Monday, April 23, 2012

sa obar

Parang gustong mabingi ni Adrian sa sali ng musika na
sinasabayan niya ito ng indayog ng kanyang katawan.
Parang walang kapaguran ang mga taong naroon na talagang
hindi alintana ang init, sikip, usok at amoy na mula sa mga
sigarilyo ng mga naroon.

Francis: Ang saya nu? Ngayon lang tayo ulit naliga dito! Hahahaha!

Adrian: I saw you na may kahalikan! Kaya mo sinasabi na masaya ka!

Francis: Walang malisya yun! Hahahaha!

Pero habang tumatagal ang oras na pananatili nilang nakatayo at
sumasayaw, nakaramdam ng pagod si Adrian hindi gaya ng nasa
paligid niya na alang kapaguran gaya din ng kaibigan. Parang ang masayang
awitin ay napalitan ng malungkot na tempo na nagbigay luha sa mga
mata ng binata.

Bago pa man nagtungo ang magkaibigan sa kilalang disco bar,
naging emosyonal muna ang pagkikita nila. Nakipaghiwalay ang
5 years ng karelasyon ni Adrian sa kanya. At hindi rin ito inaasahan
 ng kabigan niya.

Francis: Ikaw naman! Parang bago pa sayo ang nangyayari sa inyo!

Adrian: Totoo na ito! Talagang tapos na ang lahat sa amin!

Francis: Pareho pa rin ba ng dahilan? Naku ha, hindi ka pa nagsawa sa
mga alibi niya! Ilang beses mo na bang nahuli na nasa ibaba siya ng ibang
lalake na mas macho pa sa kanya? Hindi ang katawan mo ang fetish niya
talaga, kundi mga bouncer!

Adrian: Huag mo naman siya insultuhin!

Francis: Hindi kita ma gets! Ikaw na nga ito na ginawa niyang tanga
pero ano? Ipagtatanggol mo pa ang lalakeng yun? Niloko ka niya!
Maglinis ka nga ng tenga mo!

Sa totoo lang, gusto rin na laitin ni Adrian ang nakipagkalas na nobyo,
pero hindi niya magawang magbitaw ng masasakit na salita laban dito.
Kahit papaano ay may pinagsamahan sila ng dating nobyo na niya.

Francis: Halika! Wala naman tayong pasok bukas!
Bakit hindi muna tayo mag inuman! Yung tipong magwawala
ka after mong malasing ng bongga! Pero huag kang magbabasag
ng bote ha! Hahahaha!

Adrian: Saan naman tayo mag iinuman?

Francis: Sa beerhouse! Gusto mo magmababae tayo para lalo
kang magising sa sarili mo kung bakit ka tanga!

Adrian: Ok!

Francis: Hoy! Joke lang! Baka ako ang masiraan ng bait pag
sa ganung lugar tayo napunta talaga!

At ang ending nga ng magkaibigan ay sa Obar. Isang kilalang disco
bar na puntahan ng mga gaya nila. Mga nalulungkot, mga nagsasaya
at mga nais lamang ay makakilala ng bagong kaibigan.

Napansin na lamang ni Adrian ang mga matang nakadapo sa kinaroroonan niya.
Patay malisya niya itong hindi pinansin. Hinanap na lamang ng paningin niya ang
kinaroroonan ng kabigan. Patuloy pa rin ito sa paghataw sa pagsayaw. At may
iba na naman itong kausap at kapareha.

Geof: Hi! Ako nga pala si Geof! Nag iisa ka yata!

Adrian: May kasama ako actually!

Geof: Kanina pa kita tinitingnan!

Adrian: Eh di kanina mo pa pala ako napansin!

Geof: Ang sungit mo naman!

Adrian: Oo!

Katahimikan ang namagitan sa dalawa. Pero ang estranghero na yun ay
bigla na lamang siya hinila sa gitna ng mga nagsasayawan. Hindi naman
niya magawang tanggihan ito dahil sa pagkakahaak nito sa kanyang bewang.

Geof: Ngayong gabi lang, puwede bang huwag mo akong sungitan!
Kapag sa mga susunod na pagkakataon na magkikita tayo muli, doon
mo nalang ako huwag pansinin!

Adrian: Eh bakit ba ang kulit mo?

Geof: Eh bakit ba ang sungit mo?

Hindi na namamalayan ni Adrian ang tagal na magkaharap sila ng lalakeng yun at
patuloy sa pagsabay sa masayang tugtugin. Hanggang sa namalayan niya na nagiging
agresibo ang lalakeng yun sa pagdikit ng katawan nito sa kanya.

Adrian: Huwag! Hindi ako nagpunta dito gaya ng iba!

Geof: Alam kong malungkot ka! Nakikita ko sa mga mata mo!

Adrian: Gusto ko nang maupo!

Nakipagtitigan ang lalakeng yun sa kanya. Hindi naman ito
tinanggihan ni Adrian. Pero ang napansin niya sa mata ng lalakeng yun,
pangungulila. Mas nakakabagabag na kalungkutan.

Geof: Pwede bang makipagkilala ulit sayo?!

Adrian: Para kang....

Geof: Tanga! Oo, kung ikaw ay masungit, ako naman ay tanga!
At napansin mo yun!

Pinilit ni Adrian na kumawala sa pagkakawak nito sa kanyang
bewang at nakipagsiksikan sa mga taong naroon para lumabas sa
lugar na yun. Hindi niya napigilan ang hindi mapaluha hindi dahil sa
usokkundi dahil sa isang alaala. Ganun ang eksena ng makilala niya
ang dating nobyo at bumalik sa kanya ang mga alaalang yun na parang
lalong nagbibigay sakit sa kalooban niya.

Francis: May kasalanan ako sayo! Dito mo nga pala nakilala
yung mokong na yun!

Adrian: Sa palagay mo, lahat ng naririto ang sasabihin ay ganito, ganyan
at pagkatapos ay hindi pala totoo?

Francis: Hindi naman lahat! May mga gaya mo! Gaya ko! At gaya nila!

Adrian: Wala akong naiitindihan! Kasi nasasaktan ako sa katotohanan
na nagpaka tanga ako!

At isang sulyap ang ibinalik ni Adrian sa lugar na yun.
Doon ay hindi niya napigilan ang hindi mapaluha sa sobrang
sakit na pinapaalala nito sa kanya.


--end--





No comments:

Post a Comment