Namiss niya ng husto ang nakasanayang lugar na pasyalan, puntahan at tambayan kasama ang mga kaibigan at ang isang taong naging espesyal sa kanyang buhay.
Wala naman siyang plano na magtagal at mag isa sa napaka-layong lugar. Sa kanyang pagbabalik Maynila ay handa na siyang harapin ang dating mundong ginagalawan niya bago siya tumalikod upang makalimot sa isang nakaraan.
Daniel: Walang nakakaunawa sa akin!
Tey: Hindi kita maintindihan!
Daniel: Tungkol ito sa ating dalawa! Sa namamagitan sa atin!
Tey: Anong problema sa ating dalawa?
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kapaligiran.
Isang makahulugang yakap ang isinagot dito ni Daniel.
Mahirap sagutin ang isang tanong ng taong nagmamahal lamang.
Daniel: Natatakot ako isang araw...na magtatapos din tayo sa wala!
Tey: Hindi naman tayo maghihiwalay ng walang matinding dahilan!
Iniisip mo ba na maghihiwalay tayo?
Daniel: Hindi ko iniisip na aayawan natin ang bawat isa dahil hindi na
natin mahal ang isat-isa!
Tey: Huwag ka nang mag isip ng kung anu-ano!
Huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba!
Hindi naman sila ang kailangan natin pakisamahan
para magtagal at magkasama tayo habang buhay!
Iyun na yata ang pinaka korni na sinabi ni Tey sa kaisntahan.
Masarap pakinggan ang mga salitang hindi isang pangako
kundi isang panata sa isang bawal na relasyon.
At maraming mga bagay na nga ang nagbago mula ng lumisan siya.
Nabalitaan niya na nagkaroon nang relasyon ang kanyang dating kasintahan
sa kanyang kaibigan hanggang sa kasalukuyan. Hindi niya ito napaghandaan at hindi niya alam ang magiging reaksyon kung sakaling magkita kita silang tatlo.
Pero isang masayang Archie ang sumalubong sa kanya.
Wala itong halong pagkukunwari na makita siya at yakapin.
Ito pa rin ang kaibigan niya dahil sa nararamdaman nitong saya na makita siyang muli.
Archie: Welcome back!
Daniel: S-Salamat!
Maraming kinuwento si Archie sa kaibigan pero parang walang naintindihan doon si Daniel.
Hinsi siya mapakali habang kasama at kausap ang kaibigan na ngayon ay kasintahan ng kanyang
dating karelasyon. Napansin naman ni Archie ang hindi mapakaling mga mata ng kaibigan.
Archie: Iniisip mo ba ang sitwasyong natin ngayon?
Daniel: Hindi mo maiaalis sa akin yun!
Tumatawang hinampas ng mahina ni Archie ang balikat ng kaibigan.
At biglang sumingkit ang mga mata nito. Na parang galit.
Archie: Anong gusto mong gawin? Magsabunutan tayo?
Sabay tawa muli nito.
Napangiti lamang sa birong yun si Daniel.
Daniel: Kamusta kayong dalawa? Kamusta siya?
Archie: Kami pa rin! Sa gitna ng unos! Hindi ko sinusuko ang relasyon namin
sa dami ng pagsubok! Hindi mo kasi ako kagaya! Hahahaha!
Parang nakaramdam doon ng insulto si Daniel.
Kahit biro sa kaibigan na pagkumaparahin silang dalawa.
Archie: Daniel! Wala ka nang nararamdaman sa kanya di ba?!
Daniel: Bakit mo naman naitanong yan?
Archie: Naniniguro lang! Magkaibigan naman tayo!
Tama na yung sinalo ko siya! Hindi naman kita tinalo!
Ganun ka diretso ang mga binitawang salita ni Archie sa kaibigan.
Hindi sa nagdududa siya sa katapatan nito bilang sila ay matalik na
magkaibigan. Pero nasa isip niya na mabuti na rin ang naninigurado.
Sa loob ng mahigit dalawang taon ay naging maayos ang pagsasama
nina Tey at Archie. Walang naging problema na naging hadlang para
sila ay maghiwalay. Payapa at walang problema.
Archie: Nandito na pala si Daniel! Nagkita kami kanina!
Tey: Siya nga? Kamusta daw siya?
Archie: Bakit? Wala kayong kontak?
Tey: Ha? Alam mo namang wala!
Archie: Hmmm! Mabuti naman siya!
One of these days dalawin natin siya sa
bago niyang apartment!
Tey: Wala akong time this coming days!
Archie: Huwag mo na siyang iwasan! Alam ko naman na walang magbabago
sa relasyon nating dalawa kapag nagkita kayo, di ba?
Parang natigilan doon si Tey. Hindi niya magawang tingnan ng diretso ang mga tingin ng kasintahan.
Yumakap dito si Archie sa likod nito. Huminga siya ng malalim.
Archie: Sobra kitang mahal Tey! At katumbas niyan ang hinihingi kong katapatan mo!
Tey: Ano bang nasa isip mo?
Doon lumuha ang mga mata ni Archie.
May takot siyang nararamdaman kung sakaling magkatotooo ang kanyang kutob
sa muling pagkikita ng dating magkasintahan.
Umalis ng Maynila si Daniel dahil sa desisyon nilang maghiwalay ni Tey.
Hindi kasi kaya ni Daniel ang mga pagtutol ng mga taong nasa paligid nila.
Maraming karibal. Maraming ayaw sa relasyon nila. Pamilya. Kaibigan. at mga taong
pumapalibot sa kanila. At siya ang sumuko sa mga pagkakataong nasasaktan siya sa
mga masasakit na salita at alipusta ng lahat. Pwera ang kaibigan na si Archie. Simula hanggang huli ay nakasuporta ito sa kanila ni Tey. At magawa niya nga kayang suklian ng suporta din ang ginawa nito sa kanilang dalawa ng dating karelasyon?
Tey: Bakit ka bumalik?
Daniel: Gusto ko magsimula ng bagong buhay!
Tey: Bakit mo ako iniwan?
Doon parang hindi magawang ibuka ni Daniel ang bibig para sumagot.
Naroon pa rin lagablab ng damdamin niya para sa dating kasintahan.
Daniel: Hindi ba dapat ang pinag uusapan natin ay yung tungkol sa inyo ni Archie?
Tey: Gusto kong pag usapan nating dalawa yung pag iwan mo sa akin!
Daniel: Ano bang sagot ang gusto mong marinig?
Tey: Totoo ba na kaya ka umalis dahil hindi mo ako kayang mahalin sa gitna ng lahat?
Daniel: Takot ako! Takot ako itakwil ng lahat ng mga taong mahal ko!
Nang pamilya ko! Nang mga magulang ko! Nang mga kapatid ko!
Nang mga tao sa paligid ko! Ayaw kong mawala sa akin ang lahat sa
isang saglit lang dahil sa relasyon nating dalawa!
Bumuntong hininga ng malalim si Tey at tuluyang humakbang palayo sa
kasintahan. Parang nakaramdam ng pagkatakot doon si Daniel sa ginawa ng
kasintahan.
Tey: Makasarili ka Daniel!
Daniel: Hindi mo ako naiintidihan eh!
Tey: Naiintindihan ko! Na ang sarili mo lang ang nasa lahat
ng sitwasyon! Gusto mong tumakas sa ganitong relasyon!
Yung mararamdaman ko ba ay pinagbatayan mo rin sa
tuwing maiisip mo na sana tapusin na natin ang ating relasyon?
Biglang napaluha doon si Daniel.
Sa pagkakataong yun ay hindi niya nagawang sumagot
sa isang tanong mula sa taong naging malaking
parte ng kanyang nakaraan.
Tey: Tama ako di ba?!
Mabilis na iniwanan ni Daniel ang hindi humabol na dating karelasyon.
Halos mapatid siya sa pagmamadali. At nakabunguan niya ang kaibigan.
Archie: Nagka usap na ba kayo?
Daniel: Oo!
Archie: Anong nangyari?
Daniel: Wala!
Sabay na huminga ng malalim ang magkaibigan.
Matagal silang tahimik hanggang sa unang nagsalita ang isa sa kanila.
Archie: Hindi ka nalang dapat bumalik!
Daniel: Archie!
Archie: Naalala mo ang sinabi ko? Lahat ng unos kaya kong harapin sa relasyon namin
ni Tey! Kahit ang pagkakaibigan natin, handa kong talikuran para lang maintindihan
mo ang kaya kong gawin!
Parang nabigla sa kanyang narinig si Daniel mula sa kaibigan.
Ang maamo nitong mukha ay kabaligtaran sa nagbabanta nitong
mga sinabi sa kanya. Parang nagbago bigla ang tono ng pananalita nito
at pati ang mga tingin ay tila nagbabanta.
Daniel: Hindi kita naiintindihan!
Archie: Hindi mo naiintindihan? O ayaw mong intindihin?!
Daniel: Huwag mo naman sana ako paghinalaan Archie dahil alam
mo namang matagal ng tapos yung tungkol sa aming dalawa
ni Tey!
Archie: Hindi ako naghihinala! Nararamdaman ko Daniel!
At nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko na ang kaibigang
kausap ko sa aking harapan ay ang akin nang karibal sa taong
mahal ko!
Gusto sanang lapitan ni Daniel ang kaibigan pero parang nakaramdam siya ng pagkailang
sa mga oras na yun dahil hindi na siya tinuturing na kaibigan nito sa pagkakataong yun.
Daniel: Hindi lang tayo nagkakaintindihan!
Archie: Wala nang dapat pagkaintindihan!
Matagal bago muling nakapagsalita si Daniel sa matalik na kaibigan.
Daniel: Hindi ako kagaya ng iniisip mo! Magkaibigan tayo! Kaibigan mo ako!
Archie: Hindi mo ba naiintindihan? Iba na ang sitwasyon nating dalawa ngayon!
Ibang iba na ang nangyayari at mangyayari sa ating tatlo ngayon!
Daniel: Anong ibig mong sabihin?
Masakit man sa kalooban ni Archie ay kailangan niyang diretsuhin at bigyan ng
sagot ang tanong ng malapit na kaibigan. Pinipigilan niyang masaktan, mapaluha
at maawa sa isang taong mahalaga sa kanya. Pero kailangan niyang mamili.
Sa kaligayahan niya at sa pagkakaibigan nila.
Archie: Hindi na kaibigan ang turing ko sayo!
Kundi isang karibal!
Doon tuluyan natahimik si Daniel sa tinuran ng kabigan.
Pinigilan niyang mapaluha sa mga oras na yun at napayuko na lamang siya
bilang pagpapakita na nasaktan siya sa sinabi ng malapit na kaibigan.
--end--
tweet me @akosichardee
tweet me @akosichardee
No comments:
Post a Comment