a Chance or False Alarm
Naghiwalay kami year ago. Naging kumplikado ang sitwasyon at marami na rin ang mga rason para mag usap kami na tapusin nalang ang aming ugnayan para wala ng masaktan pa ng sobra. Walang 3rd party at ang dahilan lang ay hindi namin kayang ihandle ang relasyon na akala namin sa una ay magiging pangmatagalan na posibleng humantong sa habang buhay.
Nagawa ko ang gusto pagkatapos ng pakikipaghiwalay. Nakipag date ako sa mga nakikilala ko sa social media at pakikipag textmate. Pero parang one night stand lang ending ng pagkikita.
Handa akong baguhin ang lifestyle ko. Kaya ko naman gawing normal ang buhay ko ng walang lalake o nakaka sex o nakakalandian.
Pero isang taon man ang lumipas na hindi nagku krus ang landas namin, parang pinaglaruan kami ng tadhana.
Nagkasalubong kami sa isang fast foodchain. Nagdesisyon na kumain ng sabay. Nagkamustahan hanggang sa mauwi sa isang pribadong silid at bumalik ang tamis ng damdamin ko sa taong yun. Sa bawat halik sa labi at ungol ay nararamdaman ko na nasabik din siyang makapiling akong muli.
Dumaan ang mga araw. Kahit na nagkuhaan kami ng phone numbers, wala ni isa man sa amin ang unang nagparamdam. Nandoon ang pride. Pero ang pinakadahilan ko, natatakot akong magtanong at umasa ng positibong sagot mula sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ayaw kong paasahin ang sarili ko na posibleng may pagkakataon sa natigil naming relasyon, pero naroon ang pagdadalawang isip na baka naman, wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin ng gabing yun.
BROmansahan
- gay loves guy - bromance - short stories - experiences Visit FB page group for SPORNOSEXUAL PHOTOS: https://m.facebook.com/groups/207218022703928 IG: @misterbromantiko
Saturday, September 6, 2014
Thursday, June 26, 2014
Ako'y Kinikilig!
Ilang beses ko na siyang nami-meet sa mga lakad ng grupong aksidente ko lang naman na kinabilangan dahil sa aking kaibigan. Doon ko unang nakita at nakilala ang isang gwapong lalake na simula palang noong una ay nagbibigay na ng kilig sa damdamin ko sa bawat pagkakataon na magkakaroon kami ng usapan ( palitan ng text messages at viber messages ) at magkikita sa mga lakaran ng grupong yun kapag sumasama ako.
Ilan sa mga tagpong yun nang magkayayaan sa isang disco bar sa Malate, ay dahil nga sa gusto kong mapalapit sa kanya at dala ng kabataan at kapusukan ay nagagawa kong humalik sa mga pisnge niya at nayayakap ko siya habang nasa gitna kami ng maraming tao at mga kaibigan habang sumasayaw sa saliw ng maliksi at maharot na musika.
Naroon na magpakuha ako ng larawan na kasama siya at wala siyang tanggi at siya pa ang kusang tumabi sa akin para lang magpakuha nga ng larawan na kaming dalawa lamang.
May mga panahon na malambing siya mag send ng sms messages, na nagseselos siya kapag may iba nang kumukuha ng atensyon ko pero alam ko naman na mga biro niya lang yun dahil nga siya ay may kasintahan na, pero ganun pa man, kinikilig pa rin ako sa mga birong yun.
Pero habang tumagal ang aming pagkakaibigan, hindi lang pala sa pagpapakilig ang aming magiging ugnayan, dahil isa siya sa mga taong tumulong para ako ay magkaroon ng lakas ng loob na harapin yung bigat ng hamon ng buhay na dumaan sa aming pamilya. Isa siya sa mga nandyan at talagang naramadamn ko ang simpatya niya hanggang sa huli.
Gwapo, matalino at mabait, mga katangian na bihira sa kagaya niya. Busy siyang tao, lalo na sa kanyang negosyo, pero may panahon siya na imbitahin ako sa mga lugar kung saan siya naroon para makakita ng mga kasiyahan na kasama siya at para may chance na magkita rin kami ulit dahil hindi naman kami talaga nagkikita palagi kundi nagkakataon lang.
Minsan na akong nakasakay sa kanyang magarang sasakyan at masasabi kong maswerte talaga ang taong nagpapatibok rin ng kanyang puso at nagbibigay kilig sa buhay niya pag ibig niya.
Sa araw ng despedida niya, kasama ang isa pa naming kabigan, nagkaroon ng pagkakataon na kami ay magkausap at magkakuwentuhan, ng walang umaabala at walang taong nakabuntot sa kanya at humihila. Hahaha!
Sa ngayon, naroon siya sa South Korea, hinahanap ang buhay na mas lalong magbibuigay kaginhawaan sa kanya kasama ang mga kaibigan niya na naroon at ang kanyang kasintahan.
Hindi ko man masabing nagkaroon kami ng mas malalim na ugnayan sa isat-isa, sapat na yung mga sandaling binigyan niya ako ng rason para kiligin. Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ko hinangad na mapansin niya ang gaya ko, pero mas masaya na rin ang maging magkaibigan dahil alam mong hindi kayo magkakailangan.
Thursday, June 19, 2014
Hindi lahat ng lalakeng POGI/ GWAPO ay:
10. Malakas ang sex appeal:
Maraming pogi o gwapo ang hindi naman nakaka-elya sa paningin ng iba, pero depende naman sa iniisip ng mga nakakakita.
9. May sense of humor:
Yung ibang pogi o gwapo, masarap lang silang tingnan at kapag nakausap mo na, mabo-bored ka dahil masyadong ingat sila magbitaw ng mga biro dahil baka pumangit sila kapag natawa sila.
8. Masarap kausapin/ matalino kausap:
Totoo na karamihan sa kanila, wala talagang sense kausap at hindi mo maintindihan ang mga sinasabi nila.
7. Mabango ang hininga/ kumpleto ang ngipin:
Sabi nga nila, hanggat hindi ngumingiti at nakakausap ng malapitan, huwag masyadong humanga sa naamoy sa pabango nila.
6. Nasa Manila:
Mas marami ang mga nasa probinsya (promdi/ probinsyano/ bisaya).
5. Nasa opisina at gym:
Yung iba kargador at tindero sa palengke.
4. Malibog:
Hindi sila masipag sa kama o tamad mag romansa.
3. Sexy at fit:
Yung iba chubby at skinny.
2. Artistahin:
Yung iba hipon. Katawan ang masarap at malakas ang charming.
1. Ay babaero:
Yung iba, lalakero na. ( alam na )
( https://twitter.com/akosichardee )
( https://www.facebook.com/akosichardee?ref=tn_tnmn )
Sunday, June 15, 2014
Masayang Kasama Siya
Nakikita ko na talagang nag enjoy siya sa pakikipagsayaw sa grupo ng dati niyang nililigawan at sa mga kasama nito ng mga oras na yun. Hindi namin inaasahan na makikita namin ang taong yun sa lugar na pinuntahan namin after namin manood ng movie.
Nang kami nalang dalawa sa loob ng sasakyan habang papauwi na, may mga bagay kaming pinag usapan na dinadaan namin sa biruan, habang nagkukuwento ako, patuloy siya sa pagmamaneho habang nakikipag chat sagrinder, isang gay social app.
: Masaya ka ba na makita siya ulit? May bumalik bang kilig o spark sa pantog mo?
: Ano ba naman klaseng tanong yan!
Tahimik kami ng ilang sandali dahil na rin sa antok ko, pero nung araw na yun lang kami muli nagkita [agkatapos ng ilang linggong dumaan. Ayaw ko ng masayang ang pagkakataon na hindi siya makasama sa mga oras na yun. Humilig ako sa balikat niya at yumakap sa isang bisig niya habang hawak niya ang kanyang phone at nagmamaneho.
: Sobrang namiss kita!
: Alam ko naman yun!
Marami kaming pinag usapan, mula sa kanyang dating nililigawan, sa bago niyang nakilala sa party hanggang sa kanyang pananamit. Akala mo ay expert ako para bigyan siya ng ideya sa mga dapat suotin niya.
: Kamusta naman yung nakilala mo?
: He asked my age! Parang dumistansya nga eh nang sabihin ko na more than 30 na ang edad ko!
: Ganun talaga ang mga bata! Hindi pa kasi sila matured mag isip! Puro landi lang ang alam! Oara sa akin, kalabaw lang ang tumatanda!
Ganun palagai, lagi kong pinapalakas ang loob niya kapag may mga nararamdaman siyang rejection mula sa mga tao na binabase sa edad at itsura para magustuhan siya.
: Hindi na nga nag reply yung ka chat ko after ko mag send ng pic! Hindi niya siguro nagustuhan!
: Hindi ka pa kasi niya nami-meet inperson kung gaano ka kagwapo at kalakas ang sex appeal!
: Salamat sa pambobola ha!
Natawa lang siya pero sa loob ko, totoo naman yun. Habang papalapit na akong bumaba sa sasakyan niya, lalo ko pang niyakap ang braso niya.
: Miss na miss mo siguro ako, halos gusto mo ng iuwi ang braso ko eh!
: Oo naman! Kaya nga nilulubos ko na kahit amoy usok ka ng sigarilyo!
: Kaya nga eh, panay singhot mo pa!
: Mabango naman ako eh, atleast kontra sa amoy mo!
At ilang sandali pa, huminto na ang sasakyan, hudyat na kailangan ko ng bumaba.
: Pwede ba kitang yakapin?
: Palagi naman tayong nagyayakap kapag maghihiwalay ah?
: Iba ito! Kasi miss na miss nga kita di ba!
Pumayag naman siya, kaya naman ilang beses ko siyang niyakap na kunwari ay palabas na ako pero bigla akong bumabalik para yakapin siya.
Saturday, June 7, 2014
ang Pag-Ibig ng Tambay
Mahirap para sa isang tambay ang sitwasyon niya kapag tinamaan na siya ng pana ni kupido. Nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay dahil sa mga materyal na bagay halos nakatuon ang sinuman para lamang magustuhan nito ang isang taong nagpapakita ng interes sa kanila.
Eric: Gusto kitang itext, pero wala akong load! Nakakahiya naman magpapasa-load!
Pero minsan, hindi naman kailangan na isang taong may magandang trabaho ang basehan para lamang magkagusto ka sa mga gaya nila, minsan binabase rin sa ugali.
Eric: Nagpakita ka na nga ng kabutihan, hindi pa rin sapat para mapansin man lang!
Kaya naman, hindi nalang umaasa si Eric na magkagusto sa kanya ang mga nakilala niya sa mga napupuntahang parties, events o anumang lugar kung saan naroon ang mga kagaya niya o kauri ng kanyang pagkato na naghahanap rin ng totoong pag ibig sa panahon ngayon na mas matimbang angh estado ng buhay ang pinagbabasehan.
Gary: Nauunawaan naman kita! Kulang lang siguro yung effort mo o hindi pa talaga time para matanggap ka sa mga inaaplayan mong trabaho!
Eric: Ilang taon na akong tambay eh =( Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo kung laging ganun ang tanong nila, kung ano ang pinagkakaabalahan ko, may trabaho ba ako o ano ang trabaho ko =(
Pero mapalad si Eric dahil nakatagpo siya ng isang taong umunawa sa sitwasyon niya at hindi tumingin sa estado ng kanyang buhay bilang tambay.
Gary: Kung magkakatrabaho ka na, baka mawalan ka na ng time sa akin din =)
Eric: Hindi ko alam kung matutuwa ako o kikiligin ako o kung lalo akong maaawa sa sarili ko sa sinabi mong yan!
Pero ramdam ni Eric na unconditional ang pagmamahal sa kanya ng nobyo, dahil kahit na halos ito ang gumagastos sa pag-aapply niya kapag naso-short siya sa budget, full support talaga ito at laging nakaalalay kapag hindi siya pinapalad na matanggap sa mga inaplayan.
Eric: Sa busy mong yan, mapapansin mo pa ba ako? Sa dami ng mga nasa paligid mo na mga bigtime, imposibleng hindi mo ako nakumpara sa kanila! Na sana, mga gaya nila ang naging nobyo mo =(
Gary: Hindi yan sumagi sa isip ko! Alam mo, ang totoo niyan, masaya ako na tambay ka sa ngayon, kasi ikaw yung may time na unawain yung pagiging busy ko sa trabaho!
Eric: Wala naman kasi akong ginagawa kundi ang maging K.S.P. sayo nu! Inaaway na nga kita para mabuwiset ka, pero hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa akin ;P
Ganun ang kulitan ng dalawa at nararamdaman ni Eric na talagang totoong minahal siya ni Gary sa loob ng 5 taon. Hindi naman siya talaga tambay, minsan may mga raket din siya at kapag kumita siya, siya ang nagso-sopresa sa nobyo. Sa dami ng utang niya dito kasama ang utang na loob, hindi ito humingi ng bayad o anumang kapalit kundi oras lamang niya sa tuwing uuwi ito at makikipag kuwentuhan sa kanya.
Tuesday, June 3, 2014
I Love You Babe =)
Since highschool, talagang may lihim ng pagnanasa si Fred sa dating kaklase at kabarkada. Pero habang tumatagal na ganun ang nararamdaman niya, napalitan yun ng kakaibang damdamin dahil sa mga bagay, pangyayari at sitwasyon na pinagdaanan ng bawat isa sa kanila habang magkasama at nananatiling magkaibigan.
Fred: Gagawin mo na naman akong chaperon!
Mark: Ililibre kita ng lunch pero dapat doon ka sa ibang table at panoorin mo lamang kami ng ka-datye ko =)
Hindi naman madaling hindi hindian ni Fred ang kaibigan dahil parang gusto rin naman niya na naroon siya sa mga lakad nito habang may iba itong kasama o dine-date. Nasasaktan siya sa anakikita at mas lalo siyang nasasaktan kapag nagkakataon na maririnig niya ang pag uusap ng mga ito, ang mas malala, ay ang makita niya na may hinahalikan ang kabarkada niya.
Mark: Salamat Fred ha! Isa kang tunay talagang kaibigan!
Fred: Ginagawa mo lang akong parang tagabantay mo eh!
Ganun pa man, ay pumapayag pa rin si Fred sa mga pabor sa kanya ng kaibigan. Naroon na siya pa mismo ang sumusundo sa mga dinedate ng kabarkada. Siya pa ang nagre-reply sa mga text ng mga ito kapag busy sa klase o naglalaro ng basketball ang kabarkada. Siya ang nagdadala ng mga regalo o pasalubong kapag nasa out of twon sila ng kabarkada, kahit na wala pa siyang pahinga, halimbawa, pagbyahe papuntang Batangas mula Manila.
Mark: May sakit ka? Gusto mo alagaan kita? Bayad ko sa mga utang na pabor ko sayo!
Fred: Huwag na! Hindi naman ako mamamatay sa simpleng ubo lang! Puntahan mo na yung ka-movie date mo, baka mainip pa yun kapag na-late ka!
Mark: Sure ka? Sige, text text nalang!
20 missesd calls, 25 text messages. Hindi nagawang sagutin iyun ni Fred. Idadahilan nalang niya na nakatulog siya ng mahabang oras at naka silent ang phone niya. Ayaw niyang mabasa ang mga ibabalita sa kanya ng kabarkada sa movie date nito. Baka hindi lang ubo ang maging sakit niya, kundi sakit sa puso na. Ilang minuto niyang pinagmamasdan lamang ang phone sa gilid ng mesita ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Naroon na ang kabarkada niya. Namumula ang mga mata nito na parang galing sa pag iyak.
Mark: Tumatawag ako sayo! At nagtetext ako, bakit hindi ka man lang nag-reply!
Fred: Tulog ako! Siguro dahil sa gamot na binigay mo! Effective siya, parang umokey nga ako eh!
Mark: Ganun ba!
Tumabi ito sa kanya ng umupo sa kama, at biglang humiga. Pero mulat ang mga mata at nakatingin sa kisame.
Mark: Kailangan kita kanina alam mo ba yun?
Fred: May sakit ako!
Mark: I mean, kailangan ko ng kaibigan kanina!
Biglang nakaramdam ng pag aalala si Fred sa garlagal na boses ng kabarkada. Tumabi siya dito pero pinabasa sa kanya ang mga text messages nito sa kanya.
Fred: May nangyari bang hindi maganda?
Mark: Nakita ko ang girlfriend ko na may kayakap at ka-holding hands na ibang lalake!
Fred: Girlfriend?
Mark: Hindi ko na agad nakuwento sayo kasi gusto ko after namin manood sana ng movie dadalawin ka namin dito at doon ko sasabihin sayo na mahigit one week na kami! Mahal ko ang babaeng yun pero niloko niya ako sa maikling panahon na nagtiwala ako sa kanya!
Gustong matuwa ni Fred dahil kahit papaano ay naalala pala siya ng kaibigan na ipakilala sa babaeng pinagtuunan nito ng oras at panahon, pero nakaramdam siya ng sakit doon kasi nalaman niya na may babae na palang nagmamay-ari dito.
Fred: Atleast, maaga palang, nalaman mo ng hindi siya worth it para sayo!
Mark: Uminom akong mag isa kanina, hindi mo lang maamoy ang alak sa bunganga ko dahil nagmumog ako ng isang boteng mouthwash!
Fred: Gusto mo akong umnom kasama ka sana?
Mark: Pero naalala ko, may sakit pala ang kaibigan ko! Ipapabanat ko sana sayo yung lalakeng yun eh!
Fred: Bakit hindi nalang yung girl ang iapabanat mo sa akin? ;P
Natawa doon ang kabarkada niya. Hinila siya nito at niyakap na may kasamang tanday.
Mark: Kung naging babae ka lang, ikaw na ang syinota ko!
Fred: Hindi ba pwede?
Mark: Hindi nqaman tayo bakla eh!
Fred: Pwede naman yun! Uso kaya ang ganun!
Tumawa ng ilang sandali ang kabarkada niya at sinabi sa kanya ang...
Mark: O sige na! I love you babe!
Alam ni Fred na biro yun ng kabarkada, laging ganun. Sweet naman talaga ito, kaya madalas nagkakamali siya ng pagpapakahulugan sa mga sinasabi nito sa kanya. Pero biro man o hindi, yung nararamdaman niya para dito ay totoo.
Wednesday, May 28, 2014
Inlababu kay Facebook Friend
Nakilala ko siya sa ginawa kong facebook group, 4 years ago.
Then nag meet kami sa isang group support.
Doon nagsimula yung mga invitation niya sa akin na pumunta sa mga bathhouse, spa, gaybars then mga house parties at mga imiks dito gimiks doon.
Hanggang one day, lagi ko na siyang gustong kasama. I had crush on him. At marami din ang humahanga sa kanya.
Nagseselos ako sa mga group of friends namin na malapit sa kanya.
Nandyan yung i saw him na may ka-holding hands sa loob ng car niya.
Naroon yung maririnig ko from him na may dine-date nga siya.
Kahit ang close friend ko ay pinagseselosan ko dahil i felt na type niya yung taong nakilala ko sa isang social network lamang.
Sa pagtagal ng panahon, naramdaman ko na tunay siyang kaibigan.
He always there for me when i feel down sa mga drama ng buhay ko about sa pamilya.
Hindi na rin kami nagkakailangan sa mga bagay-bagay like makita siyang nakahubad habang nagsa-shower nung nasa bathhouse kami.
Nandyan yung ginamit niya yung kutsara ko, na kinagulat ko, in public place, oh, in starbucks pala yun.
Nagkatabi na rin kami matulog, nang umattend kami sa isang summer outing na overnight lang naman, pwede ko sanang samantalahin ang pagkakataon pero mas nanaig yung pagiging antukin ko. Marami naman siyang pwedeng tabihan yun nga lang, siguro na-feel na niya mas safe akong katabi. Hehehe.
Pero ang hindi ko makakalimutan, nung akala ko ay hahalikan niya ako, kasi umiinom sila ng mga group of friends namin at natulog lang ako sa magdamag.
Ok lang sa akin kahit nakainim siya, tanggap ko ang excuses kung nangyari man yun.
Sumagi sa isip ko na kahit noong una palang kaya na nagkikita kami, dine-date na niya ako dahil laging ako ang kasama at iniimbitahan niya?
Hindi naman masama ang mangarap, pero dahil friendly at mas lumalaki na ang group of friends niya, nararamdaman ko na hindi na ako yung gusto niyang kasama sa mga gimiks niya.
Pero madalas pa rin kaming mag-text, ako lang yung sweet at siya lang yung nagiging sweet at makulit kapag nilalambing ko ng pabiro.
Subscribe to:
Posts (Atom)