Tuesday, March 25, 2014

Si Ser at ang Graduation Day

Maraming alaala ang babaunin ni Randy sa unibersidad na kanyang pagtatapusan. Naroon ang mga kasiyahan at kalungkutan na nagpakumpleto sa kanya bilang mag aaral.

Masasayang bagay na nagbigay sa kanya ng inspirasyon para magawa ang mga imposibleng bagay at mga malulungkot na pangyayari na nagpahina sa kanya pero nagbigay ng dahilan para magpatuloy siya at makamit yung mithiin niya sa buhay.

Bumalik sa alaala niya noong unang taon niya pa lamang sa unibersidad ay nakuha na ang atensyon ng isang PE teacher. Dalawang taon niya itong naging PE teacher, kung pwede nga lang na ibagsak niya ang minor subject ay ginawa na niya para hindi mawala ang ugnayan niya sa kanyang PE teacher.

At habang dumadaan ang mga oras at araw na nakikita niya ito sa campus ay lalo siyang nagkakaroon ng sobrang paghanga dito. At hindi lang naman siya ang may gusto dito, kahit ang mga kapwa estudyante niya at mga kaklase ay nagpapakita ng pagka interes dito.

Nararamdaman ni Randy na may ibang pagkatao ang PE teacher niya, pero pilit niya iyung binabalewala, gusto niya kasi manatili sa isip niya na isa itong matikas at maginoong tao.

May mga pagkakataon na nakikita niya itong malapit sa mga kapwa niya estudyante, lalo sa mga lalake, siguro dahil nga puro sports ang mga topic ng usapan ng mga ito at hindi man siya maka-relate ay nagagawa niyang sumabay dahil sa ginagawa niyang pag-search sa mga latest na sports events.

Isang araw, nagkaroon siya ng pagkakataon na masolo ang PE teacher ng minsang makiusap ito sa kanya na tulungan niya sa pag aayos ng mga gamit sa sports room. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila bago niya narinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Dinama ni Randy ang pagtawag sa kanya ng PE teacher. Pero nagulat siya ng maramdaman na nasa likod na niya pala ang PE teacher at naramdaman ang katawan nito sa kanyang likuran. Parang napahiya doon si Randy at umiwas sa pagdikit pa lalo ng mga katawan nila.

Iyun ang unang pagkakataon na magkadikit sila at magkaroon ng pagkakataon na magkasama sa isang lugar, pero hindi niya nagawang samantalahin ang pagkakataon dahil na rin sa takot na mapahiya at magbago ang pagtingin sa kanya ng PE teacher.

Maraming beses pang nasundan ang mga ganung eksena, naroon na isang araw siya ay natapilok sa paglalaro ng basketball at isinampa siya sa likod ng PE teacher niya para dalhin sa clinic. Naroon na ilibre siya ng lugaw at palamig ng break time nila. hindi na mabilang ni Randy ang mga bagay na ginawa para sa kanya ng PE teacher, dahil para sa kanya, siya lang naman ang nagbilang at nagbigay kahulugan ng mga nangyaring yun.

At sa huling araw niya sa unibersidad, hindi niya magawang maging masaya ng buo, dahil pagkatapos nga ng araw na yun ay tuluyan ng matutuldukan ang ugnayan nila ng kanyang PE teacher.

Monday, March 24, 2014

Tripper; Paano ka Magmahal?

Ilang beses na nga bang nasaktan si Mon? Hindi na niya mabilang dahil sa totoo lang, ayaw na niyang balikan pa ang mga alaalang yun na napunta naman sa hindi "happy ending" na pakikipag relasyon.

Lahat na yata ng klase ng discreet gay at male bisexuals ay nakarelasyon na  niya, mula 18 years old hanggang nasa 50 years old ang edad ng mga yun ay kanya na yatang nasubukan at sinubukan na makipag relasyon, long term o short term man ay napunta sa hindi magandang pagtatapos.

Kaya naman, parang dumating yung panahon na nagsawa siya to commit in a serious relationship. Mas na-enjoy niya yung pakikipag-flirting at one night stand. Ika nga, walang kasamang emosyon ng pag ibig o paghanga sa mga ito ang gagawin niyang pakikipagtalik sa kung sinuman.

Maraming benefits pala ang pagiging tripper, nandyan yung bibigyan ka ng mga bagay o pera bilang pasasalamat, hindi yun tinatanggihan ni Mon dahil kusa naman yung binigay sa kanya. At hindi siya nakakaramdam ng anumang lungkot o pagsisisi pagkatapos ng pakikipagtalik niya sa mga nakikilala sa online chat o sa mga napupuntahan niyang gimikan.

Pero isang araw, na-meet niya si Andy. Edad 19. May itsura pero mukhang nasa kapusukan. Kaya naman naging madali sa kanila ang mga pangyayari. Mula sa panonood ng sine hanggang sa pribadong lugar ay naganap ang inaasahan.

Ilang sandali pa ang nagdaan, bago bumangon si Mon at mag-aayos na sana ng sarili nito ng yumakap sa likuran si Andy. Dinama niya ang init ng balat nito sa kanyang likuran.

Andy: Gusto kita!

Biglang bumalik sa alaala ni Mon ang kanyang mga karanasan noong kasing edad niya ito. Naroon ang umasa siya na magustuhan rin ng mga nakakatalik niya pero wala ni isa sa mga ito naging ka- " happy ending " niya.

Mon: Bakit? Bakit mo ako gusto?

Andy: Hindi ko alam! Basta, gusto kita!

Hindi na lamang ito pinansin ni Mon. Alam niya na darating ang panahon, kung naasaan maan siya ngayon ay magiging ganun din ang taong yun. Kung ibabase sa karanasan, hindi imposibleng mangyari yun. Wala siyang balak gumanti sa mga inusente, pero iyun ang hinihingi ng pagkakataon at sitwasyon.

Minsan, madali nating husgahan ang mga nagpapakilala bilang mga " TRIPPER ", na kesyo mukhang pera at yun lamang ang habol. Walang kunsensya at sex lang habol. Minsan, akala natin sila ay mga kapwa bading na nagdedenay ng kanilang tunay na sex orientation at hindi pa maamin sa sarili kung ano at sino ba talaga sila. Naisip ba natin, na baka may mga hindi sila magandang karanasan kung bakit sila naging ganun at bakit nila tinawag nila ang mga sarili nila na " tripper "