Thursday, April 26, 2012

sa camp crame

Unang araw palang ni Alex sa camp crame para mag ensayo at
manirahan ng anim na buwan o higit pa ay nakaramdam na siya ng pangungulila
sa mga taong nakasanayan niyang nakakasama at nakikita sa araw-araw.
Kung hindi lang naging mapilit ang kanyang Tatay ay hindi naman siya
papayag na sayangin ang kanyang buhay sa loob ng ilang buwan sa lugar na yun.

Pero dahil sa kagustuhan nga ng  kanyang mga magulang na siya ay mapabuti
at mabging mabuting mamamayan ng bansa, at dahil nga makabayan ang mga ito,
tinanggap na lamang niya ang pamana ng mga ito, ang maging isang PULIS gya ng kanyang
Tatay na ilang taon na ring naninilbihan sa bayan bilang alagad ng batas.

PERO MAY BAKLANG PULIS din kaya o magpupulis na gaya niya na nasa
loob ng crame. Ito ang gusto niyang malaman sa kabila ng hirap na dadanasin
niya sa bawat ensayo at aktibidad na gagawin nilang mga susunod na magiging
alagad ng batas.

Pero ilang araw na ang nagdaan, wala namang napapansin sa mga kasamahan
niya si Alex na gaya niya ay may tinatagong lansa sa pagkatao. Nakilala niya ang
isang ambisyosong si Bruno. Ang maging heneral ang pangarap nito kaya pinasok
ang mundo ng kapulisan. Pero laging tukso at tawa lamang ang inaabot nito sa mga
naroong mga kapwa nila bagitong magpupulis.

At sa loob pa ng ilng linggo, ay nakilala naman ni Alex sa vibang grupo ang
astig na si Mark. Maganda ang katawan. Brusko. Tsinito. Maputi at may
katamtamang taas. Mailap nga lamang ito sa mga hindi kagrupo kaya hindi
ito nakikipag usap sa gaya niya.

Ilang beses niya itong nahuling nakikipag harutan sa mga kapwa nito magpupulis
na babae. At naiirita siya sa tuwing nahuhuli ng tingin na hinahalikan nito ng nakaw
ang mga babaeng yun.

Aminado naman si Alex na siya ay may pusong babae. Tagung tago nga lang
siya at baka mapatay siya ng kanyang Tatay na umaasa talaga na magiging
pulis siya at mahigitan ang ranggo nito.

Laging laman sa isipan ni Alex ang bawat ngiti ng gwapong mukha ni Mark kahit
sa pagligo niya ay kasama niya ito sa panaginip. Hanggang sa nahuli siya nito
na may ginagawang kakatuwa. Nagbiro pa ito na sabayan siya. At doon lang
siya nito pinansin sa unang pagkakataon.

KAILANGAN PALA BASTUSIN ang dating niya para mapansin lang nito.
Hindi lingid dito ay pinapapapantasayahan pala siya nitong si Alex.

Pero walang lihim na puwedeng manatili sa hukay, hindi na naitago ni Alex
sa kasundong si Bruno ang tunasy niyang nararamdaman sa kapwa nila
magpupulis. Pero ang sagot dito ni Bruno ay normal lang daw na may
makagaanan ng loob sa loob ng crame at baka naninibago lang si Alex
sa damdamin nito.

PERO BAKLA TALAGA AKO SINCE BIRTH.

Ang isinatinig ni Alex na narinig naman ng hindi sinasadya ni Mark.
Parang natauhan na lamang si Alex ng suntukin siya ni Mark.
Galit na galit ito. At hindi alam ni Alex kung lalapitan ba ito
o iiwasan dahil sa damdamin nito sa mga oras na yun.

Ilang araw na hindi na niya nakikita o sinasadya na ayaw magpakita
sa kanya ng binata. At namimiss na ni Alex ang tong yun. Nang
tangkain niya na ito ay kausapin, isang BOOO ang narinig niya sa
kanyang kapaligiran.

BAKLA!
TARA, LIBRE AKO!
GUSTO MO BA NG TALONG!

Ang mga naririnig niya.
Parang nakaramdam doon ng insulto si Alex.
Hindi dahil sa mga masasakit na salita na yun kundi sa ang isipin
kung sino ang nagsabi sa mga ito para magkaroon ng ideya kung
ano siya talaga.

Napaluha siya doon.
Tatalikod na sana siya pero pinili niyang
harapin ang tumatawa pang si Mark.
Natigilan ito ng lumapit siya dito.

Humingi siya ng tawad dito dahil sa hindi
sinasadyang makaramdam ng isang espesyal
na damdamin para dito.
Parang natigilan naman ang lahat sa eksenang yun.
Ang simpatya ay napunta kay Alex sa pagkakataon
nang sabihin nito ang bagay na yun.

NAGMAHAL LANG AKO!
PERO HINDI AKO NAGHAHANGAD NG ANUMANG KAPALIT!

At sa dulo ng kanyang isipan, nagdesisyon na si Alex na iwan
ang lugar na yun, hindi para makalimot kundi para hanapin ang gusto niya
talaga sa kanyang buhay.

Masakit man na biguin niya ang mga magulang
na umasang tutuparin niya ang mga pangarap nito para sa kanya,
ipinaliwanag niya sa mga ito na mas magiging masaya siya sa buhay
kung ang pangarap niya ang kanyang gustong makamtan sa hinaharap,
ksbay nun ang pagkabigo niya na unawain man lang siya ng isang
taong nagturo sa kanyang damdamin na kiligin, maging masaya at
umasang mahalin din.

Monday, April 23, 2012

sa obar

Parang gustong mabingi ni Adrian sa sali ng musika na
sinasabayan niya ito ng indayog ng kanyang katawan.
Parang walang kapaguran ang mga taong naroon na talagang
hindi alintana ang init, sikip, usok at amoy na mula sa mga
sigarilyo ng mga naroon.

Francis: Ang saya nu? Ngayon lang tayo ulit naliga dito! Hahahaha!

Adrian: I saw you na may kahalikan! Kaya mo sinasabi na masaya ka!

Francis: Walang malisya yun! Hahahaha!

Pero habang tumatagal ang oras na pananatili nilang nakatayo at
sumasayaw, nakaramdam ng pagod si Adrian hindi gaya ng nasa
paligid niya na alang kapaguran gaya din ng kaibigan. Parang ang masayang
awitin ay napalitan ng malungkot na tempo na nagbigay luha sa mga
mata ng binata.

Bago pa man nagtungo ang magkaibigan sa kilalang disco bar,
naging emosyonal muna ang pagkikita nila. Nakipaghiwalay ang
5 years ng karelasyon ni Adrian sa kanya. At hindi rin ito inaasahan
 ng kabigan niya.

Francis: Ikaw naman! Parang bago pa sayo ang nangyayari sa inyo!

Adrian: Totoo na ito! Talagang tapos na ang lahat sa amin!

Francis: Pareho pa rin ba ng dahilan? Naku ha, hindi ka pa nagsawa sa
mga alibi niya! Ilang beses mo na bang nahuli na nasa ibaba siya ng ibang
lalake na mas macho pa sa kanya? Hindi ang katawan mo ang fetish niya
talaga, kundi mga bouncer!

Adrian: Huag mo naman siya insultuhin!

Francis: Hindi kita ma gets! Ikaw na nga ito na ginawa niyang tanga
pero ano? Ipagtatanggol mo pa ang lalakeng yun? Niloko ka niya!
Maglinis ka nga ng tenga mo!

Sa totoo lang, gusto rin na laitin ni Adrian ang nakipagkalas na nobyo,
pero hindi niya magawang magbitaw ng masasakit na salita laban dito.
Kahit papaano ay may pinagsamahan sila ng dating nobyo na niya.

Francis: Halika! Wala naman tayong pasok bukas!
Bakit hindi muna tayo mag inuman! Yung tipong magwawala
ka after mong malasing ng bongga! Pero huag kang magbabasag
ng bote ha! Hahahaha!

Adrian: Saan naman tayo mag iinuman?

Francis: Sa beerhouse! Gusto mo magmababae tayo para lalo
kang magising sa sarili mo kung bakit ka tanga!

Adrian: Ok!

Francis: Hoy! Joke lang! Baka ako ang masiraan ng bait pag
sa ganung lugar tayo napunta talaga!

At ang ending nga ng magkaibigan ay sa Obar. Isang kilalang disco
bar na puntahan ng mga gaya nila. Mga nalulungkot, mga nagsasaya
at mga nais lamang ay makakilala ng bagong kaibigan.

Napansin na lamang ni Adrian ang mga matang nakadapo sa kinaroroonan niya.
Patay malisya niya itong hindi pinansin. Hinanap na lamang ng paningin niya ang
kinaroroonan ng kabigan. Patuloy pa rin ito sa paghataw sa pagsayaw. At may
iba na naman itong kausap at kapareha.

Geof: Hi! Ako nga pala si Geof! Nag iisa ka yata!

Adrian: May kasama ako actually!

Geof: Kanina pa kita tinitingnan!

Adrian: Eh di kanina mo pa pala ako napansin!

Geof: Ang sungit mo naman!

Adrian: Oo!

Katahimikan ang namagitan sa dalawa. Pero ang estranghero na yun ay
bigla na lamang siya hinila sa gitna ng mga nagsasayawan. Hindi naman
niya magawang tanggihan ito dahil sa pagkakahaak nito sa kanyang bewang.

Geof: Ngayong gabi lang, puwede bang huwag mo akong sungitan!
Kapag sa mga susunod na pagkakataon na magkikita tayo muli, doon
mo nalang ako huwag pansinin!

Adrian: Eh bakit ba ang kulit mo?

Geof: Eh bakit ba ang sungit mo?

Hindi na namamalayan ni Adrian ang tagal na magkaharap sila ng lalakeng yun at
patuloy sa pagsabay sa masayang tugtugin. Hanggang sa namalayan niya na nagiging
agresibo ang lalakeng yun sa pagdikit ng katawan nito sa kanya.

Adrian: Huwag! Hindi ako nagpunta dito gaya ng iba!

Geof: Alam kong malungkot ka! Nakikita ko sa mga mata mo!

Adrian: Gusto ko nang maupo!

Nakipagtitigan ang lalakeng yun sa kanya. Hindi naman ito
tinanggihan ni Adrian. Pero ang napansin niya sa mata ng lalakeng yun,
pangungulila. Mas nakakabagabag na kalungkutan.

Geof: Pwede bang makipagkilala ulit sayo?!

Adrian: Para kang....

Geof: Tanga! Oo, kung ikaw ay masungit, ako naman ay tanga!
At napansin mo yun!

Pinilit ni Adrian na kumawala sa pagkakawak nito sa kanyang
bewang at nakipagsiksikan sa mga taong naroon para lumabas sa
lugar na yun. Hindi niya napigilan ang hindi mapaluha hindi dahil sa
usokkundi dahil sa isang alaala. Ganun ang eksena ng makilala niya
ang dating nobyo at bumalik sa kanya ang mga alaalang yun na parang
lalong nagbibigay sakit sa kalooban niya.

Francis: May kasalanan ako sayo! Dito mo nga pala nakilala
yung mokong na yun!

Adrian: Sa palagay mo, lahat ng naririto ang sasabihin ay ganito, ganyan
at pagkatapos ay hindi pala totoo?

Francis: Hindi naman lahat! May mga gaya mo! Gaya ko! At gaya nila!

Adrian: Wala akong naiitindihan! Kasi nasasaktan ako sa katotohanan
na nagpaka tanga ako!

At isang sulyap ang ibinalik ni Adrian sa lugar na yun.
Doon ay hindi niya napigilan ang hindi mapaluha sa sobrang
sakit na pinapaalala nito sa kanya.


--end--





Sunday, April 22, 2012

sa puerto galera

Pasikat na ang araw. Nararamdaman na ni Christian ang init na dulot
ng sinag ng araw na sumisilip sa makapal na ulap na pinagtataguan nito.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa mga taong kasabayan niya na patungo
sa isang paraiso. Sa isang isla na sinasabing makakatulong upang kahit
paano ay makalimot sa mga problema sa buhay ng isang tao sa magulong
syudad sa kalakhang maynila.

Nag-aayos na nang mga gamit ang mga kapwa niya bakasyunista.
At ang kaibigan na kasama niya sa bakasyon na yun.

Dore: Eto na talaga ang life na sinasabi ko sayo noon pa!
Malinis na hangin na amoy tubig alat mula sa dagat!
Magandang tanawin mula sa nakikita mong mga isla!
At iyun ang Puerto Galera mahal kong kaibigan!

Christian: Hindi na natin ito unang pagkakataon na makapunta
sa galera pero parang lagi kang excited na makarating sa lugar
na yun ha!

Dore: Hindi naman pare-pareho ang dahilan kung bakit tayo naliligaw
at napapasyal sa puerto galera di ba?

Buntong hininga lamang ang sinagot dito ni Christian. Huminto na ang bangka
sa pampang. Nag unahan na makababa sa puting buhangin ang mga naroong
bakasyunista. At kahit sina Dore at Christian ay parang mga batang nakipag-unahan
sa pila para makababa ng bangka.

At saktong pagtapak ng mga paa ng magkaibigan sa puting buhangin ay
nagtatalon si Dore dito upang makatawag pansin sa mga naroong bakasyunista.
Napapangiti na lamang sa ugaling bata ng kaibigan si Christian at nauna nang
puntahan ang kwartong naka-book sa pangalan nila.

Dalawang araw at isang gabi. Sapat ng panahon para magawang libangin
ng dalawa ang mga sarili sa buhay meron sila sa syudad. Nang makita na ni
Christian ang kwarto nila ng kaibigan, nilingon niya ito. May kausap na
foreigner at parang nagkakatuwaan pa ang mga ito dahil sa malulutong
na tawanan.

Dore: Alam mo, parang iba ang atmosphere dito ngayon!
Kasi kanina, napansin mo, mga afam agad ang nakapansin
sa beauty ko! Wagi agad ilang oras palang! Kaya ikaw,
maglibot-libot ka na habang nandito pa tayo! Enjoy life!

Christian: Hay naku Dore! Wala akong balak maghanap ng booking
sa mga ganitong lugar! Gusto ko lang talaga mag relax!

Dore: Ay! Ang linis ng isipan mo ha! Sige na nga, dedma na sayo
ang mga mangingisdang hipon! Hahahah!

Tanghaling tapat. Nakatulog muna si Dore. Kaya nagkaroon ng pagkakataon
na tumahimik ito sa panunukso sa kaibigan. Naisipan ni Christian na bilhan
na lamang ito ng tanghalian pagkatapos niya kaya lumabas na siya ng kwarto.
Nang biglang may nakabanggaan siya.

Remar: Sorry!

Sabay talikod nito. Parang nakaramdam ng anong damdamin si Christian
para sa lalakeng yun. Nakatalikod na ito sa kanya kaya hindi niya napansin
ang itsura nito. Pero maganda ang bulto ng katawan nito kahit nakatalikod.
Maputi ang kulay ng balat na namumula siguro sa init ng araw na tumatama
sa katawan nito. Nasa lima at sampu ang taas nito. Malaking tao.

Sarap na sarap si Christian sa kanyang tanghalian na tapa at sinangag na kanin.
Nang mapansin niya ang isang lalake na parang tulala. May hawak na bote
ng beer. Napatingin siya sa waterproof na relo sa kanyang bisig. Naisip na
lamang niya na normal na may umiinom sa ganung oras sa galera gawa nga
ng pampainit ng pakiramdam mula sa pagligo sa dagat. Pero ang mas ikinagulat
ni Christian ng ito ay tumingin sa kanya. Nakatitig. Parang nakikipag usap
gamit ang mga mata lamang nito.

May mga bagay na hindi malalaman ng sinuman lalo kung ito ay nasa loob
lamang ng isipan ng tao na naglalaro at pinaglalaruan ng imahinasyon.
Kaya dumarating ang mga pagkakataon na kailangan may ibang kakatuwang
bagay ang dumating para ito ay malaman.

Remar: Parang kanina lang ay nagkabanggaan tayo, ngayon ay magkausap na tayo!

Christian: Ang weird nga nu? Hehehehe!

Remar: Hanggang bukas lang din pala kayo dito! Gusto mo mamaya mag disco tayo!
Sulitin natin ang gabi! Na magkasama at bilang bagong magkakilala!

Hindi naman tumanggi dito si  Christian. Kaya masaya niya itong naikuwento
sa kabigan ng maabutan niya iktong gising na.

Dore: Ay! Walang masamang makipag kaibigan sa mga nakikilala natin dito!
Kaya lang, tayming naman yata yun! Nandito si kuya kasi cool off sila ng dyowa
niya kamo sa maynila? COOL OFF ang ginamit niya! Ikaw naman, nandito ka para
mag MOVE ON! Nakuha mo ba yung pagkakaiba sa spelling?

Christian: Huwag ka nang kill joy! Magpa party lang naman tayo eh!

Dore: Kaya nga! Advance na paalala ko lang sayo yan!

Kanina, nalaman ni Christian ang dahilan ng pagpunta roon ng binata.
Cool off daw sila ng girlfriend nito. Mababaw lang ang dahilan. At
naikuwento niya rin dito na kaya siya naroon ay dahil sa break up naman
at gusto niya makalimot kahit paano. Pero hindi niya sinabi na siya ay isang
homosexual o may pusong babae na nagtatago sa imahe ng isang lalake.
Baka magbago ang pagtingin nito sa kanya, at masasaktan siya na sa konting
panahon o oras na nakakuwentuhan niya ito ay naging palagay na agad ang
loob niya dito.

At sa bawat oras na dumaan, mas lalong naging malalim ang usapan at unaawan
ng dalawa sa mga bagay-bagay. Malalim na ang gabi. At halos isa-isa ng
umaalis sa maingay na lugar gawa ng saliw ng mga awitin ang mga naroong
bakasyunista na nagsasaya at sinusulit ang pagpunta at pananatili doon.

Ang iba ay nagpunta at naupo sa tabi ng dalampasigan. Napaka romantiko
ng ganung eksena sa paningin ni Christian. Umakbay sa kanya ang bagong
kaibigan.

Remar: Isipin mo nalang, ako ang dyowa mo!

Christian: Hahahaha! Lasing ka na!

Remar: Sinong lasing? Ako? Hahahaha!

At isang halik sa labi ang naramdaman ni Christian sa pagkakataon na yun.
Mabilis lamang ang pangyayaring yun pero sa isipan niya ay sobrang
tagal na naganap. Naitulak niya konti palayo ang nakaakbay na lalake.
Parang naguguluhan siya. Naitapon niya pa sa harap nito ang konting
laman ng hawak niyang baso.

Christian: Bakit mo ginawa yun?

Remar: Relax! Normal lang yun! Walang malisya!
Hindi ako bakla! Hindi k rin naman bakla di ba?
Katuwaan lang yun! Pasensya ka na!

Naging tahimik na lamang si Christian s mga sumunod na oras kahit
na daldal pa rin ng daldal si Remar. Wala na siyang naiintindihan sa
sinasabi nito dahil yung ginawa nito sa kanya ay hindi niya magawang
alisin sa isipan niya.

Dore: Kamusta ka! Anong oras na ikaw hinatid dito sa kwarto natin
ng boylet mong yun ah! Naka iskor ka ba?

Christian: Hinalikan niya ako!

Dore: Normal naman na halikan ka  ng mga taong sugapa
sa alak! Hindi na nila maalala yun pagnawala na yung espirito ng
alak sa katawan nila!

Christian: Sa labi niya ako hinalikan! At hindi yun normal para sa akin!

Dore: Eto naman, ang dalisay ng labi mo ha!
Sana sinunggaban mo na rin! Libre ang kwarto kanina
dahil nasa labas naman ako!

Biglang napahagulhol si Christian na hindi na ipinagtaka ng kaibigan nito.
Nilapitan ito ni Dore at niyakap.

Dore: Iyan na nga ba ang sinasabi ko!

Christian: Babalikan niya ang kanyang girlfriend pagkauwi niya!

Dore: Eh di makipagbalikan ka rin sa dyowa mo! Para quits lang kayo!

Christian: Hindi niya alam na ako ay ganito!

Dore: Hayaan mo na! Hindi naman na kayo muling magkikita!
Maraming eskenita ang maynila! Kaya imposibleng magkakasalubong
pa kayo nun!

Hindi talaga tulog si Christian. Naririnig niy ang usapan nila Dore at Remar.
Gusto siyang makita at makausap ni Remar para magpaalam na rin. Maaga
daw ang alis ng bangka na sasakyan nito pabalik sa batangas port.

Pero dhil nga nagtutulug tulugan siya naramdaman na lamang niya ang
paghagod ng tingin nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwato.

Dore: Wala na ang stalker! Puwede ka nang tumigil sa drama mo dyan!

Christian: Hindi ba siya nakahalata?

Dore: Gusto mo habulin ko para itanong ko?

Sinilip ni Christian mula sa nakaawang na pintuan ang paglayo ng bangka kung
nasaan naroon ang llakeng nagpatibik ng knyang puso sa loob lamang ng
maikling panahon. At doon dumaloy ang kanyang mga luha ng muling pagkabigo
at sa isang paraisong lugar na akala niya ay magbibigay ng kapayapaan sa kalooban
at isipan niya.

--end--
tweet me @akosichardee

Wednesday, April 18, 2012

sa barko

Anim na buwan ang kontrata ni Alexis sa paglalayag sa gitna ng karagatan.
Mahabang panahon na makakaramdam siya ng pangungulila.
Kaya naman bago pa man siya sumakay ng barko, naghabilin na siya
sa matalik na kaibigan.

Alexis: Ikaw na ang bahala sa mga maiiwanan ko dito!
Sana may maabutan pa ako ha?!

Charlie: Kung makahingi ka naman ng pabor, parang
nagdududa ka pa! Wag ka mag alala! Safe sa akin ang
mga kayamanan mo dito!

Dumating na nga ang araw na kailangan ng sumakay ng
barko ni Alexis. Hindi na siya nagpahatid sa mga kapamilya,
baka maging emosyonal pa at mahirapan ang kalooban niya.
Parang yung mga artista sa pelikula. Baha ng luha, parang namatayan
lang. Pero kahit paano ay magaan na ang pakiramdam ni Alexis
lalo pa at hindi lang naman siya ang first timer na naroon.

Dante: Dante ang pangalan ko Pare!
Bago lang din ako dito! Pareho pala tayo
na bagong recruit dito sa barko!

Alexis: Oo nga! Natutuwa naman ako at may kakilala
at kabigan na ako agad dito =))

Ilang araw pa ang nagdaan. Naging mas nagkapalagayan ng loob
sina Alexis at Dante. Syempre, naroon din ang makulit at maingay
na si Badong. Lalakeng-lalake ang palayaw. Matapang ang itsura,
pero may lihim pala itong tinatago.

Badong: Tago lang ang pagkatao ko! Sana wala ng makaalam
nito Alexis! Ikaw lang talaga ang sinabihan ko!

Alexis: Salamat sa tiwala Badong! Makakaasa ka na wala
akong sasabihan ng sikreto mo!

Hindi naging mahirap para kay Alexis ang mamuhay
na malayo sa pamilya dahil sa mga taong nakakasalamuha
niya rin. Masaya at kahit paano ay nakakabasa ng kalungkutan
ang mga kulitan at samahan nilang mga seaman sa higanteng
barko.

At isang araw, namalayan na lamang ni Alexis na parang
may nararamdaman siyang kakaiba sa kaibigang si Dante.
Sinabi niya ito kay Badong, dahil ito nga lang ang nakakaunawa
yata sa sitwasyon niya.

Badong: Confused ka Teh! Naku, baka nai-inlove ka na!
Alam mo, hindi naman bago yan sa uri ng trabaho natin!

Alexis: Ibig mong sabihin...nababading na ako? Na magiging
bakla ako?

Badong: Hindi ba pwedeng bisexual muna ang pagdaanan mo bago
ka maging bading! Excited ka naman Teh!

Dumaan pa ang mga araw. At lalong nakakaramdam ng kakaibang damdamin
si Alexis para kay Dante. Pero para kay Dante, normal lang ang lahat.
Lagi silang sabay maligo na nakahubot hubad. Tabi matulog. Nagyayakapan.
Nagtatandayan.

Dante: Oh bakit parang hindi ka mapakali diyan?

Alexis: W-wala!

Isang maalinsangan na gabi. Wala sa tabi ni Dante ang kaibigan.
Nakaramdam siya ng uhaw kaya tumayo para kumuha ng maiinom.
Nakarinig siya ng parang may impit ng ungol sa kabilang double deck
na nahaharangan lamang ng kumot. Hindi niya ito pinansin. Pero nang
marinig niya muli ito, nagka-interes na siya. Dahan dahan siyang lumapit
sa kinaroroonan ng mga impit na ungol. At dahan-dahang sumulip sa
loob nito. Kitang-kita niya, si Badong, nasa pagitan ng mga hita ni Alexis
ang ulunan nito. Nakahiga si Alexis at nasa ibaba naman si Badong.

Mabilis niyang nilisan ang lugar na yun at bumalik sa higaan.
Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Ilang minuto pa at
narinig niya ang mga palapit na yabag ng paa. Nagtulug-tulugan
si Dante. Huminga muna ng malalim si Alexis bago humiga sa tabi
ng kaibigan. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng biglang
yumakap sa kanya ang katabi. Napansin niya na nakpikit naman ito.

Hinayaan na lamang ni Alexis ang posisyon ng katabi, tumalikod siya
dito. Pero maya't maya pa ay naramdaman niya na dinidiin ni Dante
ang harapan nito sa likuran niya. Naramdaman niya ang pagtigas pati
ng kasarian nito.

Dante: Nakita ko ang ginawa nyo ni Badong! Nakita ko ang ginagawa niya sayo!

Parang napipi doon si Alexis. Hinigpitan pa ni Dante ang yakap niya dito.
At gusto naman ni Alexis ang ginagawa ng nasa likod niya.

Dante: Alexis! Bakla ka ba? Bakla ba kayo ni Badong?
Sino sa inyo ang bakla? Siya ang sumusubo, siya ba ang bakla?

Alexis: Magbabago na ba ang tingin mo sa amin?
Magbabago na ba ang tingin mo sa akin..D-Dante??

Hindi sumagot si Dante. Pinahawakan lamang nito ang kanyang
ari sa katabi. Nakuha naman ni Alexis ang gusto nito.
Binate niya ang pagkalalaki nito na kay tigas ng pagkakatindig.
Gusto sana niya tumanggi pero ayaw niya maputol ang sayang
nararamdaman niya sa lalakeng--mahal na niya siguro.

Ilang saglit lang, humalik sa noo niya si Dante. Kasabay ng pagsirit
ng katas nito. Pagkatapos ay tumalikdo na ito sa kanya. Parang
walang nangyari. At parang gustong magtampo dito ni Alexis.
Nasaktan siya sa ginawa nito, pagkatapos ng nangyari.

Ilang araw na hindi na nakakausap ni Alexis si Dante.
Sinabi niya kay Badong ang mga nangyari mula sa
aksidenteng nakita sila nito at sa ginawa niya kay Dante.

Badong: Naku Teh! Pamilyado ang taong kinahuhumalingan mo!
Sa palagay mo ipagpapalit niya ang pamilya niya sa isang...
gaya natin! Sa gaya mo =((

Alexis: Hindi naman ako umaasa! Wala akong karapatang
humingi ng kapalit mula sa kanya kahit hayaan niya akong
mahalin siya ='(

Dumaan pa ang mga araw, linggo at buwan. At ang mga huling
panahon na makikita ni Alexis ang taong nagpapabago ng kanyang
pagkatao sa gitna ng karagatan.

Hindi na kasama ni Alexis sa iisang kama ang iniibig na lalake.
Nakipagpalit ito kaya isang matandang nasa singkuwenta na ang
edad ang katabi ni Alexis sa pagtulog. Hindi naman sila nagkakusap
ng matanda.

Pero nagdesisyon na si Alexis na bago man lang matapos ang
pagkakataon nila, at bago maghiwalay ang landas nila ni Dante
ay lakas loob niya itong pinuntahan at nilapitan.

Alexis: Alam kong nagagalit ka sa akin!
Gusto ko lng na malaman mo na hindi ko
sinasadyang ma-mahalin ka! Ang mahalin ka!
Minahal kita ng hindi ko sinasadya!

Dante: Wala ka na bang ibang sasabihin na importante?

Doon tumalikod si Alexis. Ang pambabalewala sa kanyang sinabi
at damdamin ng lalakeng yun ay kasagutan na dapat na niyang
putulin ang anumang nararamdaman para dito.


-end-
tweet me @akosichardee

Saturday, April 14, 2012

sa dating kasintahan

Ika nga, NO BITTERNESS. Naging maganda ang relasyon bilang dating magkasintahan
at ngayon ay magkaibigang muli sina Ramon at Henry, mula ng tapusin nila ang
kanilang limang taon na same sex relationship.

Walang nagbago sa pakikitungo nila sa bawat isa, nariyan pa rin yung malapit sila
sa isat-isa at lambingan bilang magkaibigan na nag aalala para sa bawt isa.
Pero  may isa silang tinanggal sa nakasanayang ugnayan nila,
ang magkaroon ng sexually contact.

Ramon: I heard, may nanliligaw na sayo? Kamusta naman ang pakikipag-date mo
mula ng ako ang huli mong naka-date in that way =))

Henry: Hindi ka ba nakakaramdam ng selos? Iyun kasi ang inaasahan ko mula sayo =))

Ramon: Hindi eh! Sorry nalang friend.! Hahahaha =D

Madalas pa rin magkita ang dating magkasintahan. Minsan, kasama ang iba pa nilang
set of friends, sa work o barkada. Pero madalas silang dalawa lamang ang magkasama dahil
sila lang naman ang nagkakasundo kagaya ng pumunta sa mga rural places.

Henry: Parang walang nagbago at walang sense ang paghihiwalay natin!

Ramon: Bakit mo naman nasabi yan?

Henry: Eh lagi pa rin tayong ganito =))

Ramon: Hahahaha! Hindi kasi nakakasawa ang mga ginagawa natin!

Henry: Eh bakit kasi...

Ramon: Meron namang nagbago! No pressure! No obligations! No responsibilities!

Ewan ni Henry, pero parang hindi siya nakaka-move on pa talaga sa desisyon
nila na maging magkaibigan nalang pagkatapos ng limang taon na same
sex relationship. At naging matapat naman siya sa dine-date na
sumulpot ng maganap ang hiwalayan nila ng dating nobyo.

Daniel: Hindi ako marunong sumuko! Ganito nalang, bakit hindi mo
pag aralan ang mga bagay na puwedeng magpawala sa isip mo
tungkol sa ex mo?

Henry: Ha? Paano ko naman gagawin yun?

Daniel: Iwasan mo siya! Layuan mo kung kinakailangan! Hindi mo Masasabi
kung pareho kayo ng nararamdaman! Pero baka mas masaktan ka sa katotohanan!

Henry: Salamat sa payo at pang unawa! Nakakahiya tuloy sayo!

Daniel: Gusto kitang tulungan din na makalimot! Lalo pa
at ako ang agrabyado sa pagkakataon na ito! Hehehehe =))

Ilang araw na walang natanggap na texts o calls o invites sa mga happenings
si Ramon sa dating kasintahan. Pati sa mga facebook satus nito,
parang wala man lang siyang nakikita na naka-tag sa kanya na
gaya ng ginagawa nito dati. Hindi rin pinapansin ang mga comments
at direct messages niya sa account nito.

Laging busy at out of reach ang linya ng mobile hnumber nito.
Nagdesisyon siyang puntahan ito at bisitahin sa pad nito pero
walang tao. Ang dahilan naman ng sekretarya nito ay laging nasa
field o nasa emergency meetings.

Hanggang sa makasalubong niya ito, kasama ang isang lalake.
Estranghero kay Ramon ang mukha nito. Parang nagulat
pa si Henry ng makita ang dating nobyo.

Ramon: Hi! Nagpalit ka ba ng number?
Did you blocked me sa mga social networking accounts mo?

Henry: Hindi ah! Busy lang talaga ako this fast few days!

Ramon: Saan ka busy? I know your schedules from your secretary!
Baka busy ka with this...

Daniel: Daniel pare! Gusto ko lang linawin, hindi mo na yata sakop
ang mga personal na activities o lakad at mga gustong gawin pa ni
Henry sa araw-araw!

Ramon: Ramon here! Im sorry pare! Wala ka pa, normal na sa amin
ni Henry ang pakealamanan ang mga buhay namin!

Nakaramdam ng tensyon si Henry sa titigan ng dalawa kaya pumagitna na
siya. Pinakiusapan niya na mauna ng umalis si Daniel. Pagkatapos ay hinarap niya
ang nakangiti pang dating nobyo.

Henry: Hindi mo dapat ginawa yun! Wala namang maling sinabi
ang tao para bastusin mo ng ganun!

Ramon: Wala nga! Pero bakit parang nagagalit ka sa akin?
Ikaw na nga itong binisita!

Henry: Wala akong panahon na makipagpalitan ng
biro sayo Ramon!

Ramon: Thats it! Siya ba ang nagsabi sayo na iwasan ako? Huwag sagutin
ang mga texts at tawag ko?!

Henry: May isip na ako Ramon! Saka wala na tayo di ba? Tapos na tayo!
Hindi mo na dapat sinasabi sa akin ang mga bagay na yan!

Ramon: I see! Im sorry ha! Concern lang naman ako!
Magkaibigan pa rin naman tayo! Pero ang dating ko na pala
sayo, nangenge-alam ng buhay mo!

Pagkatapos ng argumentuhan nila, hindi na nagawang alamin pa ni Henry
ang anumang balita sa dating kasintahan. Kahit papaano, sobra siyang
naapektuhan sa nangyari. Wala naman siya gustong sisihin kundi ang sarili na lamang.

Daniel: Its that final? Do you still love him i guess!

Henry: Patawarin mo sana ako kung pinatagal ko ang...

Daniel: Naisip mo na ba na ikaw ang talo?
O maaring pareho kayo!

Henry: Hindi ko na iniisip na mapapahiya ako!

Daniel: Tell me! Magaling ba siyang humalik?
Ano ang posisyon niya sa kama? Masarap ba siyang
katabi? Tell me how! Maybe i can do much better than him...

Garalgal na ang boses ni Daniel. Parang gusto itong aluin ni
Henry pero baka isipin naman nito na maario pang magbago
ang isip niya na tumigil na sa pakikipag-date dito.

Henry: Hindi ko kasi magawang kalimutan kahit anong
pilit ang gawin ko! Mahal ko pa rin siya!

Tumango na lamang si Daniel at niyakap ang kaharap.
Dinama ang pagkakataon na kapiling ang akala niya ay
lalakeng magiging kanya. Yakap na puno ng pagmamahal,
pang unawa at pagpapalaya.

Gwapo pa rin sa paningin ni Henry ang dating kasintahan ng maabutan
niya ito sa tirahan nito.Nagdesisyon siya na puntahan ito para
malaman ang totoong damdamin nito para sa kanya.
Kahit na alam niyang maaring siyang mabigo sa inaasahan niya.

Napansin niya ang balbas na tumutubo sa baba nito.
Naroon ang gusot na damit na suot nito.
Makalat ang paligid ng ilibot niya ang paningin.


Henry: Parang binagyo ang bahay mo!
Nasaan ba ang shave mo? Ang suklay?
Kumain ka na ba? May dala akong...

Hinawakan ni Ramon ang kamay ng dating kasintahan.
Huminga siya ng malalim at tinitigan ito.
Parang napapaso naman doon si Henry.

Ramon: Bakit parang mugto iyang mga mata mo?
Napuwing ka ba?

Henry: Oo! Masyadong maalikabok ang loob ng bahay mo,
kaya pagbukas ko palang ng pinto napuwing na ako!

Ramon: Sinaktan ka ba ng gagong yun?

Henry: Ikaw ang gago!

Ramon: Samahan mo ako kung nasaan ang kinaroroonan ng gagong yun!

Henry: Magagawa mo kayang gulpihin ang sarili mo?

Ramon: Ayaw mo resbakan ko para sayo?

Henry: Ikaw ang nagpapahirap sa kalooban ko Ramon!

Ramon: Hindi ko maintindihan ang mga sagot at sinabi mo!
Pero dito sa puso at isip ko, alam mo na ang sabi?
Mahal pa rin kita!

Henry: Bakit nga ba?

Ramon: Hindi ko alam! Pero kung may umagaw sayo,
bago mahuli ang lahat, babawiin kita!

Doon na tuluyang napayakap at napaluha si Henry sa binitawang salita ng dating kasintahan.

Saturday, April 7, 2012

sa kanya pa rin II

Aminado si Ross sa sarili, nahulog na siya sa sariling patibong.
Inlove na siya sa isang lalake. Sa isang taong may karelasyon na.
Hindi pa man niya ito naipapakita ng buo, pighati na agad ang
naisukli sa kanya.

Andrei: Weh? Binalaan na kita noong una palang friend!
Ikaw mismo ang humuli sa sarili mo sa maling bingwitan!
Gusto mo ba ng sapak o sampal?

Ross: Hindi ako nananaginip! Gising ako at hindi tulog
ng nagaganap sa akin ang ganitong damdamin para sa
taong yun! Pero nararamdaman ko, kahit unti, may
nabubuo rin siyang damdamin para sa akin...

Andrei: Meron nga! Libog!

Pero hindi iyun nararamdaman ni Ross sa tuwing magkasalo nilang
pinapaligaya ni Jefferson ang bawat isa. Takot na ang pumapalit
pagkatapos ng ligaya.

Jefferson: Kailan mo pa balak itong tapusin?

Ross: Hindi ka na ba masaya?

Jefferson: Saan? Sa palaging ganito? Sa ilang beses na panloloko
na ginagawa ko sa boyfriend ko? Ikaw lang masaya sa pagsira
sa aming dalawa!

Ross: Wala ka na bang ibang nararamdaman sa tuwing magkasama tayo
sa iisang kama? Sa iisang kwarto?

Jefferson: Meron! Pagsisisi!

Parang sinampal doon si Ross. Iyun na yata ang pinakamalaking
insulto na natanggap niya sa mga sandaling yun.

Finally, sa isang hindi inaasahang pagkakataon at lugar, nag-krus
ang landas ng dalawang tao na may kaugnayan sa iisang lalake.

Ross: Hi! Ako si Ross! Ikaw pala ang boyfriend nang...

Norman: Kinakalantari mo! Ako si Norman! Ang mahal at
natitiyak kong pipiliin ni Jefferson!

Ross: Hindi kita nauunawaan sa sinasabi mo!

Norman: Best Actor! Huwag na tayong magpatay malisya!
Kilala kita! Kilala ko ang mga kagaya mo!

Ross: Huwag mo naman sana lakasan ang boses mo!

Norman: Uso pa ba ang hiya sayo? Parausan ka lang!

Tumalikod dito si Ross. Nasasaktan na siya sa mga patutsada ng
taong yun. Pero pinigilan niya ang sarili na makipagbanggaan pa dito.
Isa pa, may punto ito sa mga sinabi sa kanya. Pero masakit ang
katotohanan na nagmumula sa taong ito na mahal ng mahal niya.

Andrei: Nagpa-api ka? Gusto mo ipa-salvage ko ang malditang yun?

Ross: Wala akong karapatan na makipagpalitan ng masasakit na salita sa
kanya! Pero sa susunod na magkikita kami...

Andrei: Magdala ka na ng armalite!

Hindi inaasahan ni Norman na susugod ng biglaan ang nobyo sa
kinaroroonan niya. Pero mas galit siya dito. Sigawan. Murahan.
Ang palitan nila ng mga salita na hindi direktang pinapatama sa bawat
isa. Hanggang sa parehong luhaan ang kinauwian.

Jefferson: Hindi mo pa rin siya dapat pinagsabihan ng mga salitang
hindi maganda! Tao pa rin siya na...

Norman: Pinagtatanggol mo ba siya?

Jefferson: Ikaw ang mahal ko at ikaw ang pipiliin ko!

Norman: Pero siya ang ikinakama mo!
Siya ang pinapasok mo! Siya ang kaungulan mo!
Magaling ba siya?

Jefferson: Huwag na natin ito pahabain pa!

Norman: Ipinaglalaban ko lang kung ano ang akin!
Ang tanong ko sayo, akin ka pa ba?

Hindi malaman ni Ross ang dahilan ng pagiging emosyonal niya.
Kung sa sobrang alkohol ba nang nainom niya o nang makita
ang imahe na kanina pa naglalaro sa isipan niya habang nagpapaka
lango sa iniinom niya.

Ross: Mahal kita Jeff...At iyun ang tangi kong huling
sasabihin sayo!

Jefferson: Ross! Lets stop this here! Huwag mo ng pahirapan ang sitwasyon!
Una palang alam mo na ang sagot sa tanong mo! Hindi ko kayang suklian ang
anumang nararamdaman mong pagmamahal sa akin!

Wala ng lakas si Ross para tumayo at lumapit sa lalakeng yun para
bigyan ng isang malakas na tampal, sundok o sampal na magagawa niya dito.
Niyakap na lamang niya ang sarili habang luhaan na hinatid ng tanaw ang tumalikod
na lalake na dahan-dahang lumalayo sa kanya.

Sikat na ang araw. Maliwanag na ng magising si Norman. Gaya ng dati,
parang naroon pa rin ang pangamba na walang katabing magigisnan sa
pagmulat niya ng mga mata. Pero sa pagbangon niya ay may mga bisig na
pumigil sa kanya.

Jefferson: Hi! I miss you!

Norman: I miss you too!

Jefferson: I love you and im sorry!

Norman: I love you too...

Sa bagong umaga, handa na muling harapin ng dalawa ang darating pang pagsubok na
dadaan sa relasyon nila at susubok sa tatag ng kanilang pagmamahalan.

--end--

sa kanya pa rin

Mahal na mahal ni Norman si Jefferson. Walang sandali na hindi niya ito pinaparamdam sa nobyo.
Kahit na tutol ang mundo sa kanilang relasyon, handa niya itong ipagsigawan. hindi man sila nagkikita
gawa ng mga oras sa trabaho at hindi nagkakasama dahil sa mga kanya-kanyang lakad lalo sa pamilya,
nariyan naman ang mga tawagan nila sa isat isa kasama ang mga sweet na texts messages.

Norman: Mahal ko! I love you! Hindi ko alam kung anung buhay meron ako kung
mawawala ka sa akin...

Jefferson: Mahal ko! I love you too! Hindi naman kumpleto ang buhay ko kung wala ka
sa piling ko...

Sa mga ganung kataga lamang, ay sapat na para maibsan ang pangungulila nila sa isat-isa
kapag magkasama na.

Hindi naniniwala sa same sex relationship si Ross. Mas nag-eenjoy pa siya na unawain
na ang mga kagaya niya na baliko ang pagkatao ay gusto ng one night stand relationship.
Pagkatapos lamang ng isang gabing ulayawan, ay magkakalimutan na. At lahat ng nagugustuhan niya
na maikama ay isang malaking paghamon sa kanyang kakayahan.

Andrei: Hey sex searcher! Very inlababu na yang msi Jefferson sa boyfriend niya!
Ayaw ko ng mga tingin mong yan! Huwag mo ng ituloy ang naglalaro sa isipan mo!

Ross: Relax! Wala pa nga akong sinasabi, binabasa mo na agad ng advance ang nasa isipan ko
my dearest friend! Sana suportahan mo nalang ako bilang kaibigan mo!

Pero sadyang kontra ang pagkakataon para kay Ross. Isnabero ang manager. Parang hindi
nga siya napapansin nito at parang normal lang na hinaharang niya ito sa tuwing mapapadaan
sa harapan niya. At ilang beses nang nangyayari yun. Nayayamot siya.

Norman: Baka naman sa ginagawa mo ay mawalan ka ng trabaho! Pakisamahan
mo nang maayos ang kaibigan ng boss mo!

Jefferson: Huwag mong alalahanin ang trabaho ko! Kilala ko ang mga ganung klaseng tao!
Pero alam mo, hindi naman niya ako kayang tuksuin eh, kasi ikaw ang laging nasa isipan ko na
pangontra!

Pero tao lang din naman si Jefferson. May pangangailangan. Naganap ang nais ni Ross sa
pagitan nilang dalawa. Mahabang katahimikan ang namagitan ng matapos ang isang gabi ng kasalanan.

Ross: Gusto ko magpasalamat sa pagkakataon na ito---

Jefferson: Huwag na! Siguro naman titigilan mo na ako pagkatapos ng nangyari!

Hindi natuturuan ang damdamin. Maaring isip lamang ang nasusunod upang magpakaligaya
sa piling ng taong hindi puso ang nakikinabang.

Norman: Anong ginawa mo? Sa kama mo pinakitunguhan?

Jefferson: Sabi mo pakitunguan ko ng maganda ang kaibigan ng amo ko? Bakit ngayon,
parang pinagseselosan mo pa ang ganung normal na bagay?

Norman: Paanong pakikitungo? Nag sex kayo? Ilang round?
Ilang beses? Masarap ba siya? Magaling humalik?

Maari bang itapat sa isang perfect lover ang isang perfect sexmate?
At iyun ang posisyon ni Ross sa mga ganung pagkakataon sa tuwing
nakikisiping siya sa lalakeng pagmamay-ari ng iba.
Pero higit pa roon ang nais niya sa tuwing katabi sa kama ang
lalakeng yun.

Ross: Paano kung sabihin ko isang araw na...

Jefferson: Na mahal mo na ako? Hahahaha! im sorry Ross,
pero hindi lingid sayo na committed na ako!
Fun lang naman itong ginagawa natin!

Ross: Alam ko naman na imposible! Kasi sa ganito lang tayo
masaya! Ang magparaos sa ista-isa!

Jefferson: Si Norman pa rin ang pipiliin ko...

Umaga. Mainit ang sikat ng araw. Lumapit si Jefferson sa
nakaupong nobyo sa paborito nilang lugar malapit sa isang lawa.
Iniabot niya rito ang dalang bulaklak. Yumakap dito si Norman
at napaluha. Mahal na mahal niya talaga ang nobyo, kahit
nasasaktan niya ito at nasasakal sa pagmamahal, at ganun
din naman si Jefferson dito.