Sinundan niya ako sa aking paglabas. Hindi yata niya nagustuhan ang inasal ko sa harap ng kanyang close friend kahit na ako ang unang nakilala niya at nakasama sa aming mga lakad.
"Whats wrong with you? Hindi ka dapat nagpapakita ng ugaling moody o nakaka offend sa ibang tao!", ang sabi niya. Sa isip ko, parang pinagtatanggol niya ang kanyang closefriend.
"Wala nalang akong sasabihin! Baka masaktan ko pa yung damdamin mo sa mga gusto kong sabihin sa close friend mo!", ang masungit kong sagot sa mga paratang niya sa ugaling pinakita ko sa harap ng close friend niya.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Nakatingin lang ako sa mga naglalakad na tao. Siya naman ay nakatingin lamang sa akin.
"Uwi nalang ako!", ang nasambit ko. Bigla siyang humawak sa braso ko.
"Sasabay ka sa akin! Pero hindi pa tayo uuwi!", ang pigil niya sa akin. Kanina ko pa pinipigilan mapaluha sa magkakahalong inis at awa sa sarili.
"Baka hindi ko kayang sumabay sayo kasama sila!", ang pagkontra ko sa kanyang alok na sumabay ako ng uwi sa kanya.
Tumahimik muli ang kapaligiran sa pagitan namin.
"Bakit ba?", ang tanong niya. Yumuko ako at nagkunwaring inaantok at napahikab.
"Inaantok na ako! Kaya ko naman umuwi! Magta taxi nalang ako!", ang nakangiti kong sagot sa kanyang tanong. Palapit na kasi ang kanyang close friend.
"Dito ka lang! Babalikan kita!", ang mabilis niyang sinabi at lumakad papasalubong sa kanyang close friend. Nakita ko ang reaksyon ng mga mukha nila. Pero kibit balikat ko nalang na hindi na pinansin. Biglang tumunog ang ringtone ng cp ko. May nagtext. At gusto ko yata matawa o kiligin sa nabasa kong mensahe.
"Hindi kita hahayaan umalis! Kaya mo ba akong iwanan?", ang kanyang mensahe sa text.
------------------------
Syempre, lahat ng taong mapapalapit sa
kanya, pinagseselosan ko. O baka naiinsekyur ako. Hindi ko ma explain,
pero lagi namin iyun hindi pinagkakaunawaan. Kahit na wala naman akong
karapatan na ungkatin sa kanya ang mga ganung bagay.
"Stop being
childish! Bakit ba pati yung pagtulong ko sa paglilipat ng bahay ng
kakilala mo rin naman na tao, kailangan mo pang bigyan ng rason para
tratuhin mo ako ng hindi maganda? Ano ba ang mali kong nagawa?"
Ang
mahabang lintanya ng mokong. Aba, syempre, tameme ako. Wala naman akong
dahilan para magtanong o mangealam sa mga gusto niyang gawin o
desisyon, siguro, feelingera lang talaga ako.
"Nagseselos kasi
ako! Wala ka ng time sa akin. Hehe! Eto naman, huwag masyado seryoso,
baka isipin ng mga makakarinig, mag dyowa tayo!"
Ang pagbibiro ko. Pero seryoso talaga ang mokong. Kung makatingin, wagas. Nakakatunaw. Iniwasan ko nalang na magsalita muna.
"Lahat
nalang ng tao na makikita mong napapalapit sa akin, pinag iisipan mo ng
masama! O hindi kaya, may malisya sayo! Sila lang ang nagbibigay ng
malisya, hindi ako!"
Ang mahaba na namang lintanya ng mokong.
"Hoy ha! Wala naman akong sinabing ganun! Advance ang isip mo masyado! Eh wala akong pakealam kung magkamalisyahan kayo!"
Ang depensa ko sa aking sarili sa paratang ng mokong.
"Masyado ka lang stress! Kung anu-ano ang iniisip mo kapag hindi lang kita napapansin! Hindi naman kita dyowa!"
Ang sunod ko pang sabi. Natawa na lamang ang mokong.
"Seryoso ako!"
Ang biglang banat pa nito.
------------------------
https://www.facebook.com/akosichardee
https://twitter.com/akosichardee
No comments:
Post a Comment