Monday, December 24, 2012

ikaw & ako: ikatlong tagpo


Hindi ko yata kaya na makita siyang kasayaw ang kanyang kasintahan. Masakit sa mata. Pero ang pagkakataon yata ang gumagawa ng paraan para makita ko ang mga eksenang yun.
"Ikaw ha! Hindi mo ako pinapansin!", ang gulat ko ng sumulpot siya sa likuran ko at umakbay pa ang loko.
"Baka makita ng kasintahan mo na may iba kang kausap! Tapos akbay akbay mo pa!", ang pabiro kong sabi. Pero sa loob ko, may pait ang mga katagang yun.
"Naiintindihan niya na mga kaibigan ko kayo! Wala namang malisya ito!", ang natatawa niyang sagot sa sinabi ko.
"Hindi ako nagpapa akbay sa mga hindi ko boyfriend!", ang makahulugan kong biro sa kanya. Pero lalo lang niyang inilapit ang sarili niya sa akin gawa ng pagkakaakbay niya.
"Ang sungit mo naman sa akin! May problema ba?", ang seryoso niya biglang tanong. Nawala yung damdamin ko na pigilan siyang hindi tingnan, titigan at basahin ang mga nasa mata niya.
"Ang gwapo mo!", ang nakangiti kong sambit. Napangiti siya. Kumindat pa siya sa akin at aakmang hahalik sa akin.
"Huwag mo akong biruin ng ganyan, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko!", ang diretso kong pagsaway sa kanya.
"Yan! Napapangiti na kita!", ang tanging nasabi na lamang niya sa akin.



-----------------------

https://www.facebook.com/akosichardee

https://twitter.com/akosichardee

No comments:

Post a Comment