Sunday, April 27, 2014

Perfect Match?

Kung baga sa pagkain, sila ay puto at dinuguan. Talagang match ika nga, mula na rin sa mga kaibigan at kakilala nila. Na sila ang iniidolo at gustong maging katulad ng kanilang relasyon, masaya lamang at walang mabigat na mga problemang maging dahilan para sila ay magkahiwalay.

Ang saya ni Ron habang kapiling ang nobyo, dahil minsan nga lang sila magkaroon ng panahon sa isat isa na magkasama dahil sa trabaho ni alex na kung saan saan nadedestino, hindi naman iyun ikigagalit ni Ron dahil bago niya nakilala ang nobyo ay ganung uri na talaga ang trabaho nito.

Kung may mga dahilan para sila ay magtampuhan, iyun ay minsang pangungulila ni Ron sa nobyo at ilang beses na pagpapaliwanag ni alex na ganun talaga, hindi sa lahat ng oras, laging langit ang relasyon nila.

Marami ang nagsasabing mahirap ihandle ang long distance relationship pero nagawa naman iyung itawid ng magnobyo, minsan pinaghihinalaan nila ang isat-isa pero natatapos ang usapan sa paghingi ng "sorry" at pagsagot ng "nauunawaan ko".

Wala naman talagang perfect match sa relasyon ng dalawa, magkasalungat sila sa marabing bagay, pero isa sa kanila ang nakikinig nalang kapag hindi na talaga mapigilan ang palitan nila ng mga kuro-kuro.

Ang tukso sa kanila ay nasa paligid lang, sinasabi nila sa bawat isa ang mga paghanga nila sa ibang tao o may ibang nagpapakita sa kanila ng interes, sa huli, nagbibiruan na lamang sila at sinasabing "gwapo kasi itong boyfriend mo eh!" o "bakit kasi namili ka ng malakas ang charm!".

Hindi masasabi ni Ron na hindi siya nasasaktan sa mga taong malalapit sa nobyo, pero mas pinaniniwalaan niya ang nobyo na kaya nitong umiwas basta naroon yung pagtitiwala niya.

Hindi rin naman masasabi ni Alex na masayang masaya siya sa relasyon nila ni Ron pero alam niya sa sarili niya na swerte siya dahil ang gaya nito ang nandyan para sa kanya sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya.

Kapag nakakakita sila ng mga couples na gaya nila, lagi nilang sinasabi na sana ay ganun sila, kahit sa paningin lang ay masasabing maligaya sila, dahil hindi naman alam ng ibang tao ang totoong nangyayari sa relasyon ng dalawang tao.

Monday, April 21, 2014

hanggang pantasya kay bokalista

Hindi naman siya ubod ng gwapo at lalong hindi naman siya gwapo, pero anong meron sa bokalistang yun para hangaan at kiligan ng mga nakikilala ko sa buong school campus.

Mula ng makita siya na nagperform sa isang school program, parang lagi na siyang kadikit ng isipan ko, madalas ay siya din ang topic ng mga classmates kong girls at pa-girls sa classroom imbes na nagre-revoew kami ng mga lessons at nag mememorise para sa mga recitations.

Pareho pa ang kurso namin, pero ahead siya ng 2 years sa amin. Heartthrob pala siya ng school campus kaya ganun nalang ang dami ng followers niya, at ganun nalang ang kilig ng mga nasaa gilid ng hallway pag napapadaan siya.

Paano nga ba kami nagkaroon ng chance na magkakilala? Ehem! Dahil freshman ako, at gusto ko maging superstar sa school campus, nag apply ako maging editorial writer at hindi ako plastic na tao kung hindi ko sasabihing gusto ko maging editor in chief balang araw sa school paper.

Doon nagsimula ang pangarap ko, napansin ng mga aktibista ang isang na-submit kong article, at bonus nalang na may mga school campus party list ang gusto akong kunin bilang representative ng aking year.

Pero ang kuwento talaga, nagkaroon kami ng pagkakataon ng bokalista na magkangitian sa daan, magkakuwentuhan tungkol sa mga subjects at teachers. Doon yata nagsimula na mahulog ang loob ko sa kanya.

Type siya ng mga classmates ko, kaya naman dahil hindi naman ako OUT, itinago ko nalang ang nararamdaman kong kilig sa bokalista.

Nagkausap rin kami sa phone sa gitna ng aking trabaho, tinuruan niya ako sa kung paano makipag usap sa mga tintawagan at paano banggitin ang " interested to intrested ", hindi niya alam, interesado ako sa kanya.

Sa ngayon, wala na akong balita sa kanya, ang huling nalaman ko ay nagbabanda pa rin siya. Kasama ng mga dati niyang college classmates at kaibigan.

Aminado ako na pinantasya ko rin siya...na magustuhan niya rin ako...pero malabo nga naman yun ;P


Saturday, April 12, 2014

may pagka-choosy nga ba?

Ever since, alam naman ni Bon na hindi talaga siya sanay na magpatali sa isang relasyon. Kaya nga every time na nasa mga parties siya, kung sinu-sino nalang ang nakikita niyang kasama, kasayaw o kahalikan, in public o in private place man. Parang sanay na rin ang mga tao na nakikita siya na kung sinu-sino ang pinapakilala niya na "friends with benefits".

Pero minsan, kapag napag iisa si Bon, naiisip niya kung bakit nga ba hindi siya nagkakaroon ng seryosong relasyon. Sino nga ba ang may problema, yung mga nakikilala niya o siya mismo?

Minsan, sa pag iinarte niya, akala niya ay OK iyun sa mga taong nasa paligid niya. May naiinis kasi iba ang sinasabi niya sa kinikilos niya. Lagi niyang sinasabi na hindi naman siya "choosy" pero may "standard" lang. Ano ang pinagkaiba nun?

Hindi naman daw siya tumitingin sa panlabas na anyo, ang parang sinasabi niya na ang mga naikakama niya na may mga dating at itsura, hindi niya talaga balak na seryosohin pagkatapos nilang pagsaluhan ang panandaliang saya at ligaya? O baka naman sinubukan niya, pero dahil nga sa nasanay siya na kapag attracted siya sa iba, yun ang target niya na bibigyan ng motibo para magkainteres sa kanya at pagkatapos ng mangyayari sa kanila ng kasiping niya, tapos na. Wala ng dapat pang pag usapan.

Normal na kay Bon ang ganung sitwasyon base sa mga nakakasalamuha at mga karanasan ng mga kaibigan j na nakilala niya sa mga mutual friends, parties, text clan at ibat-iba pang grupo.

Parang halos lahat na yata ng kapilyuhan ay nagawa na ni Bon, ang makipag relasyon sa may karelasyon, ang makipag sex sa may karelasyon, ang landiin ang may karelasyon at iba pa. At ang masama pa nito, karelasyon ng kaibigan niya ang tinatalo pa niya.

Maraming dinedenay si Bon, na kapag tinatanong sa kanya ang isang tao na minsang nakitang kalampungan niya, sasabihin niya na regular pa rin silang magkatext at gusto siya nito, pero iba naman ang kasama o nilalandi niya sa mga oras na yun. Kaya hindi kapani-paniwala ang pag depensa niya sa sarili sa iba na isa siyang seryosong tao sa pakikipag relasyon.

Nandoon ang insecurities ni Bon, sa ugali, sa itsura at sa estado ng buhay ng ibang tao, kaya naman hindi rin maganda ang mga nasasabi nito kapag hindi niya gusto ang ibang tao. Maingay, pabida at gusto lagi siya ang pinapakinggan at sikat na akala niya ay palaging dahilan para mas mapansin siya ng lahat ng nasa paligid niya. Sabi nga, hindi lahat ng tao, kaya mong magustuhan ka. May ayaw talaga sayo.

Kaya may ilang mga kaibigan o tao na iniiwasan siya, hindi dahil sa ayaw sa kanya, kundi dahil na rin para malaman niya ang halaga ng pakikipag kaibigan ng totoo, hindi lang dahil sa nakakasama sa kasiyahan lamang, sa inuman, sa kantahan, sa tawanan, kundi sa buhay na kung saan ikaw ay dumadaan sa totoong kahulugan ng buhay sa kalungkutan at kaligayahan.

May itsura si Bon, pero naroon ang mga pagkakataon na hindi siya ang laging bida sa bawat eksena, may mas lalamang talaga sa kanya, hindi dahil sa itsura, kundi sa kung paano makipag kapwa tao. hindi dahil sa maingay ka, kundi sa kung paano mo pinag iisipan ang sasabihin mo. At hindi dahil sa may alam ka, kundi kung paano ka makinig sa mga opinyon din ng iba. Huwag ipilit ang sariling opinyon na tama, dahil nagiging tama lang naman iyan kung marami kayong nagkakasundo sa pinag dedebatehan.

Matututo lang si Bon sa bawat karanasan niya, at hindi rin natin siya mahuhusguhan kung bakit may mga bagay na siya lamang ang nakakaunawa.

Wednesday, April 9, 2014

Sa Umpisa Lang Ba Masaya...

Kapag ikaw ay nasa in a relationship at sa pakiramdam mo ay walang problema sa pagitan ninyong dalawa sa anumang bagay, lubos na ang iyong kaligayahan.

Lance: Excited na ako sa aming unang taon bilang magka-relasyon =)

Fer: Huwag ka nga masyadong masaya, baka mamaya, umiyak ka sa huli niyan!

Lance: Umiyak sa kaligayahan?

Madalas, sa sobrang saya, dahil sa relasyon na walang problema, nababalewala na natin ang mga taong nakakapansin sa pagbabago ng pananaw at mga ugali natin.

Lance: O ayan! Pinagluto kita ng paborito mo! Happy anniversary =))

Jon: Sorry babe ha! Nawala sa isip ko ang araw na ito! Sobrang busy lang sa work! Wala pa akong naibigay man lang sayo na kahit ano!

Lance: Wala naman yun! Naiintindihan ko naman =))

Pero yung pakiramdam na parang bigla kang nalungkot lang dahil nga umasa ka rin na may espesyal na mga bagay ang paghahanda niya sa unang taon ng pagdiriwang ninyo bilang magkarelasyon. Pero wala pala.

Lance: Lahat ng bagay, kaya ko naman unawain! Saka, hindi big deal sa akin yun pagkalimot niya!

Fer: Kung talagang mahalaga siya sayo, pahahalagahan niya ang mga bagay at araw na mahalaga sayo, gaya ng pagpapahalaga mo sa mga mahahalaga sa kanya!

Magigising nalang tayo isang araw, na parang hindi na saya ang hatid ng isang relasyon kung isa lang naman ang nagpapaalala na may mga bagay palang dapat bigyan pansin at pansinin.

Jon: Nagagalit ka dahil nakalimutan ko ang birthday mo? Simpleng bagay lang naman yan babe! Babawi ako next time!

Lance: Hindi mo naiintindihan! Kahit lukot ng kwelyo ng suot mong polo, pinapansin ko para lang maisip mo na ganun kita gustong pahalagahan! Pero siguro kahit galos sa kamay ko, hindi mo oobligahin pang alamin dahil parang wala din naman sayo =(

May mga relasyon talaga na parang sa umpisa lang nagiging maayos, hindi man lahatin, pero sa mga karanasan, masasabi mong may mga maliliit na detalye na nasaktan ka sa pambabalewala ng taong mahalaga sayo, sinadya man o hindi.

Tuesday, April 8, 2014

Bokya sa Kaibigan

Ang magkagusto sa kaibigan, parang ang hirap umaasa na suklian. Hindi mo rin naman masasabi kung ano ang nararamdaaman niya sayo at maararamdaman niya kung sakaling malaman niya na gusto mo siya ng higit pa sa isang kaibigan.

Lately lang naramdaman ni Joseph na gusto niya ang kaibigang si Clarenz. Siguro dahil sa madalas silang magkasama at magkausap.

Napatunayan ni Joseph na hindi lang sa mga kasiyahan niya kasama ang kaibigan kundi sa mga malulungkot na pangyayari din ng kanyang buhay.

Nakakaramdam siya ng selos kapag nalalaman niyang may mga ibang dine date ang kaibigan, pero anong karapatan niya para komprontahin ito. Kaibigan lang naman siya nito.

Minsan, ayaw pag usapan ni Joseph ang mga tungkol sa mga nagugustuhang tao ng kaibigan, pero hindi niya magawa itong sabihin na ayaw nga niya pag usapan.

Minsan na rin siyang nilambing nng kaibigan ng magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, kaya naman madali niya itong napapatawad.

Madaling pangarapin na sana ay magbago ang pagtingin sa kanya ng kaibigan, pero mahirap naman isugal na sabihin dito ang kanyang totoong nararamdaman, baka may magbago. At natatakot si Joseph ma may magbago nga sa pagitan nila ng kaibigan.

Masaya na siya na ganun sila ng kaibigan, sapat na sa kanya na ganun nalang sila, sapat na kay Joseph ang maging bokya nalang sa pagtingin ng kaibigan.

Monday, April 7, 2014

ang BISITA sa Birthday Party

Naimbitahan kami ng aking kaibigan sa isang "shala" na birthday event. Aligaga tuloy ako kung anong isusuot ko dahil nga "shala" yung event na yun, bukod sa siguradong "shala" rin ang mga bisitang pupunta.

Ilang araw din namin yun pinag usapan at naging topic ng aking kaibigan, excited kami dahil nga bihira kami maimbitahan sa mga "shala" na event. Sa sarili ko, alam kong hindi ko afford ang makipagsabayan sa mga naroong bisita, dahil hindi naman ako "shala", isang simpleng nilalang lang na may sapat na bagay para mabuhay din sa mundong ibabaw.

Dumating ang araw na yun, at nakahanda na akong magbyahe kasabay ang aking kaibigan. Sinigurado namin na magiging maayos kami sa paningin ng ibang naroon na bisita.

: Oh alam mo na ha! Kapag may nagpakita ng interes, at mukhang amoy oto, grab the opportunity! Wag lalamya-lamya!

: Social climber lang ang peg natin?

Nagtawanan kaming magkaibigan. Kailangan namin na libangin ang aming sarili dahil nga hindi naman maitatago sa mga itsura namin na kabado kami, dahil nga hindi naman ordinaryong lugar, mga tao at pagkakataon ang aming mararanasan sa gabing yun.

Dumating kami sa lugar na yun, hindi naman kami late kaya nagpasalamat kami dahil hindi pa masyadong matao at hindi kami mapapansin. Nilapitan kami ng celebrant, binati namin siya at inabot namin ang aming regalo. Niyakap niya kami at nagsabi ng " Nag abala pa kayo? Kayo lang yata ang nagdala ng regalo =) ", hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung insulto ba yun o pasasalamat. Iniwan kami saglit ng celebrant at agad akong hinarap ng kaibigan ko.

: Baka naman kasi sa kultura nila, wala na talagang regalo! Oh maybe, walang pambili ang mga bisita niya ng regalo! Mas bigtime pa pala tayo sa mga bisita niyang "shala"!

Natawa ako doon sa biro ng aking kaibigan. alam ko naman na pinapagaan niya lang ang sitwasyon, para hindi ako mag isip ng kung ano pa.

Ilang oras na rin kaming nananatili ng aking kaibigan sa party na yun. Maraming pagkain, alak at mga bisitang amin na ring nakikilala dahil sa celebrant.

Hanggang sa may isang bisita na lumapit sa amin. Parang medyo may tama na sa nainom niyang alak. Kumunot ang noo ng aking kaibigan dahil sa angas at pagpapapansin ng bisitang yun sa mga naroong ibat-ibang grupo. Pati nga sa amin ay nakipagkuwentuhan. Inalok pa kami ng dala niyang baso na may laman ng alak. May bote na, may baso pa. At base sa kulay, mukhang magkaiba ang alak na iniinom nito.

Sandaling nagpaalam ang aking kaibigan, hindi ko naman siya pwedeng sundan dahil baka isipin ng bisitang yun na iniiwasan ko isya.

: Talk to me!

Bigla akong napatingin sa mukha niya. Infairness naman, gwapo ang bisitang yun. May pagkamayabang lang talaga. Siya nga ang crowd favorite dahil halos lahat yata sa kanya nakatingin. At mukhang pati ako ay pinagtitinginan ng mga naroong kapwa ko bisita.

: Nahihiya ka ba sa akin?

Ang muling narinig ko na sinabi ng bisitang yun. Sasagot na sana ako ng nasa likuran ko na ang celebrant at inakbayan ang bisitang yun. Mukhang type ng celebrant ang bisitang yun. Napangiti ako, at nakahinga ng maluwag ng naakay na ng celebrant palayo sa akin ang bisitang yun.

: Wala na ba ang eksenadora?

Ang salubong sa akin ng aking kaibigan. Nagkibit balikat lamang ako. Pero naramdaman ko, na parang may ibang paghanga ako sa bisitang yun. Sayang nga lang, at wala akong pagkakataon na makilala at makausap pa siya hanggang sa unti-unti ng nawawala ang mga bisitang naroon. Hindi ko na siya nasilayan pa, baka nakatulog na o umalis na ng hindi ko namamalayan man lang.