Sunday, January 13, 2013

ikaw&ako: ang ending


Aattend kami ng kaibigan ko sa isang house party. Pumayag ako sumama, kasi naroon yung crush namin. Kaya naman todo ayos ang porma namin.
"Naku, sana naman wala doon yung bubuntot buntot sa kanya! Masisira ang plano natin masolo si kuwan! Hehehe!"
Napakamot ako ng batok ko sa biro ng aking kaibigan. Magbibigay sana ako ng komento pero pinigilan niya ako magsalita.
"Huwag ka na magsalita muna! Isave mo yan para mamaya!"
Natatawa pang sabi ng aking matangkad na kaibigan. Hindi ko akalain na ang malamodelo kong kaibigan ay kabaro din ang gusto.
"Nandun kaya siya talaga?"
Ang tanong ko nalang. Bigla itong tumitig sa akin. Matalim. Parang may gustong sabihin pero ngumiti din.
"Nagtext siya kanina sa akin! Kaya sure na darating si crush!"
Nag abang kami ng taxi, pero may sasakyan na huminto sa harapan namin. Bumukas ang bintana nito.
"Sakay na!"
Napaarko ang kanang kilay naming pareho ni friend ng makita ang driver ng sasakyan na huminto sa harapan namin.
"Anong ginagawa mo dito?"
Ang tanong ko sa mokong. Napangiti ito at napasakay nalang kami sa sasakyan nito. Doon kami sa likod.
"Wala bang gusto akong katabi?"
Bigla akong umarte na masakit ang ulo ko.
"Hoy friend! Hindi ka ba tatabi sa driver natin?"
Umiling ako at napapikit na lamang.
"Oh sige, ako nalang ang tatabi muna! Mukhang ayaw mo ng kumilos!"
Lumipat nga si tangkad sa tabi ng mokong.
"Doon din ba ang punta nyo? May dadaanan pa tayo! Si -"
Napadilat ako at napatingin sa front mirror.
"Magta taxi nalang kami ni Tangkad! Salamat!"
Bumaba ako. Sumunod si tangkad sa akin. Nagtataka naman si mokong pero dahil nasa gitna siya ng kalsada, pinaandar niya ang sasakyan.
Akala ko ay ok na, pero nagulat ako ng tumatawag siya sa phone ko. Sinagot ko naman.
"Nakakapikon ka! Bakit ka pa bumaba?"
Kunwari ay natatawa ako. Pero gusto ko ng i off ang line.
"Bawal gumamit ng phone habang nagda drive! Magkita nalang tayo sa house party! Ingat!"

---------------------------------------

Naroon na kami sa house party. Maraming tao. May mga kakilala ako, meron din ang hindi.
"Oh bakit parang drama actor ang mukha mo? Ang daming gwapo oh! Pwede na tayong mamili!"
Ang biro ni tangkad sa akin. Napatingin ako sa gate ng bahay kung saan kami dumaan papasok. Kahit natatabunan ng mga dumadaan at bagong dating, wala yung pamilyar na anyo ng isang tao na hinahanap ng paningin ko.
"Traffic ba sa edsa? Bakit hanggang ngayon, wala pa ang mokong?!"
Syempre, nag aalala lang ako at baka napaano na. Naalala ko nga pala, may dinaanan pa siya para isabay sa pagpunta.
"Hi! Hindi ka namamansin ah!"
Pamilyar ang boses ng bumati sa amin ni tangkad mula sa kung saan. Ang aming crush. Kung makangiti naman talaga, nakakalaglag salawal.
"Nandito ka na pala?"
Ang maikli kong tanong. Tumango naman ito. Biglang umeksena si tangkad.
"Pwede ba teh, time ko muna? Promise, hindi ako mag eextend!"
Ang pakiusap ni tangkad sa akin. Parang pagrerenta lang sa computer shop ang peg. Napatango nalang din ako.
"Saan ka pupunta? Pwede naman sabay!"
Hahaha. Syempre, napatawa ako doon. Joke ba yun. Threesome talk daw. Hahaha.
"Ayaw ko ng may kaagaw sayo! Gusto ko, solo lang kita mamaya!"
Ang pagbibiro ko din dito. Tumalikod na ako at napaupo sa isang tabi. Wala ring text message at missed call ang mokong.

---------------------------------------------

Dumating na ang mokong. Kasama nga niya ang hitad. Ang kinaiinisan ko. Kung makalingkis, parang matabang sawa. Patay malisya nalang ako at patungo ng kusina para kumuha ng maiinom pa. Dedma sa akin ang pagbati ng matabang sawa. Pero umaasa ako na sana naman, sundan ako ng mokong.
"Isnabero!"
Ang narinig ko mula sa mokong. Pero dedma pa rin ako. Ayaw ko talaga makita yung matabang sawa na nakabuntot sa kanya. Parang yung sa crush namin ni tangkad, laging nakasunod.
"Uy! Hindi mo ba ako napansin?"
Ang muli nitong sabi. Humarap na ako. Pero nakatingin ako kunwari sa iba.
"Hindi kita masyado napansin! Ang dami kasing tao! Saka maingay!"
Ang palusot ko nalang. Kinuha niya ang hawak kong bote ng alak.
"Nakailan ka na?"
Ang tanong ng mokong. Parang gusto kong batukan. Malamang wala pa naman siyang 30minutes na nahiwalay sa amin ni tangkad, akala ba niya makaka isang dosenang bote ng alak na ako agad agad?
"Isa palang!"
Ang nasabi ko na lamang. Umeksena ang matabang sawa.
"I miss you! Long time no see!"
Gusto kong ibasag sa mukha ng matabang sawa ang hawak kong bote. Ang plastik talaga. Pero nagpaka plastic na rin ako. Wala naman ako sa QC kung saan bawal ang PLASTIK!
"Ayos naman ako! Hindi naman kita namiss, sa totoo lang! Sige na! Kuha nalang kayo drinks doon!"
Ang turo at pagtataboy ko sa dalawa.

----------------------------------------------

"Nag iilusyon lang ba ako na gusto niya din ako?"
Ang pasimple kong tanong sa crush namin ni tangkad ng masolo ko ito sa isang tabi. Patapos na ang party. Marami na ang naunang umuwi. Mag uumaga na rin kasi.
"Sino ba yang tinutukoy mo? Nandito ba siya?"
Ang balik tanong sa akin ni crush. Inilapit ko pa ang sarili ko kay crush.
"Ang bango mo naman! Paano kung ayaw ko ng mawala yang amoy na yan sa pang amoy ko! Hahanap hanapin ko kasi!"
Ang biro ko dito. Pero nakuha niya ang gusto kong sabihin talaga.
"Kung hindi mo kaya na mawala siya, gumawa ka ng paraan! Wala namang masama to take a risk sa pagsasabi ng totoo. Pero dapat handa ka sa kalalabasan!"
Ang mahabang opinyon ni crush. Napabuntong hininga ako ng makailang ulit.
"Bakit ba kasi na inlove ako sa gaya mo!"
Ang biro ko ulit kay crush. Pero, muli niyang naunawaan ang nais kong sabihin talaga.
"Talk to that guy! Wag kang matakot! Mas mauunawaan ka niya at mas matatanggap kung hindi mo siya paglilihiman!"
Nakangiti ng bulong sa akin ni crush. Kinilig naman ako. Akala ko, hahalikan ako. Hahaha.

---------------------------------

Pauwi na rin kami ni tangkad. Lumapit ang mokong. Umakbay at sumayaw sayaw pa.
"Lasing ka na? Magda drive ka pa ng oto mo ah!"
Napangiti lamang ito. Lumapit din yung matabang sawa. Sasabay yata din sa amin.
"Magpapahinga lang ako ng kaunti!"
Ang sabi ng mokong. Pinagmasdan ko ang mukha niya ng maupo ito habang nakapikit. At nagdesisyon na lamang ako na huwag ng sabihin dito ang damdamin meron ako para sa kanya. Masaya naman ako na nakakasama siya. At nararamdaman ko, ganun din siya. Hindi ko naman pwedeng pigilan siya kung sino ang taong magugustuhan niya. Ang mahalaga, ok kami. Nalalapitan ko siya at nakakausap bilang kaibigan.
"Ano na teh? Ano na plano mo?"
Ang tanong ni tangkad sa akin.
"Move on na ako teh!"
Ang mabilis kong sagot dito

-----end-----




No comments:

Post a Comment