Saturday, November 23, 2013

kasiping ang estrangherong lalake

Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan o dahil na rin sa tawag ng damdamin kung bakit naganap ang isang oangyayari na hindi inaasahan na mangyari. Nagising na lamang ako na nasa isang malamig at magandang silid. Sa pagmulat pa ng aking mga mata upang pagmasdan pa ang nasa aking paligid, isang mukha ang sumalubong sa akong paglilibot. Nakangiti ito na tila masaya at inaasahan na ang aking pagkagulat.

Siya: Hi! Good morning!

Ako: Hi! Good morning din!

Napansin ko nga na sumisilip sa kurtina ang sinag ng araw sa labas ng bintanang yun. gusto ko sanang magtanong pero naunahan na ako ng pagkapahiya sa kanya at sa aking sarili. alam kong may naganap sa pagitan naming dalawa. Iyun ang sinasabi ng isipan ko, gusto kong kiligin at pinipigilan ang mga labi na ngumiti pero mas nanaig sa akin ang magkaroon ng pagkapahiya talaga sa nangyari.

Siya: About last night...

Bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari bago ko natagpuan ang sarili ko katabi ang lalakeng yun. Kasama ko ang aking mga kaibigan na pumunta sa isang disco bar, napasobra yata ako ng nainom at nahilo sa bawat liwanag na nagmumula sa mga light balls, naroon na muntik-muntikan akong magsuka, nakabunggo ng mga tao sa paligid ko at naupo sa isang tabi ng lumabas ako para ipahinga ang sarili. Masaya ako sa mga oras na yun, at doon ko naalala na dumaan sa harap ko ang lalakeng yun. Ngumiti at tumabi sa kinauupuan ko. Inalok ako ng dala nitong inumin pero tumanggi ako. Hindi ko na maalala ang mga pinag-usapan namin, kahit nga pangalan niya ay hindi ko maalala kung tinanong ko ba sa kanya.

Siya: Nahihiya ako sa nangyari!

Ako: Ha?

Siya: Sinamantala ko ang pagkakataon na pareho tayong nakainom kaya may nangyari sa ating dalawa! Pero, humihingi lang ako ng pasensya sa pananamantala ko ng pagkakataon, pero hindi ako nagsisisi at humihingi ng sorry sa nangyari sa ating dalawa!

Ako: Ah! Ok!

Wala na akong gustong sabihin o itanong pa. Sa totoo lang, may mga naalala ako kaya ako pigil sa sariling ipakita sa kanya na kinikilig ako habang kasama siya sa mga oras na yun. Madalas ko na siyang nakikita pala sa disco bar na yun, sa tuwing naroon ako kasama ang aking mga kaibigan para maglibang at magsaya, nagkakataon na naroon siya. Kaya naman naging pamilyar na siya sa akin, at nagkapuwang sa ouso ko kahit imposible na magkaroon ng pagkakataon na magkakilala kami. O baka madalas na naroon siya, o baka nga madalas ay may kasiping siya na iba na doon sa lugar na yun nanggaling.

Siya: Alam mo, ikaw palang ang dinala ko dito sa pad ko! Iyan ang totoo!

Gusto ko siyang paniwalaan sa sinabi niya, tanging yun nalang ang panghahawakan ko mula sa kanya, pero hindi ko rin masasabi sa sarili ko kung nagsasabi siya ng totoo. Baka iyun din ang mga linya niya sa mga dinadala niya roon.

Nang ako ay makapag ayos na sa aking sarili, nilingon ko siya bago ako lumabas. Ngumiti lamang siya sa akin. Sa isip ko, maulit man o hindi, ang mahalaga, nagkaroon ng katuparan ang kahilingan ko na magkaroon ng kaugnayan sa kanya, sa kahit sandali lang.

Saturday, November 16, 2013

usapang Cool Off at need space

Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko man lang namalayan na nagtatalo na pala kami habang nagsasagutan sa mga bagay-bagay.

Ako: Ang hirap sayo, masyado mo agad hinuhusgahan yung tao! Malay mo naman, friendly lang at natural na sweet siya sa lahat! Saka baka isipin niya, out of place siya sa grupo! Konting matured naman sa pag iisip!

Siya: Ako pa ang immature mag isip? May tiwala ako sayo, pero sa kanya, wala! Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun!

Ako: Kailangan ba alamin mo ang background bago mo man lang ituring na mabuting tao? Sana sinabi mo na sa akin n maaga palang, para pinadala ko yung resume at nbi niya!

Siya: Wala ako sa mood makipag pilosopohan sayo ha!

Ako; Hindi ako namimilosopo!

Siya: I think, i need space! We need space dahil pareho tayo na hindi ok!

Ako: Im ok! Ikaw, baka nga nagiging alien ka na kaya pati pag iisip mo, alien na!

Siya: Huwag mo nga akong simulan na mainis ulit!

Ako: Naiinis ka na sa akin?

Siya: Wala akong sinabing naiinis ako sayo! Ano ka ba!

Ako: Mag cool off nalang kaya tayo!

Siya: Hey! Ang sabi ko, we need space sa isyu, hindi sa relationship natin!

Ako: Parang yun na rin yun eh! Maglolokohan pa ba tayo!

Siya: So, nagsasawa ka na pala sa ganito?

Ako: Wala akong sinabing nagsasawa ako sa relasyon natin! Sabi ko, sa mga ganitong sitwasyon!

Siya: Hay!

Maya-maya lang ay sabay kaming napabuntong hininga. Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang magkabila kong balikat.

Siya: Tingnan mo nga ako!

Ako: Huwag na! Magpapa-cute ka na naman eh!

Siya: Lets move on!

Ako: So, break na tayo?

Siya: Anong break na tayo? Hindi iyun ang sinabi ko!

Ako: Saan tayo magmo-move on?

Siya: Tumahimik ka na nga!

Ako: Nakita mo na, ayaw mo talaga na daldalan kita!

Siya: Hey, wala akong sinabing ganun! Alam ko naman na nagger ka!

Ako: Iniinsulto mo pa ako!

Siya: Hindi kita iniinsulto!

Bigla akong napayakap sa kanya. Inamoy ko ang pabangong nanuot sa suot niya. At napabungisngis.

Siya: Nababauhan ka sa akin?

Ako: Oy ha! Wala akong sinabing ganun!

Siya: Eh bakit ka tumatawa dyan?

Ako: Wala lang!

Siya: Tell me?!

Yumakap nalang ako ng mahigpit sa kanya at naramdaman koa rin ang pagtugon niya sa "wholesome" na yakap ko sa kanya.

----------

Tuesday, November 5, 2013

ang bestman

Sabi nga nila, iba pa rin talaga ang kasal probinsya. Kaya naman gusto itong maranasan ni Bill sa araw ng kasal ng kanyang kapatid na babae. Ang makasaksi ng mga tradisyunal na kasal-probinsya. Pero  hindi niya alam kung mag eenjoy ba siya sa pananatili ng ilang araw sa kanilang probinsya sa paghahanda ng kasal ng kanyang kapatid, dahil na rin sa sitwasyon niya sa pagitan ng kanyang pamilya at sa kanya.

Bill: Hello hometown! Sana maging mabuti ka sa akin habang nandito ako sayo!

May lumapit sa bagong dating na binata. Ang may edad na babae. Nagmano siya dito at ngumiti.

Bill: Napansin ko sa paglapag palang ng eroplano, mukhang hindi na ako welcome agad =)

Nanay: Ikaw naman! Busy lang ang mga kapatid mo at ang tatay mo sa paghahanda para sa kasal ng bunso natin!

Bill: Naku, pinagtakpan nyo pa! Sa tamad ng mga yun, imposible na kumilos sila! Tutol nga sila sa pagpapakasal ng kapatid ko ng maaga!

At hindi nga nagkamali ng hinala si Bill, pagdating palang nila sa bakuran ng kanilang bahay sa probinsya na yun, nakita na niya ang tila nga senyorito niyang mga kapatid na lalake na nakaupo lamang sa balkonahe, kasama ang tatay niyang lasenggo.

Bill: Wow! Ang agang almusal! Kinakape nyo na ho ba yun alak ngayon?!

Tatay: Mabuiti naman at buhay ka pa! Sino naman ang nagpapunta sayo dito?

Bill: Imbitado ho ako sa kasal ng anak nyo na kapatid ko!

Nanay: Pagod ang anak mo! Ano ba naman na pagsalubong yan?!

Tatay: Kaya lumaking malambot yan, dahil sa ginagawa mo!

Napakagat-labi na lamang si Bill. Ang tatlo niyang kapatid na lalake, nakatanaw lamang. Tila mga takot na makisali sa usapan. Nginitan lamang ni Bill ang mga ito.

Pagpasok ni Bill sa kanyang kwarto, doon niya hindi napigilan ang sarili na hindi mapaluha dahil sa trato ng kanyang tatay. May kumatok sa pintuan at ang kanyang kuya na magpapari ang napagbuksan niya.

Bill: Manenermon ka ba na kasalanan ang maging ako? Ang maging ganito ako?

Kuya: Lumabas ako ng kumbento para dumalo sa kasal ng kapatid natin!

Katahimikan ang namagitan sa kanilang magkapatid. Nabasag lamang ito ng may marinig silang sasakyan, sabay silang napalingon sa bintanang tanaw ang labas ng bakuran nila.

Kuya: Nandyan na sila!

Bill: Sila? May kasama siya? Hindi ba sa susunod na linggo pa ang dating ng mapapangasawa niya?

Hindi na siya nagawang sagutin ng nakakatandang kapatid. Saglit niyang inayos ang sarili at sumunod na rin dito para salubungin ang kapatid na ikakasal na.

Bunso: Hello Santos family!

Ang masiglang pagsalubong ng bunso sa pamilya sa mga naroong kapamilya niya. nakita ni Bill ang masayang mukha ng mga kapatid niya at ng kanyang mga magulang sa pagsalubong sa kanilang bunso. Nakaramdam siya ng selos sa kapatid, paano, ang nanay lamang nila ang nagpakita sa kanya ng ganung emosyon ng makita siya.

Bunso: Hello my brother! Nauna ka sa akin ha! Aminin! Mas excited ka sa akin nu?!

Bill: Oo naman! Nakakahiya naman kung ako pa ang huling dumating!

Patama yun ni bill sa mga taong naroon, lalo na sa kanyang tatay. Pero balewala lamang ito sa kanyang tatay dahil niyaya na nito ang kanyang kapatid na pumasok sa loob ng bahay para mananghalian, samantalang siya, hindi man lang inalukan ng maiinom pagdating niya.

Lumipas ang tanghalian, na parang hangin lamang si Bill sa paningin ng kanyang tatay at mga kapatid. Kahit na binibida siya ng kanyang nanay, parang wala namang interesado na pag usapan pa ito. Doon niya lang napansin ang kasama ng kanyang kapatid. Parang bida sa mga koreanovela ang itsura. Pinakilala ito ng kanyang kapatid sa gitna ng kanilang pananghalian pero hindi niya ito agad napansin dahil nga parang bingi at bulag siya sa mga nangyayari sa kapaligiran.

At mas lalo pa niya itong makikilala at makakasama ng matagal dahil isang kwarto lamang ang gagamitin nila.

Bunso: Ok lang ba kuya? Huwag kang mag-alala, nawarningan ko na si Lee about sa alam mo na =)

Bill: Wow ha! Parang sinabi mong mag ingat siya sa may sakit!

Napatigil ang lahat doon sa kanyang binitawang salita. Gusto niya sanang bawiin, pero nasabi na niya.

Bill: Nagbibiro lang ako!

Tatay: Bakit hindi mo nalang ilipat si Lee doon sa kwarto ng isa mong kuya!  Mas panatag tayo na magiging kumportable siya sa pananatili dito!

Tumayo na lamang si Bill at nagpasintabi sa mga naroon sa hapag-kainan. Bumalik siya ng kwarto at doon ay tuluyan na siyang napaluha. Masakit ang mga pahiwatig na salita ng kanyang ama, pero wala siyang magawa kundi ang sumama na lamang ang loob dito.

Nagising sa mahinang pagtapik sa kanyang pisnge si Bill. At nakita niyang halos magkadikit ang mga mukha nila ng bisita ng kanyang kapatid.

Lee: Hindi ka na daw kumain ng panghimagas sabi ni tita!

Bill: Wala akong gana!

Lee: Wala kang gana o umiiwas ka sa tatay mo?

Mukhang alam na ng bisita ang sitwasyon. Kaya naman naging palagay dito si Bill na magkuwento dito ng mga nangyari mula sa pagdating niya sa bahay na yun.

Lee: Hanggat kaya mong umiwas, umiwas ka!

Pero mula sa araw na yun ay parang sa bisita naman ang hindi kayang iwasan ni Bill. Aminado siyang may crush siya dito, pero pinipigilan niya dahil ayaw niya na magkaroon na naman ng isyu na posibleng pagsimulan ng mga usapan loob ng pamilya niya.

Bunso: You like my bestman?

Bill: Ano ba namang tanong yan?

Bunso: Answer me kuya! Wala naman masama na magkagusto ka sa kapwa mo! Saka, tayo lang ang magkakampi dito! Ikaw lang naman ang ayaw ako maging kakampi kaya pakiramdam mo lagi kitang pinapatamaan sa mga sinasabi ko!

Bill: Hindi ako tanggap ng pamilya natin! Na ganito ako!

Bunso: Kuya, tanggap ka ni nanay! Ako, tanggap din kita!

Bill: Sila? Kailan nila ako matatanggap?

Doon na nagawang lumuha muli ni Bill. Napansin iyun ng kanilang ama na nakamasid lang sa kanila.

Tatay: Nakakahiya ka! Kalalake mong tao, umiiyak ka sa harap ng kapayid mo! Daig mo pa ang ikakasal sa kadramahan mo!

Bill: Hindi naman ho ako nagdadrama!

Bunso: Tay, pabayaan nalang natin si kuya!

Tatay: Pabayaan? Na ganyan? Kaya tayo pinagtatawanan ng mga tao sa buong baryo!

Huminga ng malalm si Bill. Takot siya masaktan ng pisikal ng kanyang tatay, naroon pa rin ang respeto at takot niya talaga dito na magalit sa kanya ng husto.

Bill: Mabuti pa yung sasabihin ng ibang tao, inaalala nyo!

Mabilis siyang umalis sa kinaroroonan ng kanyang ama at kapatid.

Bunso: Tay, bakit ba kayo ganyan? Wala namang ginawang masama si kuya para itrato nyo ng ganyan!

Tatay: Bakla siya!

At narinig pa yun ni Bill. Niyakap na lamang niya ang kanyang sarili. Naghahanap siya ng konting awa sa mga sasabihin ng kanyang ama, pero talagang matigas ito.

Lee: Ignore him! Alam mo, ganyan naman talaga ang mga magulang, lalo na ang tatay! Mahirap talaga sa parte nila na tanggapin agad yung sitwasyon ng pagkato ng kanilang anak na lalake o babaeng nalihis ng gusto maging lalake o babae, kabaligtaran sa ano sila!

Bill: Nakakahiya anaman sayo! Ganito pa ang mga nasasaksihan mo!

Lee: Alam mo, kung nagagawa ka nilang balewalain, bakit hindi mo subukan na ganun din ang gawin mo sa kanila! Give them time and space!

Bill: Matanggap kaya nila ako?!

Lee: Oo naman! Panahon lang ang makapagsasabi kung kailan =)

Doon talaga ako napahanga sa bestman ng kapatid ko sa kasal niya. Gwapo na matalino pa. Doon ako lalong nakaramdam ng paghanga dito. Hindi  alam ni Bill pero habang tumatagal ay masniya itong nagugustuhan sa pagdaan pa ng mga araw.

Nanay: Umiiwas ka ba sa tatay mo?

Bill: Para wala nalang gulo Nay!

Nanay: Hanggang kailan?

Bill: Hanggang malaman niya na may anak siyang bakla! Hindi naman ako nawala, binabalewala lang!

Alam ni Bill na hindi niya hawak ang desisyon ng kanyang tatay at mga kapatid na tanggapin siya, pero ganun pa man, masaya naman siya dahil may Nanay siya at isang kapatid na talagang handa siyang ipaglaban ng sagutan sa kanyang tatay. Siguro nga, tama na manatili na lamang siyang tikom ang bibig sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na magkikita ang landas nila ng kanyang tatay. Mahal naman niya ito, yun nga lang, may pader na humaharang para maiparamdam niya ito.

Sa ngayon, ang nagpapasaya sa kanya ay ang bestman ng kanyang kapatid sa nalalapit nitong kasal. Kahit papaano, nagagawa nitong bawasan ang poot at sama ng loob niya sa mga taong pumupuna ng kanyang pagkatao.

----------------