Ilang beses na nga bang nasaktan si Mon? Hindi na niya mabilang dahil sa totoo lang, ayaw na niyang balikan pa ang mga alaalang yun na napunta naman sa hindi "happy ending" na pakikipag relasyon.
Lahat na yata ng klase ng discreet gay at male bisexuals ay nakarelasyon na niya, mula 18 years old hanggang nasa 50 years old ang edad ng mga yun ay kanya na yatang nasubukan at sinubukan na makipag relasyon, long term o short term man ay napunta sa hindi magandang pagtatapos.
Kaya naman, parang dumating yung panahon na nagsawa siya to commit in a serious relationship. Mas na-enjoy niya yung pakikipag-flirting at one night stand. Ika nga, walang kasamang emosyon ng pag ibig o paghanga sa mga ito ang gagawin niyang pakikipagtalik sa kung sinuman.
Maraming benefits pala ang pagiging tripper, nandyan yung bibigyan ka ng mga bagay o pera bilang pasasalamat, hindi yun tinatanggihan ni Mon dahil kusa naman yung binigay sa kanya. At hindi siya nakakaramdam ng anumang lungkot o pagsisisi pagkatapos ng pakikipagtalik niya sa mga nakikilala sa online chat o sa mga napupuntahan niyang gimikan.
Pero isang araw, na-meet niya si Andy. Edad 19. May itsura pero mukhang nasa kapusukan. Kaya naman naging madali sa kanila ang mga pangyayari. Mula sa panonood ng sine hanggang sa pribadong lugar ay naganap ang inaasahan.
Ilang sandali pa ang nagdaan, bago bumangon si Mon at mag-aayos na sana ng sarili nito ng yumakap sa likuran si Andy. Dinama niya ang init ng balat nito sa kanyang likuran.
Andy: Gusto kita!
Biglang bumalik sa alaala ni Mon ang kanyang mga karanasan noong kasing edad niya ito. Naroon ang umasa siya na magustuhan rin ng mga nakakatalik niya pero wala ni isa sa mga ito naging ka- " happy ending " niya.
Mon: Bakit? Bakit mo ako gusto?
Andy: Hindi ko alam! Basta, gusto kita!
Hindi na lamang ito pinansin ni Mon. Alam niya na darating ang panahon, kung naasaan maan siya ngayon ay magiging ganun din ang taong yun. Kung ibabase sa karanasan, hindi imposibleng mangyari yun. Wala siyang balak gumanti sa mga inusente, pero iyun ang hinihingi ng pagkakataon at sitwasyon.
Minsan, madali nating husgahan ang mga nagpapakilala bilang mga " TRIPPER ", na kesyo mukhang pera at yun lamang ang habol. Walang kunsensya at sex lang habol. Minsan, akala natin sila ay mga kapwa bading na nagdedenay ng kanilang tunay na sex orientation at hindi pa maamin sa sarili kung ano at sino ba talaga sila. Naisip ba natin, na baka may mga hindi sila magandang karanasan kung bakit sila naging ganun at bakit nila tinawag nila ang mga sarili nila na " tripper "
No comments:
Post a Comment