Sunday, January 27, 2013

Bilove's Quarrel

Mabilis niya akong hinabol. Patay malisya lang ako.

"Will you please, stop walking! Hindi kita maintindihan!"

Ang inis niyang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko siya hinarap.

"Akala ko, magiging ok tayo kapag lumabas tayong dalawa! Yung tayo lang, walang iba!"

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat, tumitig sa mailap kong mga mata na kanina pa nagpipigil at namamasa na sa luha.

"Gusto ko na tayo ay mag enjoy! Stress ako sa work, stress ka sa inyo! Problema sa work, problema mo sa pamilya, please! Lets enjoy tonight!"

Ang winika niya. Hila niya ang kamay ko, pero bumitiw ako. Parang eksena sa pelikula, hindi siya lumingon pero nakahinto siya. Habang nakayuko ako, hindi dahil sa nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa amin, kundi dahil sa ayaw kong makita ang reaksyon niya.

"Im sorry!"

Ang tanging kong sinambit. Lumingon siya, naroon na yung pagka blangko ng tingin niya.

"Anong mali sa pagyaya ko sayo na magsaya tayo? Ano bang problema?"

Lumapit ako ng kusa. Pero isang hakbang pa ang layo namin sa isat-isa.

"Obar itong pinuntahan natin! May trauma ako dahil sa nangyari sa kaibigan ko! Naghiwalay sila dahil sa lugar na ito!"

Napapailing na humawak siya muli sa kamay ko. Yung mga tingin niya, gustong ipabasa ang sinasabi ng mga titig niya.

"Trust me! Ang temptasyon ay nasa paligid lamang! Pero kung ang shield natin ay ang pagtitiwala sa isat-isa, hindi makakapasok ang anumang temptasyon sa ting dalawa!"

Ang kanyang paliwanag. Huminga muli ako ng malalim at pinisil ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay din. Pinapabatid ko sa kanya, na may tiwala naman ako sa kanya. Siguro, sa gwapo ng kaharap ko, sa ganda ng katawan at tindig nito, nakaramdam lang ako ng insecurities sa sarili ko.

"Sige! Tara na!"

Ang pagyaya ko na sa kanya.

"Happy anniversary!"

Ang bulong niya sa akin. Syempre, may kilig yun sa puso ko. Kahit ang expectation ko ay dinner date with candle light talaga. Hahaha.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------


Sinundan niya ako hanggang gate ng bahay namin. Nahabol niya ako kaya napigilan niya akong buksan agad ang gate para pumasok at tuluyan na siyang pagsarhan.

"Ano ang gusto mo? Matatapos ang araw na hindi tayo nagkakaayos?"

Ang angal niya sa akin. Pero tinakpan ko ang mga tenga ko na parang bata. Imbes na lalo siyang mainis, napangiti pa ang loko.

"Huwag mo akong daanin sa pagpapa cute mo! Mag usap tayo!"

Ang muli niyang sabi. Pero pinikit ko nalang din ang mga mata ko.

"Gusto ko nang matulog! Magpahinga! Bukas nalang tayo mag usap!"

Ang sabi ko. Pero iniharang niya ang kanyang katawan sa daraanan ko. Ang gwapo talaga ng nasa harapan ko. At palagi akong natatakot na isang araw, magiging alaala nalang ang lahat, kasama na ang mga sandaling iyun.

"Akala ko ba, nagkausap na tayo kanina! Ano na naman itong problema natin?"

Ang tanong niya sa akin. Humugot ako ng malalim na paghinga.

"Nag enjoy ka sa pakikipagsayaw sa iba kanina! Ano ang gusto mong maramdaman ko?"

Napapailing na naman siya. Humawak siya sa mga kamay ko. Parang batang pinapalaki ang mga mata niya habang hinahabol ang mga tingin ko.

"Sorry kung naging insensitive ako kanina ha!"

Hinaplos ko lang ang kanyang isang pisnge. Sapat na yung narinig ko para patawarin siya sa kanyang nagawa.

------------------------------

 

Tuesday, January 15, 2013

Pre! Akala Mo Lang!


 Wala yatang araw na hindi kami kumakain sa food cart ni crush. Kahit paulit ulit ang aming order ng suportado kong kaibigan.
"Hindi ka ba nagsasawa sa mga pagkain dito? Kung hindi shomai, kwek kwek! Kung hindi lumpia, fishball!"
Ang himig pagbibiro ng aking kaibigan pero may kurot ng katotohanan. Inilibre ko nalang siya ng isang basong palamig.
"Ayaw mo ba nun? Tinutulungan natin yung crush ko na kumita yung business niya?"
Parang lalong nayamot ang aking kaibigan sa tinuran ko.
"Wala man lang tayo free o discount sa halos araw-araw na pagpunta at pagbili ng mga tinda ng crush mo dito!"
"Hahaha! Sagot ko na nga yang kinakain mo, nagrereklamo ka pa! Suportahan mo nalang ako! Hehehe!"
"Kung hindi ka lang nakakaawa! Hahaha! Oh! Speaking of him, parating na ang prinsipe mo! Ang drama ng face, kailangan patay malisya!"
Kumalma ako. Nandoon kasi yung kaba sa tuwing magkakaroon ng chance na mapapansin na naman ako ni crush.
"Hello mga suki!"
Ang pagbating ginawa ni crush ng makalapit na sa kinaroroonan namin ng aking kaibigan.
"Nag enjoy ba kayo sa bago naming menu? Kamusta ang lasa?"
Napaarko ang kanang kilay ng aking kaibigan. Muli nitong binasa ang mga nasa list ng menu.
"Parang wala namang bagong menu?"
"Hindi pa kasi nalalagay! Pero yung sauce na nilagay mo sa shomai mo, bagong recipe yan!"
"Ay! Hindi ko man lang napansin na ito yung bago! Parang ordinaryong sauce lang kasi sa araw-araw naming pagpunta dito!"
Pinandilatan ko ng mata ang aking kaibigan sa sinabi nito.
"Pero ngayon, nalalasahan ko na! Hot and spicy!"
Ang mabilis na habol na sabi pa nito. Napakamot sa batok niya si crush. Umiiling ito at napahalakhak.
"Actually, toyo mansi lang yan! Iba lang yung pagkakagawa!"
Napakagat labi ako doon. Umakbay sa akin si crush. Para sa kanya ay normal na gesture lang yun.
"How was it? Nagustuhan mo ba?"
Ang tanong niya sa akin. Kunwari ay nilasahan muli ng aking kaibigan ang sauce.
"Toyo at kalamansi lang pala ito!"
Ang muling sabi ng aking kaibigan. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong ni crush.
"Oo! Napansin ko nga kanina, iba yung lasa ng toyo mansi!"
Ang nakangiti kong sabi.

Ganun ako ka supportive sa business ni crush. Sa mga kakilala ko, iniindorso ko ito ng walang kapalit. Kaya minsan, ito ring yung dahilan kung bakit kami nagkakasagutan ng aking kaibigan.
"Pinapagod mo lang ang sarili mo sa wala!"
"Alam ko! Pero masaya ako sa ginagawa ko!"
Ganun talaga siguro, yung tipong sasabihan ka na ng tanga ng lahat dahil sa pagsasakripisyong ginagawa mo para sa isang taong espesyal para sayo.
"Hey! Invited kayo ng kaibigan mo sa bagong franchise ng business ko ha!"
Ang malambing niyang pagyaya sa akin. At sino ba naman ako para tumutol.
"Oo! Aattend kami! Asahan mo kami!"
At sa simpleng pagyakap niya sa akin, bilang tinuturing na kaibigan, sapat ng kabayaran yun sa mga ginagawa ko para sa kanya.
"Uso pa pala talaga ang martir ano? Hindi ba balitang may nililigawan na yang crush mo? Paano kung nandun din yan sa opening? Tapos ipapakilala kayo sa isat isa?"
"Hindi ko na iniisip muna yan! Basta, punta tayo ha?!"
Pero sa loob ko, syempre, masasaktan ako kung sakaling mangyari nga iyun.
Ilang araw bago ang opening ng franchise business ni crush, napansin ko lang na napapadalas yung ginagawa niyang pag eentertain sa akin sa tuwing naroon kami ng aking kaibigan sa puwesto ng food cart niya.
"Baka may kailangan? Syempre, tatanggihan mo bang tulungan kung sakali humingi ng pabor sayo? Kilala kita friend! Kulang nalang ay magpaka sex slave ka kung niyaya ka lang!"
Pero wala doon ang isip ko sa birong yun. Parang apektado ako sa pagiging malapit sa akin ni crush. Nandyan yung magtetext message siya every meal. Umaga, tanghali at dinner time. Nandyan yung tatawag siya sa phone ko para sabihin lang na ingat ako sa mga lakad ko. Nandyan yung may "mwah mwah tsup tsup" sa mga last text messages niya.
"Para akong ginagayuma sa ginagawa niya!"
"Yun na! May nilalagay siguro sa bawat pagkain natin! Mabuti nalang, may pangontra ako sa gayuma!"
Pero isang araw, isang seryosong crush ang naabutan ko sa kanyang puwesto. Tahimik ito. Nakatingin lamang sa malayo.
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah!?"
"Wala ito! Siguro, gawa lang ng pagod ito!"
Sinimulan kong hilutin ang kanyang balikat at likuran. Hindi naman siya tumutol sa ginawa ko. Kung may mga mata lang siguro sa likod si crush, nakikita niya siguro ang ginagawa kong pagtitig sa kanya.
"Alam mo, ang bait mo! Kahit na minsan, nababalewala ko yung presensya mo! Pasensya ka na, busy lang talaga!"
"Ano ka ba! Wala naman sa akin yun! Sino ba naman ako para bigyan mo ng ganung pagpansin!"
Pero sa loob ko, kinikilig ako. Kasi sa ganung pagkakataon, nasolo ko si crush. Naaamoy ko ang amoy lalake niyang pabango. Ang gamit niyang shampoo. Nadaplisan ng palad at mga daliri ko ng pawis niya habang minamasahe ko ang likuran niya at batok




Monday, January 14, 2013

ako & masahista


Humiga na ako sa manipis ngunit malambot na higaan kung saan magaganap ang isang kaganapan.
"Sir! Lotion o oil?!"
Ang mahinang sabi ng lalakeng masahista sa likuran ko. Kunwari ay napaisip pa ako.
"Sir?!"
Ang ulit na pagtawag nito sa akin. Sumagot na ako para masimulan na ang pagpapamasahe sa akin.
"Lotion nalang! Para mabango sa balat!"
Ang sagot ko sa tanong ng lalakeng masahista. Pumuwesto na ito sa likuran ko. Narinig ko ang pagbukas ng lotion, naramdaman ko ang malapot na likido nito na pinahid sa likuran ko, kasabay ng mabining haplos ng mga palad ng masahista.
"Sir! Hard o moderate?"
Sinagot ko ang huli. At nagsimula na nga siyang ihaplos pahagod ang mga palad niya sa aking likod. Masarap ang bawat hagod, katahimikan ang namagitan sa amin ng lalakeng masahista. Pero nabasag iyun ng magtanong muli ito.
"Saan kayo galing sir?,"
Hindi ko sinagot ang tanong na yun. Pero ako ang nagtanong sa kanya.
"Ikaw? Tagasaan ka? Ilang taon ka? Bakit dito ka nagtatrabaho? Bakit ganito ang trabaho mo?"
Takaw lang ako sa pagtatanong, para sa kanya masentro ang usapan.
"Taga Pampanga ako Sir!"
Sa isip ko, may mga itsura talaga ang mga kapangpangan. Artistahin. Muling nagsalita ang lalakeng masahista.
"18 palang ho ako! Sa ngayon, ito palang ang alam kong trabaho!"
Sa isip ko ulit, napakabata pa pala. Muling tumahimik ang paligid sa pagitan namin. Mula sa likod, sa mga hita, sa talampakan at mga braso, pinaharap na niya ako.
"Pati ho ba sa ulo Sir?"
Sumagot ako ng OO. Maya-maya pa ay ito na naman ang bumasag ng katahimikan.
"First time nyo dito Sir?"
"Hindi! 2nd time na!"
"Kamusta naman experienced nyo sa una sir?"
Syempre, 1st time ko sa lugar na yun. Sinabi ko lang na 2nd time para hindi nalang siya magtanong pa ng kung ano yung karanasan.
"Ok lang kayo Sir? Ok lang ba ang diin?"
Tumango ako. Dim light ang liwanag sa paligid. Kahit hindi ganun kaliwanag, nabanaag ko ang amo at gwapong mukha ng masahista.
"Ikaw! Ano na ang mga karanasan mo bilang masahista?"
"Hindi pa ganun karami kumpara sa mga matagal na dito Sir!"
Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyun napansin.
"Minsan ho, may mga kostumer na abusado! Nanghihipo at nanghahawak! Yung iba, pasimple na binabangga yung maselang parte ng katawan ko!"
Syempre, alam ko na yung bagay na yun, sa isip ko.
"Minsan naman ho, may gusto na wala akong pang ibabaw na suot! Eh bawal ho yun dito Sir!"
Ang paliwanag pa ng masahista. Kunwari ay napapikit ako, pero malinaw ang pandinig ko sa bawat sinasabi niya.
"Hindi kayo nag aalok ng extra service?"
Ang diretso kong tanong sa batang masahista. Hindi ito sumagot. Mukhang nag iisip siya. Parang napahiya ako sa tanong ko.
"Patawarin mo ako sa natanong ko!"
Ngumiti siya. Naunawaan ang naitanong ko. Parang napahiya ako sa tanong na yun.
"Gusto nyo ba Sir?"
Ang nasagot nito. Pero syempre, mahal ang may extra service. Hahaha. Kaya naman tumanggi ako. Wala ako sa mood. Hahaha.
"Nagtatanong lang ako!"
Ang nasabi ko na lamang. Matagal niyang hawak ang kamay ko habang minamasahe ang palad ko. Nakatitig ba siya sa akin?
"Tapos na Sir!"
Ang mahinang sabi nito. Pinatayo niya ako para mag stretching. Yung halos magkadikit ang mga katawan namin.
Ilang minuto lang ay nakamasid lang siya sa akin habang nagbibihis ako. At ilang minuto pa ang dumaan, lumabas kaming sabay sa maliit na silid na yun kung saan naganap ang isang kaganapan.
"Salamat ha!"
Ang nasabi ko na lamang. Kasabay ng paglabas ko sa gusali na yun, ay ang paghawak ko sa kamay niya at pag abot ng tip.
"Salamat din Sir!"
Ang maginoong sabi pa nito. Mas may itsura pala sa liwanag ang masahista.
Ilang metro na ang layo ko sa paglalakad sa lugar na yun, bigla kong naalala, hindi ko man lang naitanong ang pangalan ng masahista.

---end---

https://twitter.com/akosichardee


http://www.facebook.com/akosichardee?fref=ts

Sunday, January 13, 2013

ikaw&ako: ang ending


Aattend kami ng kaibigan ko sa isang house party. Pumayag ako sumama, kasi naroon yung crush namin. Kaya naman todo ayos ang porma namin.
"Naku, sana naman wala doon yung bubuntot buntot sa kanya! Masisira ang plano natin masolo si kuwan! Hehehe!"
Napakamot ako ng batok ko sa biro ng aking kaibigan. Magbibigay sana ako ng komento pero pinigilan niya ako magsalita.
"Huwag ka na magsalita muna! Isave mo yan para mamaya!"
Natatawa pang sabi ng aking matangkad na kaibigan. Hindi ko akalain na ang malamodelo kong kaibigan ay kabaro din ang gusto.
"Nandun kaya siya talaga?"
Ang tanong ko nalang. Bigla itong tumitig sa akin. Matalim. Parang may gustong sabihin pero ngumiti din.
"Nagtext siya kanina sa akin! Kaya sure na darating si crush!"
Nag abang kami ng taxi, pero may sasakyan na huminto sa harapan namin. Bumukas ang bintana nito.
"Sakay na!"
Napaarko ang kanang kilay naming pareho ni friend ng makita ang driver ng sasakyan na huminto sa harapan namin.
"Anong ginagawa mo dito?"
Ang tanong ko sa mokong. Napangiti ito at napasakay nalang kami sa sasakyan nito. Doon kami sa likod.
"Wala bang gusto akong katabi?"
Bigla akong umarte na masakit ang ulo ko.
"Hoy friend! Hindi ka ba tatabi sa driver natin?"
Umiling ako at napapikit na lamang.
"Oh sige, ako nalang ang tatabi muna! Mukhang ayaw mo ng kumilos!"
Lumipat nga si tangkad sa tabi ng mokong.
"Doon din ba ang punta nyo? May dadaanan pa tayo! Si -"
Napadilat ako at napatingin sa front mirror.
"Magta taxi nalang kami ni Tangkad! Salamat!"
Bumaba ako. Sumunod si tangkad sa akin. Nagtataka naman si mokong pero dahil nasa gitna siya ng kalsada, pinaandar niya ang sasakyan.
Akala ko ay ok na, pero nagulat ako ng tumatawag siya sa phone ko. Sinagot ko naman.
"Nakakapikon ka! Bakit ka pa bumaba?"
Kunwari ay natatawa ako. Pero gusto ko ng i off ang line.
"Bawal gumamit ng phone habang nagda drive! Magkita nalang tayo sa house party! Ingat!"

---------------------------------------

Naroon na kami sa house party. Maraming tao. May mga kakilala ako, meron din ang hindi.
"Oh bakit parang drama actor ang mukha mo? Ang daming gwapo oh! Pwede na tayong mamili!"
Ang biro ni tangkad sa akin. Napatingin ako sa gate ng bahay kung saan kami dumaan papasok. Kahit natatabunan ng mga dumadaan at bagong dating, wala yung pamilyar na anyo ng isang tao na hinahanap ng paningin ko.
"Traffic ba sa edsa? Bakit hanggang ngayon, wala pa ang mokong?!"
Syempre, nag aalala lang ako at baka napaano na. Naalala ko nga pala, may dinaanan pa siya para isabay sa pagpunta.
"Hi! Hindi ka namamansin ah!"
Pamilyar ang boses ng bumati sa amin ni tangkad mula sa kung saan. Ang aming crush. Kung makangiti naman talaga, nakakalaglag salawal.
"Nandito ka na pala?"
Ang maikli kong tanong. Tumango naman ito. Biglang umeksena si tangkad.
"Pwede ba teh, time ko muna? Promise, hindi ako mag eextend!"
Ang pakiusap ni tangkad sa akin. Parang pagrerenta lang sa computer shop ang peg. Napatango nalang din ako.
"Saan ka pupunta? Pwede naman sabay!"
Hahaha. Syempre, napatawa ako doon. Joke ba yun. Threesome talk daw. Hahaha.
"Ayaw ko ng may kaagaw sayo! Gusto ko, solo lang kita mamaya!"
Ang pagbibiro ko din dito. Tumalikod na ako at napaupo sa isang tabi. Wala ring text message at missed call ang mokong.

---------------------------------------------

Dumating na ang mokong. Kasama nga niya ang hitad. Ang kinaiinisan ko. Kung makalingkis, parang matabang sawa. Patay malisya nalang ako at patungo ng kusina para kumuha ng maiinom pa. Dedma sa akin ang pagbati ng matabang sawa. Pero umaasa ako na sana naman, sundan ako ng mokong.
"Isnabero!"
Ang narinig ko mula sa mokong. Pero dedma pa rin ako. Ayaw ko talaga makita yung matabang sawa na nakabuntot sa kanya. Parang yung sa crush namin ni tangkad, laging nakasunod.
"Uy! Hindi mo ba ako napansin?"
Ang muli nitong sabi. Humarap na ako. Pero nakatingin ako kunwari sa iba.
"Hindi kita masyado napansin! Ang dami kasing tao! Saka maingay!"
Ang palusot ko nalang. Kinuha niya ang hawak kong bote ng alak.
"Nakailan ka na?"
Ang tanong ng mokong. Parang gusto kong batukan. Malamang wala pa naman siyang 30minutes na nahiwalay sa amin ni tangkad, akala ba niya makaka isang dosenang bote ng alak na ako agad agad?
"Isa palang!"
Ang nasabi ko na lamang. Umeksena ang matabang sawa.
"I miss you! Long time no see!"
Gusto kong ibasag sa mukha ng matabang sawa ang hawak kong bote. Ang plastik talaga. Pero nagpaka plastic na rin ako. Wala naman ako sa QC kung saan bawal ang PLASTIK!
"Ayos naman ako! Hindi naman kita namiss, sa totoo lang! Sige na! Kuha nalang kayo drinks doon!"
Ang turo at pagtataboy ko sa dalawa.

----------------------------------------------

"Nag iilusyon lang ba ako na gusto niya din ako?"
Ang pasimple kong tanong sa crush namin ni tangkad ng masolo ko ito sa isang tabi. Patapos na ang party. Marami na ang naunang umuwi. Mag uumaga na rin kasi.
"Sino ba yang tinutukoy mo? Nandito ba siya?"
Ang balik tanong sa akin ni crush. Inilapit ko pa ang sarili ko kay crush.
"Ang bango mo naman! Paano kung ayaw ko ng mawala yang amoy na yan sa pang amoy ko! Hahanap hanapin ko kasi!"
Ang biro ko dito. Pero nakuha niya ang gusto kong sabihin talaga.
"Kung hindi mo kaya na mawala siya, gumawa ka ng paraan! Wala namang masama to take a risk sa pagsasabi ng totoo. Pero dapat handa ka sa kalalabasan!"
Ang mahabang opinyon ni crush. Napabuntong hininga ako ng makailang ulit.
"Bakit ba kasi na inlove ako sa gaya mo!"
Ang biro ko ulit kay crush. Pero, muli niyang naunawaan ang nais kong sabihin talaga.
"Talk to that guy! Wag kang matakot! Mas mauunawaan ka niya at mas matatanggap kung hindi mo siya paglilihiman!"
Nakangiti ng bulong sa akin ni crush. Kinilig naman ako. Akala ko, hahalikan ako. Hahaha.

---------------------------------

Pauwi na rin kami ni tangkad. Lumapit ang mokong. Umakbay at sumayaw sayaw pa.
"Lasing ka na? Magda drive ka pa ng oto mo ah!"
Napangiti lamang ito. Lumapit din yung matabang sawa. Sasabay yata din sa amin.
"Magpapahinga lang ako ng kaunti!"
Ang sabi ng mokong. Pinagmasdan ko ang mukha niya ng maupo ito habang nakapikit. At nagdesisyon na lamang ako na huwag ng sabihin dito ang damdamin meron ako para sa kanya. Masaya naman ako na nakakasama siya. At nararamdaman ko, ganun din siya. Hindi ko naman pwedeng pigilan siya kung sino ang taong magugustuhan niya. Ang mahalaga, ok kami. Nalalapitan ko siya at nakakausap bilang kaibigan.
"Ano na teh? Ano na plano mo?"
Ang tanong ni tangkad sa akin.
"Move on na ako teh!"
Ang mabilis kong sagot dito

-----end-----




ikaw & ako: ikalimang tagpo


Bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ako. Takang-taka ang reaksyon ng mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Para ka namang natuklaw ng ahas dyan! Bakit ganyan ka makatingin?"
Tumingin ito sa handwatch nito at umiiling na bumaling ng tingin sa akin.
"Ano bang problema mo? Bakit ba ganyan ka makatingin?"
Hinawakan nito ang kuwelyo ng suot kong polo shirt. Bigla akong may naalala. Para akong nabuhusan ng tubig dahil sa naalala kong bagay na yun.
"Im sorry! Nakalimutan ko!"
Bigla ko siyang hinila patungo sa sasakyan niya. Pinasakay at tumingin sa mga mata niya na nakatingin lang din sa akin.
"Ikaw nalang ang pumunta! For sure naroon yung iba to support din sa kaibigan natin! Hindi nalang ako sasama!"
Huminga siya ng malalim. Tumingin sa malayo at bumalik ng tingin sa akin.
"Busy ka ba? Bakit mo nakalimutan? Late na nga ako, pero ito ako sa harapan mo, dinaanan ka kasi akala ko-"
Tinulak ko siya pasakay ng driver seat niya. Binuksan ko ang bintana at sinara ang pinto.
"Mag enjoy ka nalang doon! Baka sumunod ako! Magpapalit lang ako ng damit siguro! Bahala na!"
Nakangiti ko pang sabi. Maya-maya lang ay papalayo na ang sasakyan sa akin.

----------------------------------------------------

May natanggap akong text message. Pero ang kinagulat ko, maraming missed calls. Tumatawag siguro ang mokong sa isip ko.
"Asan ka na? Patapos na ang show!"
Ang laman ng text message. Nagdadalawang isip akong replayan. 7PM palang pala ng tingnan ko ang orasan. Actually, wala na akong balak lumabas at sumunod pa. Pero matitiis ko ba ang mokong. Nag ring ang phone ko. Tumatawag ang mokong. Sasagutin ko ba?
"Bakit ayaw mong sagutin? Hay!"
Napabuntong hininga ang mokong. Nakangiti ito sa harapan ng mga kaibigang naroon, pero sa loob nito, naroon na yung pagkairita at pag aalala sa akin.
"Kahit text ko, ayaw sagutin! Ano bang problema nito!"
Sasagutin ko na sana ang tawag ng mokong pero biglang nawala yung tawag. Yun pala, hinila na siya ng kung sino man sa kinaroroonan niya.
"Hay naku naman!"
Ang nasabi ko na lamang.

------------------------

https://www.facebook.com/akosichardee


https://twitter.com/akosichardee

Saturday, January 12, 2013

ikaw & ako: ikaapat na tagpo


Mabilis siyang humawak sa braso ko. Pero hindi ko siya nilingon. Humarang siya sa harapan ko. Pinilit niyang salubungin ang paningin ko.
"Please! Kausapin mo nga ako! Bakit mo ako hindi pinapansin!"
Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko.
"Wala akong nakikita! Wala akong naririnig!"
Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng mukha ko at pinilit niyang iharap sa mukha niya. Gaano kalapit? Siguro mga isang daliri nalang ang pagitan.
"Dahil ba ito sa pagpunta ko sa isang event with your best friend? Pinagseselosan mo ba yung best friend mo?"
Nakangiti nitong tanong. Naramdaman ko lang dahil parang natatawa ito habang sinabi yun.
"At bakit naman ako magseselos sa baboy na yun? At ano ba kita? Hindi yun ang dahilan!"
Ang kaila ko. Pero parang nagulat ako sa sagot ko sa tanong niya. Nagawa kong ikumpara sa baboy ang kaibigan ko.
"Asus! Alam ko naman na nagseselos ka! Hindi dahil sa hindi kayo ang naimbitahan ng mga kaibigan mo, kundi ako at isa pa niyang kaibigan!"
Ganun pa rin ang posisyon namin. Dumilat ako ng aling mga mata.
"Akala ko, ako lang ang social climber sa pakikipagkaibigan! Sana hindi nalang kita pinakilala sa kanya!"
Napayuko ako at hindi ko napigilan hindi mapaluha.
"Huwag ka nang umarte na parang inagawan ng candy! Wala naman masamang tanggapin ang imbitasyon ng kaibigan mo sa akin!"
Parang lalong sumama ang loob ko sa sinabi ng mokong. Inapakan ko nga ang isang paa niya. Napaatras siya sa sakit. Pero hindi siya nagalit. Nakatingin lamang siya sa akin. Lumaban din ako ng titigan.
"Akala mo lang kasi wala sa akin yun!"
Tumalikod na ako sa kanya pagkatapos nun.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Huminga ako ng malalim. Napansin ito ng aking kaibigan. Pinagmasdan lamang niya ako habang nakatulala sa kalangitan.
"Inlove ka ba?"
Nilingon ko ang nagtanong at pinandilatan ng mata.
"Paano kung hindi ako sigurado?"
Ang sagot ko. Kumuha siya ng ballpen at papel. Iniabot sa akin.
"Eh di FLAMES natin! Baka effective pa itong high school strategy!"
Akma ko sanang ibabato ang hawak kong ballpen sa bruho. Pero bigla din siyang sumeryoso.
"Baka naguguluhan ka lang! Alam mo, ganyan ang stage 1 ng ganyang feelings! Baka crush mo palang, tapos pag naipon na yung pagka crush mo sa kanya, yan na ang love!"
Napatulis ako ng nguso. Posible nga kaya? Naku. Natatakot akong alamin na. Bumaling ako ng tingin sa kaibigan kong abala na sa pagsusulat ng pangalan ko at pangalan ng taong yun.
"I-fungshui nalang natin, para mas makatotohanan!"
Ang biro nito muli.


-----------------------


https://www.facebook.com/akosichardee


https://twitter.com/akosichardee