Monday, December 24, 2012

ikaw & ako : unang tagpo


Dahan dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko, pero hindi para hawakan ng matagal kundi ilagay ang aking mga palad sa kanyang mga pisnge.
"Gusto mo bang magpa facial wash? Hehehe!", ang biro kong sabi.
Ngumiti lamang siya at inilapit ang sarili sa akin. Magkatapat ang mga mukha namin. Naroon ang lungkot ng kanyang mga mata. Bigla ko siyang kinindatan.
"Alam mo, kahit na alam mong malungkot ako, gusto mo pa rin ako makulitan sa pagpapatawa mo!"
Bigla kong idinikit ang noo ko sa kanyang noo. Nakapikit kaming pareho, dinadama ang bawat sandali na magkasama kami.
"Basta, kung hindi man ako ang nandyan sa puso mo, sana kahit nasa labas ako, yung pinakamalapit diyan!", ang nasabi ko habang nasa ganun kaming posisyon.
Narinig ko ang maikli niyang pagtawa, isang yakap ang naramdaman ko pagkatapos.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang isinagot ko sa yakap na iyun. Tumahimik ang kapaligiran. Parang namanhid ang pandinig ko sa ingay na nagmumula sa mga taong nasa paligid namin










--------------------
https://www.facebook.com/akosichardee

https://twitter.com/akosichardee

No comments:

Post a Comment