ng sinag ng araw na sumisilip sa makapal na ulap na pinagtataguan nito.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa mga taong kasabayan niya na patungo
sa isang paraiso. Sa isang isla na sinasabing makakatulong upang kahit
paano ay makalimot sa mga problema sa buhay ng isang tao sa magulong
syudad sa kalakhang maynila.
Nag-aayos na nang mga gamit ang mga kapwa niya bakasyunista.
At ang kaibigan na kasama niya sa bakasyon na yun.
Dore: Eto na talaga ang life na sinasabi ko sayo noon pa!
Malinis na hangin na amoy tubig alat mula sa dagat!
Magandang tanawin mula sa nakikita mong mga isla!
At iyun ang Puerto Galera mahal kong kaibigan!
Christian: Hindi na natin ito unang pagkakataon na makapunta
sa galera pero parang lagi kang excited na makarating sa lugar
na yun ha!
Dore: Hindi naman pare-pareho ang dahilan kung bakit tayo naliligaw
at napapasyal sa puerto galera di ba?
Buntong hininga lamang ang sinagot dito ni Christian. Huminto na ang bangka
sa pampang. Nag unahan na makababa sa puting buhangin ang mga naroong
bakasyunista. At kahit sina Dore at Christian ay parang mga batang nakipag-unahan
sa pila para makababa ng bangka.
At saktong pagtapak ng mga paa ng magkaibigan sa puting buhangin ay
nagtatalon si Dore dito upang makatawag pansin sa mga naroong bakasyunista.
Napapangiti na lamang sa ugaling bata ng kaibigan si Christian at nauna nang
puntahan ang kwartong naka-book sa pangalan nila.
Dalawang araw at isang gabi. Sapat ng panahon para magawang libangin
ng dalawa ang mga sarili sa buhay meron sila sa syudad. Nang makita na ni
Christian ang kwarto nila ng kaibigan, nilingon niya ito. May kausap na
foreigner at parang nagkakatuwaan pa ang mga ito dahil sa malulutong
na tawanan.
Dore: Alam mo, parang iba ang atmosphere dito ngayon!
Kasi kanina, napansin mo, mga afam agad ang nakapansin
sa beauty ko! Wagi agad ilang oras palang! Kaya ikaw,
maglibot-libot ka na habang nandito pa tayo! Enjoy life!
Christian: Hay naku Dore! Wala akong balak maghanap ng booking
sa mga ganitong lugar! Gusto ko lang talaga mag relax!
Dore: Ay! Ang linis ng isipan mo ha! Sige na nga, dedma na sayo
ang mga mangingisdang hipon! Hahahah!
Tanghaling tapat. Nakatulog muna si Dore. Kaya nagkaroon ng pagkakataon
na tumahimik ito sa panunukso sa kaibigan. Naisipan ni Christian na bilhan
na lamang ito ng tanghalian pagkatapos niya kaya lumabas na siya ng kwarto.
Nang biglang may nakabanggaan siya.
Remar: Sorry!
Sabay talikod nito. Parang nakaramdam ng anong damdamin si Christian
para sa lalakeng yun. Nakatalikod na ito sa kanya kaya hindi niya napansin
ang itsura nito. Pero maganda ang bulto ng katawan nito kahit nakatalikod.
Maputi ang kulay ng balat na namumula siguro sa init ng araw na tumatama
sa katawan nito. Nasa lima at sampu ang taas nito. Malaking tao.
Sarap na sarap si Christian sa kanyang tanghalian na tapa at sinangag na kanin.
Nang mapansin niya ang isang lalake na parang tulala. May hawak na bote
ng beer. Napatingin siya sa waterproof na relo sa kanyang bisig. Naisip na
lamang niya na normal na may umiinom sa ganung oras sa galera gawa nga
ng pampainit ng pakiramdam mula sa pagligo sa dagat. Pero ang mas ikinagulat
ni Christian ng ito ay tumingin sa kanya. Nakatitig. Parang nakikipag usap
gamit ang mga mata lamang nito.
May mga bagay na hindi malalaman ng sinuman lalo kung ito ay nasa loob
lamang ng isipan ng tao na naglalaro at pinaglalaruan ng imahinasyon.
Kaya dumarating ang mga pagkakataon na kailangan may ibang kakatuwang
bagay ang dumating para ito ay malaman.
Remar: Parang kanina lang ay nagkabanggaan tayo, ngayon ay magkausap na tayo!
Christian: Ang weird nga nu? Hehehehe!
Remar: Hanggang bukas lang din pala kayo dito! Gusto mo mamaya mag disco tayo!
Sulitin natin ang gabi! Na magkasama at bilang bagong magkakilala!
Hindi naman tumanggi dito si Christian. Kaya masaya niya itong naikuwento
sa kabigan ng maabutan niya iktong gising na.
Dore: Ay! Walang masamang makipag kaibigan sa mga nakikilala natin dito!
Kaya lang, tayming naman yata yun! Nandito si kuya kasi cool off sila ng dyowa
niya kamo sa maynila? COOL OFF ang ginamit niya! Ikaw naman, nandito ka para
mag MOVE ON! Nakuha mo ba yung pagkakaiba sa spelling?
Christian: Huwag ka nang kill joy! Magpa party lang naman tayo eh!
Dore: Kaya nga! Advance na paalala ko lang sayo yan!
Kanina, nalaman ni Christian ang dahilan ng pagpunta roon ng binata.
Cool off daw sila ng girlfriend nito. Mababaw lang ang dahilan. At
naikuwento niya rin dito na kaya siya naroon ay dahil sa break up naman
at gusto niya makalimot kahit paano. Pero hindi niya sinabi na siya ay isang
homosexual o may pusong babae na nagtatago sa imahe ng isang lalake.
Baka magbago ang pagtingin nito sa kanya, at masasaktan siya na sa konting
panahon o oras na nakakuwentuhan niya ito ay naging palagay na agad ang
loob niya dito.
At sa bawat oras na dumaan, mas lalong naging malalim ang usapan at unaawan
ng dalawa sa mga bagay-bagay. Malalim na ang gabi. At halos isa-isa ng
umaalis sa maingay na lugar gawa ng saliw ng mga awitin ang mga naroong
bakasyunista na nagsasaya at sinusulit ang pagpunta at pananatili doon.
Ang iba ay nagpunta at naupo sa tabi ng dalampasigan. Napaka romantiko
ng ganung eksena sa paningin ni Christian. Umakbay sa kanya ang bagong
kaibigan.
Remar: Isipin mo nalang, ako ang dyowa mo!
Christian: Hahahaha! Lasing ka na!
Remar: Sinong lasing? Ako? Hahahaha!
At isang halik sa labi ang naramdaman ni Christian sa pagkakataon na yun.
Mabilis lamang ang pangyayaring yun pero sa isipan niya ay sobrang
tagal na naganap. Naitulak niya konti palayo ang nakaakbay na lalake.
Parang naguguluhan siya. Naitapon niya pa sa harap nito ang konting
laman ng hawak niyang baso.
Christian: Bakit mo ginawa yun?
Remar: Relax! Normal lang yun! Walang malisya!
Hindi ako bakla! Hindi k rin naman bakla di ba?
Katuwaan lang yun! Pasensya ka na!
Naging tahimik na lamang si Christian s mga sumunod na oras kahit
na daldal pa rin ng daldal si Remar. Wala na siyang naiintindihan sa
sinasabi nito dahil yung ginawa nito sa kanya ay hindi niya magawang
alisin sa isipan niya.
Dore: Kamusta ka! Anong oras na ikaw hinatid dito sa kwarto natin
ng boylet mong yun ah! Naka iskor ka ba?
Christian: Hinalikan niya ako!
Dore: Normal naman na halikan ka ng mga taong sugapa
sa alak! Hindi na nila maalala yun pagnawala na yung espirito ng
alak sa katawan nila!
Christian: Sa labi niya ako hinalikan! At hindi yun normal para sa akin!
Dore: Eto naman, ang dalisay ng labi mo ha!
Sana sinunggaban mo na rin! Libre ang kwarto kanina
dahil nasa labas naman ako!
Biglang napahagulhol si Christian na hindi na ipinagtaka ng kaibigan nito.
Nilapitan ito ni Dore at niyakap.
Dore: Iyan na nga ba ang sinasabi ko!
Christian: Babalikan niya ang kanyang girlfriend pagkauwi niya!
Dore: Eh di makipagbalikan ka rin sa dyowa mo! Para quits lang kayo!
Christian: Hindi niya alam na ako ay ganito!
Dore: Hayaan mo na! Hindi naman na kayo muling magkikita!
Maraming eskenita ang maynila! Kaya imposibleng magkakasalubong
pa kayo nun!
Hindi talaga tulog si Christian. Naririnig niy ang usapan nila Dore at Remar.
Gusto siyang makita at makausap ni Remar para magpaalam na rin. Maaga
daw ang alis ng bangka na sasakyan nito pabalik sa batangas port.
Pero dhil nga nagtutulug tulugan siya naramdaman na lamang niya ang
paghagod ng tingin nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwato.
Dore: Wala na ang stalker! Puwede ka nang tumigil sa drama mo dyan!
Christian: Hindi ba siya nakahalata?
Dore: Gusto mo habulin ko para itanong ko?
Sinilip ni Christian mula sa nakaawang na pintuan ang paglayo ng bangka kung
nasaan naroon ang llakeng nagpatibik ng knyang puso sa loob lamang ng
maikling panahon. At doon dumaloy ang kanyang mga luha ng muling pagkabigo
at sa isang paraisong lugar na akala niya ay magbibigay ng kapayapaan sa kalooban
at isipan niya.
--end--
tweet me @akosichardee
No comments:
Post a Comment