Wala yatang araw na hindi kami kumakain sa food cart ni crush. Kahit paulit ulit ang aming order ng suportado kong kaibigan.
"Hindi ka ba nagsasawa sa mga pagkain dito? Kung hindi shomai, kwek kwek! Kung hindi lumpia, fishball!"
Ang himig pagbibiro ng aking kaibigan pero may kurot ng katotohanan. Inilibre ko nalang siya ng isang basong palamig.
"Ayaw mo ba nun? Tinutulungan natin yung crush ko na kumita yung business niya?"
Parang lalong nayamot ang aking kaibigan sa tinuran ko.
"Wala man lang tayo free o discount sa halos araw-araw na pagpunta at pagbili ng mga tinda ng crush mo dito!"
"Hahaha! Sagot ko na nga yang kinakain mo, nagrereklamo ka pa! Suportahan mo nalang ako! Hehehe!"
"Kung hindi ka lang nakakaawa! Hahaha! Oh! Speaking of him, parating na ang prinsipe mo! Ang drama ng face, kailangan patay malisya!"
Kumalma ako. Nandoon kasi yung kaba sa tuwing magkakaroon ng chance na mapapansin na naman ako ni crush.
Ang pagbating ginawa ni crush ng makalapit na sa kinaroroonan namin ng aking kaibigan.
"Nag enjoy ba kayo sa bago naming menu? Kamusta ang lasa?"
Napaarko ang kanang kilay ng aking kaibigan. Muli nitong binasa ang mga nasa list ng menu.
"Parang wala namang bagong menu?"
"Hindi pa kasi nalalagay! Pero yung sauce na nilagay mo sa shomai mo, bagong recipe yan!"
"Ay! Hindi ko man lang napansin na ito yung bago! Parang ordinaryong sauce lang kasi sa araw-araw naming pagpunta dito!"
Pinandilatan ko ng mata ang aking kaibigan sa sinabi nito.
"Pero ngayon, nalalasahan ko na! Hot and spicy!"
Ang mabilis na habol na sabi pa nito. Napakamot sa batok niya si crush. Umiiling ito at napahalakhak.
"Actually, toyo mansi lang yan! Iba lang yung pagkakagawa!"
Napakagat labi ako doon. Umakbay sa akin si crush. Para sa kanya ay normal na gesture lang yun.
"How was it? Nagustuhan mo ba?"
Ang tanong niya sa akin. Kunwari ay nilasahan muli ng aking kaibigan ang sauce.
"Toyo at kalamansi lang pala ito!"
Ang muling sabi ng aking kaibigan. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong ni crush.
"Oo! Napansin ko nga kanina, iba yung lasa ng toyo mansi!"
Ang nakangiti kong sabi.
"Pinapagod mo lang ang sarili mo sa wala!"
"Alam ko! Pero masaya ako sa ginagawa ko!"
Ganun talaga siguro, yung tipong sasabihan ka na ng tanga ng lahat dahil sa pagsasakripisyong ginagawa mo para sa isang taong espesyal para sayo.
"Hey! Invited kayo ng kaibigan mo sa bagong franchise ng business ko ha!"
Ang malambing niyang pagyaya sa akin. At sino ba naman ako para tumutol.
"Oo! Aattend kami! Asahan mo kami!"
At sa simpleng pagyakap niya sa akin, bilang tinuturing na kaibigan, sapat ng kabayaran yun sa mga ginagawa ko para sa kanya.
"Uso pa pala talaga ang martir ano? Hindi ba balitang may nililigawan na yang crush mo? Paano kung nandun din yan sa opening? Tapos ipapakilala kayo sa isat isa?"
"Hindi ko na iniisip muna yan! Basta, punta tayo ha?!"
Pero sa loob ko, syempre, masasaktan ako kung sakaling mangyari nga iyun.
Ilang araw bago ang opening ng franchise business ni crush, napansin ko lang na napapadalas yung ginagawa niyang pag eentertain sa akin sa tuwing naroon kami ng aking kaibigan sa puwesto ng food cart niya.
Pero wala doon ang isip ko sa birong yun. Parang apektado ako sa pagiging malapit sa akin ni crush. Nandyan yung magtetext message siya every meal. Umaga, tanghali at dinner time. Nandyan yung tatawag siya sa phone ko para sabihin lang na ingat ako sa mga lakad ko. Nandyan yung may "mwah mwah tsup tsup" sa mga last text messages niya.
"Para akong ginagayuma sa ginagawa niya!"
"Yun na! May nilalagay siguro sa bawat pagkain natin! Mabuti nalang, may pangontra ako sa gayuma!"
Pero isang araw, isang seryosong crush ang naabutan ko sa kanyang puwesto. Tahimik ito. Nakatingin lamang sa malayo.
"Wala ito! Siguro, gawa lang ng pagod ito!"
Sinimulan kong hilutin ang kanyang balikat at likuran. Hindi naman siya tumutol sa ginawa ko. Kung may mga mata lang siguro sa likod si crush, nakikita niya siguro ang ginagawa kong pagtitig sa kanya.
"Alam mo, ang bait mo! Kahit na minsan, nababalewala ko yung presensya mo! Pasensya ka na, busy lang talaga!"
"Ano ka ba! Wala naman sa akin yun! Sino ba naman ako para bigyan mo ng ganung pagpansin!"
Pero sa loob ko, kinikilig ako. Kasi sa ganung pagkakataon, nasolo ko si crush. Naaamoy ko ang amoy lalake niyang pabango. Ang gamit niyang shampoo. Nadaplisan ng palad at mga daliri ko ng pawis niya habang minamasahe ko ang likuran niya at batok
No comments:
Post a Comment