Monday, October 28, 2013

sa Halloween party

Nagkakataon  ba na may nakikilala ka sa mga lugar na hindi mo inaasahan?

Alex: Nice costume! Bagay sayo ang maging bampira =)

Fred: Salamat! Bagay din naman sayo ang suot mo! Paborito ko siyang anime character!

Ang minsang pagkakabangga ng mga siko ay maaari pang masundan ng pagkakasalubong ng mga paningin sa isat-isa.

Alex: Are you alone? May mga kasama ka ba? Nasaan sila?

Fred: Nasa tabi-tabi lang! Nag eenjoy! Ikaw? Nasaan ang mga kasama mo?

Alex: Kanina may hinihintay ako! Pero sa ngayon, mukhang malabo na yatang makarating pa!

Fred: Malungkot ang mag isa! Eh di mag isa ka niyan ngayon!

Alex: Nope! May kasama na ako ngayon!

Fred: Ha? Nasaan?

Alex: Ikaw!

May mga bagay at pangyayari talaga tayong hindi inaasahan, gaya ng may nakikilala ka sa mga simpleng bagay, nakakakuwentuhan dahil may pinagkatuwaan at may nakakausap ng hindi mo alam ang dahilan kung bakit nga ba kayo nagkalapit at nagkatabi na lamang.

Fred: Hulaan ko, malungkot ka talaga dahil nga hindi na nakarating yung inaasahan mo na makakasama mo dito sana!

Alex: Siguro malulungkot ako kung dumating siya!

Fred: Ha? Bakit naman? Parang baligtad naman!

Alex: Kasi kung nandito siya, hindi siguro kita makikilala!

Madalas tayong napapangiti ng lihim kapag may mga taong nagsasabi ng kanilang mga simpleng papuri sa atin. Pero madalas, umaasa tayo na higit pa roon ang maririnig natin mula sa kanila sa bawat pag galaw ng mga oras.

Alex: Sana, maging magkaibigan tayo!

Fred: Bakit naman hindi? Mukha ka namang mabait!

Alex: Ikaw din! Parang ang bait mo din!

Minsan, may mga kahilingan tayo sa ating isip lamang na sana ay hindi na matapos ang bawat sandali na kasama natin ang mga bagong nakilala, dahil nga tayo ay parang nahuhulog ang kalooban sa kanila.

Alex: Sana hindi lang tayo dito magkita at magkakuwentuhan! I mean, kumain sa labas! Manood ng movies?

Fred: Oo naman! Basta huwag lang horror! Matatakutin kasi ako!

May mga bagay tayo na nasasabi na hindi naman natin talaga intensyon. Lumalabas na biro ito sa iba, pero kapag nagawa mo nga silang mapatawa o mapasaya, kahit hindi mo naman talaga gusto ang nasabi mo, tatahimik ka na lang.

Alex: Salamat ha! Alam mo, sa dami ng mga narito, ikaw lang yung bukod tanging pumansin sa akin dito!

Fred: Bakit mo naman nasabi yan?

Alex: Pangit siguro ako sa paningin nila dahil sa suot ko!

Fred: Hindi naman kita nakitang pangit sa suot mo, siguro dahil mas nauna kitang nakilala kesa pinagmamasdan!

Masaya sa pakiramdam ang may bagong kaibigan. Lalo pa at uukit siya ng bagong alaala sa iyong isipan kahit matapos ang mga sandalinng una kayong nagkausap at nagkakilala.

Fred: Sandali nga pala, kukuha muna ako ng maiinom natin!

Alex: Ha? Aalis ka?

Fred: Saglit lang naman ako!

Alex: Hindi na ba kita mapipigilan?

Fred: Hihintayin mo naman ako di ba?

Alex: Kung mawala ba ako dito, hahanapin mo ba ako?

Fred: Oo naman!

Alex: Maghihintay ako!

Pero wala pa yata ilang minuto ang nagdaan, gusto mo ng balikan at lingunin ang bagong kakilala.

Alex: Fred!

At sa ating paglingon sa isang nakaraan, magigising tayo sa isang katotohanan. Isang magandang panaginip na lumipas na pero bumabalik pa sa ating mga alaala.

Ang mga lumisan na, madalas nagpapakita sa ating mga panaginip upang ipaalala na isa tayo sa mga taong nagbigay sigla sa kanila noong nabubuhay pa sila.

------------------------

Sunday, October 27, 2013

si Daddy at si Twink

Mali nga ba ang magkagusto at maramdaman mo ang pagmamahal sa isang tao na doble ang agwat ng edad sayo.

Arturo: Hindi ka ba mahihiya na ang isang ubanin at halos maubos na ang buhok sa ulo, ang kayakap at sinasabihan mo ng " i love you " ngayon?!

Jason: Bakit mo naman naitanong yan? Hindi naman ako tumingin sa edad at itsura mo ng magkakilala tayo!

Magawa mo nga kayang balewalain ang mga balita na posibleng makaapekto sa relasyon ninyong dalawa.

Jason: Alam mo, nasasaktan din naman ako sa tuwing iisipin ng ibang tao at ng mga kaibigan mo o kahit ng mga kaibigan ko na pera lang ang habol ko sayo! Sabagay, magkaiba ang estado ng buhay natin, gaya ng pagkakalayo ng mga edad natin =(

Arturo: Hindi naman natin sila pwedeng sisihin at pigilan sa mga gusto nilang isipin at sabihin sa atin! Syempre, masasaktan tayo! Alam mo, kahit sa ating dalawa, hindi mawawala yung pagdududa eh! Sana, habang tumatagal tayo, magawa natin yun lagpasan at tuluyan ng hindi maging isyu pa!

Jason: Malayo pa yatang mangyari yun, ang maunawaan nila tayo!

Arturo: Kaya nga, walang dapat bumigay dahil lakas natin ay ang isat-isa!

Sa relasyon ng bata at matanda na mahal ang isat-isa bilang magkasintahan, halos lahat ng insekyuridad ay pumapasok sa kanilang relasyon.

Arturo: Hey! Kausapin mo ako! Kailangan ko ng paliwanag! Bakit kailangan kong hindi magselos?! Bakit hindi ko kailangan maramdaman ang ganito sa tuwing nakikita kitang pinapaligiran ng iba! Na mas bata, kaedad mo at mas nakaka vibes mo!

Jason: Alam mo, hindi ko kailangan magpaliwanag ng paulit-ulit sayo para maintindihan mo at pumanatag yang kalooban mo! Alam mong mahal kita! Pinili kita!

Arturo: Pero bakit nararamdaman ko ito?!

Jason: Hindi natin pwedeng pigilan yung mararamdaman ng mga taong nasa paligid natin! Pero may magagawa tayo, ang umiwas at iwasan sila kung gugustuhin natin! Hindi pa ba sapat na ikaw ang dahilan kung bakit ko nasasabi sa kanila, na masaya ako sa kung anong meron ako ngayon at sino ang taong pinili kong makasama sa buhay ko?! Kailangan bang marinig mo pa iyun?! Huwag mo sana akong pagdudahan! Kasi, nasasaktan din ako =(

Hanggang saan nga ba ang kayang itagal ng relasyon na ang malayong agwat ng mga edad ang pinagmumulan ng mga maling pagtingin sa pagkatao sa kanila ng nasa kapaligiran nila.

Jason: Sa ating dalawa, napansin ko na ako ang matured mag isip!

Arturo: Hindi naman porket may edad ako sayo, kailangan ako na ang matured! Namimiss ko rin naman ang bine-beybi ako!

Jason: Ginawa mo pa akong care giver o yaya!

Arturo: Nagsisisi ka ba?

Jason: Akala ko lang kasi, ikaw itong matured! Ang akala ko, mas malawak yang pag iisip mo kumpara sa akin kung ibabase sa karanasan mo kesa sa anong karanasan na meron ako!

Arturo: Salamat sa adjustment!

Jason: Salamat sa pagtatanggol!

Arturo: Salamat sa pagmamahal =)

Hindi isyu ang edad sa dalawang taong nagmamahalan, nagiging kumplikado lang ito mula sa mga ibang tao na may mga sariling opinyon na posibleng makasira talaga ng relasyon  at binabase lamang nila sa kanilang nakikita at naririnig.


-------

Tuesday, October 15, 2013

Hatid Tanaw

Isa na yata sa pinakamalungkot na sitwasyon sa dalawang taong nag iibigan ay ang magkalayo. Depende sa hinihingi ng pagkakataon kung bakit kailangan na magkalayo ang landas ng dalawang tao.

Josh: Everything is ready!

Ang nakangiting sabi ng Josh sa abala pang katipan sa pag eempake ng mga bagahe nito. Sandali itong natigilan pero nagpatuloy pa rin sa ginagawang pag aayos ng mga gamit nito.

France: Why are you happy pa yata?

Josh: Nalulungkot kaya ako! Hindi lang halata kasi magaling akong magdala =))

Napapailing na nilingon muli ni France ang nakatingin ding nobyo. Ngumiti siya at nagbigay ng mahing " i love you " dito.

Josh: Asus! Aagawan mo pa yata ng titulo si Judy Ann Santos sa pagiging drama queen =))

France: Hindi mo naman ako mapipigilan na hindi malungkot nu! Ako ang aalis pero ikaw pa itong hindi masyadong apektado na iiwan kita dito sa Pinas!

Bumuntong hininga na lamang si Josh at naupo sa gilid ng kama. Tumabi siya sa nobyo at katahimikan ang namagitan sa kanila.

Josh: Matagal ko ng pinaghandaan yung ganitong bagay! Yung tutulungan ka mag ayos ng gamiit at mag empake! Yung mga maririnig kong pagpapalakas mo ng loob sa akin!

France: Bakit mo pinipigilan?!

Josh: Ang maging malungkot? Baka pag nag emote ako dito, baka tuluyan ka ng hindi makaalis =))

France: Hihintayin mo ba ako?

Josh: Kung gusto mong hintayin kita!

France: Babalikan naman kita!

Josh: May babalikan ka naman eh =))

Dumaan pa ang ilang oras, tapos na ang pag aayos at pag eempake. Nakahanda na rin patungong airport ang dalawa. Habang nasa sasakyan ay panay buntong hininga lamang ng dalawa.

France: Skype?

Josh: Alam mo naman na bihira ako mag online!

France: Magastos ang tumawag mula abroad!

Josh: Konting sakripisyo lang yun, ipagdadamot mo pa!

France: Adjustment?

Josh: Ako ang mag aadjust!

France: Salamat ha!

Josh: Saan? Sa pagtulong ko sayo sa pag eempake!?

France: Sa malawak mong pang unawa!

Josh: Natututunan naman yun! Lalo na kung talagang mahal mo yung tao! Nang minahal kita, marami akong natutunan, gaya ng ... ganito! Ang umasa! Umasa na sana walang magbabago!

At dumating na nga sa huling mga oras na magkakasama ang dalawa.

Josh: So paano? Hanggang dito nalang ako talaga!

France: Ngayon palang, namimiss na kita!

Josh: Ako din naman eh!

At sa huling pagkakataon ay nagyakap ang dalawa. Hudyat ang katahimikan at mga hikbi bilang pagpapaalam sa isat-isa.

At habang papalayo ang isa, hatid tanaw lamang ang tanging nagawa ng naiwan.




---

Sunday, October 13, 2013

HOPIA na naman ako!

Ang dami-dami kong pinaluto na pang lunch sa aking mudra, hindi para ibenta kundi para ihatid sa aking one and only ultimate love love love ;D

At sa kalagitnaan ng traffic, parang gusto ko ng lakarin ang kahabaan ng edsa, dahil nag aalala akong lumagpas sa tamang oras ng pananghalian at masayang ang pinagpagurang lutuin ng aking mudra.

Ako: Manong konduktor, ano ba naman yang driver nyo, kahit wala naman na sasakay na pasahero, hindi pa rin umaandar! Kawawa naman kaming mga pasahero na nagmamadali!

Konduktor: Eh kuya, wala ho tayong magagawa eh!

Ako: Manong naman! Baka mapanis na yung mga dala kong ulam para sa taong pagdadalhan ko nito!

At sa loob ng isat kalahating oras, nakarating din ako sa harap ng building kung saan nagtatrabaho ang aking love love love ;D

Ako: Nakakapagod naman na sakripisyo ito para magpapansin lang! Hinga ng malalim, inhale, buga ng malala! Huh!

Sa elevator palang, panay na ang pagsipat ko sa aking sarili kung nasa ayos ba, yung hindi naman ako mukhang haggard sa byahe.

Siya: Oh? You are here na? Teka, hindi naman kita pinapunta?

Ako: Surprise nga di ba? Gutom kalang siguro kaya hindi mo na maalala na nasabi kong bibisita ako!

Siya: Hey! Saan ka pupunta? ano yang mga dala mo?

Ako: Ito, ihahain ko na yung pananghalian mo! Umupo ka nalang dyan!

Siya: Nakakahiya!

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Pero binalewala ko naman agad.

Ako: Naku, wag ka nang mahiya sa akin! Mag thank you ka nalang sa effort ng Nanay ko kasi siya nagluto ng lahat ng ito!

Siya: Inabala mo pa si Tita? I mean, nakakahiya sa mga kasamahan ko! I mean, may lunch meeting na kasi akong natanguan!

Doon ako parang natigilan na talaga. Halos nailabas ko na sa lalagyan ang mga laman  nito. Pero hindi ako nagpahalata na napahiya ako doon. Nakatingin nga naman ang mga ka officemate ng mokong.

Ako: Ah ganun ba, sige! Baunin mo nalang for dinner! Makakatipid ka para sa dinner di ba? Saka ang dami nito, marami kang options, pwede rin na ito nalang yung kainin mo sa lunch meeting nyo, i-share mo sa mga ka-meeting mo! Atleast, maibibida mo na masarap magluto si Nanay di ba?

Lumapit siya sa akin. Umiwas ako sa gagawin niyang paghawak sa balikat ko.

Siya: May overtime ako mamaya! Baka mapanis lang kasi!

Ako: Oh?!? Okay! Sige, siguro dadalhin ko nalang! Ang dami ko kasing nakitang mga batang lansangan, sa kanila ko nalang ibibigay! Para hindi masayang!

Nagsimula na akong iligpit ang mga dala ko. Tahimik lamang siyang nakamasid.

Siya: Tatawagan kita mamaya!

Ako: Huwag na! Busy ka di ba? Sobrang busy! Walang time para mag appreciate ng effort ng Nanay ko! Kahit tikman man lang! Naamoy mo ba kung gaano kasarap? Wala man lang kahit kaplastikan! Kahit pambobola, wala!

Siya: Eto na naman tayo!

Ako: Lagi naman tayong ganito! Oh, baka isipin mo umiiwas ako sa paghawak mo, amoy usok kasi ako! Amoy pawis na natuyo sa init ng araw habang papunta dito! Ayaw kong maamoy yun ng mga ka-meeting mo!

Binitbit ko na ang mga dala ko. Tapos lumapit ako sa mokong na yun.

Ako: Ingat nalang sa pag uwi =))

Mabilis akong umalis sa lugar na yun. Ang ending, nakipag-meet ako sa aking matalik na kaibigan.

Friend: Akala ko ba ipapamahagi mo na yan sa mga batang lansangan? Eh ano pang ginagawa ng mga yan dito?

Ako: Tanga ba ako para gawin yun! Syempre, hindi ko gagawin yun nu! As if naman may nakita akong batang lansangan sa paligid ng building nila!

Friend: Bitter ka niyan?

Ako: Hindi ako bitter! Nasaktan ako!

Friend: Eh ganun talaga, masyado ka kasing ksp doon sa tao! Hindi naman kayo! Pero sabi nga niya, like ka niya, baka naman OA lang yung dating sayo! Sana pinaklaro mo!

Ako: Kaibigan ba talaga kita?

Friend: Oo naman! Kaya nga kita binibigyan ng advise!

Ako: OA ba talaga ako?

Friend: Ewan ko sayo! OA lang ang sinabi ko, pero hindi ko sinabing aminin mo na OA ka!

Ako: Mahal ko ang mokong eh!

Friend: Mahal mo siya! Gusto ka lang niya! Ang layo sa spelling! I-google natin yung meaning!

Biglang nag ring ang phone ko, pangalan ng mokong ang naka-register na tumatawag

Friend: Matitiis mo?

Ako: Wait lang ha!

Sinagot ko ang tawag.

Siya: Galit ka pa ba sa akin?

Ako: May meeting kayo di ba? Nakakaistorbo yung pagtawag mo sa akin!

Siya: Galit ka pa nga!

Ako: Hindi ako galit! Nagtatampo lang!

Siya: Babawi nalang ako! Nasaan na yung mga pagkain? Nabigay mo na sa mga batang kalye? Nag-thank you ba sila?

Ako: Mas worried ka pa sa sasabihin nila kung sakaling nabigay ko nga yung pagkain na sana ay para sayo!

Siya: Im sorry!

Ang tagal kong nakatulala, parang wala na akong masabi sa kanya sa mga oras na yun. Hopia na naman ako.





----------------------