Tuesday, February 25, 2014

valentines short story: "pulang rosas"

"Pulang Rosas"

Ilang araw palang ay may usapan na ang mag nobyong Alex at Tristan tungkol sa gagawin nilang selebrasyon para sa nalalapit na valentines day. Iyun din kasi ang kanilang anibersaryo.

Busy man sa kanilang mga kanya-kanyang trabaho, naroon pa rin ang komunikasyon nila sa pagtetext at pagtawag sa mga gamit nilang telepono.

Marami ng pinagdaanan ang relasyon ng dalawa, naroon ang tutulan ito ng mga mahal nila sa buhay dahil nga hindi pa ganun katanggap sa ibang tao ang klase ng pagtitinginan nila bilang pareho silang kapwa sa paningin ng lahat.

Pero nakasuporta naman ang mga malalapit nilang kaibigan sa kanila kaya naman isa iyun sa mga nagpapalakas at nagpapatatag ng kanilang relasyon.

Excited na si Alex na masopresa ang kasintahan dala ang bungkos ng mga pulang rosas. May usapan sila na maleleyt siya sa tagpuan nila pero alibi niya lang yun para masopresa nga ang katipan. Nawala ang sentro ng pag iisip ni Alex ng makarinig ng malakas na pagbusina ng mga sasakyan.

Huminga ng malalim si Tristan at muling napatingin sa oras sa kanyang telepono. Inisip niya na baka naipit sa traffic ang nobyo lalo pa at sa edsa ang daan nito.

Pinaikot ni Tristan ang paningin sa paligid at napansin niya na napapalibutan ng pulang rosas ang halos buong kapaligiran ng lugar na yun. Sinamyo niya ang halimuyak ng hangin at dinama ang lamig na pinaparamdam nito.

Bigla siyang napalingon sa likuran niya ng marinig ang tinig ng nobyo. " happy anniversary mahal ko! ".

Pero wala roon ang nobyo niya. Pero narinig niya talaga ang tinig nito. Malapit sa kanyang likuran. Binalewala na lamang niya iyun.

Sa araw ng anibersaryo ng magnobyo, naging malungkot itong selebrasyon. Naaksidente si Alex mula sa sinasakyan nitong pampasaherong bus dahil pinagitnaan ito ng nagbanggaang dalawa pang sasakyan.

Hindi nakaramdam ng tampo si Tristan sa nobyo dahil dumating ito sa kanilang tagpuan pero hindi na nga lang bilang nabubuhay pa.

Natanggap niya ang sopresa nito sa pamamagitan ng mga pulang rosas na nakapalibot sa kanya sa mga oras ng ito ay  maaksidente at may dalang mga pulang rosas din para ibigay sana sa kanya.


No comments:

Post a Comment