Thursday, April 26, 2012

sa camp crame

Unang araw palang ni Alex sa camp crame para mag ensayo at
manirahan ng anim na buwan o higit pa ay nakaramdam na siya ng pangungulila
sa mga taong nakasanayan niyang nakakasama at nakikita sa araw-araw.
Kung hindi lang naging mapilit ang kanyang Tatay ay hindi naman siya
papayag na sayangin ang kanyang buhay sa loob ng ilang buwan sa lugar na yun.

Pero dahil sa kagustuhan nga ng  kanyang mga magulang na siya ay mapabuti
at mabging mabuting mamamayan ng bansa, at dahil nga makabayan ang mga ito,
tinanggap na lamang niya ang pamana ng mga ito, ang maging isang PULIS gya ng kanyang
Tatay na ilang taon na ring naninilbihan sa bayan bilang alagad ng batas.

PERO MAY BAKLANG PULIS din kaya o magpupulis na gaya niya na nasa
loob ng crame. Ito ang gusto niyang malaman sa kabila ng hirap na dadanasin
niya sa bawat ensayo at aktibidad na gagawin nilang mga susunod na magiging
alagad ng batas.

Pero ilang araw na ang nagdaan, wala namang napapansin sa mga kasamahan
niya si Alex na gaya niya ay may tinatagong lansa sa pagkatao. Nakilala niya ang
isang ambisyosong si Bruno. Ang maging heneral ang pangarap nito kaya pinasok
ang mundo ng kapulisan. Pero laging tukso at tawa lamang ang inaabot nito sa mga
naroong mga kapwa nila bagitong magpupulis.

At sa loob pa ng ilng linggo, ay nakilala naman ni Alex sa vibang grupo ang
astig na si Mark. Maganda ang katawan. Brusko. Tsinito. Maputi at may
katamtamang taas. Mailap nga lamang ito sa mga hindi kagrupo kaya hindi
ito nakikipag usap sa gaya niya.

Ilang beses niya itong nahuling nakikipag harutan sa mga kapwa nito magpupulis
na babae. At naiirita siya sa tuwing nahuhuli ng tingin na hinahalikan nito ng nakaw
ang mga babaeng yun.

Aminado naman si Alex na siya ay may pusong babae. Tagung tago nga lang
siya at baka mapatay siya ng kanyang Tatay na umaasa talaga na magiging
pulis siya at mahigitan ang ranggo nito.

Laging laman sa isipan ni Alex ang bawat ngiti ng gwapong mukha ni Mark kahit
sa pagligo niya ay kasama niya ito sa panaginip. Hanggang sa nahuli siya nito
na may ginagawang kakatuwa. Nagbiro pa ito na sabayan siya. At doon lang
siya nito pinansin sa unang pagkakataon.

KAILANGAN PALA BASTUSIN ang dating niya para mapansin lang nito.
Hindi lingid dito ay pinapapapantasayahan pala siya nitong si Alex.

Pero walang lihim na puwedeng manatili sa hukay, hindi na naitago ni Alex
sa kasundong si Bruno ang tunasy niyang nararamdaman sa kapwa nila
magpupulis. Pero ang sagot dito ni Bruno ay normal lang daw na may
makagaanan ng loob sa loob ng crame at baka naninibago lang si Alex
sa damdamin nito.

PERO BAKLA TALAGA AKO SINCE BIRTH.

Ang isinatinig ni Alex na narinig naman ng hindi sinasadya ni Mark.
Parang natauhan na lamang si Alex ng suntukin siya ni Mark.
Galit na galit ito. At hindi alam ni Alex kung lalapitan ba ito
o iiwasan dahil sa damdamin nito sa mga oras na yun.

Ilang araw na hindi na niya nakikita o sinasadya na ayaw magpakita
sa kanya ng binata. At namimiss na ni Alex ang tong yun. Nang
tangkain niya na ito ay kausapin, isang BOOO ang narinig niya sa
kanyang kapaligiran.

BAKLA!
TARA, LIBRE AKO!
GUSTO MO BA NG TALONG!

Ang mga naririnig niya.
Parang nakaramdam doon ng insulto si Alex.
Hindi dahil sa mga masasakit na salita na yun kundi sa ang isipin
kung sino ang nagsabi sa mga ito para magkaroon ng ideya kung
ano siya talaga.

Napaluha siya doon.
Tatalikod na sana siya pero pinili niyang
harapin ang tumatawa pang si Mark.
Natigilan ito ng lumapit siya dito.

Humingi siya ng tawad dito dahil sa hindi
sinasadyang makaramdam ng isang espesyal
na damdamin para dito.
Parang natigilan naman ang lahat sa eksenang yun.
Ang simpatya ay napunta kay Alex sa pagkakataon
nang sabihin nito ang bagay na yun.

NAGMAHAL LANG AKO!
PERO HINDI AKO NAGHAHANGAD NG ANUMANG KAPALIT!

At sa dulo ng kanyang isipan, nagdesisyon na si Alex na iwan
ang lugar na yun, hindi para makalimot kundi para hanapin ang gusto niya
talaga sa kanyang buhay.

Masakit man na biguin niya ang mga magulang
na umasang tutuparin niya ang mga pangarap nito para sa kanya,
ipinaliwanag niya sa mga ito na mas magiging masaya siya sa buhay
kung ang pangarap niya ang kanyang gustong makamtan sa hinaharap,
ksbay nun ang pagkabigo niya na unawain man lang siya ng isang
taong nagturo sa kanyang damdamin na kiligin, maging masaya at
umasang mahalin din.

No comments:

Post a Comment