Friday, February 15, 2013

Awra sa GYM.

Marami na akong kuwentong naririnig at nababasa tungkol sa mga kakatuwang kuwento tungkol sa mga nangyayari sa loob ng anumang klaseng GYM na nagsulputan saan mang lugar. Para itong kabote na nagsilabasan sa panahon ngayon.
Magkakaiba ang bawat karanasan at istorya, at ilan lamang sa mga maibabahagi ko ay ang mga sumusunod:
Sa isang programa sa telebisyon, isang rebelasyon ang pinagtapat ng isang lalake na sa loob ng GYM na kanyang pagmamay-ari, ay inaalok niya ang mga naroon ( kapwa lalake ) na makipag sapin-sapin sa kanya na may kapalit na halaga.

Nabasa ko naman sa isang online social network na may mga misteryong nagaganap naman sa loob ng sauna at bathroom after mag GYM ng mga nagpapaganda ng katawan.

Pero hindi lahat ay puro kapilyuhan ang kuwento tungkol sa loob ng GYM.

Naroon din ang mga namumuong pagkakaibigan, naroon din ang pagkakataon na makilala ang magiging espesyal na tao sa buhay.

Isang araw, ako ay napagawi sa GYM, hindi para magpaganda ng katawan. Gusto ko lang makita ang mga eksena sa loob ng lugar na yun.

Habang nakamasid ako sa isang lalake, na masasabi kong may kakaibang dating sa paningin ko, biglang nakuha ng nasa likod ko ang atensyon ng pandinig ko.

Isang lalake. Umiiyak habang kausap ang nasa kabilang linya ng hawak nitong cellphone. Parang nagmamakaawa. Parang nakikiusap. Ang bawat hikbi niya ay patunay na pinipigilan nito ang umiyak upang hindi siya mapansin ng mga naroon.

Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa lalakeng kumuha naman ng atensyon ng aking paningin.

Napaka gwapo. Maganda ang katawan. Moreno. Tsinito. Matangkad. Para akong nananaginip habang nakatanaw sa kanya. Nakangiti siya ng mapansin ko. Pero madali naman lokohin ang paningin, kunwari ay sa malayo ako nakatanaw, at panakaw na sulyap lamang ang binibigay ko sa kanya.

Nakita ko ang mga pumapasok sa GYM na yun. Mga magkaka akbay. Tunay na magkakatropa.
May mga nagtitinginan ng pagkalagkit lagkit, hindi ko alam kung saan ang patutunguan.

Hindi ko namalayan, nasa tabi ko na pala nakaupo ang lalakeng yun.

"Bago ka ba dito?", ang boses niya ay nakakalaglag salawal sa pandinig ko. Lalakeng lalake. Masarap pakinggan.

"Hindi! May kakilala lang ako na dinaanan dito!", ang matipid kong sagot.

"Mapapaganda pa yang katawan mo! Kasi, ganyan din ang katawan ko noong nagsisimula palang ako!", ang pagpapatuloy niya. Tumango ako.

"Hindi ka na siguro bago dito sa GYM? Naiilang ka ba?", ang muli niyang tanong. Nilingon ko siya at nginitian.

"Sanay ako makakita ng mga magagandang katawan! Sa loob man ng GYM o sa labas!", ang sagot ko.

Gusto ko nang tumayo at iwan siya, pero may kung anong bagay sa kalooban ko ang pumipigil.

"Kung gusto mo, ako ang aalalay sayo!", ang alok nito. Bigla akong napailing. Mukhang doon ang bagsak nito.

"Mas marami naman dyan, bakit hindi sila ang alukin mo!", ang nasabi ko na lamang. Napahalakhak siya. Ang sarap pakinggan.

"Ikaw ang bahala!", ang tanging sabi na lamang niya.

Tumayo na ito at lumapit sa mga kasamahan nito. At ako naman ay desidido na rin umalis sa lugar na yun. Pero bago ako lumabas ng pintuan, tinanaw ko muli ang lalakeng yun. Nakatingindin siya sa kinaroroonan ko. At sumaludo na may kasamang kindat.

Kagat labi akong napatalikod. Ganun pala ang maging karanasan. Syempre, magkakaiba ng karanasan ang bawat tao sa loob ng GYM. Nagkataon lang na wholesome at pa tweetums ang naranasan ko.
Hindi naman pala literal na may nangyayari agad sa loob ng GYM.

Pero, masasabi ko na isa ako sa mga nakaranas na maawrahan sa loob ng GYM.

Monday, February 11, 2013

sa FUN RUN

Malapit na mag 6AM. Hindi pa rin siya dumarating. Pero umaasa pa rin ako. Kahit na yung isip at puso, nagsisimula ng magtalo.

Pinapanood ko ang mga magkakapareha na nagsisimula ng mag warm up at mag stretching. Muli ko na namang tiningnan ang orasan sa hawak kong cellphone.

"Nasaan ka na ba! Bakit hindi ka man lang nagtetext!"

Ang matamlay kong tanong sa taong yun pero hangin at ako lamang ang nakakarinig.

Bigla akong napangiti ng makita ang pamilyar na anyo, na kahit sa malayo pa ay tanaw ko na at alam ko na yun ang taong inaasahan at hinihintay ko ng mahigit 2 oras na.

"Sorry ha! Traffic kasi! Gawa siguro na gagamitin yung isang highway lane nang mga nasa fun run! Natin na magpa fun run!"

Ang hingi niya ng dispensa. Iniabot ko sa kanya ang isang energy bottled drink. Kinuha naman niya ito.

"Kumain ka na ba? Hindi pa naman yata magsisimula ang fun run!"

Ang sabi niya. Umiling ako at inayos ang laman ng bagpack.

"Nabusog na ako ng dumating ka! Akala ko nga, iindyanin mo ako!"

Ang pagbibiro ko sa kanya. Napakunot noo siya ng mapansin na may hinahanap ako sa loob ng bagpack.

"May nawawala?"

Ang pag aalala niya. Inalalayan niya ako sa paghawak ng bagpack.

 "Hindi! May kukunin lang ako!"

Pati yung kamay niya, ipinasok na niya sa loob ng bagpack.

"Ano ba yun?"

Ang pag aalala pa rin niyang tanong kahit hindi alam ang hinahanap ko, gumagalaw ang mga kamay nito. Nagkakahawakan tuloy kami ng mga kamay.

"Nakapa ko na!"

Ang sabay na labas ko ng bagay na yun. Napangiti siya ng makita ang hawak ko.

"Mag shave ka muna! Ang gwapo mo kasi sa balbas mo! Baka dumami ang magka crush sayo! Alisin lang natin yan!"

Ang pagbibiro ko sa kanya. Kinuha naman niya ulit ang shaver at sinimulan na ahitin ang balbas nito.

"Ready ka ah!"

Ang sabi niya. Napakibit balikat lang ako.

Pinagmamasdan ko ang pag-aahit niya ng balbas, at nakatingin lamang siya sa akin habang ginagawa niya yun.

Saturday, February 9, 2013

Ako&siCrush: Kung Hei Fat Choi


Buong araw yata akong nagtext ng mga pasimpleng pagpapa-cute sa kanya, pero dedma talaga.
Matatapos nalang yung bisperas ng chinesse new year, wala pa rin siyang reply.

"Bakit ba kasi ako umaasa! Sino ba naman ako para bigyan niya ng panahon!"

Ang sermon ko sa aking sarili.

"Isa pa! May karelasyon na yung tao! Syempre, mas pag eeffortan niya yun kamustahin kesa sa akin!"

Ang dugtong ko pang sermon sa aking sarili. Pero yung mga mata ko, nakatutok sa lcd ng hawak kong cp.

Umaasa nga talaga ako na iilaw yun at magre register yung pangalan niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Matatapos na ang magdamag. Ilang oras nalang, chinesse new year na. Nakakatanggap naman ako ng mga text mula sa ibang kaibigan. Pero hindi yun ang hinihintay ko.

Gusto kong mainis sa sarili ko. Pinapaasa ko na naman ang sarili ko sa wala.

Nakaidlip na ako hanggang sa magising ako ng bandang 12:09AM. Bagong taon na nang mga intsik.

Kinuha ko ang cp ko sa aking tabi at ganun na lamang ang ngiti ko ng makita ang nag iisang text. Ang pangalan niya ang naroon.

Binasa ko ang text, ang haba. Nagpapaliwanag siya kung bakit siya hindi nakakapagtext.

Ano pa nga ba ang dahilan, busy sa kanyang negosyo na lumalawak na. Naisip ko, na 1 day, paano kung lalong lumaki ang espasyo ng negosyo nito at makasalamuha ng maraming tao, baka makalimutan na niya ako ng tuluyan.

Pero ano ba ang karapatan ko para mag demand sa kanya.

Binasa ko muli ang text message niya.
Talagang nagpapaliwanag ang bawat pangungusap na naroon. Yun nalang ang panghahawakan ko. Ang konting oras mula sa kanya.

Ako&Ikaw: He Denied!

Habang nakikinig ako ng kantang "Bakit Labis Kitang Mahal", biglang tumawag ang mokong. Sun to smart.

Nagtaka ako. Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago sinagot ang kabilang linya.

"Aba! Na wrong dial ka yata? Magkaibang network tayo, baka maubos ang load mo ;p"

Narinig ko ang paghalakhak niya sa sinabi ko.

"Ayaw mo bang tinatawagan ka? Umeeffort na nga ako!"

Ang himig pagbibiro niya. Hindi ako nagpaapekto sa pambobola ng mokong.

"Oh bakit napatawag ka? Huwag mong sabihin na wala lang?"

Ang tanong ko na lamang para lamang may topic na mapag usapan.

"Wala naman! Naisip lang kita tawagan! May lakad kasi ako today!"

Ang sagot ng mokong. Napangiti ako doon.

"Ikaw naman! Hindi mo pa sabihin na namimiss mo ako!"

Sabay tawa ko. Napatawa rin siya doon.

"May lakad ako with you know! Friends din natin!"

Isang tao lang rumehistro sa isipan ko sa mga oras na yun. Nagdadalawang isip akong magtanong sa kanya tungkol sa estado ng ugnayan nila sa taong yun, pero isang biro ang binitawan ko.

"Date nyo ba?!"

Bigla siyang sumagot ng,

"Hindi no!"

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nun. Sa totoo lang, pinagseselosan ko talaga ang taong yun sa kanya.

"May iba akong nirereto sa kanya! Ewan ko lang kung they interested sa bawat isa!"

Ang paliwanag niya, hindi ko naman sinabing mag explain ang mokong.
Napangiti ako ng pagkatamis-tamis nun.

"Akala ko kasi, like nyo ang isat-isa! Hehehe!"

Ang nasabi ko nalang.

"Sus! Malabo!"

Ang sabi pa niya.

"O sige na! Masyado ng mahaba ang usapan na ito! Umaabuso ka na sa oras ko!
Pinapatagal mo pa lang talaga eh dahil sarap na sarap ka sa boses ko na pakinggan! Hahaha!"

Ang biro ko pa. Pero may halong kilig yun.

"Sige! See you soon!"

Ang tanging sagot niya sa biro ko.

"Ingat!"

Friday, February 8, 2013

Ako&Ikaw: Souveigner

Iniabot ko sa kanya ang isang souveigner mula sa pinuntahan kong lugar. Matagal niya iyung pinagmasdan.

"Sorry ha! Hindi yan mamahalin! Alam mo naman, budgeted lang ang dala ko ng pumunta ako ng Bagiuo kasama ang mga kaibigan ko!"

Ang pangunguna ko ng sabi sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya.

"Hindi naman ako tumitingin sa presyo! Na-appreciate ko yung effort! Salamat!"

Napaka-casual talaga ng mokong. Wala man lang kalambing-lambing.

"O sige na! Mauna na ako sayo! Hindi ako sasama sa gimik tonight! Gusto ko lang magpahinga! Nakipag meet lang ako para iabot yan...at para makita ka "

Ang pagbibiro ko sa huling sinabi ko. Napangiti ang mokong.

"Pumunta ka lang dito para iabot itong maliit na bagay at para lang makita ako?"

Ang pagtatanong niya. Parang gusto kong batukan ang mokong.

"Gusto mo pang inuulit? Kilig na kilig ka naman!"

Ang sinabi ko nalang. Napahalakhak siya.

"Salamat ha!"

Ang habol niya ng sumaludo na ako ng pamamaalam sa kanya.

Thursday, February 7, 2013

Ako & si Crush

He invited me. Oo. Naimbitahan ako ni crush pumunta sa isang event sa isang kilalang college university sa Greenhills.

Syempre, excited ako, hindi dahil sa event, kundi dahil sa magkikita kami. Inisip ko na rin na posibleng isa lang ako sa mga tinext niya para pumunta, pero ok lang.

Ang mahalaga, binanggit nita ang pangalan ko sa text message niya, kahit edited pa yun.

Nasa harapan na ako ng gate.

Gusto ko sana itext si crush na naroon na ako, pero baka busy yun, at saka napaka demanding ko naman kung magpapasundo pa ako.

Iniisip ko na magtanong sa gwapong guard sa gate, baka kasi maligaw ako. Pero biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si crush.

Baka na wrong dial lang siya, pero ang tagal ng ring. Baka naman napindot lang, pero 3missed calls na eh.

Mag iisip pa ba ako ng ibang dahilan. Baka nga, ako talaga ang tinatawagan ng crush ko.

"Hello!"

Ang mahina kong pagbati. Kinakabahan ang boses ko, pero kalmado ang pinaramdam ko sa kabilang linya.

"Nasaan ka na? Hinihintay kita! Nang sabihin mong pupunta ka, inihanda ko na ang sarili ko to meet you here!"

Parang gusto kong mapatili.

Hahaha.

Sa narinig kong yun, kahit ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi kayang tumbasan ang kilig na nararamdaman ko sa mga oras na yun.

"Nandito na ako, actually! Kakarating lang! Hahanapin ko nalang yung lugar kung saan maraming tao! Natitiyak ko na naroon kayo!"

Ang malumanay kong sagot sa kabilang linya.

"Baka maligaw ka ng tingin ha! Ang dami pa namang nakakaligaw ng tingin dito ;p"

Ang pagbibiro niya. Napangiti ako.

"Sus! Ikaw ang pinuntahan ko dito, hindi sila!"

Ang pasimple kong biro sa kanya.

----------


Malawak ang campus. Kaya natagalan bago ko nakita ang puwesto ng lumalaking franchise business ni crush.

Napansin na niya agad ako.

At mukhang sasalubungin niya ako ng yakap.

Joke lang. Nag iimagination lang ako ng mga pang pelikula na pagsalubong.

Yung nauusong "i-Dawn Zulueta mo ako".

Hehehe.

"Sorry ha! Hindi na kita nasundo sa gate! Medyo busy at dumarami na ang customer! Kamusta? Kumain ka na ba?"

Ang pag aalala agad niya sa akin. Ngumiti lang ako. Napansin ko, wala akong makitang pamilyar na mukha sa paligid namin.

"Nasaan yung iba?"

Ang pagtataka kong tanong. Napakunot noo siya.

"Sinong iba? May pupunta pa ba?"

Ang balik niyang tanong sa akin.

"Kung nasaan yung ibang kakilala at kaibigan na umuugnay sa ating dalawa!"

Nahulaan niya ang ibig kong sabihin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang isa kong braso. May papisil pisil pa.

"Wala! Ikaw lang yung inimbitahan ko dito!"

Hindi ko alam kung napansin niya yung pamumula ng magkabila kong pisnge. Napalingon kunwari ako sa likuran ko.

"Oo nga! Ang daming cute dito!"

Ang tanging nasabi ko para malihis ang usapan. Kasi, kinikilig ako sa mga oras na yun.

"Mas cute sa akin? Baka maagaw na nila ang atensyon mo na sa akin lang dati umiikot!"

Bigla akong napaubo. Nag alala si crush. Inalok ang ng tubig at dinala sa isang upuan.

"Baka pagod at gutom ka na sa byahe?"

Umiling ako. Pero yung mga mata ko, uhaw na uhaw talaga na makita siya.

Hehehe.

----------

@akosichardee

Wednesday, February 6, 2013

The 1st time,I Met You!

Hindi ko talaga ugali ang makipag meet na nakilala ko lang dahil sa isang social network. Pero nang maramdaman ko na mukhang mabait at nagpapakita ng interes sa akin ang lalakeng yun, sino ba naman ako para maging choosy. Kahit hindi naman siya gwapo at macho sa kanyang profile pic.

"Hindi ko inaasahan na may sasakyan ka pala!"

Ang sabi ko ng sumakay ako sa tabi niya, sa harap ng sasakyan.

"Oo eh! Hindi naman ito big deal di ba?"

Ang tugon niya sa sinabi ko. Napangiti nalang ako at nagpokus na tumingin sa labas ng sasakyan.

"Ano ang pinagkaka-abalahan mo?"

Ang tanong niya sa akin. Ready na ako sagutin yun. Ganun naman talaga sa mga ganung eksena.

"Freelance agent ako. Kung anu-ano lang ang binibenta ko! Using my charm at may kasamang pang uuto!"

Ang sagot ko. Napangiti siya sa narinig niya. Siguro, pinagtatawanan ako nito. Pero hindi ko nalang pinansin.

"Huwag mo akong bebentahan ha! Wala akong ipambibili!"

Ang biro niya sa akin. Tumahimik ang paligid dahil abala siya sa pagmamaneho. Ako naman ay nakikiramdam lang.

"Sana, makasama kita sa ibang lakad ko!"

Ang alok niya sa akin. Akala ko pa naman, date ang bagay na yun. Hindi pala.

"Oo naman! Walang problema sa akin!"

Ang matipid kong sabi.