Monday, December 24, 2012

ikaw & ako: ikatlong tagpo


Hindi ko yata kaya na makita siyang kasayaw ang kanyang kasintahan. Masakit sa mata. Pero ang pagkakataon yata ang gumagawa ng paraan para makita ko ang mga eksenang yun.
"Ikaw ha! Hindi mo ako pinapansin!", ang gulat ko ng sumulpot siya sa likuran ko at umakbay pa ang loko.
"Baka makita ng kasintahan mo na may iba kang kausap! Tapos akbay akbay mo pa!", ang pabiro kong sabi. Pero sa loob ko, may pait ang mga katagang yun.
"Naiintindihan niya na mga kaibigan ko kayo! Wala namang malisya ito!", ang natatawa niyang sagot sa sinabi ko.
"Hindi ako nagpapa akbay sa mga hindi ko boyfriend!", ang makahulugan kong biro sa kanya. Pero lalo lang niyang inilapit ang sarili niya sa akin gawa ng pagkakaakbay niya.
"Ang sungit mo naman sa akin! May problema ba?", ang seryoso niya biglang tanong. Nawala yung damdamin ko na pigilan siyang hindi tingnan, titigan at basahin ang mga nasa mata niya.
"Ang gwapo mo!", ang nakangiti kong sambit. Napangiti siya. Kumindat pa siya sa akin at aakmang hahalik sa akin.
"Huwag mo akong biruin ng ganyan, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko!", ang diretso kong pagsaway sa kanya.
"Yan! Napapangiti na kita!", ang tanging nasabi na lamang niya sa akin.



-----------------------

https://www.facebook.com/akosichardee

https://twitter.com/akosichardee

ikaw & ako: ikalawang tagpo


Sinundan niya ako sa aking paglabas. Hindi yata niya nagustuhan ang inasal ko sa harap ng kanyang close friend kahit na ako ang unang nakilala niya at nakasama sa aming mga lakad.
"Whats wrong with you? Hindi ka dapat nagpapakita ng ugaling moody o nakaka offend sa ibang tao!", ang sabi niya. Sa isip ko, parang pinagtatanggol niya ang kanyang closefriend.
"Wala nalang akong sasabihin! Baka masaktan ko pa yung damdamin mo sa mga gusto kong sabihin sa close friend mo!", ang masungit kong sagot sa mga paratang niya sa ugaling pinakita ko sa harap ng close friend niya.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Nakatingin lang ako sa mga naglalakad na tao. Siya naman ay nakatingin lamang sa akin.
"Uwi nalang ako!", ang nasambit ko. Bigla siyang humawak sa braso ko.
"Sasabay ka sa akin! Pero hindi pa tayo uuwi!", ang pigil niya sa akin. Kanina ko pa pinipigilan mapaluha sa magkakahalong inis at awa sa sarili.
"Baka hindi ko kayang sumabay sayo kasama sila!", ang pagkontra ko sa kanyang alok na sumabay ako ng uwi sa kanya.
Tumahimik muli ang kapaligiran sa pagitan namin.
"Bakit ba?", ang tanong niya. Yumuko ako at nagkunwaring inaantok at napahikab.
"Inaantok na ako! Kaya ko naman umuwi! Magta taxi nalang ako!", ang nakangiti kong sagot sa kanyang tanong. Palapit na kasi ang kanyang close friend.
"Dito ka lang! Babalikan kita!", ang mabilis niyang sinabi at lumakad papasalubong sa kanyang close friend. Nakita ko ang reaksyon ng mga mukha nila. Pero kibit balikat ko nalang na hindi na pinansin. Biglang tumunog ang ringtone ng cp ko. May nagtext. At gusto ko yata matawa o kiligin sa nabasa kong mensahe.
"Hindi kita hahayaan umalis! Kaya mo ba akong iwanan?", ang kanyang mensahe sa text.

------------------------


Syempre, lahat ng taong mapapalapit sa kanya, pinagseselosan ko. O baka naiinsekyur ako. Hindi ko ma explain, pero lagi namin iyun hindi pinagkakaunawaan. Kahit na wala naman akong karapatan na ungkatin sa kanya ang mga ganung bagay.

"Stop being childish! Bakit ba pati yung pagtulong ko sa paglilipat ng bahay ng kakilala mo rin naman na tao, kailangan mo pang bigyan ng rason para tratuhin mo ako ng hindi maganda? Ano ba ang mali kong nagawa?"

Ang mahabang lintanya ng mokong. Aba, syempre, tameme ako. Wala naman akong dahilan para magtanong o mangealam sa mga gusto niyang gawin o desisyon, siguro, feelingera lang talaga ako.

"Nagseselos kasi ako! Wala ka ng time sa akin. Hehe! Eto naman, huwag masyado seryoso, baka isipin ng mga makakarinig, mag dyowa tayo!"

Ang pagbibiro ko. Pero seryoso talaga ang mokong. Kung makatingin, wagas. Nakakatunaw. Iniwasan ko nalang na magsalita muna.

"Lahat nalang ng tao na makikita mong napapalapit sa akin, pinag iisipan mo ng masama! O hindi kaya, may malisya sayo! Sila lang ang nagbibigay ng malisya, hindi ako!"

Ang mahaba na namang lintanya ng mokong.

"Hoy ha! Wala naman akong sinabing ganun! Advance ang isip mo masyado! Eh wala akong pakealam kung magkamalisyahan kayo!"

Ang depensa ko sa aking sarili sa paratang ng mokong.

"Masyado ka lang stress! Kung anu-ano ang iniisip mo kapag hindi lang kita napapansin! Hindi naman kita dyowa!"

Ang sunod ko pang sabi. Natawa na lamang ang mokong.

"Seryoso ako!"

Ang biglang banat pa nito.
------------------------

https://www.facebook.com/akosichardee

https://twitter.com/akosichardee

ikaw & ako : unang tagpo


Dahan dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko, pero hindi para hawakan ng matagal kundi ilagay ang aking mga palad sa kanyang mga pisnge.
"Gusto mo bang magpa facial wash? Hehehe!", ang biro kong sabi.
Ngumiti lamang siya at inilapit ang sarili sa akin. Magkatapat ang mga mukha namin. Naroon ang lungkot ng kanyang mga mata. Bigla ko siyang kinindatan.
"Alam mo, kahit na alam mong malungkot ako, gusto mo pa rin ako makulitan sa pagpapatawa mo!"
Bigla kong idinikit ang noo ko sa kanyang noo. Nakapikit kaming pareho, dinadama ang bawat sandali na magkasama kami.
"Basta, kung hindi man ako ang nandyan sa puso mo, sana kahit nasa labas ako, yung pinakamalapit diyan!", ang nasabi ko habang nasa ganun kaming posisyon.
Narinig ko ang maikli niyang pagtawa, isang yakap ang naramdaman ko pagkatapos.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang isinagot ko sa yakap na iyun. Tumahimik ang kapaligiran. Parang namanhid ang pandinig ko sa ingay na nagmumula sa mga taong nasa paligid namin










--------------------
https://www.facebook.com/akosichardee

https://twitter.com/akosichardee