Naramdaman mo ang panghuhusga, kahit hindi man nila sabihin pa, alam mo sa lihim nilang pag uusap, pagkukuwentuhan at paano tumingin sa aking kinaroroonan, naroon ang mga babala at pag iwas na ikaw ay kanilang pakitunguan bilang tao rin naman.
Parang malaking krimen ang bansagang " mang-aagaw, malandi at kiri ".
Pero bakit nga ba ito nasasabi ng aking mga kabaro, nang dahil lamang sa kanilang mga obserbasyon, o dahil sa naging ako ay isang "friendly at sweet" sa iba, higit sa mga may karelasyon na.
Hindi mo magawang ipagtanggol ang sarili mo, dahil pagtutulungan ka na nilang husgahan, mas kakampihan nila ang akala nila ay dehado, hindi ba ang kawawa dito ikaw, dahil hindi man lang nila ikaw binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, o sadyang bingi na sila dahil sila ay nasulsulan na ng pinanigan nila.
May mga dahilan kung bakit ang isang 3rd party ay namagitan sa dalawang taong commited sa isat-isa. Hindi naman lahat ay dapat isisi sa kanya, minsan ba naitanong ng dalawang taong yun sa sarili nila o sa isat-isa kung bakit may 3rd party sa pagitan nila?
Mahirap husgahan ang mga tinatawag nilang 3rd party lalo kung wala ka sa sitwasyon nila. May magkakaibang rason at dahilan kung bakit sila namamagitan sa dalawang taong akala natin ay magtatagal dahil sa mga salitang " loyalty at faithful".
May karapatan din silang humanga sa lahat ng klase ng tao, ng mga walang karelasyon man o committed, at karapatan din nilang hangaan sila ng commited na tao o walang karelasyon man.
---------------