Saturday, April 14, 2012

sa dating kasintahan

Ika nga, NO BITTERNESS. Naging maganda ang relasyon bilang dating magkasintahan
at ngayon ay magkaibigang muli sina Ramon at Henry, mula ng tapusin nila ang
kanilang limang taon na same sex relationship.

Walang nagbago sa pakikitungo nila sa bawat isa, nariyan pa rin yung malapit sila
sa isat-isa at lambingan bilang magkaibigan na nag aalala para sa bawt isa.
Pero  may isa silang tinanggal sa nakasanayang ugnayan nila,
ang magkaroon ng sexually contact.

Ramon: I heard, may nanliligaw na sayo? Kamusta naman ang pakikipag-date mo
mula ng ako ang huli mong naka-date in that way =))

Henry: Hindi ka ba nakakaramdam ng selos? Iyun kasi ang inaasahan ko mula sayo =))

Ramon: Hindi eh! Sorry nalang friend.! Hahahaha =D

Madalas pa rin magkita ang dating magkasintahan. Minsan, kasama ang iba pa nilang
set of friends, sa work o barkada. Pero madalas silang dalawa lamang ang magkasama dahil
sila lang naman ang nagkakasundo kagaya ng pumunta sa mga rural places.

Henry: Parang walang nagbago at walang sense ang paghihiwalay natin!

Ramon: Bakit mo naman nasabi yan?

Henry: Eh lagi pa rin tayong ganito =))

Ramon: Hahahaha! Hindi kasi nakakasawa ang mga ginagawa natin!

Henry: Eh bakit kasi...

Ramon: Meron namang nagbago! No pressure! No obligations! No responsibilities!

Ewan ni Henry, pero parang hindi siya nakaka-move on pa talaga sa desisyon
nila na maging magkaibigan nalang pagkatapos ng limang taon na same
sex relationship. At naging matapat naman siya sa dine-date na
sumulpot ng maganap ang hiwalayan nila ng dating nobyo.

Daniel: Hindi ako marunong sumuko! Ganito nalang, bakit hindi mo
pag aralan ang mga bagay na puwedeng magpawala sa isip mo
tungkol sa ex mo?

Henry: Ha? Paano ko naman gagawin yun?

Daniel: Iwasan mo siya! Layuan mo kung kinakailangan! Hindi mo Masasabi
kung pareho kayo ng nararamdaman! Pero baka mas masaktan ka sa katotohanan!

Henry: Salamat sa payo at pang unawa! Nakakahiya tuloy sayo!

Daniel: Gusto kitang tulungan din na makalimot! Lalo pa
at ako ang agrabyado sa pagkakataon na ito! Hehehehe =))

Ilang araw na walang natanggap na texts o calls o invites sa mga happenings
si Ramon sa dating kasintahan. Pati sa mga facebook satus nito,
parang wala man lang siyang nakikita na naka-tag sa kanya na
gaya ng ginagawa nito dati. Hindi rin pinapansin ang mga comments
at direct messages niya sa account nito.

Laging busy at out of reach ang linya ng mobile hnumber nito.
Nagdesisyon siyang puntahan ito at bisitahin sa pad nito pero
walang tao. Ang dahilan naman ng sekretarya nito ay laging nasa
field o nasa emergency meetings.

Hanggang sa makasalubong niya ito, kasama ang isang lalake.
Estranghero kay Ramon ang mukha nito. Parang nagulat
pa si Henry ng makita ang dating nobyo.

Ramon: Hi! Nagpalit ka ba ng number?
Did you blocked me sa mga social networking accounts mo?

Henry: Hindi ah! Busy lang talaga ako this fast few days!

Ramon: Saan ka busy? I know your schedules from your secretary!
Baka busy ka with this...

Daniel: Daniel pare! Gusto ko lang linawin, hindi mo na yata sakop
ang mga personal na activities o lakad at mga gustong gawin pa ni
Henry sa araw-araw!

Ramon: Ramon here! Im sorry pare! Wala ka pa, normal na sa amin
ni Henry ang pakealamanan ang mga buhay namin!

Nakaramdam ng tensyon si Henry sa titigan ng dalawa kaya pumagitna na
siya. Pinakiusapan niya na mauna ng umalis si Daniel. Pagkatapos ay hinarap niya
ang nakangiti pang dating nobyo.

Henry: Hindi mo dapat ginawa yun! Wala namang maling sinabi
ang tao para bastusin mo ng ganun!

Ramon: Wala nga! Pero bakit parang nagagalit ka sa akin?
Ikaw na nga itong binisita!

Henry: Wala akong panahon na makipagpalitan ng
biro sayo Ramon!

Ramon: Thats it! Siya ba ang nagsabi sayo na iwasan ako? Huwag sagutin
ang mga texts at tawag ko?!

Henry: May isip na ako Ramon! Saka wala na tayo di ba? Tapos na tayo!
Hindi mo na dapat sinasabi sa akin ang mga bagay na yan!

Ramon: I see! Im sorry ha! Concern lang naman ako!
Magkaibigan pa rin naman tayo! Pero ang dating ko na pala
sayo, nangenge-alam ng buhay mo!

Pagkatapos ng argumentuhan nila, hindi na nagawang alamin pa ni Henry
ang anumang balita sa dating kasintahan. Kahit papaano, sobra siyang
naapektuhan sa nangyari. Wala naman siya gustong sisihin kundi ang sarili na lamang.

Daniel: Its that final? Do you still love him i guess!

Henry: Patawarin mo sana ako kung pinatagal ko ang...

Daniel: Naisip mo na ba na ikaw ang talo?
O maaring pareho kayo!

Henry: Hindi ko na iniisip na mapapahiya ako!

Daniel: Tell me! Magaling ba siyang humalik?
Ano ang posisyon niya sa kama? Masarap ba siyang
katabi? Tell me how! Maybe i can do much better than him...

Garalgal na ang boses ni Daniel. Parang gusto itong aluin ni
Henry pero baka isipin naman nito na maario pang magbago
ang isip niya na tumigil na sa pakikipag-date dito.

Henry: Hindi ko kasi magawang kalimutan kahit anong
pilit ang gawin ko! Mahal ko pa rin siya!

Tumango na lamang si Daniel at niyakap ang kaharap.
Dinama ang pagkakataon na kapiling ang akala niya ay
lalakeng magiging kanya. Yakap na puno ng pagmamahal,
pang unawa at pagpapalaya.

Gwapo pa rin sa paningin ni Henry ang dating kasintahan ng maabutan
niya ito sa tirahan nito.Nagdesisyon siya na puntahan ito para
malaman ang totoong damdamin nito para sa kanya.
Kahit na alam niyang maaring siyang mabigo sa inaasahan niya.

Napansin niya ang balbas na tumutubo sa baba nito.
Naroon ang gusot na damit na suot nito.
Makalat ang paligid ng ilibot niya ang paningin.


Henry: Parang binagyo ang bahay mo!
Nasaan ba ang shave mo? Ang suklay?
Kumain ka na ba? May dala akong...

Hinawakan ni Ramon ang kamay ng dating kasintahan.
Huminga siya ng malalim at tinitigan ito.
Parang napapaso naman doon si Henry.

Ramon: Bakit parang mugto iyang mga mata mo?
Napuwing ka ba?

Henry: Oo! Masyadong maalikabok ang loob ng bahay mo,
kaya pagbukas ko palang ng pinto napuwing na ako!

Ramon: Sinaktan ka ba ng gagong yun?

Henry: Ikaw ang gago!

Ramon: Samahan mo ako kung nasaan ang kinaroroonan ng gagong yun!

Henry: Magagawa mo kayang gulpihin ang sarili mo?

Ramon: Ayaw mo resbakan ko para sayo?

Henry: Ikaw ang nagpapahirap sa kalooban ko Ramon!

Ramon: Hindi ko maintindihan ang mga sagot at sinabi mo!
Pero dito sa puso at isip ko, alam mo na ang sabi?
Mahal pa rin kita!

Henry: Bakit nga ba?

Ramon: Hindi ko alam! Pero kung may umagaw sayo,
bago mahuli ang lahat, babawiin kita!

Doon na tuluyang napayakap at napaluha si Henry sa binitawang salita ng dating kasintahan.

1 comment:

  1. Ang pangalan ko ay JUANIA DANAJ.I nais kong ibahagi sa iyo ang aking karanasan sa katunayan ang aking asawa ay umalis sa marital home sa loob ng maraming taon kasunod ng isang maliit na argumento na mayroon kami, iniwan niya ang aking dalawang anak sa aking bayad. Ang aking kalagayan ay lumala mula sa araw-araw dahil sa parehong oras nawala ko ang aking trabaho. Ang pagiging palaging pag-ibig sa kanya at gusto sa kanya upang maging sa tabi ng aming mga kaibig-ibig mga bata ko na makipag-ugnayan sa Dr.Chamberc na mga contact ko nakita sa Forum. Ako ay kawili-wiling nagulat sa pagbabalik ng aking asawa ng 3 araw pagkatapos ng ritwal na ginawa para sa akin ng Great Dr.Chamberc, at ngayon ang lahat ng sitwasyon ko sa pananalapi ay nagbago positibo, natagpuan ko ang isa pang trabaho at ako ay mahusay na binabayaran. Para sa mga may problema na sentimental, pinansyal, kalusugan, sikolohikal at iba pa .... makipag-ugnay sa Dr.Chamberc upang masisiyahan. Narito ang kanyang mga contact:
    E-mail: chamberc564@yahoo.com

    ReplyDelete