Friday, September 14, 2012

The CareGiver. The Nurse. And the Patient

Paano mo aalagaan ang isang taong nagbigay sayo ng sobrang kabiguan ng mahalin mo ito ng higit sa buhay mo?

Paano mo pakikitunguan ang isang taong nagiong karibal mo sa pag ibig ng pinakamamahal mo?

Paano mo sasabihin sa isang tao na mahal mo pa rin ito sa kabila ng lahat ng nangyari sa nakaraan ninyo?


"CareGiver"

Simula palang ay hilig na talaga ni Dante ang maging maalaga sa kanyang kapwa kaya naman aktibo siya sa mga charity works tungkol sa pagbibigay kalinga sa mga abandunadong mga bata o matatandang pinabayaan na ng mga kapamilya ng mga ito.

Kaya naman nang ito ay magtapos ng sekondarya ay agad itong nagdesisdido na kumuha ng kursong malapit sa nakahiligan niya. ang CareGiver course.

At naging suportado namna siya ng kanyang mga magulang sa napiling karera ng binatilyo.
 

"Nurse"

Naranasan na ni Alex ang maiwan ng kanyang mga minamahal ng parehong namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Noong una ay comatose lamang mga lagay nito. Pero hindi nagtagal ay hindi nakayanan ng katawan ng mga ito ang kanilang kalagayan. Naranasan ni Alex ang mabalewala ng mga kamag anak at ng mga taong nasa paligid niya noong nangangailangan siya ng tulong. Kahit ang mga doktor at nars ay parang walang pake alam sa sitwasyon niya kaya isinumpa sa sarili ni Alex na hindi man niya magagawa ng alagaan ang mga magulang kapag naging ganap siyang Nurse pagka graduate ay hindi niya itutulad ang sarili sa iba.

"The Patient"

Happy go lucky. Palibhasa ay nakakariwasa sa buhay ang nakagisnan ni Felix. Kaya naman wala itong pake alam sa mga kalokohan na hindi niya magawang malusutan dahil naroon naman ang kanyang mga magulang para ayusin ang lahat ng gusto na ginawa niya.

Pero dumating sa buhay ni Felix ang isang pangyayaring magbabago sa takbo ng kanyang buhay dahil sa isang aksidente.

Paano magagawang harapin ng tatlo ang isat-isa sa isang sitwasyon kung sila ay may mga nakaraan sa bawat isa?


---------------------

Sabi nga ng iba, kung hindi talaga kayo, hindi talaga kayo para sa isat-isa. Mahirap tanggapin, pero iyun ang reyalidad. Kailangan masaktan kung hindi na dapat ipagpatuloy ang isang bagay. Lalo na kung tungkol sa damdamin, na nagbabago o nananatili sa emosyon nito.

"Naalala mo ba nung una tayong magkita? Yung una kitang nakilala?"

Ang mahina sa garalgal na boses na tanong ni Alex sa kanyang katabi, ang hindi na niya kasintahan sa mga oras na yun.

"Oo! Hindi ko naman nakakalimutan iyun! Pero kailangan pa bang balikan ang alaala na yun? Wala nang magbabago pa! Sana, huwag na natin subukan pang i-survive yung feelings at relasyon na tinapos na natin!"

Ang pakiusap ni Dante sa katabi niya. Malungkot siya syempre, dahil natapos ang isang love story sa hindi happy ending.

"Sana, kung may pagkakataon na magkita tayo muli, walang ilangan! Walang iwasan! Walang taguan!"

Ang himig pakiusap ni Alex. Tumulo ang mga luha nito. Mahal niya pa rin ang dating kasintahan, pero mas nanaig ang pang unawa niya na para dito. May pangarap si Dante, at mas prayoridad nito ang magandang buhay kesa ang masayang relasyon.

"Puwede ba kitang mayakap sa huling pagkakataon?!"

Ang paghingi ng pahintulot ni Alex sa katabi. Humarap si Dante sa dating kasintahan. Naroon yung panghihinayang pero mas nanaig ang desisyon nito.

"Oo naman! Sana, mapatawad mo ako!"

Ang paghingi ng kapatawaran ni Dante sa kaharap. Niyakap ng buong pagmamahal ni Alex ang nakipaghiwalay na kasintahan.

----------------

No comments:

Post a Comment