Saturday, April 7, 2012

sa kanya pa rin II

Aminado si Ross sa sarili, nahulog na siya sa sariling patibong.
Inlove na siya sa isang lalake. Sa isang taong may karelasyon na.
Hindi pa man niya ito naipapakita ng buo, pighati na agad ang
naisukli sa kanya.

Andrei: Weh? Binalaan na kita noong una palang friend!
Ikaw mismo ang humuli sa sarili mo sa maling bingwitan!
Gusto mo ba ng sapak o sampal?

Ross: Hindi ako nananaginip! Gising ako at hindi tulog
ng nagaganap sa akin ang ganitong damdamin para sa
taong yun! Pero nararamdaman ko, kahit unti, may
nabubuo rin siyang damdamin para sa akin...

Andrei: Meron nga! Libog!

Pero hindi iyun nararamdaman ni Ross sa tuwing magkasalo nilang
pinapaligaya ni Jefferson ang bawat isa. Takot na ang pumapalit
pagkatapos ng ligaya.

Jefferson: Kailan mo pa balak itong tapusin?

Ross: Hindi ka na ba masaya?

Jefferson: Saan? Sa palaging ganito? Sa ilang beses na panloloko
na ginagawa ko sa boyfriend ko? Ikaw lang masaya sa pagsira
sa aming dalawa!

Ross: Wala ka na bang ibang nararamdaman sa tuwing magkasama tayo
sa iisang kama? Sa iisang kwarto?

Jefferson: Meron! Pagsisisi!

Parang sinampal doon si Ross. Iyun na yata ang pinakamalaking
insulto na natanggap niya sa mga sandaling yun.

Finally, sa isang hindi inaasahang pagkakataon at lugar, nag-krus
ang landas ng dalawang tao na may kaugnayan sa iisang lalake.

Ross: Hi! Ako si Ross! Ikaw pala ang boyfriend nang...

Norman: Kinakalantari mo! Ako si Norman! Ang mahal at
natitiyak kong pipiliin ni Jefferson!

Ross: Hindi kita nauunawaan sa sinasabi mo!

Norman: Best Actor! Huwag na tayong magpatay malisya!
Kilala kita! Kilala ko ang mga kagaya mo!

Ross: Huwag mo naman sana lakasan ang boses mo!

Norman: Uso pa ba ang hiya sayo? Parausan ka lang!

Tumalikod dito si Ross. Nasasaktan na siya sa mga patutsada ng
taong yun. Pero pinigilan niya ang sarili na makipagbanggaan pa dito.
Isa pa, may punto ito sa mga sinabi sa kanya. Pero masakit ang
katotohanan na nagmumula sa taong ito na mahal ng mahal niya.

Andrei: Nagpa-api ka? Gusto mo ipa-salvage ko ang malditang yun?

Ross: Wala akong karapatan na makipagpalitan ng masasakit na salita sa
kanya! Pero sa susunod na magkikita kami...

Andrei: Magdala ka na ng armalite!

Hindi inaasahan ni Norman na susugod ng biglaan ang nobyo sa
kinaroroonan niya. Pero mas galit siya dito. Sigawan. Murahan.
Ang palitan nila ng mga salita na hindi direktang pinapatama sa bawat
isa. Hanggang sa parehong luhaan ang kinauwian.

Jefferson: Hindi mo pa rin siya dapat pinagsabihan ng mga salitang
hindi maganda! Tao pa rin siya na...

Norman: Pinagtatanggol mo ba siya?

Jefferson: Ikaw ang mahal ko at ikaw ang pipiliin ko!

Norman: Pero siya ang ikinakama mo!
Siya ang pinapasok mo! Siya ang kaungulan mo!
Magaling ba siya?

Jefferson: Huwag na natin ito pahabain pa!

Norman: Ipinaglalaban ko lang kung ano ang akin!
Ang tanong ko sayo, akin ka pa ba?

Hindi malaman ni Ross ang dahilan ng pagiging emosyonal niya.
Kung sa sobrang alkohol ba nang nainom niya o nang makita
ang imahe na kanina pa naglalaro sa isipan niya habang nagpapaka
lango sa iniinom niya.

Ross: Mahal kita Jeff...At iyun ang tangi kong huling
sasabihin sayo!

Jefferson: Ross! Lets stop this here! Huwag mo ng pahirapan ang sitwasyon!
Una palang alam mo na ang sagot sa tanong mo! Hindi ko kayang suklian ang
anumang nararamdaman mong pagmamahal sa akin!

Wala ng lakas si Ross para tumayo at lumapit sa lalakeng yun para
bigyan ng isang malakas na tampal, sundok o sampal na magagawa niya dito.
Niyakap na lamang niya ang sarili habang luhaan na hinatid ng tanaw ang tumalikod
na lalake na dahan-dahang lumalayo sa kanya.

Sikat na ang araw. Maliwanag na ng magising si Norman. Gaya ng dati,
parang naroon pa rin ang pangamba na walang katabing magigisnan sa
pagmulat niya ng mga mata. Pero sa pagbangon niya ay may mga bisig na
pumigil sa kanya.

Jefferson: Hi! I miss you!

Norman: I miss you too!

Jefferson: I love you and im sorry!

Norman: I love you too...

Sa bagong umaga, handa na muling harapin ng dalawa ang darating pang pagsubok na
dadaan sa relasyon nila at susubok sa tatag ng kanilang pagmamahalan.

--end--

No comments:

Post a Comment