa, sana wag nang paulit ulit! Kasi, hindi biro yung sakit eh!", ang pag amin ko sa kanya sa nararamdaman ko.

"Alam kong galit ka! Pwede mo ako sabihan na bigyan ka ng panahon na mag isip!", ang sabi niya, pero alam ko na tutol siya doon. Sinabi niya lang yun para maniguro sa desisyon ko na huwag siyang hiwalayan.
Niyakap ko ang sarili ko.

Tama siya. Gusto ko ng panahon. Gusto ko mapag isa. Sadya nga kayang alipin ako ng sobra kong pagmamahal sa kanya?

What if, Gwapo si Dyowa?

"Naku friend! Ang daming ahas na nagkalat sa lansangan! Hindi ka ba afraid na magpatuklaw si Dyowa mo?", ang diretsang tukso sa akin ng matalik kong kaibigan.

"Gaya nga ng sabi nila, tiwala lang ang magiging sandata, pamatay ng mga ahas na yan!", ang nakangiti kong sagot.

"Naku ha! Ang daming umaaligid sa Dyowa mo! Kulang nalang, lumingkis sila sila sa Dyowa mo ng harapan sayo!", ang hirit ang panunukso nito.

"Alam ko naman yun! Pero, kasalanan ko ba na magka dyowa ng gwapo, friend?", ang nag aalala ko ng sagot dito.

"Hindi mo naman kasalanan maging maganda, friend! At magkagusto at dyowain ka ng isang gwapo! Yun nga lang, darating yung point na may mga insecurities na susulpot sayo sa pagdaan ng mga araw habang mag dyowa kayo!", ang pambawi nito sa panunukso.

"Thropy na nga lang ang magkaroon ng dyowa na gwapo, tapos may maghahabol pa sa pagkapanalo ko!", ang biro ko na lamang sa aking sarili.

"Wag ka na mag worry, friend! Ilang beses mo na bang winarla si dyowa, pero look, kayo pa rin! Meaning, mahal ka niya talaga!", ang pagpapalakas loob nito sa akin.

"Hindi ko alam! Basta, hindi ko gustong maramdaman na may pagkukulang ako sa kanya!", ang seryoso kong sabi, sa sarili ko.

"Saludo ako sayo, friend! Kasi, kahit na binubungangaan mo ang kawawa at gwapo mong dyowa dahil lamang sa sobrang busy siya sa trabaho niya, siya pa yung nanunuyo sayo! Ang ganda mo talaga! Sarap mong paslangin! Hahaha!", ang makahulugan nitong biro.

"Isasama kita sa kabilang buhay friend, maganda ka rin eh!", ang pagtatapos ko sa aming usapan.

Sunday, April 14, 2013

To Change 4u!

Sa totoo lang, ibang mundo ang aming ginagalawan. Isang ulap siya at isang putik ako kung ikukumpara kami sa estado ng buhay.

Sa tuwing magkasama kami sa mga okasyon, nararamdaman ko ang pagkakaiba ko sa mga kaibigan at kakilala niya sa tuwing ipapakilala niya ako sa mga ito.

Lumalayo ako at nagtatago sa isang tabi, pinagmamasdan na lamang siya habang nakikipagkuwentuhan sa mga kagaya niya, nakakaangat sa buhay. Matalino. Edukado. At kinagigiliwan ng lahat. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili, dahil umayag pa ako na sumama sa mga okasyon na pinupuntahan nito.

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!", ang pagsulpot niya sa likuran ko.

"Ok naman ako dito! Huwag mo akong alalahanin! Bumalik ka na doon at baka hinahanap ka na nila!", ang simple kong pagtaboy sa kanya. Baka kasi magsilapitan ang ibang bisita na kakilala niya at mapansin ako, mahirap na tanungin lalo na sa estado ng buhay meron ako.

"Gusto ko nga dito sa tabi mo! Saka, ayaw ko na malayo ka sa akin! Kargo kita!", ang nakangiti nitong sabi.

"Ayos lang talaga ako dito!", ang sabi ko sa kanya na may kasama pang tapik sa balikat niya.

"Its ok! Dito muna ako sa tabi mo!", ang pagpilit nito sa sarili. Ilang minuto ang lumipas na tahimik lamang ako. Napansin niya ito.

"Why? May problema ka ba?", ang tanong niya sa akin.

"Alam mo, minsan naisip ko na magbago, yung kahit sa kalahati ng meron ka, susubukan kong maging kagaya mo, para naman hindi ako nakakahiya na kasama mo!", ang mahaba kong pagtatapat sa kanya. Napakunot noo siya sa narinig.

"You dont have to! Mas gusto kita na ppalengkera! Yung maingay at maalalahanin! Huwag mong baguhin ang ugali mo nang dahil lamang sa gusto mo na maging ok ka sa iba! Para sa akin, ok ka!", ang paliwanag nito. Napangiti ako sa narinig ko.

"Salamat ha! Mahal mo talaga ako!", ang biro ko sa kanya.

Si Boss at Ako

Pangarap ko ang magtrabaho sa isang food restaurant. Hindi dahil sa hilig ko ang kumain, kundi dahil sa gusto ko matuto kung paano magluto ng masasarap na pagkain ang mga cook at chef.

Pinalad ako na matanggap bilang waiter sa isang sikat na kainan sa Libis. Nakaramdam ako ng pressure dahil mukhang mga hindi ordinaryong tao ang mga kumakain sa nasabing restaurant.

Unang araw ko, nakilala ko ang restaurant manager. Mukha siyang artista. Sa pananamit, sa pagkilos at sa pagsasalita. Gwapo ang Boss namin, nakakadagdag inspirasyon kung hahanga ka sa kanyang kakisigan at kagwapuhan.

Pero unang araw ko palang, lagi na akong palpak. Mula sa pagkuha ng mga orders, pagdadala ng mga orders at pagse served nito.

Gusto ko ng umatras, pero naroon yung kagustuhan ng isip ko na umpisa palang naman iyun ng lahat.

"Hey! Mag relax ka lang! Huwag mong ipressure ang sarili mo! Ienjoy mo lang ang trabaho!", ang pagpapalakas loob sa akin ni Boss.

Mabait naman pala si Boss. Mukha lang masungit dahil siguro iniisip ng gaya ko na nakakaangat ito ng posisyon sa amin.

"Sa mga pangit na nagawa ko sa buong araw, ang pagpasok ko dito sa restaurant at makilala ka ang pinakamagandang nangyari!", ang sabi ng isipan ko habang nakatanaw kay Boss.

Maalaga, maalalahanin at approachable si Boss sa lahat, kaya naman nagkaka crush sa kanya ang mga babaeng trabahante.

At umaamin din ako na crush ko si Boss. Wala naman masama na hangaan ang kabaitan niya.

Natapos ang buong araw, pagod ang katawan ko. Closing kasi ang shift ko kaya mas matrabaho. At nang nakalabas na ako ng restaurant, kumaway ako sa security guard na magbabantay magdamag.

Nilalakad ko na ang maliwanag na kalye. Kabilaan kasi ang mga kainan at ibat ibang commercial buildings na naroon. Parang hindi nga natutulog ang mga tao sa lugar na yun.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad, may biglang bumusina sa likuran ko. Napalingon ako at hindi ko nakilala agad ang driver ng sasakyan. Kaya naman bumukas ang pinto nito at lumabas ang pamilyar na anyo-si Boss.

"Sa highway ka ba sasakay? Tara! Isasabay na kita!", ang ppag aalok nito sa akin. Tatanggi sana ako pero baka marami pang maabalang sasakyan sa likuran nito kung makikipagpalitan pa ako dito ng pagtanggi.
Binuksan ko ang pintuan at naupo sa tabi niya. Nakangiti siya at akmang yayakapin ako, yun pala ay yung seatbelt ng sasakyan lang pala ang inayos niya.

"Hindi nyo na dapat ako inalala Boss! Konti nalang naman ang lalakarin ko para makasakay ng jeep!", ang nauna ko ng sabi sa kanya.

"Ok lang sa akin! Parang iba ka naman!", ang maikling sabi nito.

Habang abala si Boss sa pagmamaneho, pasimple ko siyang sinulyapan. Bukod sa naaamoy ko ang kanyang pabango na kumalat sa buong sasakyan niya, gusto ko himatayin sa mga oras na yun.

"Sobrang gwapo pala nito sa malapitan!", ang hindi ko napigilan na bigkasin. Napatingin siya sa akin.
"May sinasabi ka?", ang tanong nito sa akin.

"Ah, wala Boss! Ang sabi ko, pwede na ho ako diyan sa tabi!", ang nauutal kong sagot.

Maya-maya pa ay ibinaba na niya ako sa kanto. Sumaludo ako sa kanya. Bilang pasasalamat.

"Mag iingat ka! See you tomorrow!", ang sabi nito sa akin.

Hinatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Boss hanggang sa matabunan ng iba pang sasakyan.

"Sayang, sana sinamantala ko na ang agkakataon na makasama at makatabi pa siya ng matagal kung alam ko lang na on the way din pala ang daan niya!", ang nakangiti at panghihinayang kong kausap sa aking sarili.

Wednesday, April 10, 2013

Awra sa UP Campus

Minsan, kapag nasa mood ako maglakad ng mahaba, tumutungo ako sa campus ng UP Diliman.

Nakakapag isip ako at narerelax din ang isipan ko sa aking ginagawang paglalakad.

Hindi ko alintana ang pagod, oras na nasayang at haba ng nilakad ko sa mga ganung pagkakataon.
Naranasan ko ang mag walking exercise sa umaga, kung saan ay marami akong nakakasalubong na celebrity, lalo na sa araw ng sabado.

Pero mas pabor sa akin ang maglakad sa hapon, dahil hindi na mainit, may ilang celebrity din at mas maraming tao akong nakakasabay.

Ang mga eksena sa bawat paglalakad ko ay hindi basta mawaglit sa aking alaala.

Naroon na madalas kong makasalubong ang ibang attractive na lalake, gwapo, tisoy, maganda ang pangangatawan at sadya talagang may nakakaakit na karisma.

Naroon na may makakatitigan ka, may makakasabay ka at may hindi makakatiis na hindi ka kausapin na kunwari ay magtatanong ng oras at hindi kabisado ang lugar.

Naroon ang mga nagja jogging na lalake na naka topless na, pawisan at kay sarap sulyapan.

Maraming kuwento ang nababalot sa bawat parte ng campus, sa tabi at likod ng puno, sa mga benches, sa madilim na parte at sa ibat ibang bahagi nito.

Hindi ko hangad na maranasan ang magkaroon ng isang pilyong alaala sa lugar na yun, sapat na sa akin na sa mga ganung pagkakataon, marami akong nalalaman na mga bagong kuwento at nalalaman na ako mismo ang nakatuklas.

Sunday, April 7, 2013

Si Taxi Driver!

Medyo nakakaramdam ako ng hilo pero nagdesidido na ako na pumara ng taxi para makauwi na. Habang nasa byahe ako at hinihilot ang sariling sentido, nagsalita ang Taxi Driver.

"Saan ho ba tayo sir? Mukhang may hang over pa kayo ah?!"

Napalingon ako sa katabi kong taxi driver. Bata pa pala ito. O sadyang nahihilo ang paningin ko kaya ang akala ko ay si Zanjoe Marudo ang nakikita ko na bombayin na itsura ni taxi driver.

"Sa langit tayo kuya!", ang pilyo kong sabi at sabay pisil ko ng isang hita ni kuya.

Hindi man lang pumalag si kuya. Napangiti pa ito. Para akong napahiya sa ginawa ko. Humingi ako ng dispensa dito.

"Sorry kuya! Sa fairview ho tayo!", ang seryoso ko ng sabi.

"Ok lang ho yun! Sanay ako sa mga pasaherong ganyan! Na lasing o sinasadyang lasing para makahipo! Hahaha!", ang sabi ni taxi driver.

Bigla akong nagkaroon ng pagkakataon na tanungin si kuya dahil sa sinabi nito.

"Bumibigay ka rin ba o nagpapabayad ka?", ang tanong ko, pero sa daan nakatingin ang paningin ko.

"Mabait ho ako sir! Mapagbigay kung gusto rin ng katawan ko!", sabay ngisi nito.

Napabuntong hininga ako at napatitig sa taxi driver habang nagmamaneho ito.

"Kung yayayain kita, papayag ka ba?", ang matapang ko ng tanong sa taxi driver.

Bigla siyang napa preno dahilan para umuga ako sa kinauupuan ko.
 
"Sorry sir! Nabigla lang ako sa tanong nyo!", ang sagot nito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Parang naalog din ang utak ko kaya pparang napahiya na naman ako sa tanong ko kay taxi driver.

"Sorry ulit! Wala lang ako sa katinuan! Nakainom eh!", ang sabi ko na lamang.

Nang ihinto na niya ang minamanehong taxi sa bababaan ko, bago niya inabot ang bayad ko, hinabol niyang sabihin na,

"Iligo nyo lang yan sir! Para mawala yung init ng katawan na nararamdaman nyo at presko ang tulog nyo! Salamat ho!", nakangiti pa ito.

Ngumiti nalang din ako sa taxi driver na sa isip ko, bago ako matulog, ang gwapo niyang mukha ang gagamitin kong pagpaparausan.

Hahaha.

Ikaw at Ako: Selos na Naman

Napasimangot ako ng malaman ko na magkasama na naman sila ng designer na yun.

Hindi niya talaga maiwasan ang hindi makaramdam ng pagseselos.

"Oh bakit nakanguso ka na naman diyan? Parang gusto mo akong halikan!", ang pagbibiro ng mokong.

"Naiinis kasi ako sayo! Sobrang close naman kayo ng designer na yun! Halos araw-araw yata, magkasama kayo! Kung hindi pa kita tatanungin, hindi ko pa malalaman!", ang mahaba kong lintanya agad.

"Kung makapag react ka naman, parang may relasyon tayo! Hahaha!", ang biro na lamang nito.

"Basta! Naiinis ako!", ang nakasimangot kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin. Pero hindi pa rin ako umiimik.

"Mas maganda ka dun!", ang pagbibiro na naman nito.

"I know! Mas fresh at batang-bata!", ang balik biro ko sa mokong na yun.

"Huwag ka ngang ganyan! Kaibigan natin yung tao eh!", ang pagpapaliwanag nito.

"Oo naman! Hindi ako naiinis sa kanya dahil sa kung sino siya! Naiinis ako sa kanya kasi, kasi parang lagi kayong magkasama! Magkausap! Hindi yata ikaw nauumay na pati sa kuwentuhan gaya ngayon, siya ang topic!", ang sabi ko pa. Napahalakhak na lamang siya sa narinig.

"Nakakatakot ka pala maging partner, talagang lulutuin mo sa sumbat ang partner mo kaag ganyan ang mga dahilan para mag away kayo!", ang pagbibiro pa nito sabay sundot sa tagiliran ko.

"Nakikiliti ako ha!", ang nakangiti ko ng sabi dito.

Saturday, April 6, 2013

short pinoy bromance story: a caring buddy

this was my first short drama story title in my college days...about love of two young freshmen...at sa muling pagbabalik nito..iniba ko ang timpla ng kuwento...but still...the two lead characters are the same...may nadagdag lang na isa para sa twist ng kuwento...



hanggang saan ka magiging kaibigan?

"sige pare. ingat"
ang huling salita na namutawi sa pandinig ni dan mula sa matalik na kaibigan bago niya ito nasalo sa sariling mga bisig ng hindi niya alam ang dahilan ng pagkawala ng malay tao nito.

nagkagulo ang mga nars na naroon. at nagtataka man ay napasugod na rin sa emergency room ang dumadalaw lamang na si ivy sa inang may sakit. hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sundan ang mga kumpulan ng mga nars na naroon.

isang lalake. parang natutulog lamang sa higaan nito ang nakita ng dalaga. at isang lalake na umiiyak habang hawak nito ang isang kamay ng lalakeng natutulog lamang.

"mga bakla ata ang mga yan. ang sweet nu?"
ang narinig na pag uusap ni ivy sa tatlong nars na naroon din sa isang tabi. napapailing na lamang siya. pero napapangiti sa kabilang banda.

hanggang saan mo sasamahan ang iyong kaibigan...

parang normal lamang na inimulat ni mark ang kanyang mga mata. at hindi na siya nagulat sa imahe ng kapaligiran niya.
"bakit mo pa ako dinala dito..."
ang bungad na tanong niya sa kakapasok lamang na kaibigan sa silid na yun.
pagod man ay nakangiting nilapitan ni dan ang kaibigan na nakahiga.
"baka namimiss mo na kasi dito..ang tagal na rin ng huling punta mo sa ganitong lugar..."

tinabig ni mark ang mga kamay ng kaibigan. galit ang mga mata nito.
"ayaw ko dito. pero bakit mo ako dito dinala?"

halos maluhang napaupo sa isang upuan si dan.
"nag-panic ako. natakot ako."

hanggang saan mo kayang kilalanin ang bagong kaibigan...

"miss. pwede mo ba akong tulungan. gusto ko na sanang lumabas dito"
himig paglalambing na pakiusap ni mark sa dumaan na babae sa silid niya. sakto kasing bukas ang pintuan.

"sorry. dumadalaw lang ako sa nanay ko dito. ayaw ko naman na dalawin niya ako sa kulungan dahil sa pakiusap mo"
nakangiting tugon ni ivy sa pakiusap ng lalakeng yun.

nagulat na lamang ang dalaga ng padabog siyang sinaraduhan ng pinto ng taong yun.

hanggang saan ka magtitiis para sa kaibigan...

"binili ko lahat ng kailangan mo. pati ang paborito mong siopao!"
ang sopresa ni dan sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha.

"mamamatay din ako dan. bakit ko pa kailangan magpalakas?"
ang mahinang sabi ni mark dito.

tanging buntong hininga na lamang ang narinig ni mark sa natigilan na kaibigan sa sinabi niya.

hanggang saan mo kaya makipag-kaibigan...

"bakit ba ang sungit mo? kung gusto mo mamamatay, mamatay ka na ngayon palang. para wala ka ng pinapahirapan pang tao."
galit na sabi dito ni ivy ng hindi niya matiis ang pagdadabog nito sa tuwing dadaan siya sa harapan ng silid nito.

"sorry. hindi ko alam na..."
parang biglang nakaramdam ng awa si ivy dito ng makitang napayuko ito.

kailan mo gusto makilala ang isang kaibigan...

"magkaibigan kaming matalik. kapag nawala ang kaibigan ko...parang nawalan na din ako ng isang malapit na kapatid..."
napaluha si ivy sa narinig mula sa dasal ng isang taong hindi naman niya kaanu-ano.
hindi nagtagal, madalas ng makausap ni ivy ang lalakeng yun. at sa hindi maintindihang damdamin, awa man o paghanga, ay gusto niya itong damayan.

dinadalaw na lamang ni dan ang kaibigan sa tuwing ito ay tulog o nagpapahinga. tipong kalmado at hindi nagsusungit. pero mas gusto niya ito pagmasdan na lamang sa malayo at lihim na umiiyak sa isang tabi. nang hindi nito siya nakikita.

hanggang kailan mo gusto makasama ang isang kaibigan...

dinala sa park ng hospital ni ivy ang bagong kaibigan upang makalanghap ito ng sariwang hangin at makita ang kagandahan ng kapaligiran. biglang nakaramdam ng kalungkutan si mark. hinahanap na niya ang matalik na kaibigan. hindi lingid sa kanya na dumadalaw ang kaibigan pero hindi na nagagawang makipagkita sa kanya gawa ng lagi nilang pagtatalo dahil sa kalagayan niya.

nanghihina man ay pinilit na umupo ni mark sa nag iisang bench na naroon na nakaharap sa papalubog na araw.

"ikukuha kita ng kumot para hindi ka mahamugan. sandali lang ha"
ang malumanay at nakangiting sabi dito ni ivy. tumango na lamang dito si mark.

isang kamay ang gumising ng diwa ni mark habang nakatanaw siya sa papalubog na araw.
"kamusta! namimis na kita kaya ako nandito"
ang pagbibiro ni dan sa kaibigan.
"ikaw din. namimiss ko na ang kaibigan ko na mas gwapo sa akin"
sa mahinang boses narinig ni dan ang birong yun.
tinabihan niya ito.

"may ipapakilala ako sayo. chicks. pero kaibigan ko yun. kaya dapat, ituring mo siyang ako, yung pahahalagahan mo..."
ang mensaheng nagpakilabot kay dan.

"masamang damo ka uy. saka ang kontrata mo, sabay tayo..."
natawa sa birong yun si mark.

humilig si mark sa balikat ng kaibigan. papalubog na ang araw. at nakakaramdam na siya ng antok.

nakita ni ivy ang eksenang yun. at habang dahan-dahan siyang lumalapit sa dalawa...ang lakas ng pintig ng puso niya. at kahit hindi pa siya nakakalapit ng husto sa kinaroroonan ng dalawa para iabot ang kumot sa bagong kaibigan na nakilala niya sa ospital na yun, mga hikbi ang naririnig niya...at mga salitang...

"ang daya mo pare. ang daya-daya mo talaga"
humahagulgol na panunumbat ni dan sa natutulog ng kaibigan.

pinoy short bromance story: the HEART

isa ito sa mga paborito kong awitin mula sa namayapang si "michael jackson", na aking sinaliwan ng isang maikling kuwento...




sabi nila, mahirap tanggapin ang mabigo, lalo pa at may mga bagay na nagpapa-aalala nito sayo...

jenmark : i love you...
vanessa : i love you too...


isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng dalawang magkasintahan sa isat-isa bago nagpasayang maghiwalay.
lumakad palayo na ang binata sa kasintahan na patungo naman sa loob ng isang pampasaherong sasakyan ng biglang nagkagulo ang mga tao.

biglang binalikan ng tingin ni jenmark ang kinaroroonan ng kasintahan. halos madurog ang puso niya ng makita itong nakaluhod sa kalsada. nagmamakaawa sa isang lalakeng may hawak ng baril na nakatutok sa kasintahan niya. isang nag aamok na lalake na biglang nalang sumulpot kung saan.

jenmark : huwag. van. huwag. huwaggg....

magkakasunod na putok ng baril ang umingay sa kapaligiran.

sa ikalawang buhay na binigay sayo, babalikan mo ba ang mga alaalang nagpapalungkot sayo...



masayang niyakap ng mga magulang niya ang bagong opera sa puso na si ramon. parang walang pagbabago. ganoon pa rin ang nakikita ng binata sa mga magulang. kahit na sabihing nakangiti ang mga ito ay naroon pa rin ang pag-aalala.

ramon : gusto ko ng tubig...

kung papipiliin ka, ano ang gusto mong balikan na ayaw mong mangyari na...

jenmark : i love you...pero hindi ko na maririnig ang sagot mo...

humahagulhol na sabi ng binata sa harap ng kabaon ng kasintahan.
parang nanonood ng isang pelikula si ramon sa tagpong yun.
napunta siya sa lugar na yun para makilala sana ang nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya.
pero ang nakakalungkot na tagpo ang naabutan niya.
at nang magtama ang paningin nila ng kasintahan ng babaeng nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya,
mabilis na pagkahabag ang naramdaman niya dito.
matatalim na tingin lamang ang ibinigay ni jemark sa taong yun.

ramon : ako nga pala yung...
jenmark : umalis ka na!
ramon : pare, baka nagkakamali ka ng iniisip!
jenmark : huwag mo ng ipaalala sa akin na ikaw ang nakatanggap ng puso ng
               nakaburol ngayon!

napabuntong hininga na lamang si ramon sa sinabi ng taong yun.

kapag binabalikan mo ang makaraan, lalo pa at puro masasayang mga pangyayari sa nakalipas, hindi maiiwasan na ang kasunod ay kalungkutan.

huling araw ng burol. naroon si ramon bilang pagbibigay galang  sa taong tumulong na mabuhay siya muli.
at biglang nagulo ang tahimik na burol ng dumating na lasing ang taong yun.

jenmark : bitawan nyo ako! gusto ko makausap si van. bitawan yo ako!

parang batang nag-aamok ito. pero naroon ang pighati at paghihirap ng kalooban nito.
lumapit dito si ramon para tumulong umawat, pero tinabig siya ng binata.

jenmark : bakit ikaw binigyan ng pagkakataon mabuhay? bakit si van hindi...
ramon : hindi ko alam ang sagot...pero hindi ba mas pinapatay mo ang nananahimik mo ng nobya dahil
            sinisisi mo siya sa maaga niyang pagkawala ng hindi naman niya ginusto...

parang batang nagmamakaawa na lumuhod si jenmark sa tabi ng kabaon ng nobya.

jenmark : van...

nailibing na ng matiwasay ang nobya niya. pero parang hindi pa rin tanggap ni jenmark ang mga nangyari.
masamang-masama pa rin ang loob niya.

isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni ramon bago lumapit sa taong yun na nakahiga sa tabi ng puntod ng nobya nitong lumisan na.

ramon : sana, matanggap mo na hindi ka naman iniwan ng nobya mo ng mag isa...nasa
            akin ang puso niya...pwede mo ako maging kaibigan...

ang imahe ng ni vanessa ang huling nasilayan ni jenmark sa taong yun bago siya pumikit at tuluyang niyakap ang sarili katabi ang puntod ng nobya.

may mga alaala talagang mahirap kalimutan, pero kailangan ng iwan para sa bagong kabanata ng pakikisalamuha sa bagong mga alaala...

short pinoy bromance story: Like a Brother

"Like a brother", iyan ang titulo bilang magkaibigan nina Patrick at Alfred. Magkababata at magkabarkada simula ng magkakilala sila. walang pwedeng magpahiwalay sa kanilang dalawa. Pero hindi iyun ang tadhanang susubok sa samahan nila.




College days.Nararamdaman ni Alfred ang pagbabago. Ang dating araw-araw na pagkikita nila ng kaibigan ay naging madalang.

Every weekends lang ang free days ni Patrick. Nag enrol siya sa army school. Nagkaroon ng girlfriend. At sa tuwing lalabas siya ng training camp, sa kasintahan siya unang nakikipagkita bago sa pamilya at mga kaibigan.

Isang araw, nagkaroon ng chance na magkasama ng matagal ang matalik na magkaibigan. Birthday ni Alfred. Nagkaroon ng inuman at bumaha ang alak sa magdamag na yun. Nakatulog sa kalasingan si Patrick.

Iyun ang hininhintay na pagkakataon ni Alfred. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kaibigan na nahihimbing sa pagtulog. Nagdadalawang-isip man ay hinaplos niya ang pisnge ng kaibigan.

Afred : Matagal ko na itong gustong gawin sayo! Ang malapitan ka para titigan ng mas matagal! Ang mahaplos ang maamo mong mukha habang kinakausap ka...kasi...kasi mahal kita...mahal kita Patrick...naririnig mo ba...

Pinipigilan ng binata na mapaluha sa mga oras na yun, pero parang may isip ang luha niya na dumaloy sa magkabilang pisnge niya.

Alfred :  Pero binabalewala mo na ako eh...nagbago ka na bestfriend...ang dami dami ko ng kaagaw sa atensyon mo...

Tanging ungol ng kaibigan ang naging tugon na natanggap ni Alfred sa lihim niyang minamahal na kaibigan.

Ilang araw nalang, babalik na nang training camp si Patrick. Nagpasalamat ito sa birthday treat ng kaibigan. Yumakap pa ito dito. Mahigpit na yakap din ang tugon dito ni Alfred. Parang iyun na ba ang huling pagkakataon na mayayakap niya ang matalik na kaibigan.

Patrick : Mamimiss kita Parekoy! Kapag nakalabas ako ulit, magkikita tayo ulit! Pangako ko sayo yan! Sagot ko naman ang inuman natin!

Alfred : Ikaw pa! Ubod ka ng kuripot! Pero aasahan ko yan! Hihintayin kita!

Parang nakaramdam ng lungkot si Alfred sa pagtalikod at paglakad palayo sa kanya ng kaibigan. Lumingon pa ito at sumaludo sa kanya.

Halos kalahating taon na ang nagdaan. No texts. No Fb updates. tuluyan na ngang inisip ni Alfred na kinalimutan na siya ng kaibigan. Sa tagal nilang naging magkaibigan, dalawang dekada na, parang ganun kasimpleng balewalain siya ng kaibigan. Gusto na niya talagang sumama ang loob dito.

Pero binalewala niya ang sariling iniisip sa bagay sa kaibigan, kasama ang lungkot at sama ng loob niya dito. May pangako ito sa kanya at alam niya tutupad ito sa bagay na yun.

Nagbukas na lamang siya ng fb account niya para mag-iwan ng mensahe sa Fb wall ng kaibigan. Pero ganun na lamang ang pagkagulat at panghihina niya ni Alfred sa mga nakasulat sa Fb wall ng kaibigan.

" condolence "
" r.i.p. "

Napasama sa isang ambush si Patrick. Dead on arrival ng dinala sa malapit na ospital. Umingay ang balita sa buong bansa dahil mahigit isang dosenang mga bagong sundalo ang kasama sa naganap na ambush.

Sarado ang kabaong. Kahilingan na rin ng mga mahal sa buhay ng namayapa. Naroon ang mga kasamahang sundalo. May bandila sa ibabaw ng kabaong tila kumot na nakapatong. Naroon ang mga maliliwanag na ilaw. Mga ibat-ibang kulay ng bulaklak.

Alfred : Putcha ka! Ang laki pa ng utang mo sa akin! Tinakasan mo lang ako! May pa-pramis-pramis ka pa diyan! Hintayin mo ako diyan, pag nagkita tayo, bubugbugin kita!

Ano mang pigil ang gawin ni Alfred na huwag humagulhol, kitang kita sa mga balikat niya ang pagtaas-pagbaba nito kasabay ng impit na boses kasabay ng mga luhang hindi mapigilan sa pagdaloy.

-end-

alfred
patrick

Si Nurse at Ako

Pinilit akong dinala ng aking nag aalalang Nanay sa pinakamalapit na ospital. Gawa ng baka raw may dengue ako dahil sa pagkakaroon ko ng mataas na lagnat at pagsusuka.

Pero ang sabi ng doktor na tumingin sa akin, high fever lang daw talaga. Kailangan daw ako paliguan ng tubig na may ice cubes para bumaba ang aking lagnat.

May inutusan na nurse ang doktor para gumawa nun sa akin. Bigla ako nakaramdam ng pagkaahiya dahil hindi ako agad makatanggi na paliguan ng ibang tao dahil na rin sa panghihina na nararamdaman ko.

"Pwede ho kayo mag shorts o naka underwear sir, ako na ho ang bahala sa lahat!"

Nakaramdam ako ng kakaibang init bukod sa normal na init ng balat ko na may mataas na lagnat sa mga oras na yun.
 
"Hindi ba pwede na ang Nanay ko nalang ang gumawa nun sa akin?"

Ang pakiusap ko sa nurse na habang tumatagal ay nagiging kahawig ni Alden Richard. May dimples din ang taong yun.

"Ako po ang sanay sa ganito sir! Saka, kailangan natin sundin yung utos ng Doktor nyo, baka mlalo pa kayo mapahamak kappag hindi alam ng Nanay nyo ang tamang gagawin!"

Ang lintanya ni gwapong nurse. Wala na akong nagawa ng paliguan niya ako. Naroon na hagurin niya ng punas ang likod, dibdib, tyan, kili kili, hita at mga braso ko. Maingan naman siya gumalaw, hindi talaga umaabot sa ibaba pa ng tyan ko o tumataas pa sa singit ng mga hita ko.

Mga isang oras din bago natapos ang pagligo ko at ag aayos niya sa akin. Nang matapos ay nagpasalamat ako. Sumulyap siya sa akin bago siya lumabas ng silid ko.

Si Sir Instructor at Ako!

Nagmamadali akong nagpalit ng PE shirt at tumakbo ppatungo sa field kung saan naroon na ang mga kaklase ko at ang gwapong PE instructor namin. Sa isip ko, siya na yata ang pinaka hot at gwapong PE instructor na nakilala ko sa buong buhay ko.

"Oh! Wag masyado titigan, baka matunaw! Pawisan na nga ang yummy mong sir!"

Ang pabulong na biro sa akin ng katabi ko. Hindi lingid sa kanya ang paghanga na nararamdaman ko sa instructor namin.

"Hayaan mo siyang matunaw sa mga titig ko palang! Kesa lawayan ko habang natutunaw di ba?"

Ang balik na biro ko din dito. Napahagikgik ang mokong kaya naman nasita kami ng crush kong instructor. Pero sinitsitan lang kami.

Kahit nasa gitna kami ng araw, nagtiis ako na maglaro ng basketball kahit na hindi ko naman alam ang paglalaro nito. Masarap kasi sa pakiramdam ang nasasagi ng likod ko ang matikas na dibdib ni sir, sabayan pa ng tila yayakapin ako nito sa pag agaw ng bola sa akin. Minsan ay nasasagi ko din ang malaman nitong "bola" ng di sinasadya.

"Nice move!"

Ang sabi ni sir bago na dismiss ang klase. Napangiti ako sa sinabi nito na "nice move", parang double meaning sa isip ko. Hahaha.

Pero syempre, walang malisya yun kay sir, at hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na malaman na may malisya para sa akin ang bawat tingin niya sa akin, bawat yakap at pagsagi sa akin habang nakikipag agawan ng bola sa larong basketball at pagtawag niya sa pangalan ko sa tuwing ako ang lagi niya gustong utusan.

Hindi naman ako tumututol doon.